Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 6
Kabanata 6:
IPINARADA ni Terron ang kanyang kotse sa parking lot ng site kung saan siya nagta-trabaho pagkagaling niya ospital. Lisa, his ex-girlfriend, was involved in a minor crash. It's a good thing she pulled on the break before crashing the car into the water.
Sa kanyang kotse iyon, pinahiram niya sa dalaga no'n kaya naman nang maaksidente ito ay tinawagan siya para ipaalam ang nangyari sa kotse niya. Wala naman sa kanya iyon, ang mahalaga ay ayos lang ang babae at kaunting galos lang sa noo.
Iniwan na rin niya ang babae nang dumating na ang bestfriend nito.
Pagkababa ni Terron ng kotse ay pumasok siya sa site, kaagad pumalahaw ang tukso ng mga trabahador, napailing siya saka dumeretsyo sa kanyang opisina.
Nang inilapag niya ang kanyang bag sa lamesa ay narinig niyang bumukas ang pinto.
When he looked back, he frowned to see his bestfriend. Well, that's what he told him. Kakakilala lang nila noong nakaraan buwan dahil sa isang project at ang lalaki ay ina-announce na mag-bestfriend sila.
Gano'n lang.
"Kumusta Asukal de papa?" Jaren mocked him with a playful smirk.
Dire-deretsyong pasok ang lalaki sa kanyang opisina at umupo sa visitor chair niya at natawa nang makita ang paglukot ng kanyang mukha, he gave Jaren a middle finger.
"Hoy, itikom mo 'yang bibig mo tatanggalin kita sa trabaho," pananakot niya.
Mas natawa ang lalaki, sumandal ito sa upuan habang nakatingin sa kanya. Naiiling na naupo siya dahil siguradong hindi siya titigilan ng kaibigan lalo't kung ano-anong sinabi at kinuwento ng asawa niya noong bumisita si Jaren sa condo na halos pagtulakan na lang niya ang kaibigan para lang iligtas ang natitira niyang dignidad.
"Ngayon ko lang napansin, Engineer. Ayaw mong binibigyan ka ng nickname huh? Even your ex, hindi ba sabi mo wala kayong tawagan talaga. You found it corny, but look at you now huh, I wonder why you allowed your wife hmm, Papi?" nanunuyang sabi ng kaibigan saka humalakhak.
Napasandal siya sa kanyang swivel chair saka naisip. Bakit nga ba?
Hindi niya rin alam at dahil sinabi na ng asawa niya ang dahilan kung bakit siya tinatawag na gano'n ay parang ayaw na niyang magpatawag sa asawa ng pangalan.
Hindi naman pala masyadong masama ang may nickname.
"Umalis ka sa office ko, Jaren. Doon ko na at may gagawin ako."
"Sus, ano naman gagawin mo? Bakit ang sungit mo naman Engineer, ganyan ka ba kapag wala ang asawa mo?"
Gumalaw ang kanyang panga, nagsimula siyang halungkatin ang mga papeles sa ibabaw ng kanyang lamesa. Bigla niya tuloy naalala ang babae. Nakarating na kaya ito sa Mall?
Fuck.
Hindi niya pinansin ang kaibigan.
"Buti at pumasok ka na Engineer? Nako, baka makahanap ng iba nyan ang asawa mo habang—"
"Savy's not like that," sikmat niya.
Unti-unting nag-iinit ang ulo niya sa kaibigan, kaunti na lang ay masasapak na niya ang lalaki. Gumalaw ang kanyang panga habang nakatingin sa lalaki, lumawak naman ang ngiti ni Jaren kaya mas lalo siyang nainis.
"Hmm, how did you know? Hindi ba't hindi naman kayo magkakilala talaga? Paano kung may ibang lalaki pala siyang mahal niya tapos napilitan lang din siya sa kasal niyo katulad mo?"
Naikuyom niya ang kamao sa ilalim ng lamesa.
Mabilis niyang kinuha ang telepono niya at may tinawagan habang matalim ang tingin sa kaibigan na malawak ang ngiti sa kanya, na para bang ang tagal nitong hinintay ang araw na ito para lang inisin siya.
"Hello, this is Engineer De Vega. I want to pull out Engineer Pangilinan's contract to my—"
Jaren stood up immediately. "Hoy, foul 'yan. Personalan."
Pinatay niya ang tawag nang natatawang lumabas sa opisina ang lalaki. Hinilot niya ang batok saka napatitig sa pintuan nilabasan nito.
Fuck that, Jaren.
Sirang-sira na ang araw niya, ba't ba ang lakas mang-inis ng lalaking iyon? Makakaganti rin siya, maghintay lang si Jaren, siya naman ang tatawa kapag nagkataon.
Napailing siya habang sinusumpa sa isip ang kaibigan.
Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Savria dahil naisip niya ang sinabi ng kaibigan.
Savy's not like that. Nah, never. She's too innocent.
Hindi sumagot ang asawa sa unang tawag kaya sinubukan niya ulit. Nang sagutin nang babae ang tawag ay kaagad nagsalubong ang kanyang kilay nang marinig ang malalim na paghinga nito animong hinihingal.
Terron cleared his throat. "Hey, nasa mall ka?"
Bumuga siya ng hangin, parang gusto niyang sundan doon ang babae. Hmm, parang may bibilhin din ata siya mall? Oo nga, kailangan pala niya ng ballpen.
Matagal bago nakasagot si Savria.
"A-Ah. Ikaw pala asukal de papa. Pauwi na ako."
Kumunot ang kanyang noo dahil sa boses nito. "Are you okay?"
Narinig niyang tumikhim ang babae bago tumawa. "Oo naman Papi, bakit namiss mo ako noh?"
He sighed, looks like he was just overthinking. Gago kasing Jaren, kung ano-anong sinasabi, kung ano tuloy naiisip niya.
Malakas siyang bumuntonghininga bago sabihin ang nangyari kanina.
"Sorry kanina, Savy. Naaksidente kasi 'yong kakilala ko. Hindi dapat kita iniwan nang gano'n. Sorry. G-Gusto mo bang sunduin kita, dito ka na lang muna sa site tapos sabay na lang tayong umuwi mamayang hapon?" Bigla lang siyang nakonsensya sa biglang pag-alis kanina.
Sandaling natahimik sa kabilang linya.
"Nako, hindi na at saka—Babe let's do it again—" Narinig niyang parang lumakad si Savy, nakarinig pa siya ng kaunting kalabog.
Hindi siya pwedeng magkamali, boses ng lalaki iyon. Sino 'yon? Nasaan ba ang asawa?
"Sino 'yon?" Kaagad tanong niya, tumayo siya mula sa pagkakaupo.
Humagikgik ang asawa sa kabilang linya. "W-Wala, may magjowa rito sa parking lot. Nadaanan ko lang, pauwi na ako, Papi. Kitakits na lang sa bahay. Bye bye!"
Naiwan nakaawang ang kanyang labi nang mamatay ang tawag, napatitig siya sa screen ng phone niya nang mawala ang babae sa kabilang linya.
Hinilot niya ang sentido, mukhang hindi siya makakapag-focus sa trabaho buong araw at gano'n nga ang nangyari, nang lumabas siya sa office para sana maging productive ang maging araw niya ay halos masigawan na niya ang ibang trabahador. Hindi niya alam pero lahat ng mali at palpak ay napansin niya nang araw na iyon, nanahimik naman si Jaren, mukhang napansin ang init ng kanyang ulo.
Fuck, I need to go home.
NAGSALUBONG ang makapal na kilay ni Terron nang maabutan nasa nakahiga sa sofa ang asawa pagkauwi niya. Sarado pa ang mga ilaw pagkapasok niya sa condo, nakalagay sa center table ang ilang paper bag nito habang mahimbing na natutulog ang babae.
Terron loosened his necktie and turned on the light then slightly tapped her shoulder. "Savria..."
Kumunot ang noo ng babae saka bahagyang gumalaw, Terron stared at his wife's neck.
What is that?
Titingnan sana niya nang mas malapit nang biglang dumilat ang mata ng babae kaya napatayo siya nang tuwid at bahagyang lumayo sa sofa.
Kinusot ng babae ang mata.
"Asukal de papa, nandyan ka na pala!" Bumangon ito, saka kumamot sa ulo. "Sorry, nakatulog ako. H-Hindi pa ako nakakapagsaing." Napanguso si Savria.
Umupo siya sa isahang sofa, bahagya pa siyang nagulat nang lumuhod ang babae sa kanyang harapan upang tulungan siyang mag-alis ng sapatos, bago pa siya makaangal ay natanggal na nito ang isa niyang sapatos.
"Naglibot ka ata masyado sa mall? Mukhang pagod na pagod ka e," tanong niya, pinapanuod ang mukha ng babae.
She looks so exhausted
Ngumuso ang babae saka tumango. "Medyo lang, papi." Tumayo na ito at ito na mismo ang naglagay ng sapatos niya sa shoe cabinet sa gilid, sinundan niya ng tingin si Savy.
"I'll cook our dinner. Ilagay mo na muna sa kwarto 'yang mga pinamili mo."
Tumango ang babae, hindi tumitingin sa kanyang mata kaya nainis siya dahil doon lalo't mabilis nitong binitbit ng mga paper bag.
"Why are you avoiding my eyes?" Hindi niya maiwasan magkomento bago tuluyan pumasok ang babae.
"Huh? Hehe, hindi naman Papi, ma-issue ka ah." Pinandilatan siya ni Savy ng mata.
"Really?"
Tumango ang babae saka mabilis na pumasok sa kwarto nito, napatitig siya sa pintuan ng asawa.
She's acting weird, again.
Nagpalit muna siya ng damit bago magluto ng gabihan, noon ay hindi naman siya nagluluto ng dinner dahil mag-isa lang naman siya pero dahil nandito ang babae ay mukhang araw-araw na siyang makakapagluto.
Naging tahimik ang pagkain nila, halos tunog ng mga kubyertos na lang ang ingay sa kusina.
Sanay siyang dinadaldal siya ni Savria, na nangungulit ito kaya hindi siya mapakali.
Galit ba ito? Masama ang pakiramdam?
Palihim niyang sinulyapan ang babae na tahimik na kumakain. Nang matapos sila ay kaagad na itong pumasok sa kwarto, walang good night Papi katulad noong mga nakaraan araw.
Inis na tinawagan ni Terron ang Kuya niya habang nasa sala siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya, hindi naman siya ganito kahit sa dating kasintahan.
"This better be good, Terron," malamig na usal ng kanyang kapatid sa kabilang linya.
Bumuga siya ng hangin. "Kuya, paano magpapansin sa babae hmm... pinapatanong ng kaibigan ko. Yeah, he was asking me."
Sandaling natahimik sa kabilang linya, kinagat niyang ng ibabang labi dahil parang mali ata siya ng natawagan, oo nga pala. Hindi pa nagkaka-ayos ang kanyang Kuya at asawa nito.
"Uh-huh. So this friend of yours wants to get someone's attention?" seryosong sabi ng Kuya niya.
Napatango siya kahit hindi nakikita ng kapatid. "Parang gano'n na nga. Ano bang ginagawa mo para mapansin ka ng asawa mo noon?" medyo humina ang kanyang boses.
Fuck.
His brother chuckled. "Inaakit ko siya."
Nagsalubong ang kanyang kilay, aakitin niya si Savy? "Hindi pwede 'yon."
"Why not mag-asawa naman kayo oh oops, I mean baka mag-asawa naman 'yong kaibigan mo at 'yong gusto niya?" Narinig niya ang bahagyang tawa ng kapatid.
Mas lalong nalukot ang kanyang mukha, hindi siya kaagad nakapagsalita.
"But seriously, Terron. Don't repeat my mistake."
"Magkaiba tayo ng sitwasyon, Kuya."
His brother laughed. "Not really, you see... I love my wife, Sascha, but I had someone from the past. Ikaw naman kasal ka pero iba ang babaeng mahal mo. See... parehas tayong gago."
Napailing siya sa tinuran ng kapatid bago nagpaalam.
Hindi naman kasi gano'n kadali iyon, hindi madaling kalimutan 'yong nakaraan dahil hanggang ngayon nakatanim pa rin sa isip niya kung sino ang babaeng mahal niya.
Lumipas ang oras ay nanatili siyang tulala, akala niya ay dadalawin siya nang antok pero hanggang magpadaling araw ay dilat siya.
This is not about his broken heart and his ex.
Bumangon siya at lumabas sa kwarto para sana uminom ng alak upang makatulog pero natigilan siya nang makitang bahagyang bukas ang pintuan ng kwarto ni Savria.
"Savy?" He called her.
Dahan-dahan siyang sumilip sa loob, wala ang babae sa kama nito pero bukas ang ilaw sa banyo.
Malalaki ang hakbang niya papunta roon at halos mapapura siya nang hindi makita roon ang babae. Mabilis niyang nilibot ang buong bahay pero wala ang asawa. Sinubukan niyang tawagan ang phone nito pero iniwan nito ang telepono.
Suminghap siya nang maisip ang una nilang pagkikita. She's outside?
Hindi na siya nagsuot ng jacket, malalaking hakbang na lumabas siya ng building at unti-unting binalot ng kaba.
"Kuya, may lumabas bang babae? Mga ganito kalaki tapos medyo may kalusugan?" tanong niya sa guard na naabutan sa ibaba.
Umastang nag-iisip ang matanda. "Ah, oo! Deretsyo nga naglalakad, mukhang nagmamadali. Papunta ho roon." Tinuro ng lalaki ang papunta sa park kung saan sila unang nagkita.
Ang lakad niya ay naging takbo na hanggang makarating sa park.
"Savria!" Terron shouted.
Mabilis siyang pumunta sa gawi ng slide kung saan niya ito nakita noon. Para siyang nabunutan ng tinik nang makita ang asawa na nakaupo roon at yakap ang tuhod.
Dahan-dahan lumapit si Terron sa asawa, mas lalong sumikip ang dibdib niya nang makitang umiiyak ang babae habang nakayuko. Ang mahihinang hikbi nito ang namumutawi sa tahimik na parke.
"Savy?"
Marahas na umiling si Savy at mas sumiksik sa gilid. "A-Ayoko naman 'to. H-Hindi ko naman 'to ginusto. Ayoko 'to," paulit-ulit na bulong ng babae.
Sinubukan niyang hawakan ang asawa pero napigtad ito at parang takot na mas lumayo sa kanya, sumikip ang dibdib niya dahil doon.
What happened?
Nanginginig ang kamay nito, Terron pulled his wife and cupped her face.
Nang magtama ang kanilang mata ay parang walang buhay ito, blanko lang at mas lalong namalabis ang luha.
"Hey, it's me. Calm down. You're scaring me, Savria." Umiling ang babae at bahagya siyang tinutulak pero hindi niya hinayaan ang babae.
"P-Please let me go! Let me go!" sigaw ng babae.
Terron pursed his lips. No way.
Akmang sisigaw pa ang babae ay mabilis niyang hinawakan ang batok nito at siniil ng halik. He kissed her without a warning, without permission. He has lost complete control over his body.
Naramdaman niyang nanigas ang babae at bahagyang napadaing nang kagatin niya ang labi nito, palihim siyang napasinghap dahil sa lambot ng labi ni Savria.
Nang ilayo ang labi sa asawa ay kumurap-kurap ito at unti-unting nanlaki ang mata na para bang noon lang siya nakilala.
"A-Asukal de papa..."
Terron caressed his wife's wet cheek, he kissed the tip of her nose. "Yes, my baby?"
___________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store