ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 4

SaviorKitty


Kabanata 4:

Dahan-dahan akong umupo, ramdam ko ang titig pa rin sa akin ng mga kaibigan ko. Ang ibang kaklase ko naman ay umayos ng upo. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag sa kanila.

Alam kong gusto nilang magtanong pero nagsisimula na ang klase.

Dapat kasi hinayaan na lang ni Travis doon ang bag ko at balikan ko na lang mamaya! Bakit pa niya binitbit? Not to mention my shoulder bag is color peach with a ribbon. Siguradong pinagtitinginan siya sa labas kanina.

"We will be having your first graded recitation," seryosong wika ni Travis sa harap.

Kaniya-kaniyang angal naman ang mga kaklase ko. Malamang! Second day pa lang at magpapa-graded recitation na siya. Ano 'yon? Wala pa ngang naituturo e. Eksena talaga 'yong lalaki na 'to. Anong akala niya sa amin kasing talino niya?

"Sir, ano isasagot namin?" angal ng isang babae kong klase sa bandang harapan.

"Hala sir hindi kami prepared."

"Sher nemen!"

"I just want to know your stock knowledge about our subject," inilibot niya ang tingin sa amin. Nag-iwas tingin ako, nahuli ko naman ang titig ni Daryl sa akin tapos ay kay Travis.

Kumunot ang noo ko sa kaniya, umiling siya bago bumaling sa harap. Is he watching us? Why?

Dahil kinakabahan din ako sa recitation ay hindi ko na rin maiwasan umangal.

"Sir naman! Hindi ako handa!" angal ko kasabay ng mga boses ng kaklase ko akala ko ay hindi niya maririnig pero tumingin siya sa akin sandali bago bumuntong-hininga.

"Alright, just tell me if it's true or false," pagsuko ni Travis saka tumingin sa iba kong kaklase.

Napatitig ako sa kaniya, naiisip kong parang nagiging ibang tao siya kapag ako ang kaharap at nasa kaklase. Naisip kong ayaw rin niyang ipaalam na kasal kami dahil noong kahapon ng tinawag niya ako, ang dating sa akin ay nagpapanggap siyang hindi niya ako kilala.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri animong nag-iisip siya ng unang tanong. Damn! Bakit ka ba nag-teacher? Dapat sa'yo model.

"First question, Apollo took Aeneas to Pergamos for safety. True or false?" tanong niya.

Sandali kaming natahimik. Tangina nyan, sino ba 'yong mga 'yon?

Nagtaas ng kamay 'yong kaklase ko sa unahan na matalino, si Nade.

"True, Sir," sagot niya.

"Good." Tango ni Travis.

Hanggat maaari ay iniiwasan ko ang tingin niya kasi baka tawagin niya ako. Okay, hindi ako maalaman sa mythology na 'yan. Mahilig akong magbasa at nakakapanuod na ako ilang movie pero hindi ko talaga sila matandaan.

"You." Napalingon ako sa kaniya ng tinuro ni Travis si Daryl.

Kalmado naman siyang tumayo animong inaantok pa siya. Bakit kaya parang laging parang puyat 'to?

Bahagyang tumuwid ng tayo si Travis, ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa habang nakatingin kay Daryl. "Hektor sent fraudulent dream of hope to Agamemnon," wika niya.

"False," mabilis na sagot ni Daryl.

Bahagya pa akong napanganga, wow. May alam pala 'to? Akala ko puro tulog e.

Paglingon ko kay Travis ay imbes kay Daryl siya nakatingin ay deretsyo ang tingin niya sa akin para bang binabantayan niya ang galaw ko. Bahagya akong umayos ng upo.

"Stand still," utos ni Travis ng akmang uupo na si Daryl. "What makes it false?"

"It should be Zeus, Sir. Can I sit now?"

Hindi nagsalita si Travis pero tumango siya.

Nagpatuloy ang graded recitation daw namin. Ang iba ay nakakasagot at ang iba ay hindi, halos natawag na ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ay iniiwasan akong tanungin ni Travis. O sadyang hindi naman niya ako napapansin?

Padabog na binitbit ni Lisa ang bag niya noong hapon at pauwi na kami. Naglabasan na rin ang mga kaklase ko. "Grabe 'yong mga prof. natin second day pa lang ako mong midterm na!" reklamo niya.

"Kailangan kong umuwi kaagad, may pupuntahan kami ni Mama," ani Alice na nakatingin sa cellphone niya.

Tumayo ako at sinukbit ang bag ko.

"Daryl sabay ka na sa amin palabas!" sabi ni Kevin kay Daryl ng akmang aalis na ito. Bahagya niya pa kaming tiningnan isa-isa bago tumango.

Ang buong akala ko ay makakaligtas na ako sa mga tanong nila kanina pero mali ako, nang palabas na kami at naglalakad sa field ay kumapit sa braso ko si Kevin. Tinaas-taasan niya ako ng kilay.

"Ano 'yong eksena kanina bakla? Chika ka naman," bulong niya.

Nauunang naglalakad si Alice at Lisa habang si Daryl ay kasabay namin ni Kevin.

Alam ko na ang tinutukoy niya pero nagpatay malisya ako, "Ha? Alin?"

"Ay sus! Itong si Papa Travis may pabuhat ng bag mo, ano 'yon ha?" dalawang kilay na niya ang nakataas.

Tumingin ako sa malayo para hindi niya mahalatang nag-iisip ako. "Wala 'yon. Nakalimutan ko lang 'yong bag ko tapos siguro nakita niya," kalmadong sagot ko pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng ingudngod si Kevin sa field dahil napaka chismosa.

Kapag narinig siya ng dalawa paniguradong maaalala nila iyon at pati sila ay sasabunin ako ng tanong.

"Eksena, more tanggi ha? Naiwan talaga? Saan mo naiwan?"

Binukas ko ang bibig ko, handa na ulit akong magsinungaling sa kaniya pero may busina sa gilid namin. Napasimangot si Kevin dahil sundo niya iyon. Kaagad niyang umaktong lalaki, nawala 'yong pilantik niya kanina. Sa ilang buwan na kasama ko siya ay nasanay na ako sa kaniya. Hindi pa siya open sa kanila, sa school ay lantaran siya pero sa bahay ay ang alam ko ay walang alam ang tatay niya.

"Bye," malalim na usal ni Kevin.

Gusto ko siyang tawanan. Lalo't pilit na pilit ang tuwid na lakad niya papunta sa tatay niyang kagawad na sundo niya.

Kumaway lang kami sa kaniya hanggang makaalis siya.

"Ingat sis! See you bukas," bumeso sa akin si Lisa at Alice bago sila sabay na sumakay sa kotse ni Lisa.

Parehas sila ng way kaya sabay na sila palagi habang ako naman ay sa kabilang daan.

"Ikaw saan ka?" tanong ko kay Daryl.

Iyon na naman ang seryoso niyang mukha, bahagya niyang inilibot ang paningin sa labas ng school namin na madaming nagtitinda.

"Gutom ako," bulong niya sabay hawak sa tiyan.

Natawa ako kasi para siyang bata. Tinuro ko ang siomai-yan sa gilid. "Doon masarap ang fried siomai, kumakain ka ba no'n?" tanong ko.

Tumango siya, "Yup, hindi naman ako anak mayaman." Tipid siyang ngumiti.

Tumango ako, hindi rin naman kami mayaman pero hindi rin kami gano'n naghihirap kumbaga nasa gitna lang kami. Si Travis ay mayaman, ang pamilya nila ang masasabi kong mayaman. Ang daddy niya ay may travel agency saka sa edad ni Travis may sarili na siyang bahay at sasakyan.

Sabay kaming naglakad ni Daryl. Madami rin istudyante kaya ayos lang.

Umorder ako gano'n rin si Daryl, habang kumakain kami ay napansin kong nakatingin siya, "Bakit?" takang tanong ko.

Bumukas-sara ang bibig niya animong may gusto niyang sabihin pero sa huli ay umiling na lang siya. Ang weird naman.

Nang matapos kami kumain ay may lumapit na babae sa amin para sa bayad. Kinuha ko ang wallet ko, magbabayad na sana ako ng mapansin kong parang may hinahanap si Daryl.

"My wallet," takang tanong niya habang hinahalungkat ang bag.

"Bakit?"

"Hindi ko makita," inis na wika niya.

Pinanuod ko siyang frustrated na hinahanap ang wallet niya hanggang sa tumigil siya't bigong tumingin sa akin. "I lost my wallet," wika niya.

"Hala, magkano laman?"

Hindi siya sumagot, kinagat ko ang ibabang labi ko bago maglabas ng pera. Nangmakaalis ang babae ay tumingin ako sa kaniya.

"Ako na muna nagbayad, saka mo na lang bayaran." Ngumiti ako para mas lalo niyang makitang ayos lang sa akin.

"I'm sorry, I didn't noticed. I'll pay you tomorrow," mabilis na usal niya.

"Ano ka ba?! Ayos lang 'yon." Humalakhak ako.

Hanggang maghiwalay kami ni Daryl ay hingi siya ng hingi ng sorry. Sa akin ay ayos lang naman iyon, hindi naman kasi big deal iyon sa akin. Sumakay ako ng tricycle dahil malapit lang naman ang bahay ni Travis dito samantalang si Daryl ay nagpaiwan doon. Hindi ko alam kung saan siya sasakay.

Nang makarating ako sa bahay ay halos maitapon ko ang bag ko sa gulat. Nakatayo si Travis sa sala at nakapameywang.

"What time is it Sascha?" nagulat ako sa tono niya. Galit ba siya?

"A-Ahm, may p-pinuntahan lang ako," tuluyan na akong pumasok.

Sinuklayan niya ang buhok niya gamit ang daliri, lagi niya iyon ginagawa.

"Lagi ka bang ganyan umuwi kapag wala ako?" Natatawang tanong niya habang hindi nakatingin sa akin.

Hindi naman ako masyadong ginabi, isang oras late lang ako ng uwi. Ano bang pinuputok ng butsi nito?

"Maaga akong umuuwi, may ginawa lang ako ngayon."

"Ano?"

"Kumain kami sa siomai-yan."

"With who?"

"Ha?"

"With who Sascha?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. Hindi ko siya ma-gets kung bakit bigla-bigla siyang magtatanong ng ganyan e kadalasan nga ay kapag nandito siya ay hindi naman niya ako pinapansin.

"With Daryl." Kinagat ko ang ibabang labi.

Why I'm guilty? Pakiramdam ko ay may nagawa akong hindi dapat?

Tinitigan niya ako ng ilang sandali. Napailing siya na parang disappointed siya sa akin bago ako talikuran. Sinundan ko siya ng tingin hanggang pumasok siya sa kwarto namin.

Napanguso ako.

"Anong problema no'n?" bulong ko.

"Iha nandyan ka na pala," napalingon ako kay Manang na galing sa kusina mukhang tapos na siyang magluto.

Nagmano ako, "Manang anong oras po umuwi si Travis?"

Bahagya siyang nag-isip. "Mga ala-singko ata nandito na siya. Bakit ngayon ka lang nakauwi? Alas-sais trenta na 'di ba ala-singko lang uwi mo?" tanong niya.

Napakamot ako sa ulo.

"Manang kasi kumain pa ako sa siomai-yan kasama 'yong kaklase ko e napahaba 'yong kwentuhan tapos ang hirap pa makasakay ng tricycle."

"Nako iha, muntik ng tumawag si Travis sa barangay kanina kasi wala ka pa."

Napaawang ang labi ko, hindi ko alam kung nagbibiro lang si Manang o ano.

"B-Bakit po?"

"Syempre mag-iisang oras ka ng late e sabi ko hindi ka naman gano'n noon. Nag-aalala lang iyon." Nagkibit-balikat siya bago bumalik sa kusina.

Mas lalo ako nakunsensya.

Kinuha ko ang phone ko at napamura ako ng makita ang walong missed call ni Travis at tatlong text. Shit! Hindi ko narinig. Na-silent ata ang phone ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Naabutan kong kakalabas lang din ni Travis sa banyo.

Wala siyang damit sa itaas at tanging tuwalya na nakapalupot sa beywang niya ang suot niya habang may maliit na towel siya na pinupunas sa buhok.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Inirapan niya ako.

Tuluyan na akong pumasok, inilapag ko ang bag ko habang pinapakiramdaman siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-sorry sa kaniya kasi late akong umuwi? Pero baka barahin niya ako.

"Sorry na, Travis."

"Bakit?" masungit na tanong niya habang nakatingin sa akin at patuloy sa pagtutuyo ng buhok. Mukhang naligo siya sandali.

"K-Kasi nasabi sa akin ni Manang na—"

"Don't think too much, I'm just looking for you baka biglang dumating sila Mommy at wala ka edi ako ang napahamak. Tsk hindi kasi nag-iisip," aniya bago pumasok sa walk-in closet namin at padabog na isinara ang pinto no'n.

Tumingala ako dahil ramdam kong nangilid ang luha ko.

Hindi ako iyakin, pero pinaka ayoko 'yong pinagtataasan ako ng boses. Parang na-late lang ako isang oras kung makapagsalita naman akala mong dalawang araw na akong hindi umuuwi.

Akala ko pa naman nag-aalala siya, tama siya baka bigla dumating kamag-anak namin, 'yon lang talaga nasa isip niya.

Nang kumain kami ay parehas kaming walang imik, nauna akong pumasok sa kwarto at naglinis ng katawan.

Ayoko muna siyang kulitin baka sigawan na naman ako.

Natulog na lang ako ng maaga kahit na ang bigat ng kalooban ko dahil sa nangyari. Mahigpit na yakap ko ang unan ko.

Ang weird ulit ng panaginip ko, isa raw akong prinsesa na nakahiga sa malambot na kama may malaking palad na humihimas daw sa buhok ko at paulit-ulit na may dumadamping malambot na bagay sa noo at buhok ko.

'I'm sorry, baby.'

Napangiti ako sa panaginip ko. Hmm. Pamilyar ang boses ng prinsipe ko. Sana, sana totoo na lang may prinsipe ako.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store