Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 3
Kabanata 3:
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, ang kabahan o matuwa? Kabahan dahil baka may dumating at makita ang isang istudyante sa office ng lalaking guro o ang matuwa dahil mukhang sinapian itong asawa ko.
Inaayos ko ang binili niyang pagkain mula sa isang kilalang fastfood. Nasa swivel chair pa rin siya at nakahalukipkip na pinapanuod ako.
"You look so thin." Napalingon ako sa kaniya.
"Huh?"
"Ang payat mo pala," komento niya.
Kumunot ang noo ko at bumaba ang tingin ko sa aking katawan. Hindi naman ako gano'n kapayat, kumpara kay Lisa ay mas may laman ako.
"Hindi naman, talagang payat lang ang lahi namin." Nakanguso ako habang inaayos ang ulam namin.
Nagulat pa ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko. Animong sinusukat niya iyon gamit ang daliri niya. Kinilabutan ako dahil doon, mainit ang palad niya.
"Look, sakop na sakop ko ang pulso mo," aniya at pinakita sa akin ang pulso ko.
Pasimple kong inagaw iyon sa kaniya, "Hindi ako payat, mahaba lang ang daliri mo kaya sakop ang pulso ko," pagdadahilan ko.
Ang yabang niya! Porket maganda ang katawan niya ay nilalait na niya ang katawan ko! Tsk. Alright, hindi gano'n kaganda ang katawan ko. Straight lang, mag nineteen pa lang naman ako, may pag-asa pa ako.
"You need to eat more," bulong niya.
Siya ang naglagay ng kanin sa pinggan ko. Naninibago ako talaga sa kaniya. Sinabi ko na hindi naman kami magkaaway pero hindi rin kami close kaya naninibago ako.
"Tama na ang dami," sabi ko sabay tingin sa pinggan ko.
"Ubusin mo 'yan."
Inirapan ko siya nang palihim bago kami nagsimula kumain. Naging tahimik kami habang kumakain, nang matapos ay tinapon niya ang lalagyan sa may basurahan sa gilid, ako naman ay nag-ayos ng aking mukha.
Tumingin ko sa orasan sa cellphone ko, alas dose trenta na.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nahuli ko siyang nakatingin sa cellphone ko.
"Who are you texting?" kalmadong tanong niya.
Ibinulsa ko ang cellphone ko, "I just checked the time, Sir," pagbibiro ko.
Napangiwi naman siya, bago maglahad ng kamay sa akin. "May I see your schedule?"
"Bakit?"
"Para alam ko kung kailan ka nasa school, baka mamaya gumagala ka e sayang pinapabaon ko sa'yo," mayabang na aniya. Ginalaw pa niya ang kamay niya animong sinasabi naghihintay siya. Gusto ko siyang kutusan. Simula kasi ng maging mag-asawa kami siya na sumasagot ng lahat. Pag-aaral ko, baon ko at kung ano pa.
Medyo nainis ako sa sinabi niya pero siguro ay gusto niya lang makasigurado hindi masasayang ang kaniyang pera.
Kunot-noong kinuha ko sa aking bag ang schedule at iniabot sa kaniya. Mabilis niyang inilabas ang kaniyang phone at pinicturan iyon bago ibalik sa akin.
Hindi ko maiwasan mapatitig sa kamay at braso niya. Naka puting long sleeve siya na nakatupi hanggang siko. Damn!
Napakurap-kurap ako ng seryoso niyang binasa sa phone niya ang sched ko. "So wala kang pasok tuwing friday. Vacant mo sa second subject mo tuwing tuesday at three pm ay uwian niyo na tuwing thursday. Hmm, baka mabago pa 'to."
Parang sinasabi niya iyon sa sarili niya, para bang sinasabi niya iyon para matandaan niya.
Nasa gano'n kaming sitwasyon ng may kumatok sa pintuan niya. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko. Siya naman ay kalmadong lumingon doon kahit pa nakasara.
Nataranta ako! Oh my gosh!
Napatayo ako.
Shit! Walang pagtataguan, wala siyang sariling banyo sa office niya! Saan ako magtatago? Pumunta ako sa bintana, mataas at may rehas hindi ako makakatalon.
"Hey cha, what are you doing?" Nanlaki ang mata ko dahil hindi man lang niya hininaan ang boses niya.
"Hush..." Sinenyasan ko siya na huwag maingay, mas lumakas ang katok.
"Sir Travis? Sir?" boses iyon ni Mam Bea.
Ang lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi pa ako ready ipaalam sa buong school at siguradong malaking issue iyon.
Lumapit ako kay Travis na kalmado lang naka-upo, "H-Hindi niya ako pwedeng makita," bulong ko.
Tumaas ang kilay niya. "Why?"
"Anong why?! Teacher ka, lalaking teacher tapos istudyante ako." gusto kong ma-gets niya ang point ko.
Napa-iling siya, "So you want to hide?" tanong niya.
"Sir Travis?! Bubuksan ko na ang pinto ha?"
Nanlaki ang mata ko. Kaagad akong yumuko at pumasok sa ilalim ng mesa ni Travis narinig kong pagmura niya dahil nakaupo siya't basta lang ako pumasok sa loob.
Narinig kong bumukas ang pinto. Shit! Mabuti at sarado ang harapan ng lamesa ni Travis hindi ako makikita. Sinubukan niyang umatras pero sumagad na ang upuan niya sa pader kaya halos nakadikit na ako sa hita niya.
"M-Mam Bea what are you doing here?" Ipinatong niya ang siko sa lamesa siguro ay para mas lalo akong takpan.
Jusko, naririnig ko na ang sariling tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay aatakihin ako.
"A-Ahm kanina pa ako kumakatok."
"Ah, I fell asleep. Why?"
"Oh sorry naistorbo ba kita?" malambing na wika ni Mam Bea, narinig ko ang takong ng kaniyang sapatos na mas lumapit sa lamesa.
Bakit malambing ka Mam Bea? Huwag niyang sabihin ginagamit niya ang natutunan niya sa Psychology sa asawa ko. Tsk.
"It's okay, so... why are you here? May kailangan ka ba?"
Bahagya akong sinulyapan ni Travis sa ibaba niya. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka mahuli kami, mas nakakahiya iyon dahil sa posisyon namin.
Nag-angat ulit siya ng tingin kay Mam ng magsalita ito. "Maglu-lunch sana kami ng ilang teacher sa restaurant dyan lang sa labas ng university, baka gusto mong sumama?"
Napairap ako sa hangin. Busog na siya! Busog na busog!
"Oh, kumain na kasi ako. Salamat sa pag-imbita." Nakangiting wika ni Travis.
Naningkit ang aking mata. Bakit ka nangiti ha? Anong kinakangiti mo?
"Gano'n ba? Sige, Sir next time na lang." Rinig ko ang pagkadismaya niya sa boses niya bago ko narinig ang pagsara ng pinto.
Bumaba ang tingin sa akin ni Travis. "Really? Are you that desperate to hide yourself? You are willing to kneel there."
Hindi ko mabasa ang emosyon sa boses niya. Galit ba siya o ano? Nakangiwing gumapang ako palabas. Namanhid pa ata ang binti ko.
"Anong kneel ka dyan? Nagtago ako baka kasi makita ako, mas magulo 'yon." Sandali niya akong tinitigan bumukas ang bibig niya animong may sasabihin pero itinikom niya iyon.
Inayos ko ang sarili ko at lumayo na sa kaniya. Bakit naman kasi gano'n siya makatingin e.
"Ikaw 'di ba ang teacher namin ngayon? Mauuna akong bumaba tapos after five minutes sumunod ka."
Tumayo siya at inayos ang damit niya, "Inuutusan mo ako?" Taas kilay na tanong niya.
Napanguso ako.
"H-Hindi sa ganon kaso—"
"Sir Travis!"
Sabay kaming napalingon ni Travis sa pinto ng bigla na lang iyon bumukas at pumasok si Sir Rico. Teacher sa NSTP. Hindi ko siya naging prof dahil first year lang ang tinuturuan niya.
Nagulat siya ng makakita ng istudyante sa loob. Kinabahan ako.
Naglipat-lipat ang tingin niya sa amin.
"A-Ah Sir may istudyante ka pala rito..." pati siya nailang ata sa sinabi niya.
Napalingon ako kay Travis ng kalmadong iabot niya sa akin ang isang libro at mga index card.
"Here, Sascha. Mauna ka na sa room," aniya.
Tumango ako, kagat ko ang ibabang labi bumaling kay Sir Rico, "Good afternoon po," mabilis na usal ko bago lumabas.
Naramdaman ko pa ang bahagyang pagsunod ng mata niya sa akin. Nang makababa ako ng building ay napapikit ako. Sana naman hindi madulas si Travis.
Kabadong pumunta ako sa room dala ang gamit ni Travis. Nang makarating ako sa room ay inilagay ko ang gamit niya sa table, may nagtanong pa na kaklase ko kung nandyan na si Sir Travis kahit obvious naman. Tumango na lang ako.
"Oy, saan ka galing?" kaagad usisa ni Lisa sa kabilang gilid ko.
Si Daryl ay nakayuko mukhang tulog na naman.
"Bakit dala mo gamit ni Sir?" Taas kilay na tanong ni Alice.
"A-Ahm. Nagkita lang kami dyan sa ibaba." Okay, I lied.
Magtatanong pa sana si Kevin ng tumahimik ang mga kaklase ko hudyat na pumasok na si Travis. Halos manlaki ang mata ko ng makitang dala-dala niya ang bag ko!
Shit! Naiwan ko sa office niya.
Sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kaklase ko dahil kilala nila ang bag ko. Nanginginig na tumayo ako ng lumapit si Travis sa akin at iniabot iyon ng walang sali-salita bago bumalik sa harap.
"Alright, good afternoon class." matigas na usal niya animong walang nangyari.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store