ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 7

SaviorKitty


Kabanata 7:

INILAPAG ni Terron ang isang baso ng tubig sa harapan ng asawa na hindi makatingin sa kanya, pinaglalaruan ng babae ang mga daliri habang nakaupo sa sofa.

Naupo siya sa tabi ng babae, bahagyang kumunot ang noo niya nang makitang bahagya pa itong napaigtad palayo sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit.

Hindi niya makalimutan ang nangyari sa park kanina. The way she cried, her body trembled in fear, he can't think properly anymore.

He kissed her! He fucking kissed her lips to make her calm.

Mukhang gumana naman pero parang siya ngayon ang kailangan kumalma. Pakiramdam kasi niya ay nakadikit pa rin ang labi nito sa kanya hanggang ngayon.

"Ayos ka na ba?" mahinahong tanong niya.

Alas-tres na ng madaling araw pero heto sila't gising na gising.

Uminom muna ang babae saka tumango, nakita niya ang mabigat na pagtaas-baba ng balikat nito. Napanguso pa siya nang makitang bahagyang nalalaglag ang kwelyo ng suot nitong damit sa bandang balikat kaya wala sa sariling inangat niya iyon.

Savy jumped because of his sudden action. "H-Hehe, ako na Papi. Keri ko na sige na matulog ka na," pagtataboy nito sa kanya saka inayos ang suot na maluwag na damit.

Terron forehead creased when he noticed the weird marks on his wife's neck, again. He cleared his throat before he point her neck. "Ano 'yan?"

Kaagad napahawak si Savria sa leeg, bahagyang nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kanya.

"H-Ha, alin?"

"That. What is that? It's like hmm, red marks? Bruises?"

Naiisip niyang baka nasugatan ng babae ang sarili, baka natumba ito't tumama ang leeg.

Tumawa si Savy saka umiling. "A-Ano wala 'to, kanina pa 'tong umaga hindi mo napansin? Nag-ayos ako ng buhok tapos napaso," mabilis na paliwanag ng babae kaya napatango siya.

Yeah, I was right.

"Masakit ba? Baka mamaga 'yan? Dapat siguro pahiran mo ng ointment?" suwestyon niya.

Naisip ni Terron ang paso niya dati sa tambutso ng motor, masakit iyon lalo kapag nagtubig kaya nga tinigil na niya ang paggamit ng single na motor dahil puro aksidente lang ang napala niya.

Kinagat ng babae ang ibabang labi saka unti-unting sumilay ang nang-aasar na ngiti, tinusok ni Savy ang kanyang beywang kaya bahagya siyang napaigtad.

"Uy, nag-aalala yern. Kikiligin na ba ako, Asukal de Papa?"

Inis na inirapan niya ang babae, parang bata talaga. Nag-aalala pa siya tapos parang ayos naman na ang babae.

Nang magtama ang kanilang mata ay bumuga siya ng hangin, ayaw sana niyang tanungin pero nag-aalala na siya. Siguro naman ay may karapatan siyang malaman ang nangyayari.

"Yong kanina sa park... What happened to you? Hindi ito ang unang beses na naabutan kitang gising ng ganitong oras. May problema ba? You can tell me," marahan sabi niya, maingat ang bawat salita.

Kumurap-kurap si Savy.

Sandaling hindi nakapagsalita pero sa huli ay nag-iwas tingin lang ang babae sa kanya. "A-Ano... nag-i-sleep walking ako... oo gano'n lang, sorry hindi ko sinabi noong una, hindi naman masyadong seryoso huwag mo na isipin."

Kumunot ang kanyang noo, sleep walking? Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman kung ano iyon pero ngayon lang siya nakakilala sa personal ng taong may ganito.

So that's her reason why she doesn't want to sleep with me?

"Matagal na ba 'yan? Ano bang ginagawa mo kapag nangyayari iyan? Hmm, are you hurting yourself?" Hindi niya maiwasan mag-alala, mas dapat ata silang magsama sa iisang kwarto para alam niya kung magigising ang asawa, kung may gagawin ito.

Hindi siya nakaramdam ng takot sa babae, mas nabahala siya na baka kung anong mangyari sa babae habang nag-i-sleep walk.

Savy just smiled at him.

"M-Matagal na, simula teenger ako. Ayos lang, may iniinom akong g-gamot para hindi ako masyadong stress. H-Huwag ka mag-alala Papi, keri ko naman sanay na ako." Nag-thumbs up sa kanya ang babae habang may ngiti sa labi.

Kinagat niya ibabang labi, hindi pa rin siya kampante. Kailangan niyang makausap ang kaibigan niyang Doctor para makapagtanong tungkol sa kalagayan ng asawa, bakit nagkakaganito?

"Move to my room, let's sleep together," he suggested.

Savria eyes widened. "Ano? Hindi na, ayos lang naman ako. Maiistorbo kita kapag mag-i-sleep walking ako, huwag na." Tangi ng babae na may kasamang pag-iling pa.

Terron tsked. "Nah, I won't let you sleep alone. Gusto ko lang makasigurado, ngayon nasa puder kita ay responsibilidad kita. Hmm, hindi ka ba komportable may kasamang matulog? Kung gusto mo ay sa lapag na lang ako, ikaw na lang sa kama." He bit his lower lip. "And about the kiss... hmm. I'm sorry if I kissed you without—"

"Ayos lang."

"Huh?"

"Hehe, gusto rin. Lambot kaya ng lips mo, Asukal de papa isa pa nga." Dumukwang si Savy at ngumuso, sa gulat ay napatayo siya palayo sa babae kasabay nang pagkabog ng kanyang dibdib.

"H-Hey! Stop it!"

Malakas na humalakhak si Savy animong natuwa ito sa naging reaksyon niya habang hawak ang tiyan. "Joke lang, Papi. Kabado ka naman masyado pero huwag mo ng intindihin iyon, iisipin ko na lang na kiss mo iyon noong kasal natin na-late lang ng isang linggo." May matamis na ngiti ang babae sa labi bago tumayo. "Inaantok na ako, may pasok pa pala ako bukas matutulog na ako."

Suminghap siya saka tumango na lang. "Doon ka na sa kwarto natin matulog."

Parang nag-aalangan pa ang babae pero sa huli ay tumango ito, pinanuod niyang kunahin ng babae ang unan sa guest room at pumasok sa kwarto niya.

Napapailing na kinuha niya ang telepono at tinext ang kakilalang Doctor para sa appointment. Hindi niya alam kung magagalit si Savy rito pero nag-aalala lang siya.

Para kasing may mali.

Ilang minuto pa siyang nanatili sa sala, nang maitext na niya ang Doctor at masiguradong sarado na ang pintuan ng condo ay may tinawagan siyang isang tao na alam niyang makakatulong sa kanya.

Mabilis sumagot ang kaibigan.

[Wow, napatawag ka kamahalan?] biro ng kaibigan sa kabilang linya.

Terron shook his head. "I need a favor."

[Anak ng tupa, nakakaalala ka lang talaga kapag—]

"This is serious."

[Okay, pasalamat ka't nasa duty ako ngayon at nasagot ko tawag mo, alam mo ba kung anong oras na?] Isang Pulis ang kanyang kaibigan.

Malakas siyang bumuntonghininga. "I want you to investigate my wife's family."

[Woah! May asawa ka na? Lupet. Hindi nag-invite tapos ngayon lakas mang-utos.]

"Tsk, seryoso na Dude. I need it this week." Binigay niya ang buong pangalan ng asawa, iyon lang naman naman ang alam niya. "Bukod sa pamilya niya, pati asawa ko. I want to background check her."

[Teka... hindi ba't si Lisa ang kasintahan mo?] Naguguluhan sabi ng kaibigan, sandali siyang natigilan saka napahilot sa sentido.

Ito ang nangyayari kapag alam ng mga kaibigan mo ang matagal mong kasintahan tapos bigla kang magpakasal sa iba.

"Hindi si Lisa."

[Ay iba na?]

"Tsk, sige na. 'Yong sinabi ko ha, dalhin mo na lang sa condo ko saka ako magbabayad. Sa akin mo iaabot, huwag sa iba. Magtext ka na lang kapag ihahatid mo na."

[Okay sige, kamahalan. Paalam, magandang gabi.]

Napapailing na pinatay niya ang tawag saka muling sinulyapan ang pintuan ng condo, mukhang kailangan din niyang magpadagdag ng lock sa pintuan para sa susunod ay hindi makalabas ang babae.

Seeing his wife, sleeping peacefully in his bed makes him calm and uncomfortable at the same time.

Good that she's resting now but the thoughts of a woman... his wife, sleeping to his bed makes his friend mad. Really mad.

Bumuga si Terron ng hangin saka dahan-dahan umupo sa kama niya, wala siyang ibang pinapahiga roon noon pero iba na ang sitwasyon ngayon. Dahan-dahan siyang nahiga habang nakaharap sa mahimbing na natutulog na asawa, inabot niya ang palaging unan ng dating kasintahan at niyakap iyon.

Naamoy niya ang pamilyar na amoy ng babae kaya unti-unti siyang kumalma. I missed her a lot.

Alam niyang mali... parang ginagamit niya ang asawa para makalimutan ang dating kasintahan pero hindi na rin niya alam ang gagawin.

Malakas siyang bumuntonghininga saka tumayo, pumasok siya sa walk-in closet at inilagay sa pinaka itaas ng cabinet ang unan ng dating kasintahan bago bumalik sa kama.

Ilang sandali siyang nakatitig sa asawa na bahagyang nakaawang pa ang labi, kusang umangat ang kamay ni Terron para alisin ang ilang hibla ng buhok ng babae sa mukha.

Masuyo niyang hinimas ang matambok na pisngi ng asawa, umungot ang babae kaya hindi niya maiwasan matawa.

"Let's work together to this marriage. You won't regret marrying me, I promise. Just give me more time. Give me time to heal, after that... I will give you my heart, Savy. Please, take care of it, okay?" bulong niya kahit alam niyang hindi naman naririnig ng asawa.

___________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store