ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 8

SaviorKitty

Note: Unahan ko na po kayo, may mga magagawa/desisyon ang mga characters dito na lalabag sa pananaw niyo at maski akin, pero ibibigay ko kung ano sa tingin ko ang deserves nila, trust the process. If this is not your cup of tea, skip. Protect your inner peace. Pakiramdam ko maraming hindi tatapos nito kaya ngayon pa lang congrats sa makakatapos. Thank you!

Kabanata 8:

"INGAT, Papi daks! Galingan mo sa paghakot ng semento! Buhat well," ani Savy nang isang umaga pagkalabas niya sa kwarto, papasok na siya sa trabaho. Sabado ngayon at walang pasok ang babae.

Napasimangot siya't bumaba ang tingin sa tatlong lunch box na nakalatag sa lamesa. Savy wake up early this morning to murdered... oh, yeah. Cook.

She cooked breakfast and lunch, they just finished their breakfast. Medyo nagkakalasa naman, siguro kapag umabot sila ng limang taon ay baka sumakto na ang lasa.

Hindi niya maiwasan matawa sa naisip.

"Bakit ka tumatawa, Asukal de papa? Pinagtatawanan mo ba ang plating ko? Woy, ang tagal kong inayos 'to," himutok ng babae.

Nagkaguhit sa kanyang noo dahil sa sinabi ng babae, lalo na sa tono nito na buong pagmamalalaki habang nakaturo sa mga pagkain. Giniling na isda, well dumikit na naman ulit sa kawali. Sa katunayan ay bumili pa sila kahapon ng hapon ng bagong kawali dahil sinisi ni Savria ang mga gamit sa kusina, pero ngayon na bago na ay gano'n pa rin.

"Huwag mong husgahan ang tilapia ko, masarap 'yan. Medyo durog lang, dali tikman mo ang tilapia ko," depensa ng babae.

Terron tsked and his breath quickered. "Ayusin mo nga salita mo," he hesitated, feeling awkward.

Nagtatakang tiningnan siya ng asawa, hindi na niya ito pinansin saka sinipat ang niluto nito. Sa isang box ay kanin, sa isa pang box ay isda, at sa gilid no'n ay kamatis at talong habang sa huling box ay may... wait, what is that?

"A-Ano 'to?" Now, he's nervous for his life.

"Hehe, dessert 'yan Papi. Leche Flan 'yan kaso nagka-leche-leche kasi 'yong steamer mo, medyo sira ata," sisi na naman nito sa gamit.

Napailing siya dahil mukhang puto ang leche Flan na gawa ni Savy, mukhang kailangan na niyang i-ready ang tiyan niya mamaya.

"Huwag ka na maarte, Asukal de papa ang mahalaga ay nagluto. Effort 'yan no, bakit may nagluluto ba sa'yo dati?" paghahamon pa ng babae.

Napalabi siya para pigilan ang tawa dahil parang siopao ang mukha ng babae. Naisip niya ang sinabi nito, kung mayroon, pero wala. His ex doesn't know how to cook, they always eat outside.

"Speaking of dati, may naging jowa ka ba, Papi?" biglang tanong ni Savy habang inaayos ang mga hugasin na ginamit nito, halata ang kuryosidad sa boses.

Napatuwid si Terron ng tayo, he doesn't want to talk that topic.

Hindi siya kaagad nakapagsalita, tinatansya kung ano ang sasabihin.

"Luh, hindi makasagot? Babaero ka siguro. Edi may ex ka nga? Ilan? Pass sa may three years relationship na ex," mabilis na sabi ni Savy, bahagya pang nakanguso.

Nalukot ang kanyang mukha dahil doon, bumaba ang kanyang tingin sa labi ng asawa.

"You can't pass now, we're married now. I'm your husband," he remarked while clenching his jaw. Pass my ass.

"Edi may three years nga? Awit. Sana all." Terron tsked.

"Two years. Why are you asking?"

"Eh, kasi sabi nila kapag three years na mahirap na makuha, hindi makaka-move on sa ex e ikaw two years. Kaya pa 'yan," nakakasiguradong usal ni Savria.

Hindi siya nakapagsalita, hindi niya sigurado. Imbes na sagutin ay iniba na lang niya ang usapan.

Terron took a deep breath before giving his wife a slight smile. "Thank you for cooking. Sabi ko naman sa'yo hindi naman kailangan pero salamat."

Nakikita naman niya ang effort na ginagawa ng babae, sa katunayan ay naging busy sila pareho lalo't kakasimula lang ng bagong sem ni Savria at siya naman ay kababalik lang galing sa isang linggong work leave kaya tambak ang trabaho na naiwan niya.

"Hindi ako tumatanggap ng thank you lang Papi, kiss mo ako para matuwa ako sa'yo, dali!" Savria gave him a winked and pouted her lips.

Napapailing na hinalikan niya sa noo ang babae saka lumayo, ayaw niyang malapit sa babae. Ayaw niya ng pakiramdam, hindi siya sanay.

"Tipid naman, wala pang tunog," bulong ng babae animong may hinanakit pa sa kanya.

Sa isang linggo, simula ng halikan niya ito noong gabi ay laging nagpapahalik ang babae tuwing papasok sa school, sa noo lang.

Para tuloy siyang may anak.

Inayos na niya ang box at inilagay sa bag na dala, sa gilid ng kanyang mata ay pinapanuod niyang bumulong-bulong ang babae, para atang sinusumpa na siya.

"Aalis na ako," paalam niya.

Hindi nagsalita si Savria, naglakad na siya papunta sa pintuan habang hinihintay ang paalam nito katulad ng ibang araw pero wala man lang kaya nilingon na niya ang babae.

"Savy, aalis na ako. I-lock mo 'yong pinto," paalala niya dahil baka hindi narinig 'yong una.

Tumango ang babae saka nagsimula nang magligpit ng mga kalat sa lamesa. Hinawakan niya ang doorknob, malakas siyang bumuntonghininga. Fucking shit, Terron. Lalabas na sana siya pero kusang humakbang pabalik ang kanyang paa.

Hinila niya ang pulso ng babae at iniharap sa kanya, nakita niyang nagulat si Savy dahil kanyang pagbalik. Bago pa makaangal ay hinawakan na niya ang panga nito at mabilis na hinalikan sa labi, may tunog katulad ng gusto nito.

Sandali lang iyon, napasinghap si Savy at nanlaki ang mata nang humiwalay siya.

He wet his lips. Stopping himself to kiss her more.

"I have to go, lock the door, message me if something happens," he whispered against their lips.

"S-Sige. I-Ingat," utal na sabi ng babae na hindi pa ata nakakabawi, nakangising tumalikod siya at lumabas sa condo.

Hindi maalis ang ngisi niya hanggang site, parang tangang siya at kaagad napansin iyon ng kaibigan nang magkasalubong sila papunta sa kanyang office.

"Good mood ata si Engineer, naka-goal?" tanong nito at sumunod sa loob ng opisina.

Inirapan niya ang lalaki at inilapag ang bag sa lamesa, iniayos niya pa iyon dahil nandoon ang mga hinanda ng asawa, baka matapon.

"Gago."

Hindi niya naiisip ang bagay na 'yon kay Savy, oo at nakakaramdam siya ng pagnanasa pero ayaw niyang samantalahin ang kainosentahan ng babae. Walang kasiguraduhan ang mayroon sila at hanggat hindi pa niya sigurado ay ayaw niyang gawin iyon.

For fuck sake, his wife is too innocent and fragile.

Buong araw ay naging abala siya site lalo't patapos na rin ang ginagawa nilang bangko, may isang project na bahay siyang tinanggap noong nakaraan araw. He needs more income, lalo na ngayon na hindi na lang sarili niya ang iintindihin niya at para na rin sa future nila ni Savy.

Nang magtanghali ay nakipag-meeting si Terron sa bagong client niya. Pabalik na sana siya sa opisina nang may makasalubong na pamilyae na babae,  nanlaki ang kanyang mata nang makilala iyon.

"Lisa?" he called his ex.

The woman looked at him, nagulat din ito sa presensya niya bago tuluyan lumapit. "Terron! Kumusta? Sorry pala tungkol sa kotse mo ha?"

Mabilis siyang tumango, ramdam niyang bumilis ang tibok ng dibdib niya sa lapit nilang dalawa. Boses pa lang ng babae ay kinikilabutan na siya.

"Ayos lang, ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong niya, hinawakan niya ang braso ng dalaga upang sipatin kung may galos.

Natatawang umiling ang babae, suminghap siya dahil ang ganda ng babae. "Ano ka ba, okay na ako. Anong ginagawa mo rito?"

"A-Ah, nakipag-meeting. Kumain ka na ba?" binasa niya ang ibabang labi nang umiling ang babae.

"Hindi pa nga e, suma-side line ako. Nagbebenta ako ng DIY soap, pandagdag. Alam mo naman, hina ng kita sa pagtuturo. Baka gusto mong bumili, regalo mo sa misis mo." Tumaas-taas ang kilay ng babae.

Wala na siyang maintindihan, ang naiisip na lang niya ay kung paano aayain kumain ang babae.

"Uy sorry hindi ako nakapunta no'ng kasal mo, nag-aya kasi si bakla ng outing." Mabilis siyang tumango.

"Ayos lang. Hmm, gusto mo bang kumain? Bibili ako ng sabon," damn it. Kahit sandali lang sana pumayag.

"Hmm, ayos lang naman. Tara libre mo ha tapos kwentuhan mo ako."

Hinawakan niya ang babae sa braso saka hinila papasok sa isang restaurant doon.

LUKOT ang mukha ni Savy habang naglilinis ng kwarto, sumasakit na ang balakang niya gagawa pero ayaw niyang tumigil dahil kapag wala siyang ginagawa ay baka mag-overthink lang siya.

Inilibot niya ang tingin sa kwarto nila, isang linggo na silang magkatabi ni Terron at nagpapasalamat siya't hindi na ulit nangyayari iyon.

Sana magtuloy-tuloy.

Pumasok siya sa walk-in closet at balak sana magtiklop nang damit pero nahagip ng kanyang mata ang isang unan sa ibabaw ng cabinet.

"Ba't nandito 'to?" bulong niya.

Mabilis siyang kumuha ng upuan upang kunin iyon, napangiti siya nang maisip.

Lalabhan na lang niya ang mga punda at kumot. Tama! "Siguradong matutuwa si Asukal de papa nako!" masayang bulong niya.

Halos magkasugat-sugat pa ang kamay niya kakakusot, walang washing si Terron. Saan ba nagpapalaba ang lalaki? Ba't walang washing machine?

Nang matapos ay sinampay ang mga iyon sa teresa, doon lang pwedeng isampay, ito ang hirap sa mga nakatira sa building.

Pasalampak na naupo si Savy sa sofa at napatingin sa orasan. Lagpas tanghalian na. "Kumain na kaya 'yon? Hmm, sana naman ayos 'yong niluto ko," bulong niya.

Bigla tuloy niyang naalala na ilang araw sumakit ang tiyan niya dahil sa kinain nilang kalamares pero hindi na lang niya sinabi kay Terron, nakakahiya baka sabihin nag-iinarte siya.

Ang totoo ay hindi naman kasi siya nakakakain ng gano'n noon kaya hindi sanay ang tiyan niya.

Pili lang ang pagkain na pinapakain na pwede sa kanya.

Inubos ni Savy ang oras sa panunuod ng tv, halos hindi niya namalayan na maggagabi na dahil sa pinapanuod na kdrama. Natauhan lang siya nang bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaki.

Kaagad siyang tumayo para salubungin si Terron pero natigilan siya nang maamoy ang alak sa katawan nito.

He's drunk.

"P-Papi?"

Hinilot ni Terro ang batok saka dumeretsyo sa sofa, niluwagan ang necktie. Mukhang pagod na pagod ang lalaki kaya nag-alala siya, baka may nangyari sa site.

"May problema ba?" Umupo siya sa tabi nito sa sofa.

Terron chuckled. "Wala, napainom lang kaunti."

Napanguso siya dahil ayaw niya sa amoy alak, ayaw niya sa lasing pero dahil si Terron iyon ay napapatag naman siya. "Kumain ka na ba? Kumusta 'yong niluto ko? Nasaan na 'yong tupperware para mahugasan." Pag-iiba niya nang usapan habang nakangiti.

Sandaling natigilan si Terron saka bumuntonghininga.

"Masarap, naiwan ko sa site. Bukas na lang."

Mabilis siyang tumango at nakahinga nang maluwag. Mabuti naman at nakain niya.

"Hmm, nga pala nilabhan ko 'yong mga punda at kumot pati na rin 'yong nandoon sa loob ng walk-in closet mo, ang hirap nga Papi kasi—"

"What?" Nagulat siya nang biglang tumayo si Terron papasok sa kwarto.

Kaagad niyang sinundan ang binata, anong nangyari? Excited ba si Terron makita ang nilabhan niya?

Kumalabog ang pintuan ng walk-in closet nang pumasok doon si Terron nang lumabas ang lalaki ay pulang-pula ang mukha nito.

"Nasaan na?" his jaw clenched.

Gulat na tinuro niya ang teresa sa kwarto. "N-Nandoon pa, tuyo na siguro."

Malalaki ang hakbang ni Terron papunta roon, inisa-isa ang mga pillow case. Pinanuod niyang amuyin ni Terron ang isang case na may print na puso.

"Tangina naman!" mura nito saka binalibag ang punda sa kama.

Halos humampas ang puso niya sa kaba ng lumapit si Terron sa kanya at hinawakan ang braso niya, galit na galit.

"A-Asukal—"

"Bakit ka nangingielam ha?! Sinabi ko bang pakielaman mo ang gamit ko? Sinabi ko bang labhan mo iyon?!" Terron face became more aggressive and dangerous, his grip tightened.

Umawang ang labi niya sa takot.

"H-Hindi ko naman alam, ayaw mo. G-Gusto ko lang naman makatulong." Ilang beses siyang lumunok para pigilan ang luha, ayaw niyang makita ulit ng lalaki ang luha niya.

Hindi niya pwedeng ipakitang nasasaktan siya.

Pilit niyang inaalis ang kamay ni Terron sa kanyang braso. "Nasasaktan ako, bitawan mo ako please," mahinahong aniya saka tipid na ngumiti. "Sorry na."

Napamura ulit si Terron. "Importante sa akin iyon, 'yon na lang mayroon ako kay Lisa tapos kinuha mo pa!" sigaw nito, lasing na lasing na talaga.

Ngayon lang siya nasigawan ng lalaki, mahinahon ang mukha niya pero sa loob niya ay nanginginig na sa takot.

"Lisa? Sino 'yon?" tanong niya, unti-unting sumisikip ang dibdib.

Maliit na bagay lang iyon pero kay Terron ay sobrang laki na noon kaya hindi niya maiwasan maisip kung sino ang Lisa na iyon, lagi nitong binabanggit.

"Wala kang pakielam, huwag ka na mangingielam ng gamit ko simula ngayon. Pinaka ayoko sa lahat pinapakielaman gamit ko."

"P-Pero asawa mo naman ako hindi ba? Ang sa'yo ay akin na kaya—"

"Asawa lang kita sa papel! Know your place."

Binitawan ni Terron ang kanyang braso, malalaking hakbang na umalis sa kwarto.

Narining niya ang pagkalabog ng pintuan ng condo.

Mabilis niyang sinundan si Terron pero tuluyan na itong nakaalis. Unti-unti siyang napaupo sa kama, napatitig siya sa nanginginig na kamay.

Wala sa sariling inabot niya sa sofa ang bag ni Terron, mas lalo siyang nasaktan nang makitang nandoon ang lunch box na hinanda niya. Walang bawas maski isang tikim. Hindi man lang ginalaw.

Pagak na natawa si Savy.

Ilang beses siyang huminga nang malalim para kumalma pero ayaw mawala ng sakit ng dibdib niya.

Unti-unting tumulo ang luha niya, kahit saan siya pumunta ay ganito pa rin.

Mabilis niyang kinuha ang telepono, kailangan niyang kumalma. Ilang ring pa lang ay sumagot na ang lalaki, narinig niya ang hininga nito sa kabilang linya.

Sunod-sunod na tumulo ang luha niya, napatakip siya sa kanyang bibig habang umiiling at hindi nakapagsalita.

"I need some cock, now. I want two big cock, I need it so bad."

__________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store