Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Kabanata 20
Kabanata 20:
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Alas, para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla akong natauhan. Sinampal ng kagagahan ko. Kaagad akong umalis sa ibabaw niya, Alas tried to catch my waist but I push his shoulder away.
"Alice!" he groaned.
Napangiwi ako dahil sa tono niya, na parang nasaktan ko siya. Bumuga ako ng hangin saka nameywang, sinubukan kong paypayan ang aking sarili gamit ang kamay.
Ano bang ginagawa ko? I just realize my feeling, wala pa nga atang sampong minuto ang nakakaraan, then I'll give in that fast?
Alice, hold yourself, woman.
Naguguluhan akong tiningnan ni Alas habang nakapameywang ako sa gilid ng kama, kumunot ang kanyang noo sandali at ang naguguluhan niyang mukha ay napalitan ng pagkabahala.
Itinaas niya ang kamay bilang pagsuko.
"Sorry, did I scare you?" gagad na tanong niya, malumanay na ang kanyang boses.
Marahas akong umiling.
Anong takot? Walang takot-takot sa akin at mas doon ako natatakot, mas sa sarili ko ako natatakot.
"N-No, just don't come near me." Bumuga ako ng hangin, napanguso si Alas at inosente akong tiningnan.
Sinenyasan ko pa siyang huwag lumapit sa akin. Humalukipkip siya, hindi ko maiwasan pasadahan nang tingin ang hubad-baro niyang katawan. At ang mokong ay nakita ata ang paghagod ko ng tingin dahil mas ipinakita pa ang abs niya.
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Alas!"
"Yes love?" he answered attentively.
"Don't seduce me, akala mo hindi ko napapansin!"
"So naaakit ka nga nyan? Natatakot ka kasi hindi mo napipigilan? Come on, love don't hold back. Hindi mo ako gayahin, go lang," he chuckled.
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Naaawa pa ako sa kanya kanina kasi mukha naman talaga siyang kaawa-awa tapos ngayon kukudaan niya ako ng ganyan.
"Hindi ako natatakot okay? I have my monthly period! Kaya horny ako! K-Kaya attracted ako kaagad," I explained. Mayroon talaga ako ngayon pero alam kong hindi iyon ang dahilan ng karupukan ko sa kanya.
Bahagyang tumabingi ang ulo ni Alas parang nag-iisip, inilagay pa niya ang kamay sa kanyang baba saka ako pinasadahan ng tingin. Nginuso niya ang pintuan ng kanyang banyo.
"We can do it in the bathroom," he suggested, there's a stupid grin in his face.
Damn this officer!
"Ayos lang naman sa akin, you know I'm not afraid to blood. Tama sila, kung gusto may paraan, kung ayaw may-"
"Isa pang salita mo sasalaksak ko 'tong lampshade mo sa'yo," banta ko.
Natatawang humiga at tumihaya siya sa kanyang kama. Idinipa niya ang kamay saka napatitig sa kanyang kisame habang may ngiti sa labi, hindi ko alam pero unti-unting sumikip ang dibdib ko.
Nawala bigla ang inis at hiya ko.
Dahan-dahan akong umupo sa kanyang gilis habang nanatili siya sa gano'n pwesto.
"Stop smiling, don't force." Hindi ko maiwasan magkomento pagkaraan ng ilang sandali.
Ang ngiti sa labi niya ay unti-unting nawala, nilingon niya ako at muntik na akong mapatayo sa gulat nang umunan siya sa aking hita. Ilang beses akong lumunok upang hindi niya mahalata ang kaba ko, hindi ko alam kung alam ba niya ang epekto ng mga ginagawa niya sa akin.
Pumikit siya.
"Love?"
"Hm?"
I want to touch his hair so I did, I combed his soft black hair using my fingers. Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
"Hindi ka ba magtatanong kung anong nangyari? I know you heard me earlier. I killed my father, yes. I hurt other people. Gusto kong sabihin sa'yo lahat pero alam kong malabo pa sa ngayon. I-I'm not ready because I know you'll be scared of me. But I'm trying so hard, I want you to know everything."
Nagsalubong ang aking kilay sandali, naging mabagal ang pagsuklay ko sa kanyang buhok.
"Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin ng hindi ko itinatanong? Mas grabe pa ba ang mga nagawa mo sa mga nagawa ko?"
"Sobra pa, walang-wala ang mga nagawa ko sa mga nagawa mo at natatakot akong matakot ka sa akin kapag nalaman ang mga iyon. You see, I'm not a real hero."
"Try me." I encouraged him.
Dumilat ang kanyang mata, mapupungay ang mga iyon.
"I killed my father while saving my daughter."
Nanlaki ang aking mata, alam kong kita niya ang gulat sa aking mukha. Mabilis niyang hinuli ang aking kamay at inilapit iyon sa kanyang labi at hinalikan.
"Y-You have a . . ."
"Well, technically she's my daughter now. Nabanggit ko na noon sa'yo na inampon lang ako at hindi katulad ng ibang bata na naaampon na sa mabuting pamilya napupunta ay minalas ako. I became part of Dela Torres'. A bunch of weirdos, they have this stupid ritual, sa sobrang obsess nila sa yaman ng pamilya nila ay mas gugustuhin na lang nilang magpakasal sila-sila, para walang lalabas na kayaman." Hindi ko alam kung bakit nasasaktan akong marinig sa kanya ang bagay na 'yon. Huminga siya nang malalim, ipinahinga ang magkasaklob naming kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib. "To make the long story short, I saved my cousin to that stupid rule then now, I adopted Savy and her sibling. S-So yeah, I have them. A daughter and a son at the age of twenty eight." He chuckled.
Hindi ako kaagad nakapagsalita, nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Iniisip ko ang mga sinabi niya, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nasa gano'n sitwasyon. Hindi ko maiwasan mamangha dahil doon.
"Savy? 'Yung lagi mong kausap sa phone?"
Napalingon siya sa akin, mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. "Y-Yeah, naririnig mo pala. Nagpapagaling siya ngayon, kaya minsan ay umaalis din ako para bisitahin siya. She'll like you." Tipid siyang ngumiti.
Hindi ako nagsalita, I don't feel jealous at all. Dapat ay magselos ako dahil may kinukwento siyang ibang babae pero wala akong naramdaman gano'n. Siguro dahil kita ko sa mukha niya na wala siyang espesyal na nararamdaman para sa babaeng iyon.
Tumikhim siya, hindi inaalis ang titig sa akin para bang pinag-aaralan ang ekspresyon ko.
"Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ako sinusuka ng mga Dela Torre. Iniisip nilang pagkatapos nila akong tanggapin sa kanilang pamilya ay gano'n ang ibabalik ko. Ang patayin ang isa sa mga matataas sa kanila, ang panganay ng mga Dela Torre. Siguro nga, masama ako. Dahil hanggang ngayon ay wala akong pagsisisi at kung bibigyan ako ng pangalawang pagkakataon na bumalik sa panahon na iyon, parehong desisyon pa rin ang gagawin ko." Umigting ang kanyang panga.
Pakiramdam ko tuloy ay may ibang dahilan pa siya kung bakit niya nagawa iyon.
Hindi ko alam pero wala akong takot na naramdaman sa kanya, after he confessed what he did years ago. He's still the Alas I know.
Malakas siyang bumuntonghininga saka tumayo, mabilis niyang sinuot ang mga damit na inihanda ko. Pumasok siya sa walk-in closet at pagbalik ay may dalang sweater short at shirt. Mabilis niyang sinuot sa akin ang mga iyon, muntik pa akong matumba dahil sa pag-angat niya ng isang paa ko upang maisuot ang short niya.
Malaki iyon sa akin, halos lagpas tuhod ko na.
Nagulat pa ako dahil hinuli niya ang aking kamay saka ako hinila niya papalabas sa kanyang kwarto.
"Hey, saan tayo pupunta?" takang tanong ko nang makalabas kami sa kanyang bahay.
Imbes na dumeretsyo sa kanyang kotse ay binuksan niya ang garage niyang nakasarado.
"Hintayin mo ako, may kukunin lang ako."
Kahit naguguluhan ay hinintay ko siyang makalabas ulit, napamaang ako nang lumabas siya sa garahe niya na sakay ng motorsiklong kulay itim.
Nakita ko na iyon dati nang maglinis ako ng garahe pero hindi ko pang nakikitang gamit niya.
"Anong gagawin . . . aalis tayo? Iyan sasakyan?"
Iniabot niya sa akin ang isang helmet na kulay itim. "May ipapakita ako sa'yo, mas mabilis kapag ito. Come on."
Nabibigla ako pero mabilis akong sumunod, sinuot ko ang helmet saka umangkas sa kanyang likuran.
"Humawak ka," medyo lumakas ang boses niya upang marinig ko.
Humawak ako sa kanyang balikat, nilingon niya ako. "Ano?"
"Huwag diyan, baka mahulog ka. Hold my waist instead," utos niya.
Para na lang hindi na magtagal ay sinunod ko na lang ang gusto niya. I gripped the hem of his shirt, nang masigurado niyang nakaayos na ako ay pinaandar na niya ang motorsiklo.
Tahip-tahip ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ako sanay. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng kanyang damit sa gawing beywang, mabilis ang patakbo ni Alas pero hindi naman nakakatakot dahil tansyado niya ang bawat daan, kung kailan liliko, kailan babagal.
Ilang minuto siyang nagda-drive hanggang makapunta kami sa isang baryo, alam ko ang lugar na ito ngunit hindi na ako pamilyar ngayon.
"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko, madilim na ang buong paligid.
Sino ba ang pupuntahan namin? May ipapakita raw siya?
Tuluyan inihinto ni Alas ang motor sa ilalim ng isang puno, madali niyang itinukod ang isang paa upang hindi kami matumba.
Itinuro niya ang bahay sa gilid. Maliit lang iyon pero maayos naman, kumunot ang noo ko.
"That's our house."
"Huh?"
"Diyan nakatira ang totoo kong mga magulang at dalawa kong kapatid," mahinang sabi niya.
Umawang ang aking labi at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay ramdam ko ang sakit sa kanyang boses.
"Alam mo kung nasaan ang mg magulang mo? B-Bakit hindi ka umuwi? Alam ba nila?" sunod-sunod na tanong ko.
Umiling siya, bahagya akong nilingon.
"Noong nakaraan taon ko lang sila nahanap, ang totoo ay gustong-gusto kong magpakilala. Gusto kong sabihin na ako 'to, ang anak nilang nawawala. Minsan naiisip ko hinanap kaya nila ako? Gusto ko silang lapitan pero pinangungunahan ako ng takot. Sa mundong ginagalawan ko ngayon, sa trabahong mayroon ako, ipapahamak ko lang sila at saka, nakokonsensya ako dahil nagkahiwalay ang mga magulang ko dahil sa akin, sa akin nagsimula kaya nagkagulo sila, nahihiya na akong bumalik." Suminghap siya saka muling nilingon ang bahay.
Bukas ang ilaw no'n sa loob, parang may kumurot sa puso ko.
"Siguradong hinahanap ka nila Alas. M-Maswerte ka dahil may pamilya ka pa rin, kahit hindi mo sila kasama," mahinang sabi ko.
I don't have family too, ako na lang talaga.
"Pamilya na hindi ko man lang malapitan, pamilya na hindi ako kilala," mapakla siyang natawa.
Dahan-dahan kong ipinalibot ang dalawa akong kamay sa kanyang beywang. His body stiffened, tumuwid siya nang upo.
I kissed his shoulder.
"A-Alice . . ."
"I'll be your family from now on. You're not alone, Alas."
Hindi siya nakapagsalita, ramdam ko ang pigil niyang paghinga. Hinalikan ko ulit ang balikat niya, malapit sa leeg.
"You did great, Officer," I said while hugging him tight.
Nakita kong yumuko siya, hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kanya at bahagyang hinimas iyon.
"Papa, Ma. Sabi ko noon hindi ako babalik dito hanggat hindi ako masaya, pero bilang magulang ko, bilang dahilan kung bakit ako nabuhay ay nandito ako para magpaalam," mahinang sabi niya, alam kong para iyon sa mga magulang niyang nasa loob ng bahay na walang kaalam-kaalam na nasa labas kami. "I'm here to introduce to you the woman I cherish. This is Alice and she'll be the mother of my children. She's the woman I wanted to grow old with."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at nang may maramdaman sa aking daliri.
"Alas!" I gasped when he slid a cold ring to my finger. Kahit hindi ko nakikita ay alam na alam ko kung ano iyon.
I saw a floral ring.
Dinala niya iyon sa kanyang labi saka ako nilingon, nang magtama ang aming mata ay umawang ang labi ko dahil hindi ako makahinga. Kakaibang emosyon, ngayon ko lang naramdaman.
Hindi ko alam bakit naiiyak ako. Mabilis nangilid ang aking luha, tipid na ngumiti si Alas sa akin, mas humarap siya upang mas makita ang mukha ko.
"I know, I'm not perfect I have flaws. I cannot promise to be always kind, always calm, I cannot promise that I will deserve you. Alice, no matter how what the world say about me, I know you'll always see me through. Here is the deepest secret that nobody knows, I . . . I'm madly in love with you that I forgot the reason, the plans, the pain. All I could think now is you, love."
He kissed my hand as my tears spilled. I can see a lot of emotion in his eyes.
"Please marry me, baby, love me." He pleaded. I nod slowly.
________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store