ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 5

SaviorKitty

Thank you for waiting, medyo natagalan sa update bukod sa christmas vacation ay medyo masakit ang mata ko kaya hindi ako makapag-sulat ng mahaba. Enjoy Reading!

Kabanata 5:

Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko alam kung iniiwasan ba ako ni Travis o talagang wala naman siyang pakielam sa akin. Ayos lang naman talaga sa akin, edi kung ayaw niya akong kausapin edi huwag!

Ngayon ang punta namin sa pamilya niya sa San Fernando Pampanga, isang oras din ang biyahe mula sa amin.

Hindi na ulit nasundan ang pagkain ko sa office ni Travis, hindi naman sa umaasa akong aayain niya ulit ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang kumalat na chismis sa year namin na nakita raw ng ilang istudyante si Travis at Ma'am Bea sa isang restaurant.

So he accepted her request.

"Sascha faster!" rinig kong sigaw niya sa labas ng kwarto.

Padabog kong binaba ang suklay at binitbit ang bag ko palabas ng kwarto namin.

"Oo nandyan na, punyeta," bulong ko sa inis.

Hindi ko alam pero mas dumadagdag ang inis ko ng makita ang gwapo niyang mukha na inip na inip na nakatayo sa ibaba ng hagdan habang nakapamewang at hinihintay ako. Nakasimangot na nga gwapo pa rin! Dapat krimen na 'yan e.

"Ang tagal mong kumilos, bawat ba gamit sa kwarto kinakausap mo?" inis na tanong niya.

Inirapan ko siya. Aba, sawang-sawa na ako sa pagsusungit niya buong linggo. Mas maganda pa ngang wala siya rito mas malaya akong gawin ang gusto ko.

Hindi ko siya sinagot at nagpati-una akong lumabas. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong sumunod siya palabas, may sinabi pa siya kay manang bago tuluyan sundan ako. Bubuksan ko na dapat ang chevrolet trailblazer niya ng patunugin niya ito.

Nang makapasok ako ay pinagmasdan ko siyang umikot para pumasok sa driver seat.

Bahagya pa akong napasinghap ng malanghap ang pamilyar niyang amoy sa loob ng kotse. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse niya pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon? Kinakabahan ako na naiilang.

Mula sa gilid ng aking mata nakita kong sumulyap siya sa akin habang binubuhay ang sasakyan niya. Napanguso ako. Alright, I feel uncomfortable.

"Isn't your skirt too short?"

Napalingon ako sa kaniya, sumandal siya't nagsimulang magdrive. Isang kamay lang ang gamit niya habang ang kaliwang siko ay nakatukod sa kaniyang gilid at pinaglalaruan ang ibabang labi niya.

"Hindi naman maikli, sakto lang 'to." tukoy ko sa maong na palda ko. Hindi naman talaga maikli. Above the knee na nga.

Hindi siya kaagad nagsalita parang may pinoproblema siya.

Kunot-noo ako habang pinagmamasdan ang kaniyang masungit na mukha.

"Ganyan din ba kaikli ang skirt uniform mo?" blanko ang kaniyang boses.

Tumingin ako sa labas, sa totoo lang hindi pa kami nag-u-uniform, bali sa monday pa talaga kami nagsusuot ng uniform.

"Oo ganito-"

"Magpatahi ka ng bago."

Napalingon ako sa kaniya.

"Ha? Bakit? Lima 'yong palda ko hindi na kailangan magpatahi sakto na-"

"Just..." Itinikom niya bibig parang iniisip pa niya kung ano ba ang sasabihin niya sa akin.

What is it Sir? What's on your mind? I want to know Sir.

"Just do it, itetext ko 'yong nagtatahi sa village magpagawa ka ng bago, ipamigay mo na lang 'yong mga luma mo," aniya.

Napanguso ako. Hindi ko naman kailangan ng bago, isang taon na lang din ako mag-aaral. Sayang!

"Ayoko nga."

"Tsh. Don't be stubborn Sascha. Look at your skirt, kapag umupo ka makikita na---" kinagat niya ang ibabang labi niya at hindi na tinuloy ang sinasabi niya.

Napanguso ako bago bahagyang tumalikod sa kaniya at pumikit.

Bahala siya sa buhay niya, ayoko na makipagtalo. Hindi naman pangit legs ko ah? Wala naman akong peklat. Hindi ko maintindihan ang lalaki, kapag ibang babae tuwang-tuwa tapos kapag babae nila ayaw nila kasi nagseselos-Gulat akong napalingon kay Travis na seryosong nagdadrive.

Don't tell me nagseselos siya?

"What?" singhal niya ng mapansin nakatitig ako.

Ngumisi ako para itago ang pagkapahiya. Hmm.

"Are you jealous, Sir?" nang-uuyam na tanong ko at bahagyang humarap sa kaniya. "Holyshit!"

Napakapit ako sa seatbelt ng bigla siyang prumeno. "Bakit ka ba bigla humihinto?!" inis na tanong ko.

Hindi siya nakatingin sa akin, kita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya habang mahigpit ang hawak sa manubela. Anong nangyari rito?

"Hoy Travis." Tinapik ko ang kaniyang balikat.

"Oh?" baling niya sa akin na kumurap-kurap pa.

"Anong oh? Bakit ka bigla humihinto, baka maaksidente tayo nyan kung gusto mo mauna ikaw na lang alam kong nangako tayo magkasama habang buhay pero huwag naman damayan sa pagpapakamatay---"

"Shut up!"

Pinaandar niya ulit ang kotse. Napailing na lang ako. Ang pikon talaga. Bakit ba ang init lagi ng ulo sa akin? Tsk. Ayoko kaya sa masungit na lalaki.

Lumipas ang oras naging tahimik na ang biyahe namin hanggang makarating kami sa bahay ng magulang niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, siguro dahil nakatingin sa kotse namin ang parents niya na nasa teresa.

"Mom, dad," bati niya at yumakap sa mga ito. Gano'n din ang ginawa ko.

"Good evening po," bati ko sa kanila.

"Mabuti naman at nakarating na kayo, akala ko hindi na kayo tutuloy," nakangiting usal ng mommy niya.

"She moved so slow," rinig kong bulong ni Travis sa gilid.

"Wow ah? Ako pa talaga? Ikaw kaya 'yong naliligo ng dalawang oras ata. Nahuli ako kasi huli akong naligo kung hindi ka dalawang oras maligo edi maaga rin ako," reklamo ko.

"Daldal mo."

Kumapit sa braso ko ang mommy ni Travis. "Ang cute niyo. Hihi."

"I'm happy you visit us son," ani ng daddy niya at bahagya pang tinapik ang balikat nito.

"Of course dad, medyo busy lang sa school. You can visit us too to our house," sagot niya sa ama habang nakapamulsa.

Our house? Hmm. May naambag ba ako doon?

Naunang pumasok sa loob ng bahay si Travis habang kausap ang daddy niya, bahagya pa akong napa-atras ng ilapit ng mommy niya ang mukha sa akin.

"May laman na ba?" excited na tanong niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa kinang ng mata niya. "Ang alin po?"

Nginuso niya ang tiyan ko. "Yan, may laman na ba? Yiee, magaling ba anak ko? Masarap? Malaki... Of course may pinagmamalaki ang anak ko ako ang nanay kaya alam ko." sunod-sunod na wika niya. Nanlaki ang aking mata at bahagyang napaawang ang labi ko.

Mukhang nakita niya ang reaksyon ko kaya napangiwi siya. "Ay sorry. So ano nga?" Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan pumasok sa loob.

Ramdam kong nanlamig ang kamay ko, hindi ba niya alam na ang weird ng tanong niya? Kung anong kinatahimik ni Travis at siyang kinadaldal ng mommy niya.

"Wala po-"

"Wala?!" histerikal na bulong niya.

"Ma, kasi h-hindi pa po namin iniisip iyon ni T-Travis," hindi ko alam kung tama ba ang mga salitang ginamit ko.

"Anong hindi pa iniisip? Mag-asawa kayo, magkatabi kayo matulog jusko kahit ba isang gabi hindi mo sinubukan gapangin ang anak ko?" nanlulumong tanong niya sakto naman dumating na kami sa kusina nila.

Salubong ang kilay ko sa mga ginamit niyang salita.

Kaagad nagtama ang mata namin ni Travis na kaagad kong iniwasan dahil naiisip ko 'yong sinabi ng mommy niya.

"Mom, stop being bad influence to my wife," may halong inis na usal ni Travis. Parang may humaplos sa puso ko ng tinawag niya akong wife.

Pinaupo ako ng mommy niya.

"I'm not bad influence! May tinatanong lang ako sa paborito kong manugang."

"Mom, siya lang naman ang manugang mo."

"Kaya nga!"

Natawa na lang ang daddy niya sa kanila, sasagot pa sana si Travis sa mommy niya ng may kumurot sa pisngi ko.

"Hello there, my favorite sister-in-law. I miss you." Umangat ang tingin ko sa nakangising si Terron.

Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, nakakabatang kapatid ni Travis.

Hawak ko ang pisngi ko na nginiwian siya. "Terron! Ang sakit no'n!"

Humalakhak siya na kaagad din natigil ng padabog na binuksan ni Travis ang ref at kumuha doon ng tubig, lahat kami ay napatingin sa kaniya.

Humalakhak si Terron saka ako inakbayan habang naka-upo ako at siya ay nakatayo sa gilid. Nakatingin ako sa galaw ni Travis, bakit ba badtrip na naman 'tong lalaking 'to?

Nang ilapag niya ang baso sa lamesa ay sinalubong niya ng tingin ang mata ng kapatid.

Blanko ang mukhang nagsalita siya.

"Hands off, Terron."

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store