Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 28
Kabanata 28
Huminga ako ng malalim nang makita ko ang High school na papasukan ko. Marami na rin istudyante ang nagsisipasukan ang iba ay napapalingon pa sa akin, siguro ay dahil ngayon lang nila ako nakita.
Dumeretsyo ako sa principal office. Pagkapasok ko ay kaagad tumambad sa akin ang may katandaan ng babae.
"Good morning po, Ma'am." Ngumiti ako, iminuwestra naman niya na pumasok ako sa loob ng opisina.
"Good morning, are you the new English Teacher?" aniya sa masuyong boses. Bahagya pang tumaas ang kaniyang kilay dahil sa sariling tanong.
Tumango ako. "Yes Ma'am. Dito po ako dumeretsyo dahil sabi sa nakausap ko sa skype pumunta muna raw ho ako rito bago ibigay sa akin ang sched ko."
Tumayo na siya. "Ah, ganon ba? Isa ka sa mga nag-apply online?"
"Yes Ma'am."
"Bakit?" Lumabas na kami sa office siguro ay ituturo na niya kung saan ang magiging faculty ko.
"Ah, I went abroad po kasi. I can't apply here last summer so I asked for online interview and demo po," paliwanag ko sa kaniya.
"Ah, kaya pala. Ako pala si Ma'am Beth, guidance councilor ako rito." Napalingon ako sa kaniya. May ilang istudyante na bumabati sa amin.
"Akala ko po kayo ang Principal," wika ko na medyo naguguluhan.
Humalakhak siya. "Hindi, may inaayos lang ako sa office kanina katabi no'n ang guidance office. Mabuti at ako ang naabutan mo doon, ako rin naman ang magtuturo sa'yo ng faculty. As for now, hindi pa fix ang sched ng mga teacher, ipapakita ko muna sayo ang magiging table mo pwede mo na ayusan iyon."
Natuwa ako sa sinabi niya. Iyon ang gusto kong gawin, 'yong design-nan ang sarili kong lamesa. Maybe I can buy a glass for my table.
Nang makarating kami sa isang mahabang faculty ay napalingon sa amin ang ibang teachers na nandoon. Ang iba ay halos kasing edad ko lang at ang iba naman ay may edad na.
"This will be your table," tapik niya sa isang lamesa sa dulo.
Ayos sa akin ang pwesto, tabi ng bintana saka sa gilid. Malaki ang faculty siguro ay sampo kaming teacher na nandoon.
"This is the grade eight teacher's faculty. Bawat grade level ibang faculty." Tinuro niya ang ibang teacher na nandoon na at ipinakilala isa-isa. "Sila ang makakasama mo rito. Mababait yan." Humalakhak na naman siya.
"Thank you po Ma'am."
"Walang anuman, sige na't babalik na ako sa ginagawa ko."
Pagkaalis niya ay kaniya-kaniyang lapit sa akin ang ibang teachers, ang iba ay binigyan lang ako ng ngiti na ginantihan ko naman.
"Hi, I'm Trisha. Bago ka? Saan ka galing school?" tanong ng isang babae na sa tingin ko'y kasing-edad ko lang. Medyo may kalusugan si Trisha.
"I'm Sascha, I was an english tutor at Los Angeles, California for almost four years." Inilapag ko ang dala kong bag sa aking upuan.
"Wow, sosyalin ka pala Ma'am, so four years kang nasa ibang bansa?" tanong ng isang binatang istudyante. Kung tama ang pagkaka-alala ko ay Renz ang pangalan niya.
Ngumiti ako. "Six years akong nandoon."
"Ah, e bakit four years ka lang nagturo doon? Siguro ay kakapakasal niyo lang doon kaya sinulit niyo 'yong naunang two years," ani ng isang babae na nakasalamin.
Hinampas siya ng isang matabang teacher na sa tingin ko'y bakla. "Ano ba naman 'yang pinagsasabi mo, Ma'am Lia malay mo naman sinulit lang ni Ma'am Sascha ang first two years niya doon."
Ngumuso iyong nakasalamin. "Nagtatanong lang naman, Ian. Syempre curious."
Mahina akong natawa sa kanila. Mukhang makakasundo ko naman silang apat, hindi ako mahihirapan.
"I was in medication in the first two years I was there."
Gulat silang napalingon sa akin. "Anong sakit mo Ma'am?" tanong nong Renz.
Sasagot pa sana ako ng tumunog ang bell, sabay-sabay silang napabuntong-hininga saka bumalik sa table nila.
Tinapik ni Trisha ang aking balikat. "Sabay ka sa amin maglunch mamaya Ma'am Sascha. May klase kasi kami," aniya.
"Sige, thank you."
Hinayaan ko na sila umalis at pumunta sa mga klase nila, wala pa akong sched ngayon araw kaya inabala ko ng aking sarili sa pagsipat sa lamesa ko. May ilang gamit na akong dala na inilagay ko sa ibabaw. Siguro ay mamaya ay bibili na lang ako ng iba pang pwede kong gamitin.
Kapag may dumadating na teachers at kinakausap naman ako, tama si Ma'am Beth mababait naman sila saka approachable sila.
Nang dumating ang tanghali ay sinama nga ako nila Ma'am Trisha sa lunch nila sa canteen. Apura ang kwento nila tungkol sa mga hawak nilang section.
Nalaman kong kasing edad ko lang si Ma'am Trisha at Sir Ian. Twenty five years old na rin sila, si Ma'am Lia naman ay twenty four habang si Sir Renz ay first graduate, Twenty one pa lang siya.
Kapag may tinatanong sila ay sinasagot ko naman. Hindi naman na sila nagtanong tungkol sa ibang bansa. Wala na rin naman sa akin kung pag-usapan iyon.
Nang sumapit na ang hapon sabay-sabay kaming lumabas. May sundo si Ma'am Trisha, ang asawa niya. May isang anak na pala siya, nang dumating ang isang puting kotse ay lumabas doon ang asawa niya.
Bagay sila ni Ma'am. Ang cute nilang tingnan. Kumaway pa siya bago sila umalis.
"Ikaw Ma'am Sascha may sundo ka ba? Saan ka ba nakatira Ma'am?" tanong ni Lia.
"Sa malapit na village lang dito, may susundo sa akin." Inayos ko ang suot kong bag.
Si Renz ay may dalang mio na motor. Sabay naman uuwi si Lia at Ian. Hindi muna sila umalis dahil hinihintay nila ang sundo ko, hindi ko alam kung nag-aalala ba sila o gusto lang nilang makichismis kung sino ang susundo sa akin.
Sinuklay ko ang buhok kong hanggang beywang nang makita ko ang pamilyar na trailblazer na itim na papalapit kung nasaan kami.
Napanguso ako ng huminto ito sa harap namin saka lumabas ang isang lalaki. Kaagad kong pinasadahan ang suot niyang formal attire. Naka dark blue siyang longsleeve.
He had bristly eyebrows. He had a hawkish nose. He had a concrete jaw. Habang mas tumatanda siya ay mas nadedepina ang masungit ngunit gwapo niyang mukha.
"
Ay taray bigatin ng asawa ni Ma'am Sascha," bulong ni Lia kay Ian. Naghampasan pa sila bahagya.
Lumapit sa akin ang sundo ko, hindi ata 'to bagay gawin driver mas bagay ditong gawin model. Para akong katulong kapag kasama ko siya.
"Hi there beautiful," Daryl said in a deep voice before he kissed my forehead.
Kinuha niya kaagad ang dala kong bag, mas napanguso ako na kahit pambabae iyon ay bagay pa rin sa kaniya.
Napalingon ako kila Ian ng malakas itong tumikhim.
"A-Ahaha, sino 'yan Ma'am Sascha? Hindi mo naman sinabing ang gwapo pala ng asawa mo."
Ngumuwi ako bago sila hinarap.
"U-Uhm, Daryl, ito ang mga co-teachers ko rito sila Lia, Renz, Ian. Guys, this is Daryl.
Naglahad ng kamay si Lia, "Ay hehe, Hi po."
Tinanggap iyon ni Daryl, "Hey."
Ganon din ang ginawa ni Ian at Renz. Pagkatapos no'n ay umalis na kami, natatawang napailing ako habang nasa biyahe na kami pauwi.
"Type ka ata ni Ian, kita mo 'yong paghagod niya sayo," natatawang aniko.
Sumimangot siya pero sa huli ay ngumiti na lang siya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay saka iyon ipinagsiklob sa kaniya habang nagda-drive.
"May problema ba?"
"Nothing, hindi lang ako sanay na hindi tayo magkasama. Sa LA halos araw-araw kitang nakikita tapos ngayon, ugh! I hate to take my Uncle's company. Mas gusto ko magturo kaso..."
"Kaso kailangan mo kasi may sakit si Uncle?" pagpapatuloy ko.
Bumuntong-hininga siya saka tumango.
"How's your day by the way? The students? Are they good? How about the teachers? Sabihin mo kapag binubully ka nila huh? Susunugin ko 'yang school," matigas na aniya kaya natawa ako.
"Ang oa mo naman, mabait naman sila saka wala pa akong klase, baka bukas ko pa malalaman kung saan ako ilalagay."
Bahagya niya akong sinulyapan saka ngumiti. Hinalikan niya ang aking kamay at hindi na inalis doon habang hanggang makarating kami sa bahay.
Nang makababa kami ay kaagad nagliwanag ang mata ko ng makita ang isang kotse. Mabilis kaming pumasok hindi nga ako nagkamali nandito nga siya!
"Ate Angel!" masayang bungad ko.
Karga-karga niya ang tatlong taon gulang na anak niya. Kaagad akong lumapit at bumeso sa kaniya.
Nag man-hug naman si Daryl at kuya Jace. Asawa ni Ate Angel.
"Akala ko hindi na kayo uuwi e." Umirap siya sa amin natawa na lang ako. Kabisado ko na ang ugali niya.
Hinalikan ko sa pisngi ang anak nila saka ko nginitian ang asawa niya. "Bakit nandito kayo, Ate?" tanong ko.
"Dumaan lang kami, paalis na ng kami. Bumisita lang." Bumaling siya kay Daryl. "Mom is looking for you, visit her this weekend."
"Yes, ate."
Nang umalis na sila ay nasalampak na naupo si Daryl sa sofa. Tinanggal niya ang kaniyang necktie saka isinadal ang ulo, tinawag niya ang isang kasambahay namin.
"Ate, pahingi naman po ng tubig. Nasaan po sila?"
"Nasa kwarto po nila Sir."
Sumenyas ako sa kaniya. "Magbihis lang ako, tapos kunin ko na sila."
Mabilis akong nagpalapit ng damit pangbahay para makapagluto ng dinner. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa kabilang kwarto.
Kinagat ko ang ibabang labi ng makita ang dalawa na naglalaro sa carpet. Malaking binuksan ko ang pinto.
"Hey baby."
Sabay silang napatingin sa akin, masaya silang pumalakpak. "Yehey! Momma is here!"
Natawa ako ng sinalubong nila ako ng yakap. Kinapa ko kaagad ang likod nila, "Ahh, look. You two are sweating."
"Momma, I miss you!" ani Genesis.
Hinalikan ko siya sa noo bago tanggalin ang sando niya, kaagad tumambad ang malaking tyan niya kaya hinimas ko iyon. "Aw my chubby baby."
"Mom I have a chubby cheeks too," singit ni Revelation.
Binihisan ko rin siya ng bagong damit saka pinolbuhan ang leeg. Naglalambing na hinalikan nila ang sa magkabilang pisngi.
"Behave ba kayo habang wala ako?"
Sabay silang tumango. "Yes po."
Nagpapakarga sila pero umiling ako, "Hindi ko kaya buhatin kayong dalawa anak, lalabas ang matres ko sainyong dalawa."
"What is matres momma?" takang tanong ni Gen.
"Yea, what is it momma?" ani Rev.
Itinikom ko ang aking bibig, sasagutin ko sana sila ng pumasok si Daryl. Nakapang bahay na siya.
"Daddy!" sigaw ng dalawa saka ako inabanduna at tumakbo sa ama nila.
"Hey kiddo." Walang kahirap-hirap na binuhat niya ang dalawa.
Natatawang kiniliti pa niya ang mga ito, napapailing na inilagay ko sa toy box ang mga kotse nila at robot.
"Inabanduna ako ng mga anak mo ng makita ka," kunwaring tampong wika ko.
Humalakhak si Daryl.
"Aw, my babe."
Ibinaba niya ang dalawang bata saka natatawang niyakap ako.
"Tara buhatin din kita," ngumisi siya.
Sinimangutan ko siya at kinalas ang yakap niya. "Buhatin mo mga anak mo, baba na tayo at magluluto na ako."
Humarap si Daryl sa dalawang bata. "Gen... Rev, baba na kayo."
"Yes po Daddy," hawak kamay silang lumabas sa kwarto.
Nang mawala ang dalawa ay hinalikan niya ako sa noo. "Ang bilis nilang lumaki, grabe apat na taon na sila. Noon ang gaan pa nila ngayon para na akong bumubuhat ng tv."
Natawa ako. Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa noo niya. Napasinghap siya bahagya sa hawak ko sa kaniya.
"Baba na tayo."
"Hmm. Mayang kaunti, namiss kita." ungot niya.
"Daryl!" pinandilatan ko siya.
Inakbayan niya ako saka ginulo ang aking buhok. "Tara na nga, naghihintay na ang mga bata. Bakit ang sungit mo? Buntis ka ba?" biro niya.
Sinapak ko siya sa tagiliran.
Pagbaba namin ay sinalubong kami ng kasambahay.
"Ate, mag bisita po kayo."
"Huh? Sino po? Papasukin niyo po." Sino naman kaya iyon? Kakauwi lang namin galing ibang bansa, hindi ko alam kung sino ang pwedeng bumisita sa amin.
Inalis ni Daryl ang pagkakaakbay sa akin, inilipat niya kaagad ang kamay sa aking beywang.
Binuksan ng kasambahay ang pintuan.
Napaawang ang bibig ko ng makita kung sino iyon.
Holy!
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store