Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 6
Kabanata 6:
Nasa gano'n kaming sitwasyon ng pumalakpak ang mommy ni Travis. Tinanggal naman ni Terron ang kamay sa aking balikat saka natatawang umupo sa tabi ng daddy niya.
"Kain na tayo! Nagluto ako ng sisig and oh my sweety Sascha nagluto rin akong favorite mong lumpia!" masayang pahayag ni Mommy.
"Hey kuya."
Natakam ako habang pinapanuod siyang kunin ang mga niluto niya, may tumulong din sa kaniyang isang kasambahay.
Napalingon ako kay Travis ng nagdadabog na umupo sa aking tabi. Anong problema nito?
"Huy, galit na galit?" biro ko.
Sinulyapan niya ako bago inirapan.
Grabe, ang sungit. Bahagya siyang dumukwang papalapit sa aking upuan, ipinatong niya ang siko sa sandalan ng upuan ko, kumalabog ang aking dibdib dahil sa galaw niya.
Napatitig ako sa platong nasa lamesa ng bumulong siya. Natatakot akong kapag lumingon ako ay magtama ang aming mukha sa sobrang lapit.
"Don't flirt with my brother," madiin bulong niya bago umayos ng upo.
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin, anong flirt? Wala naman akong ginagawa ah. Umaktong bubulong din ako sa kaniya pero dinakot niya ang mukha ko gamit ang buong palad saka tinulak ang mukha ko palayo sa kaniya.
"Tss, don't come near me," mahinang aniya at nag-iwas tingin. Asar talo si Sir.
Sasagot pa sana ako ng humalakhak ang mommy niya. "May pabulong-bulong pa kayong dalawa ah? Mamaya na 'yan," nang-aasar na aniya.
Nahihiyang umayos ako ng upo, nakita kong natatawa ang daddy niya bago kami magsimulang kumain. Grabe ang sarap talaga, lumpiang shanghai is life talaga lalo na ang gawa ng mommy niya.
Napansin kong kaunti na lang ang ulam ni Travis kaya nilagyan ko siya ng ulam. Ilang beses ko iyon ginawa, hindi ko rin alam pero gusto ko 'yon ginagawa ko para sa kaniya. Hindi naman siya nagrereklamo kaya sa tingin ko ay wala naman problema roon.
Nang mapatingin ako sa kaniya ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin. "What?"
"Stop putting food on my plate, just eat," aniya.
Napanguso ako. "Ang kaunti mo kumain."
"Hindi ako kaunti kumain, madami ka lang kumain."
Hindi ko siya pinansin hanggang matapos kami. Nang nasa sala kami ay kausap niya ang daddy niya habang ang mommy naman niya ay may ginagawa sa kusina. Nilapitan ako ni Terron na may susi na nilalaro sa daliri.
"Sama ka?" yaya niya.
Nagtaas ako ng kilay. "Saan?"
"May inuutos si mommy, bibili lang dyan sa labas ng village. Mukhang bored na bored ka na e," aniya.
Totoo, kasi wala naman akong ginagawa. Nanunuod lang akong tv. Napalingon ako kila Travis na seryosong nag-uusap. Nagkibit-balikat na tumayo ako at sumama kay Terron.
Nang nasa biyahe na kami ay pumipito-pito siya. Medyo hawig sila ni Travis, 'yong itsura niya ay medyo pa-cool unlike kay Travis na seryoso ang itsura na parang hindi mo mabibiro.
"Any development?" tanong niya habang nagdadrive.
"Development to what?"
"Your relationship with my kuya." Napanguso ako.
"Your kuya dislike me, tuwing kausap ko iyon ay parang galit sa akin. Maayos naman akong kausap. Ang bait ko kaya sa kaniya," paghihimutok ko.
Narinig kong tumawa siya. "Do you already like my brother?" taas-kilay na tanong niya.
Hindi ako nagsalita, pumalatak siya. "You like him, don't you?"
"Who wouldn't?" nag-iwas ako ng tingin at napangiti. Naaalala ko 'yong una kong nakita si Travis halos mapanganga ako no'n. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mas matanda sa akin pero noong nakita ko siya parang nagbago pananaw ko.
Maybe deep inside me, I like him. Siguro kaya pumayag din ako sa ganito kasi gusto ko rin naman.
"Pero hindi naman niya ako gusto, yes hindi niya ako sinasaktan pisikal. Masungit siya pero hindi siya masama sa akin minsan naiisip gano'n lang talaga siya. Parang pakikisama lang sa akin," parang may bumara sa lalamunan ko.
"Paano mo naman nasabi wala siyang gusto sa'yo."
"Wala naman siyang sinasabi."
Humalakhak siya bago iliko sa kanto ang kotse. "Ang gulo niyo rin dalawa e. Alam mo kasi sister-in-law kaming mga lalaki hindi kami vocal."
Napanguso ako. "Pero madaldal ka kaya." Humalakhak siya ulit. Hayop din talaga 'to e. Ang gulong kausap inuuna pa tawa.
"Iba naman ako, I'm unique kasi. Seryoso na, kung hindi ka gusto ni kuya edi gawin mo lahat para magustuhan ka niya. You're his wife after all," kibit-balikat na wika niya.
Napalingon ako sa kaniya. "Parang ang awkward, ako babae tapos ako pa gagawa paraan."
Napailing ako sa nasabi ko. Alright, I like him pero hindi pa naman ako gano'n kadesperado para magustuhan ako ng asawa ko.
"Tss, 'yan ang mali sa mga mindset ng mga babae. Para sainyo kasi lalaki lang dapat kumilos pero sa relasyon dalawa kayo bakit lalaki lang kikilos? Kung hindi ka kikilos, sino? Kung hindi ngayon, kailan Sascha?" madamdamin aniya.
Kumunot ang noo ko dahil parang narinig ko na iyon.
"Alam mo ang hirap mong kausap."
Sakto naman nakarating kami sa store. Ngumisi lang siya saka bumaba habang naiwan naman ako sa kotse, pwede ba 'yon sinabi ni Terron? Bakit pa kasi ako nakikinig sa king ina na 'yon.
Para naman ang desperada ko kapag ginawa ko payo niya, pero asawa ko siya paano naging desperada 'yon. Kung may lalandi sa kaniya natural na ako 'yon kasi ako ang asawa. Pero hindi ko nga alam paano makipag-flirt at--- wait...
Si Daryl ba 'yon?
Kunot-noo ko ng tumama ang paningin ko sa resto bar na kahilera ng store. Mas nagsalubong ang aking kilay ng mas makilala ang lalaking nagseserve sa mga kumakain.
Si Daryl!
Halatang pagod sa kaniyang mukha. Unti-unting naisip ko ang nangyayari. He's a working student. Kaya ba lagi siyang tulog sa klase? Ang layo nito sa school namin tapos dito siya nagtatrabaho?
Pinagmasdan ko si Daryl. Noong kumain kami ng siomai, baka wala talaga siyang pera? Hindi kaya.
Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Ang bata pa niya, wala bang trabaho ang mama niya?
Halos mapaigtad ako ng pumasok si Terron. "Oy anong tinitingin-tingin mo roon, ikaw ha! Tinitingan mo mga macho dancer sa bar---aray!" kinurot ko siya sa braso.
"Anong macho dancer ka dyan?!"
"Susumbong kita kay kuya!"
"Che, uwi na nga tayo."
Nangpaalis na kami ay sinulyapan ko si Daryl. Napaawang ang aking labi ng makitang binatukan siya ng matandang lalaking madaming tattoo. Oh god!
Hanggang makarating kami sa bahay nila ay okupado ang isip ko. May sinasabi si Terron na movie na maganda raw, papahiramin daw niya ako ng bala. Tango na lang ako ng tango sa kaniya.
Sinabi ng mommy ni Travis na rito na lang kami matulog. Sa dating kwarto ni Travis. Unang beses ko lang makapasok dito at mapilyar ang amoy dahil kay Travis. Hindi gano'n kalaki ang kama niya katulad sa bahay namin.
Naka-upo ako sa kama niya dahil ng dumating kami ay nasa banyo na siya. Nagtama ang paningin namin ng lumabas siya, nakasimangot na naman.
"Saan ka na naman galing?" kunot-noong tanong niya. Tumutulo ang tubig sa buhok niya.
"S-Sinama ako ni Terron sa labas."
"I told you not to flirt with my brother," usal niya.
Pinupunasan niya ang buhok niya umupo sa tabi ko. "Bakit ba lapit ka ng lapit sa ibang lalaki, may asawa ka na," bulong niya habang nakatitig sa akin.
Napakamot ako sa batok.
"Hindi naman kasi maiiwasan 'yon lumapit ako sa ibang lalaki, hindi naman ako nakikipagflirt." kinagat ko ang ibabang labi ko, "Kung may i-flirt man akong lalaki, ikaw 'yon. Asawa kaya kita."
Nagulat ako ng tumaas ang gilid ng labi niya.
Nakakahiya! Ahhh!
Bakit ba kasi nakikinig pa ako kay Terron? Nakakahiya.
Akmang tatayo na ako dahil sa kahihiyan sa sinabi ko ng hawakan niya ang pulsuhan ko.
"Come on, flirt with me. I like it."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hinatak ko ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay mapapaluhod na lang ako bigla sa harapan niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Ngayon lang 'to!
Mabilis akong lumabas sa kwarto. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko, nakita ko si Terron sa labas ng kwarto niya na may kausap sa cellphone.
Naisip ko 'yong ipapahiram niyang bala sa akin, kaya mahinang tinanong ko siya.
"Terron, 'yong movie."
Sinenyas naman niya ang kwarto niya bago takpan ang cellphone. "Sa may taas ng tv ko. Nandoon lang 'yon."
Tumango ako bago pumasok sa kwarto niya. Nakita ko ang sinasabi niyang bala, kaagad ko iyon kinuha. Nang makalabas ako ay nakikipagtawanan siya sa kausap kaya sinenyasan ko lang siya na nakuha ko na.
Nang makabalik ako sa kwarto ay nakaupo na si Travis sa kama niya at nakasandal sa headboard ng kama habang may binabasa. Nag-iwas tingin ako ng sinundan niya ako ng tingin.
Are you flirting with me, Sir?
Nanginginig ang kamay kong inayos ang tv niya. Pinasok ko ang bala ni Terron. Bahagya akong umatras habang hawak ko ang remote.
Nang magplay ang movie sinasabi ni Terron ay natulos ako sa kinakatayuan ko ng umalingawngaw ang boses ng babae sa buong kwarto.
"Ohhhh god! Like that! Deep! Deep baby! Ohhh! Ahhh! Yes! Yes... Fuck me ohh! Baby!"
Nanlaki ang mata ko, dahil hindi ganon movie ang inaasahn ko. Hindi 'to movie.
"Holyshit, Sascha!"
Narinig kong sunod-sunod na mura ni Travis sa likuran ko. Nakaawang ang labi ko sa screen habang napapanuod ang babae, ang lalaki ay umiindayog sa kaniyang ibabaw.
Nawala lang sa paningin ko iyon ng takpan ni Travis ang mata ko at agawin ang remote sa akin.
Pinatay niya ang tv bago tanggalin ang kamay.
"Where did you get this godamn thing?!" sigaw niya sabay hagis ng remote.
Napaigtad ako.
Nakaawang ang labi ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Nahihiya ako, baka iniisip niya sinadya ko iyon.
"H-Hindi ko---"
"Are you that desperate?!"
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya.
"I'm not!"
"This is the reason why I don't like kids," napapailing na usal niya parang disappointed siya.
Parang may kumurot sa puso ko. Sabi ko na nga ba. Wala siyang gusto talaga sa akin. Pinapakisamahan niya lang ako.
Naramdaman ko kung paano humapdi ang gilid ng mata ko. Ngayon lang ako nasigawan ni Travis na ganito.
"I don't like you too," bulong ko.
Tumalikod na ako at pumasok sa banyo.
Doon tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung tatagal pa ako sa marriage na ganito. Dala ko nga ang apelido niya pero hindi ang puso niya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store