ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 31

SaviorKitty

Kabanata 31

Mabilis ang paghinga ko ng matapos si Travis magsalita sa harap. May mga sinabi siya tungkol sa school at pag welcome sa mga bagong teacher pero wala na akong maintindihan.

Kapag nagtatama ang mata namin ay sandaling tumitigil iyon sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o talagang napapatigil siya.

Nang matapos siyang magsalita ay kaagad siyang binati ng ibang teacher habang lumabas na ang iba, mabilis akong tumayo upang makaalis sa lugar na iyon.

"Ma'am Sascha saan ka pupunta?" humarang si Lia sa dadaanan ko. Hinawakan niya ang braso ko habang kumikinang ang kaniyang mata. "Tara lapitan natin si Sir," excited na aniya.

Kaagad akong umiling. "H-Ha? Huwag na. Naiihi na ako."

"Tara na Ma'am Sascha, sandali lang tayo papakita lang tayo kay Sir para makilala ka niya," dagdag ni Ian.

Tumango pa si Trisha habang nakangiti na para bang maganda nga iyon na ideya. Sa tingin ko'y hindi.

Naunang lumapit sila Renz at Ruel, sumunod si Ian at Trisha. Hindi ko alam kung bakit kailangan namin magpakita sa kaniya, hindi naman siguro tataas ang sahod namin kung makita man niya kami. Pati ilang student teacher ay binabati siya.

Hinila ako ni Lia, halos kumapit ako sa upuan para lang hindi niya ako mahila.

Kung noon ay praktisado ko na ang sasabihin ko kapag nagkaharap kami. Ngayon, hindi ko na alam paano ko siya haharapin.

Huminga ako ng malalim ng makalapit kami, pinanatili ko ang seryoso kong mukha.

Hindi ko na alam kung kailan kami nag-usap ng natural. Noon huli kong naaalala nagkausap kami ay depressed na ako't halos hindi ko na siya kinakausap noon dahil sarado ang isip ko sa lahat ng paliwanag niya.

"Hi, Sir good afternoon po!" magiliw na usal ni Lia.

Nag-iwas tingin ako ng humarap siya sa kupol namin. Nakakahiya! E bakit naman ako mahihiya? Anong kinakahiya ko? Bakit naman ako kakabahan? Wala naman akong ginagawang masama.

Taas-noo akong sinalubong ang kaniyang tingin. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang ilalim ng uniform ko.

"Hey," bati niya.

Bahagya niyang binasa ang kaniyang labi saka inilagay sa bulsa ang isang kamay.

"Kamusta po Sir ang bakasyon niyo sa Los Angeles Sir?" tanong ni Ian kaya napatingin ako sa kaniya. Nagbakasyon si Travis doon? Kailan?

"Fine, hows your vacation?" iginala niya ang mata sa mga kasama ko saka tumigil sa akin ang tingin.

Hindi ako nag-iwas ng tingin. Ang mga mata niya noon na puno ng pagmamahal ay blankong nakatingin sa akin na para bang pilit niyang inaalala kung sino ako.

"Ay Sir, ayos na ayos po." Hinila ako ni Lia, "Sir isa po siya sa mga bagong teachers, Si Ma'am Sascha po."

Tumango-tango si Travis saka naglahad ng kamay sa akin. Bumagsak ang aking tingin sa kanan kamay niya. "Nice to meet you, Sascha," kinilabutan ako ng bangitin niya ang aking pangalan.

Tinanggap ko ang kamay niya, para akong napaso doon kaya mabilis na inalis ko iyon bago tumango.

Kinausap pa siya nila Trisha, mabilis na akong tumalikod. Akala ko'y magiging madali ang sunod namin pagkikita ngunit hindi.

Dumeretsyo na ako sa banyo, hindi ko alam kung gaano ako katagal naglagi doon para kumalma.

Nang lumabas ako ay dumeretsyo na ako sa faculty, nandoon na rin ang ibang teachers. Ang iba ay umuwi na, mabilis kong inayos ang bag ko para makauwi na. Kailangan ko talagang makausap si Daryl, kung anong gagawin ko.

Habang papunta sa labas kung saan ko hinihintay si Daryl ay tinext ko na ito na pauwi na ako. Kaagad naman siyang tumawag.

"Hey babe."

"Daryl, makakasundo ka ba? Maaga kasi kaming umuwi."

"I'm sorry, Sascha. May meeting ako hanggang five pm. Wala pala ang mga bata sa bahay, hiniram sila ni Ate Angel," narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Gano'n ba? Sige mamamasahe na lang ako pauwi, ingat ka ha."

"Ikaw rin. Bye na Sascha, nandito na mga singkit na ka-meeting ko."

Napasimangot ako ng ibinulsa ko ang aking cellphone. Saan nyan ako sasakay? Hindi ko alam kung saan ng sakayan, o baka naman may dadaan dito.

Nakatayo lang ako doon habang nag-aabang ng masasakyan ng may humintong itim na mercedes benz sa aking harapan. Bahagya pa akong umatras dahil baka magasgasan ko pa iyon, nako wala akong pambayad.

Naningkit ang aking mata ng dahan-dahan bumaba ang salamin nito. Nakailang kurap pa ako bago ko makilala ng husto ang driver ng magarang sasakayan.

"Who will fetch you?" tanong niya sa mababang boses.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago sumagot, "M-Mamamasahe."

Nakita kong bahagyang paghaba ng nguso niya saka niya binuksan ang pintuan.

"Get in," his voice was firm.

Sandali ko siyang tinitigan kaya tinaasan niya ako ng kilay. Sa huli ay pumasok sa kaniyang sasakyan. Kaagad kumalat sa aking ilong ang pamilyar niyang amoy.

Tumuwid ako ng upo ng abutin niya ang seatbelt sa upuan ko at ayusin iyon. Bahagya akong napasinghap dahil ang bango niya!

Shit, hapon na bakit ang bango niya?!

"Sa Adams Village lang ako, pwede mo na akong ibaba sa labas maglalakad na lang ako papasok," kaagaran kong usal dahil siguradong hindi naman niya alam kung saan ako nakatira ngayon.

Tumango siya, isang kamay lang ang nakahawak sa manubela.

Halos hindi ako gumagalaw, pakiramdam ko nga ay limitado lang din ang aking paghinga. Ikinabit niya ang phone siya sa bluetooth earphone bago may tawagan.

Hindi na ako lumingon, pero pinapanuod ko siya mula sa gilid ng aking mata.

"Hello? Can I reserve a table for two? Yes, in the private room," aniya sa kausap. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero napagtanto ko rin na restaurant ang kausap niya.

"Yup, just put... reservation for Travis and his wife. It's a dinner date."

Mabilis akong lumingon sa binata at bahagyang tumalikod sa kaniya. Tangina? Alam ko naman na baka magkaayos sila noong Aryan na 'yon pero ang sakit pala kapag harapan. Bakit ba pinasakay pa niya ako? Gusto ko na lang bumaba at sapakin lahat ng makakasalubong ko.

Nakailang lunok ako para pigilan maluha. Magdidinner sila? Edi wow.

Tumikhim ako.

"Ibaba mo na lang ako dyan, kung may lakad ka pa," seryosong usal ko. Kung may award ng pagiging mapag-panggap, I'm sure. I'm the champion.

"Let's eat first, I'm hungry," he demanded.

Kaagad akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Ano?"

"Let's eat somewhere, nagpa-reserved na ako."

Umawang ang aking labi sa sinabi niya. Totoo? Weh?

Bakit sabi niya dinner nila ng asawa niya? Umiling na lang ako sa kaniya. Hindi na ako nagsalita, may pagtutol sa akin mero'n din naman pagpayag.

Nang makarating kami sa mall ay pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse. Bahagya akong lumayo sa kaniya habang naglalakad kami papasok. Ayoko nga! Kapag magkalapit kami para akong kakapusin ng hininga.

"Saan ba tayo? Kailangan ko ng umuwi. Madami pa akong gagawin." kunwaring bagot na wika ko.

Hinimas niya ang kaniyang batok. "Sandali lang tayo. U-Uhm... Let's go?"

Iginiya niya ako sa isang mamahalin restaurant.

Kinausap ni Travis ang nagbabantay sa labas, sinamahan kami papunta sa isang pribadong kwarto. "Room for Travis and his wife," basa ng binata sa hawak na papel sabay bukas ng pinto.

Halos mapaigtad pa ako ng hawakan ni Travis ang siko ko papasok. May isang lamesa sa loob, may mga kandila pa at flat screen tv sa gilid.

Hapon pa lang, dinner na kaagad?

Naupo ako sa isang upuan. Nakita kong paglipat-lipat ng tingin ni Travis sa pagitan ng upuan namin dahil magkaharap iyon sa magkabilang dulo.

Napatuwid na lang ako sa pagkakaupo ng buhatin niya ang upuan at ilipat iyon ng mas malapit sa akin.

"T-Travis ano ba? Bawal 'yan ilipat."

Umirap siya saka naupo. "I hate being far from you."

Napasinghap na lang ako sa sinabi niya. Imagine a thirty plus old man rolling his eyes and bitching like a teenager.

Hindi na ako nagsalita, dumating ang waiter na kukuha ng order namin. Umorder nang umorder si Travis, ako naman ay palihim na namamangha sa bawat kilos niya kahit ang bahagyang paggalaw ng buhok niya sa pagtango.

Nang umalis ang waiter ay uminom siya ng tubig saka ako nilingon. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"N-Nasaan ang asawa mo?" mapait na tanong ko.

Kinagat niya ang ibabang labi para sa pigilan ang sumisilay na ngiti sa labi lalo akong nainis dahil doon. Anong nakakatawa ha?

"Bakit mo ba ako dinala rito?"

"Kakain."

Bahagya akong napairap sa sinabi niya. Nang lumingon ako sa kaniya ay nakatingin na siya sa singsing ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi, ang singsing na ito ay binili ko sa ibang bansa. Ang singsing na ibinigay niya sa akin dati ay iniwan ko sa bahay niya.

Hinihintay ko siyang magtanong pero tumikhim lang siya saka niya ibinulsa ang kaniyang kamay.

Naging tahimik kami habang kumakain, paminsan-minsan ay nagtatama ang aming mata.

Noong natapos na kami ay akala ko'y uuwi na kami pero dumeretsyo siya sa isang boutique. Kunot-noo ako habang sinusundan siya, pumili siya ng mga hair clip.

Parang may kumurot sa puso ko, para  kanino yan? Sa asawa niya o sa anak niya? Fuck.

"What color do you want?" tanong niya habang sinisipat iyon.

Bahagya pa akong napaatras ng itapat niya sa buhok ko. He look amused to my reaction.

"Don't you like the color? Wait, I'll ask for another design."

Humarap siya sa sales lady.

Napataas ang kilay ko ng matitigan ko ang sales lady. Kilala ko siya! Siya iyong sales lady dati sa mall na sinabing kapatid ko raw si Travis!

Tama siya 'yon!

Sineryoso ko ang mukha ko saka kumapit sa braso ni Travis, na nagulat na napatingin sa akin. Umawang pa ang labi niya sa ginawa ko, hindi ko siya pinansin.

Bahagyang napasimangot ang sales lady nang makita ang aking kamay na nakakapit sa malaking braso ni Travis, hah!

"Hubby, I want this one," nilambingan ko pa ang boses ko sabay himas sa braso ni Travis.

Itinikom ni Travis ang labi niya animong natatawa siya pero pinipigilan niya. "Sure baby," lumingon siya sa sales lady. "Miss, isa nga na ganitong style," turo ni Travis sa clip na may butterfly na naituro ko.

"A-Asawa niyo po Sir?"

Umirap ako sabay himas ulit sa braso ni Travis. "Oo miss bakit?" tanong ko.

Marahan umiling ang babae bago kumuha ng ganon design.

Bumaling ako kay Travis. "Ano pa baby?" nakangising usal niya sa akin.

Inirapan ko siya't inalis ang hawak ko sa braso niya saka bahagyang lumayo. Tss, hindi ko naman gagawin 'yon kung hindi nandoon 'yong saleslady e.

Nang dumating ang clip ay binayaran iyon ni Travis, halos gusto ko iyon ibalik dahil halos limang daan ang halaga no'n. Para sa isang maliit na clip? Jusmiyo. Baka itago ko na lang 'to.

Nang makabalik kami sa kotse ay naging mas tahimik kami, hindi ko alam kung paano ko siya papakisamahan.

Kumunot ang aking noo ng makitang lumagpas na ang village.

"Travis dyan lang ako."

"I know," malamig na aniya.

Napalingon ako sa kaniya. "Lumagpas na tayo. Ibaba mo na ako," medyo tumass ang aking boses.

Humigpit ang hawak niya sa manubela.

"I know baby, give me a minute with you," nahihirapan bulong niya.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko kahit alam ko na ang gusto niyang mangyari. Ngayon lang ulit kami nagkita pagkaraan ng madaming taon.

Of course, we need to talk!

Pero hindi ko inaasahan na kaagad-agad. Sabagay, bakit pa patatagalin. Gano'n din naman. Ang kaso ay natatakot ako. Ano 'tong magiging pag-uusap namin, closure? Good bye message?

Hindi ko namalayan na huminto na kami, narinig ko lang ang pagbukas ng pintuan ng kotse, pinanuod ko siyang maglakad palapit sa pintuan ko at buksan iyon.

Napipilan na bumaba ako. Kaagad kong inilibot ang paningin sa lugar kung nasaan kami.

Park? Play ground?

Hinawakan niya ang braso ko at marahan hinila papunta sa isang swing. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaupo doon, naupo naman siya sa kaharap na swing.

Bahagya kong ginalaw ang swing, wala masyadong tao sa pwesto namin. Karaniwan ay nandoon sa mga fountain na umiilaw.

Tumikhim siya pagkaraan ng ilang minuto.

"So you're a teacher now," may sumilay na ngiti sa kaniyang labi. Para bang isa siyang ama na nakapagpatapos ng anak.

Tipid din akong ngumiti. "And you are a Principal now."

"Yeah," bahagya siyang tumango.

Itinulak ko ulit ang swing gamit ang aking paa. Ang makausap si Travis ng ganito pagkaraan ng maraming tao ay iba ang pakiramdam. Parang nabuhay ulit lahat ng nabaon kong emosyon.

Bumaba ang aking kamay sa kaniyang kamay, bumigat ang aking paghinga ng makita ang isang singsing doon. Hindi na 'yong singsing namin dati.

Is that his wedding ring with Aryan? Where's that girl, by the way?

"S-So you're still married?" tanong ko.

Shit! Bakit ko tinanong 'yon? Baka isipin niya umaasa akong single na siya. Ang tanga Sascha!

"I-I mean..." I trailed off.

"Yes, married," wika niya habang titig na titig sa akin.

Nakaupo lang siya sa swing. Bahagyang nakabuka ang mga hita niya, nakapatong ang siko sa tuhod habang nakapalumbaba.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinanatili kong kalmado ang mukha ko't ngumiti sa kaniya kahit deep inside pinupunit na ang puso ko.

"T-That's g-good then, mabuti naman at na-naayos niyo, I-I'm hap-py," pumiyok pa ako sa dulo.

Bumagsak ang mata ko sa singsing ko, my promise ring. Natupad ko na ang pangako ko sa sarili ko, nakabalik na ako. Wala na akong babalikan.

"Are you really happy, Cha?" malamig na tanong niya.

Marahan akong tumango sa kaniya na taimtim na nakatingin sa akin.

"But baby, why are you crying?"

Napaawang ang bibig ko, mabilis kong pinunasan ang aking pisngi. Nataranta ako dahil doon lalo ng itinulak niya ang sarili upang makatayo siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin saka lumuhod sa aking harapan.

Hinawakan niya ang dalawang gilid ng swing upang hindi ako makagalaw.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Travis miss na miss na kita. Kailangan kita, please ako na lang ulit. I'll be a good wife.

Pinunasan niya ang aking pisngi gamit ang likod ng kaniyang kamay.

Napapikit ako dahil sa kuryenteng naramdaman ko sa aking likod papunta sa batok.

Sa lumipas na taon na wala siya, doon ko napatunayan kung gaano siya kahalaga sa akin. Sa mga kaya kong gawin para sa kaniya.

Talagang nasaktan lang ako noon.

Ibinaba niya ang kamay at inilagay sa aking tuhod. Lumagapak ang mata ko singsing niya. Nanlaki ang aking mata doon, naglipat-lipat ang aking tingin sa singsing niya at sa akin.

Magkamuka iyon! Parehas may guhit at may tatlong bilog, ang pinagkaiba lang ay mas makapal ang sa kaniya. Nanlaki ang mata kong umangat ang tingin sa kaniyang mukha.

"M-Magkamuka..." bulong ko.

Ngumiti siya. "Pwede ba naman magkaiba tayo ng singsing," malambing na aniya.

Parang may pumiga sa puso ko. Umiling ako. "M-Mali 'to Travis, kasal ka ayoko ng maulit iyong nakaraan. Maling-mali 'to."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"You're finally home," mahinang aniya.

Umiyak na ako, gusto niya ba ulit ako gawin kabit? Bakit siya umaakto na ganito?

"I'm sorry I wasn't there when you needed me, I'm sorry for being a coward moron. Sobra akong nasaktan noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, na hindi mo naman ako minahal," malungkot wika niya kasabay ng pagtalim ng mata kung saan.

Kunot ang noo ko, pinunasan niya ulit ang aking pisngi. "K-Kailan ko sinabi?"

Wala talaga akong maalala ba sinabi ko iyon, nasaktan ako no'n, Oo. pero 'yong pagmamahal ko sa kaniya gano'n pa rin. Mas lumalim pa.

Malungkot siyang ngumiti. "Sa apartment ni Angel, lagi akong nandoon. Walang araw na hindi ako pumupunta halos doon na nga ako tumira, nandoon ako pero parang hindi mo naman ako nakikita. It hurt me like hell, sila lang ang kinakausap mo parang nawala na ako sa'yo. I was there when the Doctor said that you are suffering from depression, nasa labas lang ako ng kwarto mo. I was fumming mad at myself. Umalis ako no'n kasi gustong-gusto ko na itama ang nagawa ko, I looked for Aryan again," sumikip ang dibdib ko sa sinasabi niya.

Bakit hindi ko maalala na nandoon siya? Alam kong pumupunta siya minsan pero hindi ko alam na nasasabihan ko na siya ng masasakit na salita.

Pumikit siya ng mariin.

"I went to ilo-ilo for two weeks, nalaman ko pagbalik ko na pinuntahan mo ako sa bahay, t-that you're pregant... I-I'm sorry we lost our baby... Wala ako sa tabi mo... Pagbalik ko nakaalis na kayo. I'm sorry... sorry..."

Napayuko si Travis sa tuhod ko at unti-unti kong naramdaman ang pamamasa doon. Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa nalaman.

"B-Bakit hindi mo ako hinanap? H-Hindi mo ba ako hinanap?" napahikbi ako sa sariling tanong.

Umiiyak pa rin siya sa tuhod ko. Tahimik pero ramdam ko ang sakit no'n.

"H-Hinanap kita, I went abroad the next day. Pinaki-usapan ako ni Angel na huwag muna na hindi mo pa kaya, na baka mas ma-trigger ka kapag kasama mo ako. S-So I let them took care of you... P-Pumupunta ako doon kada ikadalawang buwan. Sa kabilang apartment niyo ako tumutuloy, hindi alam ni Daryl. Si Angel, ang tumutulong sa akin para makita ka na palihim."

Unti-unting pumasok sa aking isip ang sinabi niya! Pumupunta siya sa LA at sa katabing apartment lang siya kapag bumibisita! Sa loob ng anim na taon?

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Y-Yung mga binibigay na regalo ni Ate Angel, i-ikaw may bigay no'n?" paninigurado ko.

Marahan siyang tumango saka tipid na ngumiti. "I bought a ring like yours, nandoon ako no'n." Ipinakita niya ang singsing sa akin. Holyshit!

Malakas ang kalabog ng aking puso.

Hindi ako nakapagsalita. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong may singsing.

"I'm sorry, kasalanan ko kung bakit nawala sila mama--" niyakap ko siya sa kaniyang leeg.

"I'm sorry Travis for blaming you for everything, hindi mo kasalanan iyon. Wala kang kasalanan."

Narinig ko ang hikbi niya. "H-Hindi ko naman gusto na maaksidente sila, s-sobra lang ako nag-alala sa'yo kaya naitext ko sila no'n. I'm sorry baby."

Humiwalay ako at sinapo ang kaniyang malungkot na mukha, wala na ang masungit na mukha niya kaninang umaga. Ngayon ay kitang-kita ko lahat ng emosyon na parang itinago niya sa matagal na panahon.

"It wasn't your fault, aksidente iyon. Walang may gusto, tanggap ko na lahat Travis."

Binitawan ko ang mukha niya saka ako tumuwid ng upo, hinawakan niya ulit ang swing at bahagyang inilapit sa kaniya.

Hinawakan niya ang aking ibabang labi, napasinghap ako ng akmang hahalikan niya ako.

Bahagya ko siyang tinulak sa balikat.

"T-Travis mali 'to."

Hindi siya nakinig, dinampian niya ng malambot na halik ang aking labi. Lahat ng bigat sa dibdib ko ay nawala pero iniisip ko pa rin mali, dahil kasal pa rin siya sabi niya.

Tinulak ko ang balikat niya, sapat lang upang maghiwalay ang aming labi.

Inilagay niya ang kaniyang noo sa akin.

"T-Travis mali 'to, may asawa ka..."

"Uh-huh," mahinang aniya saka ulit ako dinampian ng halik. "Can't I kiss my wife now?" bulong niya.

Parang may kamao humawak sa puso, ano bang sinasabi niya?

Hinalikan niya ako sa pisngi. Buong lakas ko siyang tinulak kahit nanghihina na ako, pasalamat na lang talaga dahil nakaupo ako kung hindi ay baka napaluhod na ako.

"Three months after you went to California, I found Aryan," para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon.

Nagbalikan sila? Bakit suot niyang singsing ay kamuka ng akin? Nagloloko ba siya sa asawa niya?

Hindi ako nakapagsalita.

"Alice told me everything." Umiling-iling siya na hindi pa rin siya makapaniwala.

"W-What everything?"

"The reason why Aryan was missing years ago..." naka-luhod pa rin siya sa harap ko. "Akala ko noon lumayo siya dahil sa nangyari sa magiging anak sana namin, pero hindi." Umiling-iling siya. "Nagtago si Aryan kay Alice."

"B-Bakit?" napasinghap ako.

Umigting ang panga niya. "Alice pushed Aryan, that is the reason why we lost our baby. Talagang may sayad na si Alice noon pa man, noong nalaman niyang nagbuntis ang ate niya ay nagalit siya rito at itinulak, hindi sa akin sinabi ni Aryan iyon. Bigla na lang siya nawala pagkatapos niyang sabihin wala na ang bata. I thought she was just devastated, but Alice told me everything, she confessed that she killed her sister after that day."

Kumabog ang puso ko at nanlaki ang aking mata.

"N-No way!"

Malungkot siyang ngumiti na parang sinasabi niyang ganito rin ang reaksyon niya noon. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya.

"Ako ang nagpasok kay Alice sa mental institution, she needs help. She asked me too, to help her."

Ilang segundo akong tulala pilit kong iniisip ang mga nalaman ko, parang sasabog ang ulo ko. Hindi ko 'yon kayang gawin ni Alice pero kung siya mismo ang sumuko sa nagawa niya, baka nakunsensya na siya pagkalipas ng panahon.

Dinala ni Travis ang dalawa kong kamay sa kaniyang labi.

"I'll tell you everything next time, but to make the story short... You are my legal wife. Nang kinasal tayo ay wala na akong asawa, that made our wedding valid and made you my legal and only wife. You're still my wife."

***

#pUtuKaNnA 😂💦🎉

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store