Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 29
Kabanata 29
Nanlaki ang aking mata na sinalubong ng yakap si Lisa at Kevin. Nangilid ang luha ko habang tumatawa ng makitang umiiyak na si Lisa na mahigpit akong niyakap. Tumuon ang mata ko kay Nade na nakatayo lang doon at nakatitig kay Daryl.
Bahagya pa siyang kumurap-kurap.
Nang maghiwalay kaming tatlo ay si Nade naman ang nilapitan ko't mahigpit na niyakap na ginantihan naman niya.
"Buti nakapunta kayo, paano niyo nalaman nakauwi na kami?" nakangiting wika ko.
Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng anim na taon ay muli ko silang makikita. Hindi ko mapigilan mapaluha dahil matagal ko na silang gustong makita sa personal pero ngayon lang kami nakabalik.
Wala na akong facebook o kaya ano pang social media kaya hindi ko naman sila nakakausap. Ang huli kong balita ay nagsent si Lisa ng email kay Daryl.
Pinaupo namin sila sa mahabang sofa habang nakaupo ako sa isahan, si Daryl ay nasa armrest ng sofa nakaupo at bahagyang nakaakbay sa akin.
Ngumisi ako ng makita ng maigi ang pinagbago nila, mas nag matured na talaga.
"Grabe Sascha, hindi namin akalain makikita ka ulit namin, nagmessage lang si Daryl kahapon kaya kami pumunta umabsent kami sa trabaho," halakhak ni Lisa sabay hawak sa kamay ni Kevin.
Nagkatinginan kami ni Daryl.
"K-Kayo?" gulat na tanong ko sa kanila.
Tumawa si Kevin, gano'n pa rin ang kilos niya malambot pa rin siya. Nakangiting tumango siya. "Yup, hindi ko alam sa malditang 'to pala ako babagsak."
Kahit halata na ay nagulat pa rin ako sa narinig ko lalo na sa kanila pa nanggaling. "Wow ha, ikaw nga patay na patay sa akin. Noong nagkaruon ako ng boyfriend lagi niya akong inaaway, akala ko may gusto siya sa ex bf ko ngayon pala in love na sa akin ang bakla, ayaw pang umamin. Kung hindi ko pa ginapang e," natatawang kwento ni Lisa.
May binulong sa kaniya si Kevin, siguro ay pinapatigil niya sa pagkukwento pero tumawa lang si Lisa. Bumaling ako kay Nade na nakangiti rin sa dalawa.
"Ikaw Nade may lovelife ka na? Pamilya?" tanong ko.
Nakita kong lumunok siya. Inilagay ko ang kamay ko sa hita ni Daryl, bumagsak doon ang kaniyang tingin. Naitikom ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Bahagyang pinisil ni Daryl ang balikat ko.
"A-Ah wala pa..." mahinang aniya.
Tumawa si Kevin. "Wala talaga, wala naman lalaking nakakalapit dyan. Reserve ata. May hinihintay ata e ang kaso mukhang wala naman ng hihintayin."
Hindi ko alam kung tama ang hinala ko.
Nahihiyang pabirong himpas ni Nade si Kevin. "Ano ka ba Kevin nakakahiya," aniya.
"Kanino ka mahihiya? Kay Sascha? Kay Daryl? Nako bakit ka mahihiya sila nga hindi nahihiya naghahawakan ng hita." Humagalpak ng tawa ni Lisa.
Inalis ko ang kamay ko sa hita ni Daryl.
Nag-iwas tingin si Nade. Bahagyang yumukod si Daryl upang bumulong sa akin. "Kukunin ko lang ang mga bata." Tumango ako at hinayaan siyang umalis.
Naiisip kong sana ay kumpleto na kami, reunion sana ang kaso ay may kulang. Napabuntong-hininga ako doon.
"Hindi mo pa ba siya binibisita?" pambasag ng katahimikan ni Nade.
Umiling ako. "Hindi pa, siguro bukas kapag maaga ako umuwi o kaya weekends."
Tumango siya. "You should." Bumaba ang kaniyang mata sa kamay ko na parang may hinahanap. Nang mahagip ng mata niya ang singsing ko ay pakiramdam ko ay bumagsak ang kaniyang balikat o sadyang nag-iisip lang ako ng kung ano.
"Kasal na kayo ni Daryl?" tanong ni Lisa.
Sasagot sana ako ng may nagtatakbuhan na galing sa kusina. "Momma! Momma!" Kinagat ko ang aking ibabang labi na nag-unahan kumandong si Genesis at Revelation sa akin.
"Momma who are they?" bulong ni Gen.
Iniayos ko sila sa aking kandungan. Niyakap ko ang aking braso sa kanila saka iniharap sa mga kaibigan ko.
Sinenyasan ko si Daryl na ipakilala ang mga bata. Ngayon lang nila nakita ang mga ito sigurado akong marami silang tanong.
"Guys, this my sons Genesis and Revelation. Kiddos, they are Daddy and Momma's friend. I told you before right? May friend si Daddy rito."
Napa "O" ang bibig ng dalawa saka nagmamadaling bumaba, lumapit sila sa gulat pang mga kaibigan ko. Nagmano sila. Napakurap-kurap si Nade sa mga bata.
"K-Kamukang-kamuka sila ni D-Daryl," bulong niya.
"Oo nagmana ang mga iyan sa ama nila," masayang pahayag ko.
Tumayo na ako saka inaya silang pumunta kami sa kusina. Nagkukuwentuhan kami nila Lisa at Kevin habang nagluluto ako, ang mga bata naman ay pinalinisan ko na ng katawan sa kasambahay namin.
"Nasan na si Nade?" takang tanong ni Lisa ng mapansin nawawala ito.
Natawa ako kasi kanina ko pa nahalata nawala si Nade, mukhang alam ko naman na kung saan siya pumunta. They need to talk, I know and I understand.
"Baka nagbanyo lang," inilapag ko ang nilito kong chicken curry sa lamesa. Nagreklamo pa si Lisa dahil diet daw niya at hindi niya makakakain ng marami. Kailangan daw niyang magpapayat para sa gown na susuotin niya sa kasal nila ni Kevin.
Nag-asaran silang dalawa, hindi pa rin ako makapaniwalang sa huli ay sila pala ang magkakatuluyan. Mukhang masaya naman sila saka kilala na nila ang isa't-isa iyon naman ang importante.
Kilala mo ang taong mahal mo.
Mapait akong napangiti, saka napailing na lang sa naisip ko. Matagal na 'yon. I already moved on.
Nang bumalik si Nade ay kaagad niyang iniwas ang mata sa akin. Ilang sandali pa ang pumasok na rin sa kusina si Daryl at mga bata.
Nilagyan ko ng pagkain ang mga bata, habang nilalagyan naman ni Daryl ang aking pinggan. Bahagya ko siyang sinipa sa ibaba ng lamesa saka mahinang bumulong.
"Your lips are swollen red, you horny old man," wika ko saka tumuwid ng upo.
Nginiwian niya ako saka bumulong din. "Shut up babe."
Humalakhak ako saka nagpatuloy na lang sa pagkain, tinutukso pa kami ni Lisa at Kevin. Nginingisian ko lang sila, si Nade ay naging tahimik na.
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin silang umalis dahil may trabaho pa sila bukas, nagplano na lang kaming magkita ulit sa sabado o linggo.
Naglinis ako ng katawan habanh sinamahan naman ni Daryl ang mga bata hanggang matulog, mariin akong pumikit habang dinadamdam ko ang tubig na dumadaloy sa aking katawan.
Mapait akong napangiti, hindi ko alam na makakabangon pa ako paglipas ng panahon. Ang akala ko ay tuluyan na akong malulugmok.
Who would believe that at the age of eighteen, I lost my parents, my study, my husband and unborn child.
Napayuko ako habang tumutulo ang luha ko kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking mukha.
I suffered from depression, hindi ko ginusto iyon pero bumigay ang isip at katawan ko. Kahit pilit ko man tinatakbuhan ang nakaraan parte na iyon ng pagkatao ko.
Nang mawala si Travis ay akala ko ay makakaya ko, kaya ko pa. Lalaki lang yan. Makakamove on ako. Naisip kong may magulang pa naman ako natatanggap sa akin. Na babalikan ko pero nang bumagsak sa akin ang balitang namatay sila ay gumuho rin ako.
Dumating ang punto na gusto ko na rin wakasan ang buhay ko, hindi dahil gusto ko kung hindi natatakot na ako sa mga magagawa ko kapag nabuhay pa ako.
Tumigil ako sa pag-aaral.
Ang tanging pag-asa ko na lang noon ay ang naging bunga ng ginawa namin ni Travis. Sinabi ko non ay babangon ako, para sa bata.
Naaalala ko pang excited akong sabihin kay Travis iyon.
Umuwi ako sa bahay namin, sa bahay niya pero walang tao. Naghintay ako pero hindi siya dumating.
Hindi ko alam kung nasaan siya noon mga panahon na iyon. Two days after that, I lost my baby. Wala ng pulso, wala ng buhay.
Ang natitira kong pangarap ay tuluyan ng nawala. I almost killed myself. Ganon pala kapag sobrang nasaktan ka, hindi mo na maiisip ang tama at mali.
Pagkatapos ko lumabas sa ospital no'n wala pa rin Travis. Wala pa rin.
Hindi ko sa kaniya nasabi.
Ate Angel helped me and Daryl to went abroad habang nagpapagaling ako ay nag online school ako. Kung wala si Daryl ay hindi ako makakatapos.
Siya ang nagpursigi sa akin magpatuloy, siya ang gumabay sa akin noong mga panahon na wala na akong makapitan dahil ng kinakapitan ko ay iniwan ako.
Nang makuha ko ang certificate ay isang taon ng graduate si Daryl. Nag trabaho siya doon sa isang University habang nag tutor naman ako.
Ganon ang naging buhay namin sa ibang bansa.
"Babe you okay?" napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Daryl sa labas.
Nakakailang katok na pala siya. Pinatay ko ang shower. "Oo, magbibihis lang ako."
Nang makapagbihis ako at lumabas ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama. Tulala at mukhang madaming iniisip. Nang makita niya ako ay pinilit niyang ngumiti.
Umupo ako sa harap ng salamin, kinuha niya ang blower ko't siya mismo ang nagpatuyo ng aking buhok.
Nagkatinginan kami sa salamin ni Daryl. Nakita ko ang marahas niyang paglunok, sa tagal namin magkasama sa abroad ay alam ko na ang bawat galaw niya at bawat reaksyon sa mukha niya.
"What is it Daryl?" tanong ko.
Pinatay niya ang blower saka naupo sa gilid ng kama, humarap ako sa kaniya.
"Genesis and Revelation asked again about their mother, I-I don't know how to tell them... what I will say to them? I-I can't see my sons hurting," mariin siyang pumikit at napayuko.
Bumuntong hininga ako saka hinimas ang kaniyang pisngi, Daryl is a good man. A good father, a good bestfriend, a good brother.
"Tell them the truth Daryl, that's the only way. Masasaktan sila pero atleast ikaw ang nagsabi at hindi galing sa iba," mapait kong usal.
Malungkot siyang ngumiti.
"Gagawin ko lahat para mapunan ang pagkukulang na 'yon, sisiguraduhin kong hindi sila magkukulang sa pagmamahal na deserve nila," mahinang aniya.
Parang may tumusok sa puso ko sa sakit ng kaniyang boses.
"Hindi mo ba naisip minsan na humanap ng katuwang sa pagmamalaki sa mga bata?"
"Nandyan ka naman, you will help me right?"
Pinitik ko siya noo. "Of course I will help you, the best ninang ata ako pero alam mo naman na hindi naman habang buhay ay nandito ako, you know. I'm planning to find him."
Napatango-tango siya.
"Hindi ko pa alam, I mean... kaya ko naman palakihin ang mga bata na ako lang, lumaki sila ng tayo lang."
"Kailangan pa rin nila ng mommy, nang matatawag nilang Ina nila. Oo nandito ako gagabayan ko sila. But how about you Daryl? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo tumanda kasama ang isang tao? Na buo ang pamilya?" takang tanong ko.
Sandali niya akong tinitigan. "So what's your point? Sascha, you know I can't move that fast. Noong sayo, natanggap ko na na hanggang kaibigan, best friend lang ang kaya mo. Natanggap ko iyon, then I found Genrevy... I thought we will be happy, akala ko yon na e."
Pumikit siya saka sumandal sa balikat ko. Tinapik ko ang likod niya. Naiintindihan ko siya alam ko ang pakiramdam ng mawalan.
Nang nasa LA na kami ni Daryl ay napag desisyunan namin na hanggang kaibigan lang talaga, para na siyang kapatid sa akin, best friend.
Nakakilala siya ng isang babae. Genvery is a sweet and kind girl, bagay na bagay sila ni Daryl. Ang kaso noong ipinanganak niya sila Gen at Rev hindi niya nakayanan. Namatay siya sa araw na ipinanganak niya ang mga bata kaya simula no'n ay pinagtulungan namin ni Daryl ang pagpapalaki sa mga anak niya.
Lumayo na si Daryl, kinuha niya ang aking kamay saka tinitigan ang singsing ko na binili ko sa ibang bansa.
"A promise ring..." aniya.
Alam naman niya kung anong ibig sabihin ng singsing na 'yan. Kung bakit ako nagsuot nyan.
I promised myself than I will back here when my heart is already healed. When I finally forgive everyone. When I'm free.
"I promised that I will back for him, I will take whats mine Daryl."
Nginisian niya ko. "Proud ako sa sarili ko kasi pinalaki kitang matapang."
Humagalpak ako sa sinabi niya. "Abat ikaw ba nagpalaki sa akin? Hoy, bata pa ako non pero malaki na ako noh."
"Pero ako ang kasama mo magmatured ka, proud ako kasi hindi kita sinukuan. Proud ako kasi nagpatawad ka sa kabila ng lahat."
Nangilid ang luha ko saka mahigpit na niyakap si Daryl.
"T-Thank you for staying and taking care of me Daryl. I'm so happy to have you, to be my friend, my big brother."
Tinapik niya ang likod ko. "Sige na matulog ka na, mag-iiyakan na naman tayo e, sa anim na taon puro na tayo iyakan tama na. Hahaha. Pupunta na ako sa kwarto ko. Maaga ka pa bukas, gigisingin na lang kita kapag nagtulog mantika ka na naman. Good night babe." Hinalikan niya ako sa noo bago lumabas ng kwarto.
Kinabukasan ay naibigay na sa akin ang mga section na hahawakan ko, nakapagpakilala na rin ako sa ibang section. Kagaya kahapon ay ganon pa rin, unang umalis si Trisha nang uwian na.
Ako naman ay sinundo ni Daryl dahil may pupuntahan kami.
Hindi ko alam kung ilang beses akong huminga ng malalim para itago ang kaba sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang aking palad habang nakakuyom sa ibabaw ng aking hita.
"Just calm down," hindi ko na mabilang kung ilang beses na iyan inulit ni Daryl sa akin.
Isang oras na biyahe ay nakarating kami sa sinadya namin lugar. Tulala ako ng pagbuksan niya ako ng pintuan. Sabay kaming naglakad, bahagya niya pa akong inaalalayan sa siko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ang pangalan ng lugar.
Mental Institution.
Alam ng mga staff na pupunta kami, sinabi ni Daryl ang taong sadya namin.
Mula sa malayo ay kita ko siya, hinawakan kaagad ni Daryl ang siko ko upang hindi ako matumba. Napasinghap ako habang pinapanuod siyang tulala sa isang bench doon.
Nanlaki ang aking mata at napatakip ako sa bibig ng makita ko siyang bumubulong-bulong sa kung saan at tatawa habang pumapalakpak pa.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store