Teach Me Whelve Teach Series 4
Kabanata 10:
NAPALINGON si Terron sa asawa nang bitbitin nito ang bag at dire-deretsyong lumabas ng condo. Walang good bye Papi, walang pa-kiss, wala nang lunch box na binibigay sa kanya katulad ng nakaraan linggo.Tatlong araw na simula ng gabing nasigawan niya ang babae, simula no'n ay parang dumistansya na sa kanya ang babae. Gusto sana niyang kausapin ang babae pero nanatakot siya dahil alam niyang may mali siya, maling-mali at baka kailangan pa ng oras ni Savy pero habang tumatagal ang araw na hindi sila nag-uusap, na hindi siya kinukulit ng babae ay parang may kulang.Pinapansin pa rin naman siya nito, sumasagot kapag tatanungin niya pero hanggang doon lang. Malakas siyang napabuntonghininga saka inayos ang suot na necktie."Hindi na niya ako pinagluluto," bulong niya, kahit siya ay hindi niya alam bakit siya umaarte nang ganito.Tangina naman kasi, bakit pagdating kay Lisa ay nawawala siya sa katinuan. Nang mag-usap silang dalawa ay para siyang natauhan, mahal na mahal pa rin niya ang dating kasintahan, naiisip pa rin niya ang mga pinagsamahan nila ng dalawang taon.Nandito pa rin ang kirot.Hanggang lumipas ang oras sa sites ay laman ng isip niya kung paano sila magkakaayos ng asawa, hindi maganda sa pakiramdam na sa iisang bahay lang sila tapos ay parang may pader sa kanilang gitna."Engineer De Vega, saan ka pupunta? Nag-aaya sila na kumain tayo sa—" Hindi na niya pinatapos ang kaibigan."I'm going to eat lunch with my wife," blankong boses na sabi niya saka lumabas sa opisina.Naramdaman niyang nakasunod si Jaren sa kanya. "Wow, husband material. Ayos na ba kayo?""Paano mo nalaman hindi kami ayos?" takang baling niya sa kaibigan at ang tanga ay tumawa muna bago sumagot."Kilala na kita, nitong mga nakaraan mainit ang ulo mo tapos bantay na bantay ka sa phone mo. Nako, iba na 'yan Engineer," pang-aasar ng kaibigan.Sandali siyang natigilan dahil hindi niya alam na gano'n ang akto niya sa lumipas na araw. Binasa ni Terron ang labi, handa na sanang ipagtanggol ang kanyang sarili pero nagsalita ulit si Jaren."Alam na ba niyang tinanggap mo 'yong project sa Davao? Ilang buwan kang mawawala roon, baka umabot pa ng taon. Anong sabi niya?"Umiling siya saka sinuklay ang buhok, iyon pa ang isa sa problema niya. Dalawang linggo na lang at aalis na sila para sa isang project nila na bangko roon at aabutin iyon ng ilang buwan baka umabot pa ng taon.Fuck."She didn't know yet.""Wala kang balak sabihin?"Nagkibit-balikat si Terron, hindi naman iyon masi-sekreto at alam niyang kailangan niyang sabihin pero nagka-problema nga sila. Wala pa ngang isang buwan tapos ganito na."Kukuha lang ako ng tiyempo."Pumito si Jaren saka ngumisi sa kanya. "Nako, bagong kasal lang kayo tapos iiwan mo na. Delikado mga ganyan baka pag-uwi mo buntis na siya—"Kaagad siyang huminto sa paglalakad at humarap kay Jaren na natigil din at nagulat sa biglang hinto niya, Terron lips turned up, so pissed. "You don't know my wife, so don't talk to her in that way. I'll beat the crap out of you the next time you talk shit about her, Jaren."Mabilis niyang tinalikuran si Jaren bago pa niya masapak ang lalaki, nakakainit ng ulo. Hindi gano'n babae si Savy, alam niya. Narinig niyang tinawag pa siya ng kaibigan pero hindi na niya ito nilingon. He know that he was just teasing him, Jaren can annoy him whole day but not in that way, not talking shit about Savria.Kalmado siyang tao pero baka magwala siya sa susunod.Naisip niya ang sinabi ni Jaren, hindi naman niya pwedeng isama si Savy lalo't nag-aaral ito.Nang makasakay sa kanyang kotse ay saktong tumawag ang kaibigan niyang Pulis."Do you have it?" kaagad na tanong niya nang sagutin ang tawag nito.Gumawa ng ingay ang kaibigan na parang nasaktan. "Wala man lang bang kumusta? Kumain ka na ba? Walang gano'n muna kahit pakitang tao man lang?" reklamo nito sa kabilang linya."Tsk, bilisan mo Dude may lakad ako. Meron na ba?""Oho, kamahalan. Nasa akin na, saan ko dadalhin? Baka mapagod ho kayo e nakakahiya."Tinignan ni Terron ang suot na relos. "Mamaya na lang sa bahay, around seven."Nagpaalam pa ang kaibigan, may binabanggit pa ito tungkol sa bayad pero pinatay na niya ang tawag. Kailangan niyang makapunta sa University ni Savria bago matapos ang lunch ng babae.Halos paliparin niya ang kotse dahil doon.Nang makarating sa paaralan ng babae ay napapasok naman siya kaagad, hindi pa gano'n kahigpit ang University kung saan nag-aaral si Savria dahil siguro kasisimula pa lang ng klase at marami pang hindi nag-aaral doon ang naglalabas-pasok.Hindi niya sigurado kung anong section o saan building si Savy pero nagtanong siya sa guard kung saan ang Education Department Building.Taas-noong naglakad si Terron, ramdam niyang sinusundan siya ng tingin ng mga kabataan lalo na ang mga babae. Yeah right, college girls like older man.Nang makatapat sa building na sinabi ng guard ay nagpalinga-linga siya para isipin kung saan siya magsisimula sa paghahanap, tumama ang mata niya sa tatlong babae na pababa sa hagdanan at tingin na tingin sa kanya.Terron prepared a smile for the three woman."Hi." Tumikhim siya at ngumiti, lumitaw ang kanyang biloy sa pisngi. "Do you know, Savria? Dela Torre but she's a De Vega now. Savria De Vega?"Sabay-sabay na nituro ng mga babae ang itaas na floor. "A-Ah, classmate ko siya sa isang subject. Baka nasa room 202 po sa itaas." Pinasadahan siya ng babae ng tingin, lihim siyang napailing."Sige, thank you. Hinahanap ko kasi asawa ko." Damn, dapat ko pa bang sabihin 'yon?Napatango siya at nagpasalamat sa tatlo na bakas sa mukha na hindi naniniwala. Nagtutulakan pa hanggang makalagpas siya.Wala masyadong tao sa floor na iyon, dahil siguro lunch break.Sinisipat ni Terron ang mga numero, nang makita ang sinasabing kwarto ng mga babae ay kaagad siyang sumilip sa bintana ng classroom dahil nakasarado ang pinto.May ilang estudyante sa loob, ang iba ay kumpulan pero ang kanyang mata ay natuon na sa pamilyar na babae sa isang upuan na nakadukmo.Kilala niya ang buhok ng asawa, parang pugad ng ibon. "Bakit ho?" tanong ng isang babae sa loob na napansin siya sa bintana."Kakilala ko si Savria, pwede bang pumasok?" "Kuya niya po kayo?"Terron wet his lips. "I'm her... husband."Dahan-dahan tumango ang babae at nag-aalinangan pang pagbuksan siya ng pintuan na para bang hindi naniniwala, malalaking hakbang na lumapit siya sa lamesa ni Savy. Ramdam niyang pinagtitinginan na siya ng mga bata sa kwarto, ang iba ay nagulat sa presensya niya.Nilibot niya ang paningin sa mga lalaking nandoon. Wala naman gwapo rito.Bahagyang lumuhod si Terron upang pumantay sa nakadukmong si Savria, mas kumunot ang noo niya nang maramdaman ang mainit na singaw ng katawan ng babae kahit pa hindi siya gano'n lumapit.Marahan niyang tinapik ang pisngi nito."Savy..."Kumunot ang noo ng babae."Savy, kumain ka na ba? Wake up. Si Terron 'to," mahinang sabi niya, tipid na ngumiti sa mga kaklase nito na lumilingon sa kanila.Dahan-dahan minulat ni Savy ang mata, kumurap-kurap pa ito nang makita siya animong hindi naniniwala. Kaagad niyang sinalat ang noo ng babae at sobrang init nito."P-Papi..." she whispered.Umayos ng upo si Savria habang namumungay ang mata, mapula ang mukha.Bumaba ang tingin niya sa legs nito na bahagyang kita dahil sa pag-upo ay tumaas ang palda nito, kumunot ang noo niya dahil parang may mga hiwa roon. What is that? Parang mga peklat.Kaagad inayos ni Savy ang palda, tumikhim siya, maybe just a stretch marks? "Kaya mo bang tumayo? Umuwi na tayo, ipagpapaalam na lang kita," nag-aalala talaga siya lalo't ayaw na ayaw niya nang makakakita ng may sakit."Bakit ka nandito?" mahinang tanong ni Savy, kinusot pa ang mata. Kinagat niya ang ibabang labi dahil hindi niya masabing gusto na niyang magkaayos sila, saka na lang kapag ayos na ang pakiramdam ng babae."Uuwi na tayo, bakit naman pumasok ka pa? Masama pala ang pakiramdam mo, sana ay tinext mo ako." Malakas siyang bumuntonghininga, sobra siyang nag-aalala.Savria gave him a small smile. "Para saan naman, sabi mo walang pakielamanan. Baka kapag sinabi ko sa'yo, magalit ka lang—""Hindi ako magagalit. May pakielam ako sa'yo, okay? Asawa kita.""Sa papel?" Naningkit ang mata ng asawa, hinimas niya ang pisngi ng babae at kinuha ang bag nito.Hindi na siya makasagot, inalalayan niyang tumango ang babae. Sinabihan na lang niya ang mga kaklase nito na sabihin sa mga Professor na may sakit si Savria kaya umuwi. Ite-text na lang din niya si Jaren na hindi na siya babalik.Nang makarating sila sa kotse ay kunot ang noo ng babae."Sumasakit ulo mo? Bakit ba masama ang pakiramdam mo?" mahinang sabi niya at kinabit ang seatbelt nito.Nagtama ang mata nila ng babae.Malakas na bumuntonghininga si Savy saka unti-unting ngumiti katulad noon, hinampas siya nito. "Sus, nag-aalala si Asukal de papa. Sweet mo naman may pasundo ka pa, kikiligin na ba ako?"Nagulat siya nang biglang dumukwang si Savy at ngumuso. "Kiss mo 'ko, please."Terron gulped. Thank God, she's back to her weird self.Pinitik niya ang noo ng asawa. "Tsk, may sakit ka na nga kung ano-ano sinasabi ko. Umayos ka ng upo."Humagikgik si Savy saka inilahad ang kamay sa kanya. "Holding hands tayo para sweet."Napapailing na pinagsaklob niya ang kamay nila at nag-umpisa ng mag-drive. Dumadaldal na si Savy, unti-unti ay lumuwag ang kanyang pakiramdam.Nang huminto sila sa parking lot ay pinigilan niya si Savy bumaba, nagtatakang nilingon siya ng babae.Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Ayaw na niyang patagalin pa. "I'm sorry about what happened, mali ako. H-Hindi dapat ako umakto ng gano'n kahit lasing ako. Sorry if I disrespect you."Tumabinggi ang ulo ni Savy habang may ngiti sa labi."Ayos lang, Papi.""Huh?""Uki nga lang." "Hindi ka ba.. uhm, galit? I shouted at you and I said... words that..." he trailed.Akala niya ay kukwestyunin siya nito tungkol sa dating kasintahan.Nakangiting hinalikan ni Savria ang kanyang kamay niyang nakasaklob sa kamay nito.Ilang beses siyang lumunok dahil sa ginawa ng babae, ngayon lang may gumawa no'n sa kanya."Minsan may mga masasabi tayong bagay na hindi natin gusto, may magagawa tayong bagay na hindi natin gusto kaya naiintidihan kita." Hindi nawawala ang matamis na ngiti ng babae.Pakiramdam niya ay nanlamig ang kamay niya."Pero pwede bang humingi ng pabor, Asukal de papa?" mahinang sabi nito at hinigpitan ang hawak sa kamay niya."A-Ano?"Iniisip niyang baka pera o kaya gamit na mamahalin ang hingiin nito kaya nagulat siya nang magsalita ang babae."Pwede bang kapag dumating ang panahon na talikuran ako ng iba, pwede bang manatili ka? Sobra ba 'yon? Dadating 'yong araw na huhusgahan nila ako, sana kapag dumating 'yon ako 'yong paniwalaan mo," nakangiti ngunit seryosong sabi ni Savy.Malakas na kumabog ang kanyang dibdib."What are you saying, Savy?"Sandaling tumitig ang babae saka malakas na tumawa. "Charot lang, ginaya ko lang 'yong napanuod ko Papi. Kabado ka masyado, tara na nga baba na tayo, ang sakit ng ulo ko. Isa na nga lang sumasakit pa paano pa kaya 'yong mga lalaki dalawa ulo." Humagikgik ang asawa. "Bili mo 'ko ice cream ha?" ani ng babae saka nauna ng bumaba sa sasakyan.______________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store