ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 9

SaviorKitty

Kabanata 9:

"Paabot ng pamunas, please," sabi ni Savy sa lalaking kasama niya sa isang kwarto. The man stood up, took a tissue and handed it to her, she can't take her gaze away from his tattoo on his left arm.

The man noticed her eyes. Tumaas ang kilay nito saka ang gilid ng labi. "Gusto mo pa ba?"

Kaagad siyang umiling. "H-Hindi na, tama na anong oras na. Uuwi na ako."

The man chuckled. "All right, babe. Magbibihis lang ako tapos ihahatid na kita." Pinanuod niyang pumasok sa banyo ang lalaki.

Savria pulled her hair in frustration, it's already three in the morning. She finally calmed but nervous at the same time. Nakauwi na kaya si Terron? Hindi naging maganda ang pag-uusap nila kanina at isa pa ay medyo masama rin ang loob niya dahil sa sinabi nito pero naiintindihan naman niya.

Wala siyang karapatan magtampo, siya rin naman may mga bagay na hindi sinasabi sa asawa.

Habang hinihintay ang lalaki ay binuksan niya ang kanyang phone na pinatay niya kanina. Sunod-sunod na pumasok ang mga text, ang iba ay galing sa mga kaklase niya dahil nga madami silang ginagawa ngayon.

When Savy saw her aunt's messages, she exhaled deeply.

'Kanina pa kita tinatawag, patay ang phone mo. Anong balita? Baka nakakalimutan mo kung bakit ka nandyan?'

Madami pang mga mensahe ang kanyang tiyahin, puro patungkol sa pera at dahilan kung bakit siya kinasal kay Terron. Nag-reply siya sa kanyang Tita saka pinatay ulit ang telepono, she knew that Terron connected her phone location to his. Mautak ang lalaki pero mas mautak siya, pero sana nga gano'n lang kadali. Sana utak lahat ng basehan kasi habang tumatanggal ay parang natatalo na ng puso niya ang utak niya.

"Are you ready?" Napalingon siya sa nagsalita, kalalabas lang ng lalaki mula sa banyo.

Inayos niya ang suot niyang damit, nakakahiya sa lalaki dahil inistorbo pa niya. "Sorry talaga ha, Jamall."

Umismid si Jamall, ang lalaking laging nandyan para sa kanya. Malaki ang tiwala niya rito dahil alam nito ang lahat sa kanya.

Lumapit ito sa kanya saka kinuha ang pitaka at inabutan siya ng sampong libo. "Here, your allowance. Alam kong nagsisimula na ang klase mo at kailangan mo iyan, alam ko naman hindi ka basta-basta nakakahingi sa asawa mo."

Kinagat ni Savy ang ibabang labi. Alam naman niya iyon, nahihiya rin siya kay Terron dahil sa biglang pagpasok niya sa buhay nito.

"Salamat talaga, Jamall. Nakakahiya pero tatanggapin ko ito, utang 'to babe, peksman mamatay ka man," pagpapagaan niya ng loob, ayaw na ayaw niyang binibigyan pero alam din niyang kailangan niya ito ngayon.

Natawa si Jamall.

"Alam mong may kapalit 'yan, Savria."

"Alam ko," nakangusong usal niya saka tumayo sa kama pero kaagad din napaupo dahil kumirot ang kanyang paa. "Ang sakit kasalanan mo 'to," sisi niya sa lalaki.

Mas humalakhak ang lalaki, kinuha nito ang mineral water sa gilid at inibot sa kanya, kaagad siyang uminom doon habang nakasimangot.

Nakakauhaw.

"Ikaw naman humiling no'n, pinagbigyan lang kita," Jamall teased her.

Hindi na siya sumagot sa lalaki dahil totoo naman. Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking matangkad. He's Jamall's friend. Special friend, he's a Police man.

"Oh, uuwi na ang kamahalan?" tanong nito hindi niya alam ganyan ang tawag nito sa kanya. Kababa lang ng lalaki sa telepono dahil lumabas ito kanina para kausapin daw ang isang kakilala.

Jamall nodded. "Hahatid ko lang."

"Ba't hindi na lang siya rito matulog?"

Nagpalipat-lipat tuloy ang kanyang tingin sa dalawa. "Ayaw niya, uuwi raw siya e. She's worried about her husband," segunda ni Jamall saka napailing na parang disappointed ito sa desisyon niya.

"Tsk, pagkatapos siyang sabihan ng gano'n? Kung ako sa kanya hindi na ako uuwi," the Police man added.

Jamall tsked. "Martir 'to."

Napalabi siya dahil kung pag-usapan siya ng dalawa ay para bang wala siya roon. Nagpaalam na siya sa Pulis at tuluyan umalis sa lugar na iyon, naging tahimik ang kanilang biyahe ni Jamall. Ayaw siyang pauwiin ng lalaki pero kailangan, kahit naman masama ang loob niya kay Terron ay asawa pa rin niya ito, doon pa rin siya uuwi at uuwi.

Kaya pa niya.

"If you need something, just call me, huh? Put some password to your phone babe, okay?" paalala sa kanya ni Jamall, inabot nito ang kanyang braso at bahagyang hinimas.

Tumango siya at bahagyang iniwas ang braso sa lalaki, saka tumingin sa madilim na kalsada na dinadaanan nila. Hanggang makarating sa building kung saan nakatira si Terron ay naging tahimik na siya, bumaba siya sa gawing parking lot na malayo sa entrance para hindi makita ng ibang tao.

Mahirap na.

Pagpasok niya sa condo ay tahimik ang buong lugar akala niya ay wala pa roon ang asawa pero napasinghap siya nang makita si Terron sa kwarto, tulog na ito habang yakap-yakap ang kanyang unan. Kaagad niyang nakilala iyon dahil iba ang print ng punda no'n.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama, mukhang nakatulugan ni Terron ang telepono dahil hawak-hawak pa nito iyon.

"Bakit mo yakap unan ko, Papi? A-Akala ko ba kay Lisa 'yan?" mahinang bulong niya.

Iyon lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit.

Kinuha niya ang cellphone ng lalaki sa kamay nito para sana itabi sa gilid pero umungot ang lalaki na parang naalpungatan at lasing na itinapat nito ang telepono sa tainga.

"Hmm h-hello? Baby, uwi ka na. Hello? M-Magsalita ka naman." Napakurap-kurap siya dahil sa bulong ng lalaki bago bumalik ulit sa tulog at mas isiniksik ang mukha sa unan na ginagamit niya.

Uminom ba siya ulit? Parang mas lasing na si Terron kaysa kanina.

Umungot si Terron, nanatiling nakapikit ang mga mata at bahagyang hinimas ang unan. Pilit nitong itinatapat ang telepono sa tainga kahit nahuhulog.

"H-Hello? Ba't hindi kita ma—marinig?" bulong nito bahagya pang sumipa pa, umarte itong humihikbi. "S-Sorry na, bati na tayo ha?"

Hindi alam ni Savy kung matatawa ba siya o ano. Naupo siya sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki na unti-unti nang lumalalim ulit ang tulog, dahan-dahan nitong nabitawan ang telepono.

Hinimas niya ang noo ng asawa.

"Sandali na lang, Asukal de papa. Kaunting oras lang, sorry," bulong niya.

She carefully lay next to the him, letting Terron hug her pillow, and staring at her husband for a few moments before succumbing to sleep.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang tulog bago siya may mapaginipan.

Naramdaman niyang parang may yumakap sa kanya at hinalikan ang kanyang balikat ng ilang beses, sa sobrang antok ay hindi na niya nagawang buksan pa ang mata.

"I'm sorry, baby. I won't do it again."

_________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store