Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 7
Kabanata 7:
Nang dumating ang lunes ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Travis. Madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin sa bahay pero lagi ko siyang iniiwasan. Naiirita ako sa kaniya saka baka sabihin na naman niya desperada akong makuha ang atensyon niya.
Nakangiting nilapit ko ang mga kaibigan ko.
"Absent si Alice?" tanong ko kay Lisa ng mapansin wala si Alice. Tumango siya.
"Ihahatid daw 'yong daddy niya sa airport ngayon araw."
Tumango na lang ako, si Kevin naman ay nakikipagdaldalan sa isa pa namin kaklase sa kabilang dulo kaya halos magsigawan sila.
Napalingon ako kay Daryl na nakadukmo sa armrest niya habang may earphone. Naalala ko 'yong nakita ko, nagtatrabaho siya sa gabi. Ang hirap siguro no'n. Pagod na sa school tapos pagod pa sa gabi.
Nang dumating ang professor namin sa unang subject ay kinalabit ko si Daryl.
Mapungay ang matang umangat ang tingin niya sa akin. "Hmm?"
"May teacher na," nginuso ko ang harap.
Doon niya lang napansin ang prof namin kaya umayos siya ng upo. Nasa kalagitnaan kami ng klase ay umalis si Lisa at Kevin at ilang kaklase ko na sasali sa sportfest.
Napalingon ako kay Daryl habang nagsusulat ako dahil napansin kong hindi siya nagsusulat.
Nakakrus ang mga braso niya sa dibdib habang nakatunganga.
"Huy!" tinapik ko ang braso niya.
Gulat siyang napalingon sa akin at kumurap-kurap.
"Ha?"
"Natutulog ka ng dilat?" takang tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "I'm tired," umayos siya ng upo bago magsimula magsulat.
Nang matapos ako ay napansin kong tulala na naman siya. Hindi ko alam pero naaawa talaga ako sa kaniya.
Napaigtad siya ng agawin ko ang notebook at ballpen niya.
"Ako na," bulong ko para hindi marinig ng prof. namin.
Hindi ko na pinansin ang pagtitig niya sa akin at itinuloy ang sinusulat niya. Iche-check kasi ang notes namin. Laging nagche-check siguradong mapapagalitan siya kapag nakitang hindi niya natapos, sasabihin nakikipagdaldalan lang at sino ang katabi niya? Ako malamang. Kami lang naman naiwan magkatabi. Baka sabihin pa ako ang kadaldalan.
Nagmatapos ko ang lecture niya ay napalingon ako kay Daryl na nakasandal ang ulo sa pader habang nakapikit.
Napailing na tumayo ako at pinacheck ang notes namin. Mabuti na lang at hindi halata ang pagkaiba ng sulat namin.
Gising na si Daryl ng makabalik ako sa upuan. "Thanks." nahihiyng wika niya.
Ngumiti ako, "Ayos lang, nakapagpahinga ka." Ayokong sabihin nakita ko siya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may mga band aid.
"Napano 'yan?"
Kaagad niyang itingo iyon. "Wala 'to."
"Patingin nga."
Kinuha ko ang kamay ni Daryl, may higit tatlong band aid ang nasa iba't-ibang parte mg kamay niya. Napano kaya 'to? Sa trabaho niya?
Nang dumating si Travis ay naabutan niya kami sa gano'n puwesto. Kaagad kong binitawan ang kamay ni Daryl at umayos ng upo.
Pagpasok pa lang niya ay sinalubong na siya ng mga haliparot kong kaklase sa harap. Ang isa pa ay nagpresintang siya na lang ang mag attendance.
Nagpa-activity si Travis, by partner. May isang story at gagawan ng essay tungkol sa naintindihan namin.
Mapangisi ako, matalino si Daryl. Hindi ako mahihirapan.
"Daryl partner tayo," wika ko sa gitna ng ingay sa classroom namin.
Ngumiti si Daryl. "Sure."
Nawala ang ngiti ko ng magsalita si Travis sa harap. "Girls partner with girls, boys with boys."
Kaniya-kaniyang angal ang mga kaklase ko. Nang lumingon ako kay Travis kay nakangisi siya.
Sinasadya ata nito e.
"Sayang, bawal pala," ani Daryl.
Bumuntong-hininga ako, "Hayaan mo na nga." Ang ending ay kapartner niya iyon isang bakla pa namin kaklase habang ako ay kapartner ang isa kong kaklaseng babae.
Nang matapos kami ay ipapasa sa kaniya.
Nang makatayo ako sa harap ng lamesa niya ay tinaasan niya ako ng kilay.
"I told you to buy another uniform," mahinang aniya.
Kinabahan ako dahil baka marinig ng mga kaklase ko, pero sigurado akong hindi siya nakikita kasi nakaharang ako sa harap niya.
"Here's our essay, Sir." madiin kong usal sabay abot ng papel.
Umigting ang panga niya na inabot iyon at walang basa-basang chinekan iyon sa harapan ko.
"Come to my office later," bulong niya sabay abot ng papel sa akin.
Hindi ako nakasagot, nagmamadali akong umalis sa harapan niya. Natuwa naman ang kapartner ko dahil perfect score kami. Damn it Travis!
Mukhang napansin ni Daryl ang pagkabalisa ko kaya tinapik niya ang aking balikat. "You okay?"
Hindi ako sumagot, tumango lang ako.
Bago lumabas si Travis ay sinulyapan pa niya ako, hindi ko alam kung imahenasyon ko lang o talagang kinindatan niya ako?
Nang magtanghalian ay wala pa rin si Kevin at Alice kaya sabay kaming kumain ni Daryl. Dinamihan ko talaga ang order ko para sa kaniya naisip ko kasing baka wala siyang pera o kaya gutom siya dahil sa trabaho niya.
Nasa isang table kami sa canteen at tahimik na kumakain ng mag-angat ng tingin si Daryl sa akin at lumagpas ang niya sa likod ko. Naramdaman kong may nakatayo sa likod ko.
"Can I join you?" kinalibutan ako sa boses ni Travis.
Nabitin ang pagsubo ko. "Sure, Sir," sagot ni Daryl sabay lahad ng isang upuan.
Nakatingin ang ibang istudyante sa amin. Kumakain naman talaga ang ilang teacher dito, pero si Travis sa buong linggo ata ay ngayon ko lang siya nakita rito. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang umupo sa kabilang gilid.
Maliit lang ang lamesa, apat na tao lang ang kasiya.
"Ngayon ko lang ata kayo nakitang kumain dito Sir?" tanong ni Daryl at patay malisya na nagtuloy sa pagkain.
Napainom ako ng tubig.
"Yea, hindi dumating 'yong kasabay kong kumain e." Sumulyap siya sa akin.
"Ganon ba, Sir?"
"Yup, bakit kayo lang? Nasaan ang iba niyong kaibigan," si Daryl ang kausap niya pero sa akin siya nakatingin.
Dahil nasa pinaka-dulo kami ng canteen ay hindi maririnig ng ibang istudyante ang usapan namin dahil malaki ang pagitan ng bawat table.
"Sumali sila sa sportfest, Sir."
Bahagya kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa dahil may tela naman sigurado akong hindi makikita ang ilalim.
Humalakhak si Travis at sigurado akong dahil iyon sa ginawa ko.
"How about you? Wala ba kayong sasalihan?" tanong niya habang kumakain.
"I'm not free, I can play basketball and billiard pero may practice araw-araw hanggang 6pm tapos meron din tuwing weekends, hindi ako pwede," sagot ni Daryl.
Tumango naman si Travis bago ako nilingon. "And you Sascha?"
Parang nahulog ang puso ko sa gulat. Bakit ba kasi nakatingin siya, bakit hindi na lang kumain parang nawalan tuloy ako ng gana.
"U-Uhm, I-I can play chess... Hindi ako magaling," dagdag ko.
"May tryout ng chess bukas, why don't you try?" tanong niya at sumandal sa upuan niya.
Sa ilalim ng upuan ay sinipa niya ang paa ko kaya napalingon ako sa kaniya.
"Oo nga, you must try Sascha," dagdag ni Daryl.
"Pero hindi naman ako maga---"
"I can teach you," sabay kaming napalingon ni Daryl kay Travis.
"Yon pala e, Sir Travis will teach you," hindi na ako sumagot at tinapos ang pagkain ko.
Tatayo na sana kami ng matapunan ng isang istudyante si Travis ng tubig sa pants. Napatayo si Daryl, habang nanlaki ang mata ko sa ginawa ng babae. Pinunasan niya ang hita ni Travis. Narinig ko ang mahinang tawa sa kabilang lamesa, hatalang sinadya lang nila.
"Nako, Sir! Sorry Sir!" malanding aniya.
"It's okay, you don't have to.. stop.." pigil ni Travis ng kamay ng babae sabay tingin sa akin.
Bakit ka tumitingin sa akin?
Tumayo siya at siya mismo ang nagpunas sa slacks niya. Nagsorry ang babae bago bumalik sa mga kaibigan, nagbulungan sila. Naningkit ang aking mata dahil parang trip lang nila magpapansin kay Travis.
Ganyan na ba mga babae ngayon? Leche.
"Daryl, mag banyo lang ako una ka na sa room," paalam ko.
Mabilis akong tumayo at pumunta sa pinaka-malapit na restroom.
Naghilamos ako ng mukha. "Do you like him?" tanong ko sa sarili ko sa salamin. "Nagseselos ka," dagdag ko. Napapailing na lang ako sa naisip ko.
Nagpunas ako ng mukha bago lumabas doon. Ganon na lang ang gulat ko ng makitang nakasandal si Travis sa labas na parang hinihintay ako.
Nakahalukipkip siya doon na nakatingin sa akin.
Lumapit siya sa akin, bahagya akong napa-atras. "B-Bakit ka nandito?" tanong ko.
The last time I check, magkagalit kami.
Napabuntong-hininga siya at mas lumapit.
"Are you mad?"
Nabigla ako sa tanong niya, nagpalinga-linga ako at nagpasalamat na walang ibang tao.
Umiling ako.
"Why are you avoiding me?" napa-atras ako sa pader. Nabigla ako sa lumanay ng kaniyang boses. What the hell?
"A-Ano bang sinasabi mo? Bakit naman kita iiwasan?"
"I'm sorry I shouted at you, I didn't mean that," hinawakan niya ang braso ko.
Kumalat ang kaba sa buong katawan ko. Kinapos ako ng hininga.
Pumungay ang mata niya. Nilagay ko ang palad ko sa dibdib niya para hindi siya mas makalapit sa akin. Kapag may nakakita sa amin siguradong malaking issue 'yon at baka masira siya sa school. Ayoko 'yon.
"T-Travis baka may makakita sa atin, l-lumayo ka," utos ko.
Mas lumapit siya, nanuyo ang lalamunan ko ng magtama ang aming mata.
"I don't like when you're with other man. I hate it. Just... me... Ako lang. Kung gusto mo lumandi, sa akin lang. Flirt with me, come on. I'm all in, Sascha."
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store