Teach Me, Sir (Teach Series #1)
SIMULA
"This story is subject to editing once done. Any comments and feedback are highly appreciated and can be considered for future revisions."
NOTE: If you don't want to spoil don't read comments.
Simula:
Papalapit pa lang ako ay kita ko na ang ngisi ng aking mga kaibigan sa akin. I missed them so much, nakakamiss 'yong mga kalokohan namin. Mukha pa lang nila ay natatawa na ako para bang nakakapag-usap kami gamit ang aming mga mata.
Nakangising nilapitan at nanggigigil na niyakap ko silang dalawa.
"Namiss ko kayo!" Natatawang wika ko.
Kahit pa araw-araw naman kaming nagkaka-chat ay iba pa rin kapag kasama sila.
"Oo nga! Parang dalawang linggo lang bakasyon natin, ang bilis pero nakaka-tamad naman sa bahay," komento ni Lisa saka kami sabay-sabay na naglakad papasok sa University namin.
"I watched anime the whole two weeks." Natatawang kwento naman ni Alice. Well, that's not new.
Sila ang mga naging kaibigan ko rito sa University. Nasa third year college na kami at last sem na bago kami tumuntong ng impyerno—este fourth year college. Transferee lang ako rito last sem pero nakasundo ko na sila kaagad, hindi naman sila mahirap pakisamahan.
Siguro tama nga sila, na kung ano ang barkada mo ay gano'n ka rin? Well, I can say that we are crazy.
"How about you Sascha?" Baling sa akin ni Lisa kumapit pa siya sa kanan kong braso habang patuloy kami sa paglalakad.
Ngumuso ako habang nililibot ang paningin sa mga kasabay namin naglalakad sa quadrangle.
"Nothing, natulog lang ata ako buong bakasyon. Pakiramdam ko pagod pa rin ako kahit kakagising ko lang." Humalakhak ako.
Nagtuloy-tuloy pa rin ang kwentuhan namin tungkol sa kaunting bakasyon na ibinigay sa amin na hindi ko man lang nga naramdaman. Natigil lang kami sa usapan na 'yon nang makarating kami sa aming room sa second floor ng Education Department.
Room 202.
Naabutan namin nagbabatian ang iba sa aming mga kaklase, pamilyar na sa akin ang mukha nila dahil sila pa rin naman ang kaklase ko last semester.
Wala pa kaming sitting arrangement kaya naman sa dating gawi dumeretsyo kami ng kaibigan ko sa dulo kung nasaan si Kevin. My gay friend. Actually apat kami, ako, si Alice, Lisa at Kevin.
Ang bakla ay histerikal na bumeso pa sa amin.
"Mga baks! Namiss ko kayo!" Tili niya.
Natawa kami sa kanya, bakit nga ba gano'n? Kahit walang sabihin si Kevs ay natatawa na kami. Siya ang nagpapasaya sa aming grupo, tingin pa lang niya ay nanunuya na.
Lima ang upuan sa isang line kaya may sobrang isa sa gilid ko sa kaliwa, nasa kanan ko si Lisa kasunod niya ay si Alice at Kevin.
Ang ingay sa room namin, para bang isang taon namin hindi nakita ang isa't isa. Kahit na halos wala pang dalawang linggo iyon dahil nagpapirma pa kami ng clearance. Yung bakasyon namin ay nakain ng pagpapa-enroll.
Dumating ang una namin Professor, katulad nang nakaraan semester ay pinakuha kami ng index card at nagpakilala kahit pa alam na namin ang isa't isa dahil nga bago ang teacher namin.
Nasa kalagitnaan kami ng klase ay may kumatok sa bahagyang nakasarang pinto kaya naman lahat kami ay sabay-sabay na napalingon doon.
"Good morning, Miss." Kaagad akong siniko ni Lisa kaya bahagya akong sumilip sa bagong dating, amoy richkid siya.
Rinig ko ang bulungan ng iba kong kaklase lalo na ang mga babae sa unahan. Over acting naman na napasinghap si Kevin kaya natawa ako, bahagya pa siyang umungol.
"Gagi!" Natatawang wika ko kaagad ko rin naitikom ang bibig ko dahil napatingin ang professor namin sa akin pati ang lalaking bagong dating.
Nakakahiya!
"Yes?" patanong na wika ni Miss.
"I'm sorry for being late Miss, I belong to this class," seryoso ang mukha ng lalaki.
Alright, matangkad siya at bahagyang nakataas ang buhok. Malinis tingnan, hindi pa kami naka-uniform kaya nakasuot siya ng itim na shirt at jeans.
"Why are you late? Don't you know your class time?" medyo masungit na tanong ng guro namin.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki, pakiramdam ko ba ay inaantok pa siya.
"I'm a transferee student. I had a hard time to find the education department building. I'm sorry."
Tumango naman si Miss bago tinuro ang loob ng classroom. Sa gilid ng aking mata ay halos ibigay na ni Kevin ang upuan niya. "Okay, don't be late next time, but before you sit, kindly introduce yourself in front."
Tumango ang lalaki, napanguso ako dahil natatawa ako sa mga kaklase ko na tuwang-tuwa makakita ng bagong mukha.
"Good morning, I'm Daryl. I'm 19. Nice to meet you."
"That's it?"
"Yes."
"Alright, find your seat."
Nakita kong inilibot niya ang paningin sa buong klase, huminto ang kanyang tingin sa aking katabing bakanteng upuan. Kaagad akong siniko ni Lisa nang maglakad ang lalaki papunta sa aming gawi.
"Palit tayo! Palit tayo!" gigil na wika ni Lisa, si Alice naman ay inayos pa ang suot na salamin. Napalingon ako kay Kevin naabutan ko siyang nakatingin sa pantalon no'ng Daryl kaya wala sa sariling napatingin din ako doon.
Sakto naman huminto sa tapat namin si Daryl para mag-excuse at dumaan dahil nasa tabi ng pader ang bakanteng upuan.
Naabutan niya akong nakatingin sa gitnang pantalon niya kaya nag-iwas tingin ako.
Oh my! Nakakahiya leche!
"Excuse me." Kunot ang kaniyang noo.
"Oh sure! Sure! Oh excuse raw sabi ni pogi mga bakla!" malanding usal ni Kevin.
Hindi na ako ulit tumingin sa kaniya nang dumaan siya sa aking harapan at naupo sa akin tabi. Nagtuloy-tuloy ang aming klase, paminsan-minsan ay napapaigtad pa ako kapag tumatama ang siko niya sa aking siko.
Nagkaruon kami ng kinse minutos na break bago ang sunod namin na klase.
"Ano sunod natin subject?" tanong ni Alice.
"ENG09 tayo, Mythology and Folklore," sagot ni Kevin.
Bahagya akong yumukod sa lamesa ni Lisa para kausapin sila. "Sino teacher natin?"
"T.D lang nakalagay e."
Nagkibit-balikat ako. Oh, well.
Umayos ako ng upo, bahagya ko sinulyapan si Daryl sa aking tabi na naka-earphone at nakapikit.
May sariling mundo?
Nawala ang pag-iisip ko roon nang nagsipasukan ang mga kaklase kong nakatambay sa labas. Nagsiayos sila ng upo kaya napatuwid din ako.
Nagbulungan ang ilan sa babaeng kaklase ko ng pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng puting long sleeves na nakatupi hanggang siko.
He had tousled dark brown hair, which was thick and lustrous. His eyes were a mesmerising deep brown black. He had prominent cheekbones and a well-defined chin and nose.
"Good morning, class," his voice was deep with a serious tone.
Seryoso ang kaniyang mata.
Napatulos ako sa kinakaupuan ko dahil pino-proseso ko pa ang nangyayari. Narinig ko mahinang pagsinghap ng aking mga kaibigan dahil sa lalaking nasa harapan namin.
"Goooood morniiiiiiing Siiiiiiir!" mahabang bati ng mga kaklase ko habang hindi ko nagawang ibukas ang bibig ko.
"Ang gwapo!" bulong ni Kevin.
Pakiramdam ko ay anumang oras ay hihimatayin siya. Oh okay, that's exaggeration.
Nanuyo ang lalanunan ko ng ilibot niya ang kaniyang paningin sa buong klase. Nang magtama ang aming mata ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha.
Hindi ko naman alam kung anong itsura ko. Mukha ata akong espasol na patatas.
Bakit siya nandito? He should be on Quezon now! Oh God!
"Call me Sir Travis. I'm your professor for Mythology and Folklore. Kindly get one half index card. Write your full name, where part of earth did you came from, your phone number and your guardian number incase you are kidnap or run away with your lover," matigas na usal niya.
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Dapat ba kaming tumawa?
Talaga naman nakakaintimida lalo na't iniikot niya ang kaniyang mata sa amin habang nagsasalita.
Nagmamadali ang mga kaklase ko kumuha ng index card. Nanginginig naman ang aking kamay na kumuha rin, bahagya pa akong napaigtad ng kalabitin ako ni Daryl.
Napalingon ako sa kaniya, bahagya siyang naka-dungaw sa akin. "May I borrow one index card?" tanong niya at nag-iwas tingin. Nahihiya ba siya?
Napakurap-kurap ako, "A-Ahm sure..." Inabutan ko siya ng dalawa kung sakaling magkamali siya.
Paglingon ko sa harap ay nakatingin sa gawi namin ang professor namin!
Nang maipasa ang card ay isa-isa niya iyon binasa para bang tinatandaan niya ang mukha namin.
"Lisa Montero," tawag niya kay Lisa na katabi ko.
"Sir! It's me!" Nakangiting wika ni Lisa na nagtaas ng kamay.
Kinabahan ako dahil ako ang kasunod ng papel na iyon.
"Sascha Gayle De Vega." Nanuyo ang lalamunan ko, kumalabog ang dibdib kong flat.
Siniko ako ni Lisa dahil hindi ako nagtaas ng kamay. "De Vega." madiin ulit niya sa apelido ko.
Kinagat ko ang ibabang labi bago itinaas ang kanan kong kamay ko.
"S-Sir."
Nakita ko tinitigan niya ako bago pinagkrus ang sariling braso sa dibdib. "Are you not proud of your surname De Vega?" He asked with a serious tone.
Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko ang paglipat-lipat ng mata ng mga kaklase ko sa amin.
"A-Ahm... H-Hindi po sa gano'n S-Sir," sagot ko.
Tumango siya kita ko na bahagya tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago magtuloy sa pagtawag ng pangalan.
Bumagsak ang mata ko sa arm rest ng aking upuan.
What should I do now?
My husband, Travis Klaus De Vega is my professor. Oh God!
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store