ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 1

SaviorKitty


Kabanata 1:

MABILIS akong pumasok sa bahay, kaagad salubong ang kilay ko ng maabutan ko si Travis sa sala na nakaupo sa sofa habang may binabasang libro na kulay itim. He's wearing a dark blue sweat short and a plain white shirt.

Hindi ko maiwasan mapansin na mas gumanda ang katawan niya kumpara noong huli ko siyang makita. May panahon pa talaga siyang mag gym huh?

Mas nauna siyang umuwi sa akin, may pasok pa ako hanggang ala-sais at hindi ko alam kung ano oras siya nag-out.

Kanina sa klase niya ay hindi na ulit ako tumingin sa kaniya dahil nagulat pa rin ako sa pagdating niya. I didn't see him for what? Four months?

"Why are you here?" bungad ko sa kaniya ni hindi ko pa binababa ang bag ko, huminto ako sa tapat niya ngunit malayo sa kaniya.

Hindi niya man lang ako nilingon, inilipat niya ang pahina ng libro. Oh gosh, I wanna punch him straight to his face. Nakakairita!

"As far as I remember this is my house," He pointed out.

Naupo ako sa katapat na sofa niya. Bahagya pa akong napalingon kay Manang na papalabas sana ng kusina pero ng makita kami ay dali-daling bumalik sa pinang-galingan.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na magiging teacher kita?!" inis na tanong ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

"Tinanong mo ba?" tanong niya.

"Magkausap tayo sa phone noong nakaraan, bakit hindi mo binanggit?" tanong ko.

Sigurado akong alam niyang doon ako nag-aaral. Alam niya ang course ko! Hindi ba niya alam na nakakailang na asawa mo ang teacher mo! Ni hindi ko nga siya matawag na Sir kanina.

"It wasn't a big deal, really." Humalukipkip siya.

Big deal iyon! Gusto ko isigaw sa mukha niya pero itinikom ko lang ang bibig ko. Namamangha sa malamig niyang boses.

"Kahit na, dapat ay sinabi mo man lang sa akin para hindi ako mukhang tuod kanina doon."

"Why are you so mad?" Ibinaba niya ang libro sa maliit na lamesa sa gilid. He gave me his full attention.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako, dahil hindi niya sinabi na uuwi siya o dahil araw-araw ko siyang makikita sa school? Pareho.

Bumuntong-hininga ako.

"So we will see each other everyday," hindi ko na makilala ang tono ko. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o ano.

"Yeah, we'll see each other," sinabi niya iyon na para bang wala lang sa kaniya.

Sumandal siya sa sofa at pinaglaruan ang ibabang labi gamit ang daliri na para bang hinihintay pa ang sasabihin ko. Ni hindi ako makatitig sa kaniyang mata pabalik dahil nakaka-intimida talaga siya.

"Magbihis lang," pagsuko ko. Ayoko na magtanong pa sigurado naman wala ako makukuha matinong sagot sa lalaking 'to. Saka ayoko rin humarap sa kaniya ng matagal.

Hindi lang talaga ako sanay. Pakiramdam ko ba'y mababasa niya ang mga nasa isip ko kapag nakipag-titigan ako.

Tumayo ako at kinuha ang aking gamit. "Manang pahain na po! Magbibihis lang po ako tapos kain na tayo!" sigaw ko bago pumanhik, ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya pero hindi na ako lumingon pa.

Sa totoo lang ay hindi naman kami madalas mag-away talaga, hindi pa kami nagkakaruon ng malaking pagtatalo. Nagkaka-usap kami sa cellphone, normal lang na usapan. Tatawag siya tuwing may bayarin dito sa bahay at kung may kailangan asikasuhin tungkol sa family namin, doon lang kami nag-uusap.

We are in an arrange marriage.

Tatlong buwan pagkatapos kong mag eighteen ay ipinakasal ako sa kaniya. It's a family thing, pinagkasundo kami. Our parents are friends as well as our grandparents.

Dalawang beses lang ata kami nagkita noon bago magpakasal. Una, ay family dinner at ang sunod ay engagement party na kasama ang piling kamag-anak namin.

Of course, tumutol ako noong una pero napilit din ako ni Daddy nang lumaon. Mahabang paliwanagan iyon at pagpilit sa akin hanggang pumayag na lang ako dahil ginamitan ako ni daddy ng salitang 'utang na loob'. I can't disappoint him and mom. Nakakatawa lang isipin na akala ko'y hindi ito nangyayari sa panahon ngayon pero nagkamali ako.

Biktima rin kami ng loveless marriage.

Ipinilit sa akin ni Daddy na tama iyon, na magiging mabuti ang kinabukasan ko kasama si Travis. Saka noong mga panahon na iyon ay naisip ko na lang na hindi naman ako ilalagay sa kapahamakan ng sarili kong magulang.

Sigurado naman akong pinilit lang din si Travis ng pamilya niya. He's handsome, alright! I know he's a Professor. Iyon ang kwento sa akin ni Mommy, nakakatawa lang kasi asawa ko pero wala akong masyadong alam.

Nang honeymoon namin ay tatlong araw lang kami sa Italy tapos bumalik na kami sa Pilipinas. Namasyal lang talaga kami doon, normal lang ang pag-uusap namin kumbaga kaswal lang kami sa harap ng isa't-isa. Masungit siya pero hindi naman siya masama sa akin, hindi kami close pero hindi rin kami inis sa isa't-isa.

Pagbalik namin dito sa bansa ay sa bahay na niya ako tumuloy habang siya ay pumunta sa Quezon kasi doon siya nagtuturo noon. Umuuwi lang siya kada linggo gano'n hanggang sa hindi na siya umuuwi dahil nakakapagod daw bumiyahe ng malayo tapos kapag nandito naman siya ay natutulog lang din naman siya.

Wala naman ako problema doon. Mas mabuti ngang wala siya dahil mas kampante ako gumalaw sa bahay. Kapag nandyan kasi siya ay halos umiwas ako dahil kung hindi siya nasa sala at nagbabansa ay nanunuod siya sa kwarto namin siya.

Magpi-pitong buwan pa lang kaming kasal at aaminin ko malayo pa rin talaga ang loob namin sa isa't-isa kumbaga kasal lang kami sa papel.

Nang matapos ako magbihis ay bumaba na ako, naabutan ko si Travis na nagbabasa pa rin. Tsk! Ikaka-talino niya pa ba 'yan? Baka pumutok na ulo nyan.

"Kain na," mabilis kong usal bago nagpati-unang pumunta sa kusina.

Ngumiti si Manang nang makita ako, ang totoo niyan ay siya ang nag-aalaga talaga kay Travis noon bata pa raw ito. Siya lang ang kasama ko rito habang wala ang magaling kong asawa kaya naman naging close na rin ako sa kaniya.

"Manang, kain na po tayo."

Sakto naman pumasok sa kusina si Travis. Nilagyan ko ng pagkain ang aking pinggan, bago ako sandali nagpray at nagsimulang kumain.

Hindi ako lumingon kay Travis, kung kaya niyang hindi naman ako kausap ay kaya ko rin! Ha! Akala mo naman napaka gwapo!

"Nako, iha! Dahan-dahan ka naman sa pagkain," puna ni Manang.

Nahihiyang uminom ako ng tubig. Sa sobrang inis ko napapadami pala ang pagnguya ko.

Napalingon ako kay Travis na tahimik na kumakain. Ang arte! Nakatinidor pa siya.

"Nagugutom na talaga ko Manang, sobrang pagod sa school kanina," I lied.

Hindi naman talaga sobrang pagod. Gusto ko lang may maidahilan.

"You didn't even do your activity."

Halos matapon ko ang kanin sa kutsara ko ng magsalita si Travis.

Nagkatinginan kami ni Manang.

"G-Gumawa ako, hindi lang talaga ako natapos. Sino ba naman kasing matinong teacher na magpapa-activity unang araw ng klase?" dere-deretsyong usal ko.

Tumigil siya sa pagsubo at uminom ng tubig. "What do you expect me to do then?" Taas kilay na tanong niya.

Ngumiwi ako. "Pwede ka naman makipagkwen⁠—"

Tumawa siya mahina na para bang may sinabi akong katangahan, "Kwentuhan?" pagpapatuloy niya sa sinabi ko. "Where are we? An open forum? A field trip?" sarkastikong tanong niya.

Naitikom ko ang bibig ko, tumikhim naman si Manang. "Grabe ang sarap ng menudo," ani Manang.

Alam ko nililigaw niya ang namumuong sagutan namin ni Travis. Hindi ko ba alam, maliit lang na bagay pero nagsisimula na kami sa pagtatalo.

Parang away bata.

"I'm done. Thanks for the food Manang, matulog na po kayo kaagad." Tumayo kaagad si Travis at umalis.

Ngumuso ako kay Manang.

Lumipas ang ilang minuto. "Naiilang po ako sa kaniya Manang parang hindi na ata kami magkakasundo, bawat opinyon ko ay may sagot siya na salungat sa akin." Napabuntong-hininga ako.

"Ganyan talaga si Travis iha. Masasanay ka rin, hindi lang talaga siya vocal pero mabait naman 'yang batang iyan.  Lahat naman ng tao may iba't-ibang pananaw saka nag-a-adjust pa lang kayo bilang mag-asawa." Tumango-tango pa siya habang sinasabi iyon.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko, tumulong ako kay Manang sa paghuhugas pero ayaw niya kaya naman umakyat na lang ako sa kwarto para makapagpahinga na.

Nadaanan ko pa si Travis sa sala habang nakatutok ang mata sa flatscreen tv. Napangiwi ako dahil may kausap siya sa kaniyang cellphone at mukhang seryoso ng usapan.

Sino naman kaya kausap nito? Hmm.

Hindi ko na siya pinansin, naglinis ako ng katawan sa banyo saka ako lumabas habang sinusuklay ko ang buhok ko ay sakto naman bumukas ang pinto.

Napalingon ako kay Travis.

Inilapag niya ang libro sa lamesa sa gilid ng kama namin. Tsh! Ang hirap ng ganito para kaming anino lang sa isa't-isa. Ayoko naman lagi ako ang kakausap sa kaniya.

"Mom called me." Nilingon ko siya sa repleksyon sa salamin.

"Anong sabi? Bibisita ba sila?"

Umupo siya sa kama namin. "They want us to visit them this weekend."

Tumango ako, wala naman akong choice 'di ba?

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang dahan-dahan humiga at dumapa sa kama namin. Oh, are you tired Sir?

Kahit maayos naman na ang buhok ko ay suklay lang ako nang suklay, ayoko humiga ng dilat pa siya. That's awkward. Nagawa ko na iyon noon at masasabi kong awkward iyon lalo't rinig namin ang tunog ng paghinga ng isa't-isa.

Parang gusto ko na lang tumabi kay Manang.

Nang mapansin kong hindi na siya gumagalaw ay dahan-dahan ako nahiga sa tabi niya. Malaki ang kama namin kaya may pagitan kami.

Tumalikod ako sa kaniya para mas makatulog kaagad, mahirap dahil hindi ako sanay na may katabi matulog pero pinilit ko hanggang antukin ako.

Ang weird lang ng panaginip ko.

May yumakap daw sa akin at may humalik sa buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam no'n parang totoo.

**

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store