ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 21

SaviorKitty


Kabanata 21:

Malamig na hangin ang yumakap sa aking mukha habang tinatanaw ko ang pagsayaw ng alon sa bangka na aking sinasakyan. Inipon ko sa aking kanan balikat ang aking buhok na hanggang beywang upang hindi sumabog sa lakas ng hangin.

Hindi pa rin ako makapaniwalang anumang oras ay tatapak na ako sa Casa Nueva, isang resort dito sa Palawan.

Hindi ko tuloy maiwasan maalala ang nangyari noong nakaraan araw.

Alastair Jamall proposed to me infront of their house, and I actually said yes. Nang gabing iyon ay hindi kami natulog, wala akong naramdaman pagod kahit sobrang daming nangyari buong araw.

We had a great night conversation, napag-usapan namin 'yong tungkol sa akin, noong bata ako. He shared memories about his biological parents, isang private driver daw ang kanyang ama at guro ang ina.

Kinabukasan noon ay sinamahan ko siya sa station, wala naman masyadong naging probelma dahil sinabing ginawa lang nila ang trabaho nila't aksidente ang nangyari pero binigyan siya ng dalawang linggong leave. Pinuntahan din naman ang inampon niyang pinsan niya, akala ko ay mga bata pa kaya nagulat ako nang makitang dalaga na, may anak na nga.

Nang humapon ay pumunta naman kami sa puntod ni Mommy at Daddy, kasama na rin ang kay Ate Aryan.

Hindi ko alam kung anong sinabi niya sa kanila dahil hiniling niyang iwan ko siya saglit kaya may pinuntahan na lang din ako, isang importanteng bagay.

Pakiramdam ko'y pinagpaalam niya ang gagawin namin desisyon.

And the next day, August twenty seven. I married Alastair Jamall Dela Torre.

Simple lang. Ako, si Samy, Tonyo at Beno lang ang nandoon. It wasn't a formal wedding; it was more of an arrangement between us. A marriage by common law.

Napag-usapan na gano'n muna, na agreement muna at kapag maayos na ang lahat saka namin gagawin pormal at legal. Desisyon ko rin naman 'yon at pumayag siya, wala siyang choice.

Napangisi ako nang maramdaman may matikas na brasong yumakap sa aking beywang, hindi na akong nag-aksayang lumingon pa dahil isa lang naman ang surot ko.

I can smell his familiar perfume.

"Narito na po tayo, Ma'am, Sir!" deklara ng bangkero kung saan kami nakasakay.

Tinuro niya ang malawak na lupain kung saan kami patungo. Malayo pa lang ay alam kong buhay na buhay ang gilid ng dagat. Tanaw ang malawak na puti at pinong buhangin at sa bandang dulo ay mga puno ng niyog.

Ang mga tao na nasa gilid ng dagat ay unti-unti nang lumaki sa akin paningin, suminghap ako at bahagyang inayos ang hinahangin ko ng damit.

Nilingon ko ang ilan pang bangka na kasabay namin dadaong sa isla. I scanned the next boat where my friend, Kevin sitting peacefully. Alam ko kung gaano kabigat ang pinagdaanan niya, alam ko.

"Everything will be okay," Alas whispered to me.

Tumango ako, sana nga.

May iba pa kaming kasama sa bangka na katulad ko na under therapy pa. Na mga nagsisimula ulit mamuhay nang normal, hindi ko tuloy maiwasan matuwa dahil alam kong pagbalik namin sa Pampanga ay malaya na ako, pwedeng-pwede ko ng bisitahin ang mga kaibigan ko, humanap ng trabahong gusto ko.

Nawala ang pag-iisip ko nang hulihin ni Alas ang kamay ko kung nasaan ang singsing na ibinigay niya.

Now, that I noticed my ring, wala siyang singsing . . . dapat pala ay mayroon din siya.

Hinimas ko ang daliri niya, hindi kagaya noon na bakas pa ang ring marks niya ngayon ay nawawala na iyon.

Siguro ay may singsing siya rati? Pwede naman 'yon, kahit noong nag-aaral ako ay may singsing din akong suot.

"Sumama ka pa talaga rito, marami ka atang gawain sa station niyo. Sana ay tinapos mo na lang 'yon, kawawa naman si Beno," komento ko.

Unti-unti na kaming nakalapit sa isla, pinatay na ng bangkero ang makina. May naunang bangka na nakadaong sa amin.

Hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng paligid. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ay nanaisin kong tumira sa ganitong lugar, sa tahimik lang.

"Tsk, do you think I'll be able to let my wife go alone after we've married?" sikmat niya saka bahagyang pinisil ang beywang ko, inirapan ko siya dahil sa sinabi niyang iyon.

Feel na feel ah?

"Ay kasal ba tayo? Wala akong maalala."

He looked at me flatly. "Do you want me to help you remember yesterday when you cried while saying yes infront of our friends? We promised!"

Napatango ako. "Ah, akala ko kasi tinatanong mo ako kung adobo gusto kong ulam, kaya ayon. Tumango ako."

"Alice!" he groaned and tried to hug my waist.

"Saka anong umiyak, pinilit mo akong pumirma no. Layuan mo nga ako mainit," inis kunwaring sabi ko, tinabig ang kamay niya.

"Nag-iinit ka?" bulong niya saka humalakhak.

Tumigil lang siya nang tuluyan huminto ang bangka at tumalon ang bangkero upang hilahin sa may dalampasigan ang bangka, hindi sapat iyon para hindi ako mabasa.

Nilayuan ko siya para itago ang kabog ng dibdib ko, dinampot ko ang aking bag na dala para maghanda na sa pagbaba.

"Buntis ka ba?" natatawang sunod niya sa akin.

Asa, wala pa nga assuming!

At isa pa, I'm taking pills, kung nagkataon man na hindi ko mapigilan ay sigurado akong walang mabubuo.

Ayoko pa.

Hindi pa ako handa sa gano'n responsibilidad, bukod pa roon ay hindi pa nga ako sigurado sa sarili ko. Paano kung sumpungin ako? Na bumalik ang sakit ko? Mahirap na kaya hanggat maaari ay protektahan ko ang sarili ko, protektahan ko silang nasa paligid ko.

Wala sa sariling napalingon ako kay Alas na may ngisi sa labi, kinuha niya ang bag sa akin.

I know I'm being unfair to him, but I believe this is the best decision for now.

Inalalayan niya akong bumaba, hindi na ako nakaangal nang kinarga niya ako upang hindi mabasa ang suot kong damit. Ibinaba niya lang ako nang nasa buhanginan na siya.

Isinuot niya ang bag sa magkabila niyang balikat saka pinagsaklob ang aming mga kamay.

"Salamat Kuya," narinig kong sabi niya sa bangero, may inabot siya sa bangkero pero hindi ko na tiningnan pa kung ano lalo't abala na ang mata ko sa kaibigan sa kabilang bangka na ngayon ay inaalalayan bumaba.

I need to make sure that Kevin will be okay here.

Sumenyas ang organizer na lumapit kami, binawi ko ang aking kamay kay Alas at kaagad siyang napalingon sa akin, may kaba ang mata.

Inismidan ko siya dahil sa reaksyon niya.

"Tinatawag kami, may orientation ata. Ayusin mo muna 'yong mga gamit."

"Samahan na kita."

"Huwag na tsk, patay na patay?" biro ko.

His lips turned up. "Yabang naman porket asawa na."

"Ulul, baka ikaw. Hindi ka nga ata natulog kagabi sobrang tuwa e."

Tinalikuran ko na siya, doon ko inilabas ang ngisi ko nang hindi niya makikita pa. Kaagad akong tumabi kay Kevin, bahagya kong tinapik ang likod niya. Tumango siya, kahit hindi ako nakikita ay alam kong alam niyang ako ang tumabi sa kanya.

"Gutom ka na baks?" mahinang tanong ko.

Tipid siyang ngumiti. "Hindi pa, ayos lang. Gusto ko ng magpahinga."

"Sige, ihahatid kita sa ibibigay sa'yong kwarto pagkatapos."

Marahan siyang tumango.

"Bibigyan namin kayo ng dalawang linggo rito, bibigyan din kayo ng panahon para maging pamilyar sa lugar. May mga activities kaming inihanda kada araw na dapat ay magagawa niyo. Sa ngayon ay magpahinga muna tayo para mamayang gabi ay pare-parehas tayong may lakas sa unang activity natin. Nasabihan na kayo noong nakaraan na may kanya-kanya kayong kwarto, dapat talaga ay dalawahan lang pero dahil limitado lang ang mga cabin ay napagdesisyunan na gawin tatlo ang magkakasama sa isang cabin. Ibibigay na lang namin ang mga list, wala sanang biglang mawawala ha tandaan may mga bantay kayo," sabi ng babae na medyo may edad na.

Nagsing-ayunan ang mga kasama ko. May sinasabi pa ang babae tungkol sa dinner mamaya.

"Ayokong may kasama sa cabin," narinig kong sabi ni Kev.

"Pero sabi ni—"

"Ayoko."

"Fine, I'll get you a room okay?" Napabuga ako ng hangin, baka pwedeng gawan ng paraan ni Alas.

Kapag talaga naging ayos na 'tong baklang 'to, lagot 'to sa akin.

Nang matapos ang orientation ay nagpunta na sila sa kanya-kanyang kwarto. Inalalayan ng isang staff si Kevin papunta sa gilid pero ayaw niyang sumama, sinenyasan ko ang lalaki na ako na ang bahala.

Kaagad lumapit si Alas saka umakbay kay Kevin na napaigtad pa. "Dude, saan kwarto mo? Hatid ka namin." Oh, feeling close na naman.

Nakita kong namula si Kevin sabay hawi sa kamay ni Alas, natawa ako.

"Huwag mong hawakan 'yan, nagbabagong buhay na 'yan."

"Huh?" takang tanong niya kaya natawa na lang ako saka inalalayan si Kevin na umupo muna, inabutan ko siya ng tubig.

"Alas, can I request something?" mahinang sabi ko nang bahagyang nakalayo sa kaibigan.

"Sure, my love," he said attentively.

Bumuga ako ng hangin. "Can you get a room?"

Nanlaki ang mata niya, sinapak ko siya sa tiyan dahil siguradong kung ano-ano na naman ang iniisip niya.

"Tsk, get a room for Kevin. Ayaw niyang may kasama sa kwarto. Naiilang 'yan, alam mo naman. Pwede ba? Babayaran na lang kita kapag nagkapera na ako saka—" Napatigil ako nang dampian niya ng halik ang labi ko, sandali lang 'yon bago humiwalay.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Kukuha na po. Don't worry about your friend okay? I'll take care of him, and you, my wife . . ." Pinangigilan niya ang ilong ko. "Will take care of me, ako lang dapat," ganadong sabi niya.

Napairap ako sa kanya.

Umalis siya sandali, pagkabalik niya ay may kwarto na siya para kay Kevin. Hinatid muna namin doon siya roon bago ako pumunta sa kwarto, hindi ko sigurado kung sino ang mga makakasama ko.

Ayoko sana kaso wala naman akong magagawa, ngayon pa ba ako mag-inarte.

Binuksan ko ang cabin, naka-lock pa iyon. Wala pa ba ang mga makakasama ko?

Itinulak ko ang pintuan, mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang makitang isang malaking kama ang nandoon. Dapat tatlo!

"Mali ata 'to." Baling ko kay Alas.

Direderetsyo siyang pumasok, binuksan niya ang kurtina na tumatabing sa veranda. Tumambad ang asul na asul na dagat, inilapag niya ang mga bag namin sa kama.

"Alas, mali ata ako ng room!" ulit ko.

Napangiwi siya. "I got us a room. I know you're uncomfortable with others."

Napahilot ako sa aking sentido dahil sa sinabi niya.

"Dapat ay hindi mo ginawa 'yon, baka isipin ng iba may favoritism!"

He walked towards me, his arms hugged around my waist. Tahip-tahip ang kaba ko dahil doon pero hindi ko ipinahalata sa kanya.

"You're my favorite," he murmured.

Hindi ako nakapagsalita, marahan niya akong sinayaw kahit wala naman tugtog. Nanatili akong nakatayo roon, para siyang tanga.

Alas kissed my temple.

"I just want you to feel comfortable."

Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. "At sa tingin mo ay komportable ako na kasama ka sa iisang kwarto?"

"Bakit naman hindi? Mag-asawa tayo, we agreed, right?"

"P-Pero hindi pa ako sanay na magkasama tayo sa kwarto, hindi ako sanay na may katabi," I explained.

Umupo ako sa kama, nanatili naman siyang nakatayo sa aking harapan.

"Kaya sanayin mo na ngayon."

Sumimangot ako, ang dami niyang sagot.

"Fine, I'll just sleep on the floor. Cold and hard," he made a sad face.

"May extra ata silang kutson."

"Malamig."

"Use the comforter, hindi ako gagamit."

"Walang unan."

"I can give you one."

"Okay, let me sleep alone."

"You're not alone, magkasama tayo. Nasa kama lang nga ako." Humalukipkip ako, bumagsak ang balikat niya dahil pinakita kong buo ang desisyon ko.

"Kapapakasal lang natin inaabuso mo na ako," he accused.

Hindi ko maiwasan matawa, sinenyasan ko siyang lumapit. Tumingala ako sa kanya nang makatapat kami, aasarin ko pa sana siya pero natigilan ako nang makitang kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi.

Sinapak ko ang tiyan niya.

"What the hell are you thinking huh?!"

Natatawang lumuhod siya sa aking harapan. "So gano'n ang view ko kapag ano," natatawang sabi niya saka ipinalibot ang braso sa beywang ko dahilan upang makulong ako sa gitna niya.

Ipinahinga niya ang kanyang baba sa aking tuhod habang nasa gano'n posisyon.

"Aayusin ko lang mga gamit natin tapos kumain na tayo, may gusto ka bang puntahan dito?"

"Hmm, wala naman baka pumunta lang ako sa tabing-dagat."

"Sige punta tayo pagkatapos kumain. Ano pa?"

"Can we buy uh, souvenirs like keychain? Meron ba rito no'n?"

Sandali siyang nag-isip. "Mayroon ata roon kung saan tayo bumaba. Tingnan natin mamaya huh? Kanino mo ibibigay?"

I sighed. "Sa mga kaibigan ko, makikipagkita ako pagkabalik natin sa Pampanga."

Tumango siya. "All right, let's do that."

He kissed my knee, kahit natatakpan ng boho dress ko ay ramdam ko ang init ng kanyang labi roon.

Nang tumingala siya sa akin ay tipid siyang ngumiti. "Thank you the chance, love."

"Nasabi mo na 'yan noon."

"I know, gusto ko lang malaman mo na masaya ako at sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan ang isang chance na 'to," seryosong sabi niya kahit may ngiti sa labi.

Pinitik ko siya sa noo.

"Kahit hindi mo naman sabihin ay alam ko—" Napatigil ako sa pagsasalit nang may kumatok sa labas.

Nagkatinginan kami ni Alas, he groaned when I signal him to open the door.

Tumayo siya saka nilabas ang kumatok. Napabuntonghininga na lang ako saka napatitig sa nakasarang pintuan.

Ilang sandali pa akong nasa gano'n posisyon nang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi ko sana sasagutin pero naisip kong baka si Savy iyon o kaya si Beno kaya mabilis kong kinuha ang telepono niya sa bag.

Mas kumunot ang noo ko dahil hindi naka-save ang numero.

Mabilis kong itinapat iyon sa aking tainga.

"H-Hello?" boses ng isang babae ang bumungad, umiiyak siya. Malakas ang hikbi. "A-Alam kong ikaw 'to, p lease tama na, huwag ang kapatid ko! Maawa ka! Hindi niya sinasadya please! She didn't mean to kill your fiancé!"

_____________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store