ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 8

SaviorKitty


Kabanata 8

Mabilis kong itinulak si Travis dahil sa sinabi niya. May kakaiba akong naramdam sa sobrang lapit namin. Ang paghinga ko ay naging malalim din. Bahagya pang tumagilid ang kaniyang ulo dahil sa ginawa ko.

"A-Ano bang sinasabi mo?" tanong ko para itago ang kaba.

Nagkibit-balikat siya bago tapikin ang balikat ko. "Calm down, I wont bite," wika niya saka siya naglakad palayo sa akin.

Napahawak ako sa pader ng mawala siya sa paningin ko. Sa tagal ko siyang nakikita noon at nakakasama sa bahay ngayon lang ata ako masyadong kinabahan sa presensya niya.

Do I like him that much? Maybe I like him for a long time, but I'm just holding back? Bakit hindi ko man lang nahalata? Pwede ba 'yon? Nabigla mo na lang mararamdaman na gusto mo ang isang tao?

"Hey," halos mapatalon ako ng kalabitin ako ni Daryl.

"Ano ka ba naman Daryl, nakakagulat ka naman," huminga ako ng malalim. Nakita ba niya kami ni Travis? "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya saka umiling, "Nope, why are you always surprised?" takang tanong niya.

"Lagi ka rin kasing nanggugulat, tara na nga baka nasa room na sila," yaya ko sa kanila, bahagya ko pang nilingon ang dinaanan ni Travis.

Para akong lutang hanggang makarating kami sa room. Inasar kami nila Kevin dahil magkasama na naman kami ni Daryl. Iniisip nilang may something kami, hindi ko lang talaga maiwan si Daryl pakiramdam ko ba ay obligasyon kong samahan siya.

Alam ko kasi 'yong pakiramdam na mag-isa. Yong parang walang gustong sumama sa'yo. Gano'n ako sa dati kong school, 'yong pakiramdam na may circle of friends ang mga kasama mo at ikaw ang itsapwera.

Napailing ako sa pang-aasar nila, si Daryl naman ay nag-iwas tingin sa amin.

"Huwag kayong ganyan naiilang na si Daryl," saway ko sa kanila.

"Aysus, namumula si Daryl oh," natatawang wika ni Lisa na tinuro pa siya.

"Hahaha, oo nga no? Baka kayo pa magkatuluyan nyan ah? Aasa na ba kami?" segunda ni Kevin.

Si Alice naman ay pumalumbaba na tinitigan si Daryl na ilang na ilang. Ako kasi ay sanay na sa kanila, lahat ata ng makita nilang lalaki ay pina-partner nila sa akin.

"Are you single Daryl?" tanong ni Alice na ikinagulat naman niya.

Natawa ako kasi namumula na siya. "U-Uhm, yup."

Nagtilian sila, napailing ako. "I'm taken," wika ko.

Tinawanan lang ako nila habang si Daryl naman ay napalingon sa akin. "Weh? Kung taken ka na, bakit wala kaming nakikita ha? Sa facebook bakit wala kang pino-post?" usisa ni Kevin.

Napailing na lang ako bago umayos ng upo.

Nag-asaran pa sila at pinipilit nila akong sabihin kung sino ang kasintahan ko. Kung ka-school mate raw ba namin o galing sa dati kong school kahit gusto ko man magkwento ay alam kong hindi pa pwede sa ngayon.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising, talagang nag-alarm ako dahil alam ko naman hindi ako gigisingin ni Travis. Nang magising ako ay bumungad sa akin ang malakas ng buhos ng tubig sa banyo, siguradong naliligo na siya.

Lalabas na sana ako ng kwarto para sana magpaluto kay Manang almusal pero napatigil ako ng marinig kong kumakanta siya.

Parang may sariling buhay ang paa kong humakbang papalapit sa pinto ng banyo.

Inilapat ko ang aking tainga sa pintuan para mas marinig ang kaniyang boses. Napangiti ako ng marinig ang malamig niyang boses kasabay ng pagbuhos ng tubig galing sa shower.

He's singing someone you loved. This is the first time I heard him singing.

Nang tumigil ang tunog ng shower ay mabilis akong umatras at lumabas ng kwarto bago pa man niya ako maabutan na nakatayo sa labas, baka ano pa isipin no'n. Baka akalain niya binobosohan ko siya.

Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko si Manang na naghahain na ng umagahan namin.

"Magandang umaga iha, ang aga mo ata ah," komento niya saka ako nginitian kasalukuyan siyang nagsasalin ng mainit na tubig sa termos.

"Good morning din po, opo nag-alarm talaga ko hindi naman kasi ako ginigising ni Travis e," wika ko.

Inabot ko ang isang hotdog at isinubo iyon. Sakto naman pumasok si Travis na nagpupunas ng buhok, bumaba ang kaniyang tingin sa kagat-kagat kong hotdog bago nag-iwas tingin at umupo sa pwesto niya.

"Good morning Manang," napanguso ako sa paos niyang boses. Malalim ang boses niya pero mas gumaganda pa kapag umaga. Pwede pala 'yon?

Inubos ko ang hotdog na hawak ko saka ako naupo sa tabi niya.

Kagabi ay hindi kami nag-usap. Naiisip ko pa rin 'yong sinabi niya aa labas ng banyo. Flirt with him? Does it mean he likes me too? No, I'm not going to ask him that, baka umaasa lang ako tapos naglalaro lang siya edi ako ang kawawa. Hindi ko muna sasabihin sa kaniya na gusto ko rin siya hanggat hindi pa ako sigurado. Hindi naman siguro masama na magsigurado bago magpadalos-dalos.

"Hey, you're spacing out," pumitik siya sa harap ko kaya napakurap-kurap akong napabaling sa kaniya na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

"Ano?"

"Nakatunganga ka dyan," he pointed out.

"May iniisip lang ako," pagdadahilan ko saka ako uminom ng kape.

"Sino? Ako?" tanong niya.

Halos maibuga ko ang kape dahil sa sinabi niya. Napaismid pa ako dahil doon. Nagpeke akong tawa at iling para hindi niya mahalata ang kaba ko.

"Anong ikaw?" natatawang kunwaring tanong ko.

Hindi nakalagpas sa aking mata ang mapanuksong ngiti ni Manang habang naghuhugas ng plato.

Napatuwid ako ng upo ng ilagay ni Travis ang braso sa sandalan ng aking upuan. Pakiramdam ko ay napaso ako ng tumama ang kamay niya sa balikat ko.

Nahigit ko ang aking hininga ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Naamoy ko kaagad ang mabango niyang natural na amoy at ang kaniyang sabon. Pakiramdam ko ay humigpit din ang hawak ko sa tasa ng ilapit niya ang bibig sa tainga ko.

"A-Anong gi-ginagawa mo?" utal na tanong ko.

Bahagyang tumama sa aking tainga ang kaniyang paghinga. "May muta ka," bulong niya.

Ngingisi-ngisi siyang umayos ng upo habang ako ay nanlaki ang mata dahil sa kaniyang sinabi, mabilis kong kinapa ang mata ko. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan.

"Pinagti-tripan mo ba ako?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Hindi a," ngumiti siya sa akin.

Napa-iwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay inaaakit niya ako. And if he's seducing me, congrats to him because it's working.

Nang matapos akong kumain ay mabilis akong naligo, nagulat pa ako ng makita si Travis sa labas ng bahay. Nakasandal siya sa kaniyang kotse.

Akala ko umalis na siya, ano pang ginagawa niya rito?

"Get in," aniya ng makita ako.

Kunot ang noo ko lumapit sa kaniya. "Ha? Bakit?"

"Sakay na tss."

"Bakit nga?"

"Malamang isasabay na kita," inis na wika niya.

Bakit ba siya naiinis, e hindi ko naman sinabing isabay niya ako. "Huwag na baka may makakita pa sa atin sa school," pagtanggi ko.

Kitang-kita ko kung paano niya iikot ang mata at buksan ang pintuan. "Sumakay ka na, ayokong na-la-late ako," masungit na sabi niya.

Naguguluhan man ay sumakay na ako, pinanuod ko siyang pumunta sa driver seat. "Sino ba kasing may sabing hintayin mo ako? Karaniwan naman ay nauuna ka talaga ah, bakit may pasakay ka na ngayon," tanong ko habang inaayos ang seatbelt.

"Because I'm flirting with you," seryosong aniya na deretsyo ang tingin sa harapan bago paandarin ang kotse.

Napaawang ang labi ko sa sinabi na. What the hell Travis?

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store