ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 2

SaviorKitty


Kabanata 2:

Halos takbuhin ko ang papasok sa school. Nang magising ako ay wala na si Travis, hindi ako ginising ni Manang dahil umaalis siya tuwing umaga para mamalengke. Leche, 'yan tuloy late na ako.

Kahit naman lang ba isang yugyog lang sa akin tutal papasok din naman siya e. Badtrip, talaga ang lalaking 'yon.

Paakyat na sana ako sa floor namin ng magkasalubong kami ni Daryl na pababa naman. Nakapamulsa siya, bahagya ko lang siya ngitian at lalagpasan na sana ng magsalita siya.

"Gymnasium."

Binalingan ko siya, mukhang nakita niyang hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya napabuntong-hininga siya.

"They are all in the gymnasium, program for first year students," paliwanag niya.

Napatango ako, kaya pala walang mga tao masiyado. Hindi na dapat kami kasama doon dahil third year na kami pero sinasali pa rin ang ibang year, tiga-palakpak siguro.

"Gano'n ba?"

Tumango siya't naglakad na pababa kaya naman sumabay na ako sa kaniya. Ilang sandali kami tahimik na naglalakad, may mga ilang istudyante rin kami nakakasabay papunta sa gymnasium.

"Na-late ka rin?" pambasag ko sa katahimikan. Hindi kasi talaga ako sanay ng ganito tahimik, nasanay siguro ako kila Kevin na hindi nauubusan ng kuda kapag kasama ako.

Bahagya niya akong nilingon bago umiling.

"Maaga ako, nakatulog ako sa isang vacant room. Pagka-gising ko walang tao sa room natin, so I asked one student. Nasa gymnasium daw mga student."

Natawa ako sa kaniya. "Ganyan ka noh?" Natatawang usal ko.

"Ganito ako? Anong ganyan?"

"Yung ang seryoso mo kausap, parang hindi ka ngumingiti."

Lumingon ako sa paa ko habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan mapangiti dahil naisip ko si Travis. His serious face. His eyebrows. Yung pagkasuplado niya.

Most of the girls fell for serious man, but not me. Parang mas gusto ko 'yong mga joker kasama. Ayoko 'yong masungit.

"Hindi naman, ang awkward lang na nakangiti ako lagi. Someone told me that I look like a pervert man when I smile."

Natawa ako lalo kasi na-imagine ko ang sinabi niya. Hindi naman pala siya masungit. Oh, well...

"Siguro depende sa sitwasyon, kung nakatitig ka sa babae tapos nakangisi ka para ngang bastos," kumento ko.

Nakangiting tumango siya.

First time ko siyang nakitang ngumiti kaya napatitig ako roon. Si Travis kaya kailan ko makikita ngumiti sa akin?

"Students are not allowed here."

Halos mapatalon ako ng may nagsalita sa gilid namin kaya parehas kaming napatigil ni Daryl sa paglalakad at napabaling sa nagsalita.

Mas lumapit siya sa amin, matangkad si Daryl pero mas matangkad si Travis. Maybe because of the age. Daryl, I think he's one year older than me while Travis, he will turn twenty five this year. Next month.

Mag na-nineteen pa lang ako.

"Sir," bati ni Daryl kay Travis.

Nakapamulsa ito na kakalabas lang sa faculty.

"You two should be at gymnasuim," malamig na wika niya na kay Daryl ang tingin.

Kinabahan ako.

Hindi ko alam, dahil nakita niya ako kasama si Daryl?

"Yes sir, papunta na po kami doon," sagot ni Daryl sabay turo sa akin.

Tumikhim ako, "Una na po kami Sir," mas diniinan ko talaga ang huling salita.

Nakita kong bahagyang pagtaas ng kaniyang kilay. Tumango siya at hinayaan kami umalis, napabuga ako ng hangin nang makaliko kami ni Daryl.

"Parang galit siya," komento niya na iiling-iling.

"Paano mo naman nasabi?" kunwaring tanong ko.

Nakikita ko na ang gymnasium, rinig na rin ang ingay galing doon.

"I don't know. Pakiramdam ko 'yong tingin niya para bang may nagawa tayong mali? Dahil late tayo? Weird." Natawa pa siya sa konklusyon niya.

Gusto ko rin matawa pero hindi ko magawa.

Papasok na sana kami sa loob ng gymnasium ay lumingon ako sa likod namin gano'n na lang ang gulat ko ng makita si Travis na nandoon sa likod namin pero malayo sa amin.

Sumunod pala siya?

Umiwas ako ng tingin. Kaagad kong inilibot ang paningin ko sa madaming tao at nahagip ko si Alice na nagtama ang paningin namin. Kaagad niyang kinalibit si Kevin at Alice sa tabi niya na sabay lumingon sa entrance. Kumaway sila, alam kong pinapapunta nila ako doon.

"Tara doon tayo!" yaya ko kay Daryl.

Ayoko naman iwan siya rito, wala pa naman siyang kakilala saka kasama namin doon mga ka-klase namin.

Sumunod siya, hindi naman nakalagpas sa mata ko ang mga mapanuksong tingin ng mga chismosang ka-klase ko, ang ngisi ni Kevin sa akin ay abot tainga.

Mata pa lang niya ay parang hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko.

"Taray, may sunduan na naganap na ba?" tanong ni Lisa pagkaupo ko. Si Alice naman ay tinaasan ako ng kilay.

Napailing ako, umupo naman si Daryl sa tabi ko. Alright, back to normal.

Nagsisimula na ang program. Apura ang kuda ni Kevin panay ang turo niya sa mga gwapo raw na nahahagip ng kaniyang mata. Si Lisa naman ay panay ang sipat sa crush niyang nasa HRM. Hayon si Alice na may sarili atang mundo na kahit may program ay naka-earphone at nanunuod ng anime.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong gymnasuim. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng nasa harap sa stage.

Napataas ng kilay ko ng makita si Travis sa tabi ng mga teacher sa may unahang parte sa ibaba, dahil nasa bandang itaas kami.

Mas lalong napataas ang kilay ko ng makita iyong isang teacher sa psychology na katabi niya. Si Ma'am Bea.

May sinasabi ito kay Travis tapos ay tatawa.

"Lah, tingnan mo si Ma'am Bea at Sir Travis, ang sweet," rinig kong usal ng nasa tagiliran namin.

Saan ang sweet dyan? Leche.

"Bagay na bagay parehas teacher," komento ng isa.

Duh, I will become a teacher too! Isang taong na lang graduate na ako.

Eh bakit ba kinukumpara ko sarili ko? Ano bang paki ko?!

"Uy sis, tingnan mo si Mam Bea, inaagaw si Fafa Travis ko," bulong ni Kevin sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin na hindi naman siya napansin dahil sa harap siya nakatingin. Nagpapantig ang tainga ko. Bakit ba puro Travis? Nakakaimbyerna!

"Hey." Napalingon ako kay Daryl.

"What?"

"You okay?"

"I-I am... W-What?"

"Are you okay? Ang talim ng tingin mo e."

Napakurap-kurap ako, hindi ko rin namalayan iyon.

"A-Ah yes. I'm fine."

Hindi na ulit siya nagtanong. Hindi na rin ulit ako lumingon sa gawi nila Travis. Tsk!

Hinawakan ko ang aking kwintas kung nasaan ang singsing ko bilang pendant. Hindi ko kasi pwedeng suotin, hindi ko alam. Ayoko lang malaman ng iba na kasal na ako. Sigurado akong maraming tanong ang mga tao ayoko lang humaba ang usapan.

Naalala ko pa noong kinasal ako, parang normal na dumalo ako sa isang event. Pagkatapos no'n ay back to normal na ulit kaya rin siguro hindi ko masiyado feel na may asawa na ako.

Winelcome ang mga freshman at transferee saka ang mga bagong teacher. Nang ipakilala si Travis ay kinabahan ako dahil buong pangalan niya ang sinabi kasunod ng malakas na sigawan.

Deretsyo lang ang tingin ko sa stage, wala naman nakapansin noh? Syempre, pwede naman magkamuka lang ng apelido. Madami nga akong kaklase na Cruz ang apelido.

"De Vega ka rin 'di ba?" halos mapatalon ako ng magsalita si Daryl.

Tumango ako at hindi siya nilingon.

Hindi na siya nagtanong ulit kaya medyo kumalma ako.

Nasa stage si Travis katabi ng ibang teacher habang nagsasalita ang president ng school.

Hindi ko alam kung imahenasyon ko lang o talagang nakatingin sa gawi namin si Travis.

"Ang gwapo ni Sir oh, kaso parang laging galit," komento ng nasa itaas ko.

Naitikom ko ang bibig ko. Why are you looking Sir?

Nang matapos ang program ay alas diyes na at vacant namin kaya naisipan namin na tumambay muna sa field. Tinatamad pa kaming umakyat sa room namin.

"Anong oras next subject natin?" tanong ni Lisa.

"Ala-una pa," sagot ni Alice at sumulyap kay Daryl.

"Daryl saan ka galing school?" tanong ni Kevin.

Nakaupo kami sa isang bench. Katapat ko si Daryl katabi niya si Kevin at Lisa. Magkatabi naman kami ni Alice.

"Ateneo De Davao University," sagot ni Daryl.

"Woah, tiga Davao ka pala? Paano ka nakapadpad rito sa Pampanga?" buong kuryosidad na tanong ni Lisa.

"Hindi magkasama ang parents ko, tiga Davao ang daddy ko while my mom is from here. My dad passed away last year. So my mom asked me to stay with her," mahabang paliwanag niya.

Nalungkot naman ako.

"Hala, sorry natanong namin," ani Kevin. Sinubukan pa niyang himasin ang braso ni Daryl pero pinalo siya ni Lisa.

Tipid na ngumiti si Daryl. "Ayos lang." Tapos nilibot ang tingin sa amin lahat "So kayo magka-kaklase na simula no'n?"

"Kaming tatlo, oo. Si Sascha transferee lang din last sem," sabi ni Kevin sabay turo sa akin.

Nakita ko ang paglipat-lipat ng tingin sa amin ni Alice. Minsan nakakailang din siya kung hindi ka sanay sa kaniya.

"Bakit ka nga ba nagtransfer dito Sascha?" tanong ni Lisa at pumalumbaba.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago sumagot. "H-Hmm, lumapit kasi ako ng bahay rito sa P-Pampanga," totoo naman iyon.

Magtatanong pa sana si Lisa pero tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko iyon tiningnan at kaagad din kumunot ang aking noo nang makitang si Travis iyon.

"H-Hello?" sagot ko.

"Where are you?"

Nakakailang dahil lahat sila ay nakamasid sa akin. "N-Nasa field," sagot ko. Tumaas ang kilay ni Kevin at bumulong ng sino 'yan?

"Come here at my office," halos manlaki ang mata ko.

"W-Why?"

"Just come." Pinatay niya ang tawag.

Ang mga kaibigan ko ay naghihintay ng aking sasabihin, tumayo na ako bago pa sila makapag-tanong. "Aalis muna ako, una na kayo sa room."

"Saan ka pupunta?" usisa ni Alice.

"May kakausapin lang ako."

"Sama na kami."

"Ha? Hindi na sandali lang ako," mabilis na usal ko.

Naglakad na ako palayo, ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila. Shit!

Mabilis ang lakad ko papuntang faculty. Napangiwi pa ako nang makita si Travis na nakatayo sa gilid.

Nang tumigil ako malapit sa kaniya ay luminga-linga muna ako. Wala naman tao, mabuti naman. Imbes na pumasok sa faculty ay umakyat kami sa hagdanan. Kunot-noo akong sumunod sa kaniya.

"Saan ba office mo?" mahinang tanong ko.

Ang buong isang building kasi na tatlong palapag ay faculty ng mga teacher. Iba't-ibang department, siguro ay sa second floor ang office niya.

Tama ako, kasi binuksan niya ang isang pinto sa dulo.

Kinakabahan ako, baka kasi may makakita sa amin.

Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang isang table, nandoon ang mga gamit niya. Hindi kalakihan pero sapat na sa isang teacher ang office.

"Bakit mo ako pinapunta?" tanong ko ng isara niya ang pinto.

Hindi ako umupo, siya naman ay dumeretsyo sa swivel chair niya bago ibinagsak ang ulo sa sandalan.

Tumaas ang kilay ko.

"I'm hungry," wika niya.

Lalo nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ka ba kumain bago ka umalis?" umingos ako hindi siya sumagot. "Teka bababa ako bibili kita ng pagkain."

"No, I already bought." Sabay turo niya sa isang maliit na lamesa sa gilid. Doon ko napansin ang mga styrofoam na may laman sigurong pagkain.

"Oh may pagkain ka na pala, kumain ka—"

"Let's eat."

Napatigagal ako sa sinabi niya, "Huh? Bakit? Bakit ako?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Maybe because you're my wife," sarkastikong usal niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store