ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 30

SaviorKitty

Kabanata 30

Tinapik ni Daryl ang aking balikat, hindi ko siya magawang lingunin. My eyes settled on my friend, Alice. Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito.

"I'll stay here, the staff told me you can come near her, kapag may ginawa siyang mali just call me huh? I will watch you here," mahinang ani Daryl.

Wala sa sariling tumango lamang ako sa sinabi niya. Ano nga ulit ang sinabi niya? I don't know.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kaniya, ang kaniyang mga mata ay paikot-ikot sa kung saan. Hindi mapirmi, parang may hinahabol sa kawalan ang mata niya kahit wala naman.

Kinagat ko ang ibabang labi ng makalapit ako sa kaniya, ang kaniyang buhok ay gupit pang lalaki na, nakasuot siya ng kulay puting bestida.

"Alice..." I called her.

Parang may kumurot sa puso ko ng hindi man lang niya ako sinulyapan na para bang wala ako doon, na hindi niya ako nakikita sa gilid. Ang babaeng mahinhin at laging may naka-handang ngiti sa akin ay wala na, mas naging balingkinitan ang kaniyang katawan.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan nagbabakasakaling mapapansin niya ako, ngunit bigo ako. Patuloy siya sa pagbulong ng bahay na hindi ko naman naiintindihan.

Tahimik akong umiyak habang nakatingin sa kaniya. Alice is a good friend, I treated her like a sister. Alam kong lahat ng tao ay hindi perpekto, nagkakamali at nakakasakit. They said, she loved me too much to the point that she can hurt other people just to get me.

Gano'n naman talaga siguro, normal na magmahal ang tao. Ang mali ay kung paano nila ipaparamdam ang damdamin na iyon, nagkataon lang na mali ang nagawa niyang desisyon.

May nagawa siyang mali, pero nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya dahil sinabi niya sa akin ang lahat.

Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit binawi niya lang iyon saka tumingin sa itaas.

"A-Alice, nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Nagtuturo na ako ngayon, alam mo bang nagkita kami nila Kevin, Lisa at Nade kagabi? Bumisita sila sa bahay ni Daryl. Do you still remember them, us?" napahikbi ako, kaagad kong pinunasan ang pisngi ko saka ngumiti. "Daryl is a father now. Kevin and Lisa, they will getting married. Mas masaya kung nandoon ka, please come back Alice. I don't know if you still remember me but I'm your sis, Sascha..." bahagyang tumabingi ang kaniyang ulo habang nakatingin sa akin.

Hinimas ko ang ulo niya.

Sabi nila, hindi na rin nakapagtapos si Alice. She dropped out. I don't why. Bigla na lang daw hindi nagparamdam si Alice at nang mahanap nila siya ay nasa mental institution na siya.

Iniisip kong wala siyang malapitan noon, unlike me kasama ko sila Daryl at Ate Angel. Tinulungan nila akong bumangon, kung wala sila ay baka natuluyan na rin ako. Hindi ko rin naman alam kung ano pang pinagdadaanan niya noon.

Sinenyasan ako ni Daryl na tapos na ang oras na ibinigay sa akin. Sa huling pagkakataon ay hinalikan mo si Alice sa kaniyang noo.

Nakita kong pagtulo ng kaniyang luha sa kaniyang mata ngunit nakangiti ang kaniyang labi. Para bang hindi rin niya alam kung bakit siya umiiyak.

"Lagi kitang bibisitahin Alice, sa susunod na bumalik ako rito. May isasama akong tao. I hope I can find him Alice, may parte sa amin na tinakasan ko at ngayon ay handa na akong balikan. Isasama ko siya rito kapag nahanap ko siya." Tumayo na ako, bago ako tumalikod ay sinabi ko ang salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya. "I-I'm sorry if I can't love you the way you love me a-and I forgive you for everything."

Mabilis akong humakbang doon, kaagad akong sinalubong ni Daryl ng masuyong yakap.

"You did a great job," wika niya.

Tumango ako bago kumalas sa kaniya. Naging tahimik kami pabalik sa bahay, unti-unti ko ng binabalikan ang mga naiwan ko noon. Ang mga taong tinakasan ko noon.

Isang tao na lang. Siya na lang.

I wonder if he's looking for me. Hinanap ba niya ako? Anong nangyari sa kaniya noong nawala ako? Nagtuturo pa rin kaya siya sa dating school na pinag-aralan ko noon? Nagkita na kaya sila ng asawa niya? May anak na kaya sila? Baka naayos na nila ang relasyon nila.

Natatakot akong makita siya pero may parte rin sa akin gusto siyang makaharap. Sa lumipas na anim na taon, lagi kong iniisip kung anong gagawin ko kung magkita kami, lagi kong iniimagine ano ang reaksyon niya. Anong mararamdaman ko kung makita ko siya?

Ako pa rin kaya o hindi na? Sabi ko noon tatanggapin  ko naman kung nagkaayos na sila ng asawa niya.

Gusto ko lang siyang makausap. Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat ng hindi ko nasabi noon.

Nakarating kami sa bahay. Ako ulit ang nagluto ng dinner, ang totoo nyan ay sa ibang bansa ay wala kaming kasambahay ni Daryl kaya kami talagang dalawa ang nagtutulong.

Ako ang nagpatulog sa mga bata nang sumapit ang gabi dahil may tinatapos si Daryl sa maliit na kompanya ng tito niya. Iyon din ang tumulong sa amin sa ibang bansa kaya naman bilang utang na loob at ngayon nagkasakit ito ay inako ni Daryl ang obligasyon doon.

May topak si Revelation, ang hirap niyang patulugin inabot kami halos ng eleven na ng gabi dahil hindi siya inaantok, panay ang kwento niya halos ako na ang napipikit habang nagsasalita siya.

Nang tuluyan silang makatulog ay bumaba ako, naabutan ko si Daryl sa sala habang tutok na tutok sa laptop. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang likod.

Napataas ang aking kilay ng makita kung anong tinitingnan niya.

"Bakit hindi mo kasi i-add?"

Natawa ako ng mapabalikwas siya sa gulat. Kaagad niyang sinara ang laptop niya at nag-iwas tingin sa akin na para bang bata na nahuli ng magulang.

"You're stalking Nade's facebook account," nakangising usal ko. Tinaas-taas ko pa ang kilay ko.

"Napadaan lang sa timeline," dahilan niya.

I mocked him with a laughed. "You creepy stalker, ano ka highschool? Hating gabi nagtitingin ng picture ng babae."

Inismidan niya ako saka binato ng unan sa sofa mas natawa ako kasi hindi siya makasagot. Huling-huli ko siyang nakatambay sa account ni Nade.

"Chineck ko lang kung in relationship siya."

Umupo ako sa tabi niya, hindi na ako nagulat pa ng bigla siyang humiga at umunan sa aking hita.

"You like her since we were on college," puna ko.

Umiling siya. "No, I like you."

Imirap ako sa kaniya saka isinadal ko ang ulo ko sa sofa. "Hindi rin, maybe you like me as a friend, a little sister at namali ka lang ng tingin doon. Sa tingin ko talaga, siya ang gusto mo noon. Huwag kang magdeny yung mga pabulong-bulong niyo noon. Nako."

Ngumuso siya. "B-But I like you before."

"Sige lokohin mo sarili mo Daryl. You know to yourself that you don't like me romantically,  because if you like me as a woman bakit noong sinabi kong ayoko at hanggang friend lang pumayag ka kaagad, see? Kasi nga ganon din naman nararamdaman mo."

Hindi siya nakapagsalita kaagad.

"Nade is a good woman. Intelligent and gorgeous. Yes, maybe I'm attractive to her pero may anak na ako," mahinang aniya.

"And so? Hindi kayo kasal ng ina ng mga anak mo. You can open your heart again Daryl."  Umayos siya ng higa sa hita ko bago bumuntong-hininga.

"May anak na ako at---"

"At sa tingin mo hindi matatanggap ni Nade ang mga bata? Hindi naman ganon si Nade saka pakiramdam ko naman ay may gusto rin siya sayo hindi naman sa gusto kitang umasa pero feeling ko lang, tingin mo bakit wala pa rin siyang boyfriend ngayon? Kung gugustuhin niya ay makakahanap siya, iyon e kung may iba siyang hinihintay." Ngumisi ako habang nakatingin sa kaniya.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"T-Tingin mo? She's single and beautiful madami sigurong lalaking nanliligaw sa kaniya. Bakit naman niya pipiliin ang lalaki may anak na."

Umismid ako, this man is so insecure.

"Basta nasabi ko na ang opinyon ko, nasa iyo na iyan kung kikilos ka o forever ka ng single." Tinapik ko ang balikat niya para tumayo.

Bumalik siya sa pagkakaupo. "Akala niya kasal tayo." Humalakhak siya.

Napansin ko rin iyon. Siguro ay hindi lang sila sanay sa kilos namin ni Daryl. Hindi ko alam, iisang bahay kami tumira ni Daryl noon masyado kaming komportable sa kilos namin.

"That's why you kissed her?" taas-kilay na aniko.

"N-No..."

"Utot mo! Anong no? Kitang-kita ko ang pula ng labi mo noon nandito sila, ano nagsipsipan kayo saan? Sa garden? Sa sala? Sa ilalim ng hagdan? Sa kwarto ng mga bata? Gosh, Daryl ligawan mo kung gusto mo hindi pahalik-halik ka."

"Hindi ko nga siya hinalikan."

"Sus, tatanggi pa. Paalala ko lang no, anim na taon tayo magkasama sa ibang bansa kulang na lang nguyain ko kakainin mo, alam ko na galaw ng bituka mo Daryl saka ilang beses na kitang nakitang nakipaghalikan sa iba't-ibang babae. Ilang beses na tayong pumunta sa bar para sumaya ako, ilang beses nakita nakitang nakipag make out sa public. Alam ko kapag may ginawa kang kabulastugan," mahabang wika ko.

Tumayo na ako, narinig ko na lang ang hagalpak na tawa niya. Akala ata niya hindi ko na naaalala mga kabaliwan namin.

KINABUKASAN ay maaga akong inihatid ni Daryl sa school. Dalawang section lang ang hawak ko ngayon, isang seven thirty at ang sunod ay ten na.

Nang matapos ang morning class ko ay bumalik na ako sa faculty, nagulat pa ako ng maabutan nag-aayos ang mga co-teachers ko. Kahit ang mga matatanda!

"Anong meron?" takang tanong ko, inilapag ko sa aking lamesa ang chalk box ko.

"Half day lang ang mga istudyante Ma'am, may meeting mga teacher mamayang one," sagot ni Lia habang nag-aayos ng kilay.

Pinanuod ko naman si Trisha na nagsusuklay. Hindi ko alam kung dapat din ba akong mag-ayos o ano. Meeting ba iyon gaganapin? Para kasing JS prom na kung makapag lagay ng blush on si Ma'am Lia.

Si Ian naman ay nanghiram pa ng pang curl sa pilik mata niya. Parang mas malandi pa siya kay Kevin noon. Well, si Kevin nga naglilipstick.

"May ano ba bakit nag-aayos kayo?" hindi ko maiwasan magtanong.

Dahil pati matatanda ay nagtatanungan pa kung mabango naman ba sila. Gosh, what the hell?

"Nako, Ma'am Sascha mag-ayos ka na rin." tumawa pa si Lia.

Kahit naguguluhan ay nag-ayos na rin ako, para hindi man lang ako naiiba sa kanila na abala. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok, naglagay ako ng kaunting liptint.

Nang sumapit ang ala-una ay sabay-sabay kaming pumunta sa gaganapan daw ng meeting ng lahat ng teachers.

Nginitian ako ni Ma'am Beth ng magtama ang mata namin, bumati ako saka sumama kila Trisha. Hindi ko kilala ang ibang teachers, dahil nang lumipas ang araw ay kung wala ako sa faculty ay nasa klase ako. Hindi pa ako nagagawi sa ibang faculty room.

Nang makaupo kami ay may isang teacher na lalaki na sa tingin ko'y kasing edad ko lang na nginitian kami.

"Si Sir Ruel iyan, math teacher ng grade ten," mahinang wika ni Trisha sa akin.

Nasa tabi ko siya, naglahad si Sir Ruel ng kamay sa akin. "New teacher? I'm Ruel," magiliw na aniya.

Tinanggap ko ang pakikipag kamay niya.

"Sascha."

Nang magbitaw kami ay bumaba ang mata niya sa singsing ko, ngumiti ako dahil doon. Ops! Sorry I'm reserved.

Tipid siyang ngumiti sa akin bago umayos ng upo. Nakikisama ako sa kwentuhan ng ibang teachers. Hindi ko alam kung bakit hindi pa kami nagsisimula, may hinihintay pa ata.

Kinuha ko ang aking phone upang itext si Daryl na sunduin ako ng medyo maaga dahil meeting lang naman ngayon hapon.

Sakto pagkatago ko noon ay may pumasok na isang teacher. "Nandyan na si Sir," deklara niya.

Naguguluhan ako nagpalinga-linga dahil kaniya-kaniya ang mga babae ng ayos ng buhok.

Napainom ako sa mineral water na nasa aking harapan.

"Principal," ani Ruel sa gilid ko siguro ay nakita niya ang gulat sa mukha ko.

Magtatanong pa sana ako kung ano nga bang pangalan ng Principal ng school ay saktong bumukas ang pintuan.

Halos maibuga ko ng tubig sa akin bibig ng makita iyon. Inabutan ako ni Ruel ng panyo pero hindi ko maialis ang aking tingin sa lalaking Principal na ngayon ay binabati ng mga teachers.

My breath hitched on my throat.

I was transfixed by the tall-dark haired man that stepped inside the room.

Naibaba ko ang hawak kong mineral bottle habang nakatingin sa kaniyang mukha. He's wearing a fitted tux that threatened to accentuate his mascular, lean frame.

His cheeks were as a chiseled. He revealed his first smile to the people inside the room.

Kung ang mas masungit niyang mukha noon ay halos kabaliwan na sa school masasabi kong ang itsura niya ngayon ay luluhudan mo na lang. Mas nagmatured ang kaniyang itsura, mas lumapad ang kaniyang balikat at braso na bumagay sa kaniyang suot.

Ang makapal niyang kilay ay mas lalong nadedepina kapag nagsasalubong.

How old is he? Thirty two? Fuck. Sinong mag-aakalang sa edad na 'yon ay Principal na siya. A hot freaking Principal.

Hindi na ako nagtataka kung bakita ganoon ang reaksyon ng ibang kababaihan.

He roamed her eyes inside the room, kumalabog ang puso ko. I was froze when his magnetic gaze pull my eyes.

Nakita ko ang gulat din sa kaniyang mukha, umigting ang kaniyang panga.

Kung noon ay naimagine ko na ito, ilang beses ko na rin napaginipan ang pagkikita namin hindi ko inaakalang ganito ang magiging epekto sa akin.

Kinabahan ako.

Sa kabila ng kakaibang emosyon ko ay pinanatili kong blanko ang mukha ko. Pinasadahan naman niya ng daliri ang kaniyang buhok.

I bowed my head to avoid his stares.

Nagsi-ayos naman ng upo ang ibang teacher. Sa gilid ng mata ay nakita kong pumunta siya sa gitna. Naikuyom ko ang kamao ko sa hita.

"Sorry for being late," he said in a low  voice.

Binasa ko ang ibabang labi ko, kinilabutan ako sa kaniyang boses na anim na taon ko ng hindi naririnig.

His words fluttered around my ears and I couldn't fight the urge to lift my head.

Napaawang ang labi ko dahil nasa akin pa rin ang kaniyang mata.

He briskly looked over my face, his eyes scrutinized me. Para bang pinag-aaralan niya bawat sulok ng mukha ko.

I almost choked when a tiny smirk formed on his lips.

"For the new teachers, I'm the Principal and also the School Division Superintendent, Mr. Travis Klaus De Vega." He said while looking at me, in an effortless baritone that resonated so deep it made me shiver.

***

#WelcomeBackSirT 😂

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store