Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 9
Kabanata 9
Deretsyo ang tingin ko sa harap habang tahimik na nagda-drive si Travis. Ang ilang minuto papasok sa iskwelahan ay parang naging kalahating oras sa bagal niyang pagpatakbo.
Kung anong kinabagal namin ay iyon din kinabilis ng kabog ng dibdib ko.
Hindi ako sumagot sa kaniya kanina, I don't like flirting. I want to hear that he likes me too. Not for flirting.
Nang isang liko na lang kami bago makarating sa iskwelahan ay tinuro ko ang isang store. "Dyan mo na lang ako ibaba," usal ko.
Bahagya niya akong sinulyapan. Imbes na bagalan niya ang andar ng kaniyang kotse ay bahagya niya iyon binilisan.
Nanlaki ang mata ko ng ideretsyo niya iyon sa parking lot ng school. Kinabahan ako dahil madami na rin istudyante na dumadating.
Hinampas ko siya sa braso ng mai-park niya ang sasakyan sa isang gilid, mabilis kong tinanggal ang seatbelt at inis na hinarap siya. "Paano ako bababa nyan?!"
"Open the door, tsk."
"Nagbibiro ka ba Travis? May makakakita sa akin na bababa ng kotse mo!"
"Who says I'm kidding? Just fucking open the door and walk naturally. You're just over thinking. What if they see you? May mata sila natural na makikita nila Sascha," wika niya.
Bahagya niya pang inayos ang uniform niya at akmang bubuksan ng pinto ng hawakan ko ang braso niya, bumaba ang kaniyang mata doon kaya kaagad ko iyon binitawan.
"Hindi nila alam na---"
"That we're married?" taas kilay na tanong niya.
Tumango ako. "I'm handsome, I'm a professor, anong kinakahiya mo na asawa mo ako?" napaawang ang aking bibig sa biglaan tanong niya.
Hindi ko alam pero kakaiba ang tono niya nang sabihin niya iyon.
"Hindi sa gano'n." Umiling pa ako.
"So what?"
"Teacher ka, istudenyante ako. Kahit pa sabibin na legal na tayo hindi pa rin maganda, may mag-iisip at mag-iisip pa rin ng hindi maganda," paliwanag ko.
Sandali niya akong tinitigan bago bumuntong-hininga. "Stop worrying about what other people think of you."
Hindi ako nakasagot. "Fine, mauna ka ng bumaba, after five minutes bababa ako kung 'yon ang mas kampante sa'yo," napipilitang aniya.
Napangiti naman ako, mukhang mabait ata si Travis ngayon. "Thanks!"
Mabilis akong lumabas sa kotse niya, may sinasabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil mabilis akong naglakad papasok. Nang makarating ako sa room ay kaunti pa lang ang mga kaklase ko, naabutan ko si Daryl na kausap si Nade sa dulo. Bahagya akong ngumiti dahil kahit papaano ay may nakakausap na siya.
"Good morning," bati ko sa kanila.
"Ang aga mo ata ah," komento ni Nade bago tumayo at humarap kay Daryl. "Sige Daryl, thank you ha," anito saka bumalik sa upuan niya sa harap.
Nakataas ang kilay na bumaling ako kay Daryl. Ano kayang pinag-usapan nila? "Uy, ano 'yon?" usisa ko.
Ngumiti siya saka umiling. Tama nga ang sinabi niya noon una kaming nagkausap. Mukha nga siyang malibog ngumingiti ng gano'n. Natawa ako sa naisip ko, "Huwag ka ngang ngingiti ng ganyan," natatawang usal ko habang inaayos ang bag ko.
Napasimangot siya.
"Do I really look a pervert man?" takang tanong niya saka ngumiti ulit para bang pina-practice niya kung paano ba dapat ang tamang pagngiti kaya mas lalo akong natawa.
"Shh. Quiet!"
Napatigil ako sa pagtawa ng sumilip si Travis sa pinto at sinaway kami. Mukhang dumaan siya at narinig ang malakas kong tawa. Sinamaan niya ako ng tingin bago dumeretsyo sa kabilang room.
Anong problema no'n?
"Galit ata sa akin si Sir," wika ni Daryl.
Napalingon ako sa kaniya. "Bakit na naman? B-Baka gano'n talaga siya."
Umiling siya. "Hindi e, I feel like he hates me. Yong parang kapag sinasaway niya tayo ay sa akin siya nakatingin na para bang may nagawa ako, hindi naman ako maingay sa klase niya."
Kinagat ko ang ibabang labi. Kung pwede ko lang sabihin sa'yo Daryl sinabi ko na.
Hindi na ako sumagot. Mabilis naman lumipas ang oras. Nang maglunch kami ay kasama ulit namin si Daryl sa canteen. Habang nakapila ako upang umorder ay narinig kong bulungan sa akin likod.
"Oo nga girl, nagtuturo nga si Sir Travis sa amin kanina tapos mapula mata niya, may sakit ata."
Hindi ko maiwasan makinig lalo't narinig ko ang pangalan ng asawa ko.
"Siguro nga, kasi no'n nasa room siya namin pinahinaan niya 'yong aircon. Baka nga may sakit. Hindi ba pwedeng umabsent ang teacher kapag may sakit? Nako kawawa naman si Sir."
Nagsalubong ang aking kilay. May sakit siya? Kanina naman ay wala. Bakit naman siya nilagnat bigla?
Mabilis akong umorder at inoble ko iyon para sa kaniya. Siguradong hindi na 'yon makakababa, bumili rin ako ng gamot. Nakita ako ni Daryl, nagtatanong ang mata niya ng makitang palabas ako sa canteen pero hindi na ako nagpaalam. Sinenyasan ko siyang mauna na silang kumain.
Mabilis ang lakad ko papuntang office ni Travis dala ang pagkain at gamot niya.
Kakatok sana ako pero bahagyang nakabukas ang pintuan niya kaya sumilip ako. Naningkit ang aking mata dahil nasa loob si Ma'am Bea habang pilit na hinahawakan ang noo ni Travis.
Umiiwas naman si Travis, hindi ko alam pero naiinis ako.
"Sige na kasi Sir Travis uminom ka ng gamot, look oh ang init mo na," anito.
Akmang hahawakan niya ulit ang noo ng asawa ko ay malaking binuksan ko ang pintuan kaya sabay silang napatingin sa akin. Ngumiti ako, "Sir, ito na po 'yong pinabili niyong lunch," madiin usal ko saka tumingin kay Ma'am Bea na mukhang nagulat sa presensya ko. "Good afternoon po Ma'am."
Tumikhim si Travis saka umayos ng upo. "Ma'am Bea you can go now, nandito na ang lunch ko. You take your lunch too. Thanks for the med," seryosong aniya.
Tumango naman si Ma'am Bea na parang nag-aalinlangan pang umalis. Nang masara niya ang pinto ay inilapag ko ang tray saka ko chineck ang labas, mabuti at talagang umalis na siya. Naiirita ako sa paghawak-hawak niya kay Travis.
Lumingon ako kay Travis na pinapanuod ang kilos ko, nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng swivel chair. Bahagyang mapula nga ang mata niya at parang anumang oras ay makakatulog siya.
Inis na itinabi ko ang gamot na bigay ni Ma'am Bea saka ko kinuha ang binili ko. "Kumain ka na muna saka ka uminom ng gamot."
"How did you know?" mahinang tanong niya.
Napangiwi ako, "Kahit saan naman ako pumunta puro Sir Travis ang bukang bibig." Inilapag ko ang kanin at ulam sa kaniya. "Bakit ka ba nagkasakit? Ang lakas mo pa kanina."
Mahina siyang humalakhak. "Masama lang talaga pakiramdam ko pero hindi pa naman ako mamamatay, kaya pa nga kitang anakan."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi ko siya tiningnan nagkunwari akong nagsasalin ng tubig sa baso niya na galing sa mineral water.
Halos mapatalon ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko, "Hey calm down," rinig ko ang pamang-asar na tono niya.
Talagang sinasagad ng lalaking 'to ang karupukan ko sa katawan.
"A-Ano? I-Inaayos ko pagkain mo," nag kunwari akong balewala sa akin ang sinabi niya pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng paglumsay sa office niya.
"Look at me."
Hindi ko siya sinunod.
"Sascha, look at your husband. Come on."
Kinagat ko ang ibabang labi saka tumingin sa kaniya. Ayon na naman ang paghataw ng kaba sa dibdib ko nang magtama ang aming mga mata. Mapungay ang mata niya habang may ngisi sa labi, ganito ba talaga 'to kapag may sakit? Kung ano-ano pinagsasabi.
"Why are you so shocked? We are married, of course we will make love, soon. Magkaka-anak tayo. Don't tell me hindi mo 'yon naiisip?" tanong niya habang sinisilip ang mukha ko.
Bahagya kong inagaw ang aking kamay sa kaniya, pakiramdam ko kaai ay napapaso ako sa haplos niya. Mainit na nga siya, dinagdagan pa ng atraksyon na nararamdaman ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Na overdose ka ata sa gamot."
Humalakhak siya, binitawan niya ako saka umayos ng upo. "Sorry, I just want to see your red face."
"M-Mapula talaga ang mukha ko, kumain ka na nga. May klase ka pa ba mamaya?" kunwaring inis na wika ko.
"Wala na akong klase." Nginuso niya ang visitor chair. "Move it closer."
Sinunod ko ang gusto niya, inilapit ko 'yon sa kaniya. Nagulat pa ako ng hilahin niya ako paupo roon. "Let's eat, I'm really hungry."
"Eh mukhang busog na busog ka nga doon kay Ma'am Bea may pa haplos pang ganito," ginaya ko ang ginagawa ni Ma'am Bea.
Nakataas ang kilay na sinulyapan niya ako.
"You are jealous, aren't you?"
"Bakit naman ako magseselos doon?"
"You should not," madiin usal niya bago magsimula kumain.
Pagkatapos namin kumain ay ininom kaagad niya ang gamot. Isinandal ulit niya ang ulo habang pinapanuod akong pagligpit ng pinagkainan namin. Pagkatapos ko ay tinuro ko ang maliit na sofa sa gilid.
"Gusto mo ba umuwi na o mahiga muna doon?" tanong ko.
Napakunot ang noo ko ng ngumiti siya, 'yong totoong ngiti. Kung noon ay iniimagine ko lang ang itsura niya kapag ngumiti ay iba pala kapag totoong nakita mo na.
"You treated me like a baby," komento niya.
Natawa ako kahit sa loob ko ay sobrang lakas ng tibok ng aking puso. "Siguro dahil nakikita ko si Mama noon kung paano itrato si Daddy kaya nasanay na ako," kibit-balikat ko.
"Why is that? Kapag tayo lang minsan mabait ka, minsan masungit. Tapos sa labas kulang na lang ay umarte kang hindi mo ako kilala," tanong niya.
Tumayo siya saka humiga sa sofa. Hindi ko siya sinagot. Tinapik niya ang uluhan ng sofa. "Come here, I need a pillow."
"At mukha akong unan?" tanong ko.
Umupo ako sa tinapik niya, kulang na lang ay tumalon palabas sa lalamunan ko ang puso ko ng dahan-dahan siyang umunan sa aking hita.
Bahagya kong inayos ang palda ko dahil maikli ito, ngayon ko napagtantong tama si Travis. Maikli nga.
Bumaba ang tingin ko sa kaniya na nakapikit na. "Travis!" sigaw ko ng umikot siya paharap sa tiyan ko.
Nakasubsob na ngayon siya sa aking tiyan. Ito na ata ang pinaka intimate na pwesto namin simula ikasal kami, porket ba may sakit siya kaya naglalambing?
Nakaawang ang labi ko para akong tuod na deretsyo ang upo habang siya ay parang sarap na sarap sa paghiga. Dahil matangkad siya ay lagpas ang paa niya sa sofa.
Inaantok na nag-angat siya ng tingin. "Pwede bang ganito muna tayo? Kahit ngayon lang?" parang batang tanong niya.
Wala sa sariling napatango ako.
May sumilay na ngiti sa labi niya bago pumikit at bahagyang hinalikan ang tiyan ko. "After you graduate, I'll make you pregnant. Lalagyan ko na 'to ng laman," antok na bulong niya bago tuluyan makatulog
Naiwan naman akong napanganga. Napahawak pa ako sa gilid ng sofa.
Alam kong masama pero pwede ko bang hilingin na araw-araw na lang may sakit si Travis para ganito siya ka-clingy.
Damn. I think I like him so much.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store