Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 5
Kabanata 5:
NAGING mabilis ang isang linggo para sa mag-asawa, minsan ay nakakalimutan ni Terron na kasal na siya kaya naman nagugulat pa siya sa umaga kapag nakikita ang babae na nag-zu-zumba sa sala.
Being with her was an odd experience; he was so preoccupied that he almost forgot his leave from work.
Bawat araw na kasama ang babae ay kakaiba. Kahit siguro matagal silang mag-usap ay hindi pa rin siya masasanay sa paraan ng pagsasalita nito, minsan ay nagising ulit siya ng madaling araw at naabutan ulit ang asawa na bukas ang ilaw sa kwarto pero nang tanungin niya ang babae kinabukasan ay sinabi nito na nakatulugan lang nitong bukas ang ilaw.
Kumunot ang noo ni Terron pagkalabas niya ng kwarto dahil sa amoy na sunog na kumalat sa bahay.
Malalaki ang kanyang hakbang papasok sa kusina, naabutan niya ang asawa na dinuduro ang kalan na umuusok ng kulay itim.
"Wala kang pakikisama! Kapag ako nainis mo papalitan kita! Dadalhin kita sa junkshop!" sigaw ng babae.
"Why are you scolding the pans?" takang tanong ni Terron at tuluyan pumasok sa kusina, siya na ang nagpatay ng kalan at bahagyang pinaypayan ang mga usok upang mawala.
His wife looked at his side, her lips protruded more when she saw him.
"Bakit gising ka na kaagad? Dapat mamaya ka pa," angal nito.
"Huh. Bakit?"
Hindi sumagot ang babae saka tinuro ang nasa lamesa. Terron frowned, he looked at the poor murdered fish on the table. Halos durog na durog na ang mga iyon, ang mga hotdog naman ay nasobrahan sa hiwa kaya halos mahati na sa gitna.
Nagtatakang tiningnan niya ang asawa na hindi makatingin sa kanya.
"Hindi ko naman kasalanan Asukal de papa, 'yong kawali mo kasi dikit na dikit 'yong isda. T-Tuloy hinalo ko na lang, giniling na isda na 'yan," mahinang ani ng babae saka siya nilagpasan at pumunta sa counter.
Palihim siyang napasinghap nang kumalat ang natural na amoy nito sa kanyang ilong.
Binasa niya ang labi gamit ang dila saka pinanuod ang asawa na magtimpla ng sariling kape. "Bakit ka kasi nagluto? Hindi ka naman pala marunong."
Umismid ang babae.
"Gusto kasi kitang gawan ng breakfast kasi lagi na lang ikaw ang nagluluto, nag-alarm pa kaya ako para rito tapos... huwag mo na nga kainan 'yan baka sumakit pa tiyan mo sa site," mahabang sabi ni Savy na hindi makalingon sa kanya.
Sandali siyang napatitig sa babae bago tulungan itong maghain.
He appreciates her efforts.
"I want some coffee too, with cream and two spoon of sugar," he informed her.
Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang lumingon ang babae na parang nagulat pa ito dahil sa sinabi niya, mabilis itong kumuha ng tasa. Palihim siyang napangiti nang makitang seryoso ang babae sa pagtimpla ng kape niya na para bang may buhay na nakasalalay roon.
She looks like a doctor in the emergency room.
Pinaghila niya ng upuan ang babae bago siya naupo sa harapan. Inusog ni Savy ang tasa papalapit sa kanya, nang inumin niya iyon ay napatango siya.
Kulang pa sa asukal at cream pero pwede na. She'll learn soon.
Nagtama ang mata nila, mukhang inaabangan nito ang kanyang reaskyon, nang walang nakuha sa kanya ay nakita niyang bumagsak ang balikat nito.
"Pasensya ka na hindi ako perfect wife, hindi marunong magluto katulad ng ibang babae—"
"Don't compare yourself to other women. There is no rules claiming that you are the ideal wife based on your culinary abilities. Kaya ko naman magluto, ayos lang 'yan saka matuto ka rin. Habang-buhay tayong magkasama, ewan ko na lang kung hindi mo pa makuha ang panlasa ko." Natatawang komento niya.
Naiisip pa lang niya kung gaano siya kadaming beses tatambay sa banyo.
Natigilan siya nang makitang ngiting-ngiti si Savria sa kanya, nang-aasar ang mukha nito.
"Habang-buhay huh?"
Fuck. Sinabi ba niya 'yon?
Muntik na siyang mapaubo dahil sa sinabi ng babae, nagkunwari siyang uminom ng kape saka iniba ang usapan.
"Kumain ka na, pupunta akong site ngayon. Ikaw lang ang maiiwan dito, huwag kang magbubukas ng pinto kapag hindi mo kakilala." Hindi niya alam kung dapat pa ba niya iyon ipaalam sa asawa o ano.
Tumango ang babae at nagsimula na rin kumain, nang malapit na silang matapos ay nagsalita ito.
"Hmm, aalis din pala ako Papi. Kailangan kong magpa-test ng xray saka wiwi at pupu para roon sa papasukan namin school sa observation namin, medyo maarte 'yong school na na-assign sa akin, tapos pupunta akong Mall kasi may bibilhin ako," ani Savy habang ngumunguya.
"Saan ka sasakay?"
"Baka mamasahe na lang ako."
Terron frowned. "Sa akin ka na lang sumakay."
"Huh?"
"Dadaan ako sa ospital, sasamahan na lang kita. Umaga lang naman hindi ba? Pwede naman after lunch na ako pumunta sa site."
Hindi lang talaga siya kampante na hayaan ang babae, hindi naman siya gano'n kasama at saka isa pa, bago pa lang ang babae sa lugar nila.
Napa 'o' ang bibig ni Savy saka tumango habang may malawak na ngiti sa labi. "Uy, may tinatago ka pa lang bait akala ko lagi kang magsusungit e."
Terron tsked.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa saka inabot sa babae. "Save your number there."
Kinuha iyon ng babae at nagtipa, hindi niya maiwasan mapatingin sa plain nitong mga kuko. Maliit at matataba.
Nang ibalik ng babae ang phone niya ay nag-iwas tingin ito sa kanya at nagkunwaring tinitingnan ang baso, pinilit niyang hindi mangiti, nang makita ang nilagay nitong pangalan.
Wife 😘
Tinawagan niya ang numero na iyon at kaagad tumunog ang itim na phone ng asawa sa lamesa.
Tumaas ang kilay niya nang nagpipindot doon ang babae, mukhng sini-save na ang kanyang numero.
Akmang magliligpit ang babae ay pinigilan na niya ito. "Maligo ka na, ako na rito. Bilisan mo, ayokong nali-late," blankong sabi niya.
Sumaludo ang asawa saka malalaki ang hakbang na pumasok sa kwarto nito. Sandali pa niyang tinitigan ang nakasarang pintuan ng babae bago bumaba ang tingin niya sa telepono nitong naiwan sa ibabaw ng lamesa.
It feels weird but hey, it's his wife. Hindi naman siguro masama kung i-check niya kahit sandali lang.
Walang password ang phone ng babae, ang wallpaper nito ay isang sunset view.
Perhaps it would be cooler if she change her wallpaper to their pictures. Speaking of picture, hindi niya sigurado kung may mga larawan sila noong kasal, he'll ask his Mom later.
Sandaling natigilan si Terron nang makitang nakakonek pa ang location ng phone ng dating kasintahan sa phone niya, he sighed when he removed Lisa's location and registered his wife's phone.
Ibabalik na sana niya ang telepono nang maisipan niyang tingnan ang pangalan na inilagay ng asawa.
Wala sa letter 'T' kaya sinearch na lang niya ang kanyang numero.
'Papi 😜'
Napangiti siya dahil sa weird na tawag ng babae sa kanya. This is the first time that someone made a nickname for him, a weird one. Kaagad din nawala ang ngiti sa labi niya nang maalala kung bakit nga pala siya ngumingiti, wala naman nakakatuwa ah?
Napapailing na ibinalik na niya sa lamesa ang phone ng babae at nagsimulang magligpit ng lamesa.
**
NAPATINGIN si Terron sa wrist watch niya habang hinihintay si Savria sa labas ng restroom. Kasulukuyan nasa banyo ang babae para sa Urinalysis at
Fecalysis test nito.
Halos kalahating oras na ang babae sa loob pero hindi pa lumalabas, pinagtitinginan na siya ng mga dumadaan na pasyente at nurse sa labas dahil kanina pa siya nakatayo roon habang may bitbit na kulay pink na bag ng asawa.
Napabuga siya ng hangin nang bumukas ang pintuan at sumilip si Savy.
Finally!
"Are you done?"
"Asukal de papa, h-hindi ko na kaya."
"Huh?" Bigla siyang kinabahan, mabilis siyang lumapit sa pintuan.
Pawis na pawis ang babae, tagaktak ito sa bandang noo at ilong.
Wala sa sariling pinunasan niya ang pawis nito sa noo at ilong gamit ang likod ng palad.
This kid, tsk.
"Why are you taking so long? Ano bang ginagawa mo? Ang tagal mo naman," komento niya.
Tumingala sa kanya ang babae na parang maiiyak na.
"H-Hindi ko kasi mapuno, kanina ko pa pinipilit pero ubos na ubos na ako. 'Yong pantog ko tuyot na tapos 'yong pwet ko namamaga na."
Mas lalo siyang naguluhan, niluwagan ng babae ang bukas ng pintuan saka tinuro nito ang isang tupper ware sa gilid at isang bote.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Papi, wala na akong maidumi. Tapos 'yong ihi ko hindi man nakalahati 'yong bote kahit uminom ako maraming tubig." Nagpapadyak na si Savy.
Terron mouth dropped.
No way.
"What the fuck?" Hindi mapigilan ni Terron na pumalahaw ng tawa. Lalo nang sumimangot ang mukha ng babae, mas lumobo ang matambok nitong pisngi kaya kinurot niya iyon. "Sino bang nagsabi sa'yo na ganyan kadami? Sira, 'yong poop mo e kahit kasing laki lang ng mani or munggo tapos sa ihi, drop lang kailangan nila. Don't tell me pinupuno mo 'yong tupperware na 'yan?"
Nanlaki ang mata ni Terron, mas lalo siyang natawa dahil dahan-dahan tumango ang asawa.
"H-Hindi ba?" nag-aalangan na tanong nito.
Damn. She's too cute.
"Hahaha, test lang. Hindi naman nila gagawin palaman ang ano mo, akala ko naman alam mo. Dire-deretsyo ka kanina at—"
Aasarin pa sana niya ang babae nang isinara na nito ang pintuan. Napapailing na inayos niya ang bag ng asawa.
Nababaliw ata siya.
Hanggang matapos si Savy ay inaasar na niya ang babae, mukhang pikon naman kasi magtataray na pero sa huli ay makikitawa na rin sa kanya. Hiyang-hiya sa ginawa, at least she learned something new.
"Tama na, nakakahiya!" reklamo ni Savy sabay kapit sa braso niya.
Tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa kilos ng babae, papalabas na sana sila sa ospital nang may makasalubong silang tatlong lalaki, kaagad niya nakilala ang mga nagta-trabaho sa site.
"Engineer! Ikaw pala iyan," sabi ng isa, hindi niya matandaan ang mga pangalan pero kilala niya sa mukha.
Tumango siya at bahagyang nilingon ang asawa nang maramdaman humigpit ang hawak nito sa braso niya na parang bata na takot mawala siya.
"Kaya pala ang tagal mong wala sa site ha, Engineer. Akala namin iniwanan mo na kami e."
"Tsk, nagbakasyon ako. Bakit kayo nandito?"
"Ah, magdo-donate lang kaming dugo Engineer," sagot ng isa.
Hindi nakalagpas sa tingin niya ang pagsulyap ng mga ito sa asawa niya, tumikhim siya saka hinawakan mas inilapit ang babae sa kanya.
"Misis ko," pakilala niya, naramdaman niyang tumuwid ng tayo ang babae.
Binigyan siya ng nakakatuksong tingin ng mga katrabaho niya bago tuluyan umalis. Sigurado siyang kapag pumasok na siya ay aasarin siya ng mga ito, lalo na't chismoso si Jaren. Paninguradong naibalita na nito sa lahat ang nangyari sa condo nila.
"Katrabaho mo 'yon, asukal de papa?" tanong ni Savy pagkapasok nila ng kotse.
Tumango siya.
"Oo, mga maloko ang mga iyon. Saan ka nyan? Mall?"
"Oo sana, bibili kasi akong regalo para sa kaklase ko." Hindi maiwasan ni Terron na mapatitig sa babae na may malawak na ngiti.
Bakit parang may kulang? O imahenasyon lang niya?
"Kaibigan mo? Birthday?"
"Uu, birthday niya pero kaklase lang."
"A boy?" His jaw clenched.
Nagsalubong ang kilay ng babae saka umiling. "Babae."
Nakahinga siya nang maluwag. Good, great, better. "Are you not friend with your classmates? Like a bestfriends? A group?"
Napalabi si Savy saka umiling. "Wala akong super friends. 'Yong talagang masasabi kong best friend gano'n. May mga nakakausap ako sa school pero may mga circle of friends sila, ayos lang naman sa akin," nakangiting sabi ng babae.
"So... you're preparing a surprise for your classmate?"
Tumango si Savy. "Oo, actually silang lahat asukal de Papa. Kapag birthday nila ay ako lagi ang nagpa-plano gano'n."
Hindi alam ni Terron pero kahit nakangiti ang asawa ay parang malungkot ang boses nito, unti-unti niyang napapansin. Mga bagay na wala siyang paki noon.
"And what about your birthday?"
Savy smiled sweetly. "Walang nakakaalala ng birthday ko kahit isa sa kanila, busy ata sila."
Bumuga ng hangin si Terron nang makaramdam ng inis. Busy my ass.
"Kailan ba ang birthday mo?"
"October 24. 'Yong sa'yo ay alam ko. April 20. Tama? Natanong ko kay Mother earth noon."
Bigla tuloy siyang kinain ng konsensya dahil wala man lang siyang alam tungkol sa asawa.
Tinulungan niya magkabit ng seat belt ang asawa, nang magtama ang mata nila ay palihim siyang napasinghap. She has a beautiful and expressive eyes.
Bumaba ang tingin niya sa labi ng babae, kahit walang lipstick ay mapula iyon.
"We'll celebrate our birthdays together from now on," he whispered and gulped.
Nagtama ulit ang mata nila ng babae, bigla siyang natauhan kung gaano sila kalapit. Aayos na sana siya ng upo nang ikawit ni Savy ang braso sa leeg niya at mahigpit siyang niyakap.
"Thank you, Asukal de papa. Salamat kasi tinanggap mo ako," mahinang sabi ng babae.
Bahagyang umawang ang labi niya, hinawakan niya ang likod ng asawa. Naramdaman niya ang malakas na kabog at hindi niya alam kung kay Savria ba iyon o sa kanya.
"Y-You don't have to thank me..." he said breathless.
Damn. What's happening?
"May sasabihin ako sa'yong importante..." bulong ni Savy.
Itatanong na sana niya kung ano iyon pero biglang tumunog ang kanyang cell phone, humiwalay sa yakap si Savy. Napaayos siya ng upo nang makita kung sino ang tumatawag.
Kaagad niyang sinagot iyon, bigla siyang binalot ng kaba. Minsan lang tumawag ang babae kaya kung ano-ano na ang naisip niya.
"Hello, Lisa? Are you okay babe? Ha? Nasaan ka ba? Sige pupuntahan kita." Mabilis niyang pinatay ang tawag.
Nilingon niya ang asawa nang buksan nito ang pintuan ng kotse at bumaba, nakangiti si Savy na humarap sa kanya.
"May pupuntahan ka ata, mamasahe na lang ako medyo malapit lang naman dito iyon," Savy said.
Kinagat niya ang ibabang labi, ang nasa isip na lang niya ay kung paano niya pupuntahan ang dating kasintahan.
"Okay... may pera ka ba?"
Mabilis tumango si Savy. "Meron pa, bye asukal de papa." Kumaway ang babae at isinara ang pintuan.
Bumaga siya ng hangin saka pinaandar ang kotse. Lisa needs me.
PINANUOD ni Savy ang papalayong kotse ng asawa, tipid siyang napangiti habang sumisikip ang dibdib.
Ilang beses siyang huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili.
Kinuha niya ang telepono at may tinawagan.
"I need my meds, nandito ako sa labas ng ospital malapit sa condo niya, pwede mo ba akong sunduin? Kukunin ko sa'yo," sabi niya sa kausap at mabilis pinatay ang tawag.
Ubos na ang gamot niya, hindi siya pwedeng mawalan no'n lalo't kasama na niya sa bahay si Terron.
Ilang sandali pa siyang nakatayo roon nang may humintong isang itim na kotse, mabilis siyang pumasok.
The man kissed her cheek, she rolled her eyes because of that.
"How's my babe?" kaagad tanong ng lalaki at pinaandar ang kotse paalis sa lugar na iyon.
"Not good, I want some sex. I need a hard fuck, right now."
____________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store