ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 27

SaviorKitty


Good Evening! Enjoy Reading! Song for this chapter --- The one that got away (Katty Perry) 😂

Kabanata 27

I sniffed and wiped my eyes, while trying to smile. I remember how he said that he loves me. The way he caressed my hair, his kisses, his laugh, the way he looked at me like I'm the most wonderful woman.

All I could do was embrace myself and let the torrent of my tears to soak through my shirt.

"Here."

Hindi ko siya nilingon, kinuha ko ang bato na iniabot niya saka malakas na binato iyon sa sapa. Nagbabakasakaling bawat batong maihagis ko'y mawawala ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Ito ang unang beses na umiyak ako na kahit pilit kong pigilan ay patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Tuyong-tuyo na ang aking lalamunan sa paghikbi. Apat, lima? Hindi ko na alam kung ilang oras pero kahit gano'n ay hindi pa rin maalis ang sakit.

"Sascha, gumagabi na ihahatid na kita." Napalingon ako kay Daryl na nakaupo hindi kalayuan sa akin.

Nang tumakbo ako kanina ay sa likod ako ng school dinala ng aking paa, ni hindi ko na maalala paano ko natalon ang bakod na ako lang mag-isa. Hindi ko rin namalayan na nasundan ako ni Daryl, namalayan ko na lang na nasa tabi ko na siya't tahimik na sinamahan ako.

Madilim na ang paligid.

"D-Daryl may nagawa ba akong masama? Bakit naman ganito? I-I wanted to have a peaceful and happy life, k-kakaamin ko lang ng nararamdaman ko tapos ganito." Umiling-iling ako habang nanlalabo ang aking mga mata.

Hindi siya nagsalita.

My lungs rummaged for oxygen, my mind created memories and scenarios that made the tears continue.

"M-Matatanggap ko pa na alam niya 'yong tungkol kay Alice, matatanggap ko pa na naglihim siya tungkol doon d-dahil alam kong may eksplanasyon siya doon. M-Matatanggap ko pa na sabihin hindi pa pala kami kasal, O-Oo masakit! Sobrang sakit pero tatanggapin ko pa rin kasi ganon naman ang m-mag-asawa hindi ba? Nag-iintinidihan. Iisipin kong natakot lang siya na sabihin sa akin. S-Siguro dadaan lang ang ilang linggo tapos papatawarin ko na siya..." Napahikbi ako mas sumikip ang dibdib ko habang nagsasalita.

Lumapit si Daryl sa akin at marahan na hinihimas ang aking likod.

"P-Pero ito Daryl hindi ko kaya... Hindi ko 'to gusto. G-Ginawa niya akong kabit. Maiintindihan ko pa hindi kami na-legal na kasal dahil sa edad? May papeles na nagkamali? Hindi napasa ang dokumento? Pero ito, he can't marry me because he's a married man. Oh God!"

Napatakip ako sa mukha ng palad. Kanina ko pa hinihiling na sana panaginip lang ang lahat. Na bigla akong magigising habang yakap-yakap niya.

"Maybe he has a reason," mahinang wika ni Daryl.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Kahit ano pang dahilan 'yon tingin ko hindi sapat 'yon para ilihim ang ganon bagay sa akin, pagkatao ko ang ginago nila. Buong akala ko kasal na ako, tinanggap ko na! Tapos malalaman kong yong lalaking akala ko kasama ko tatanda may ibang naiharap na pala sa altar? Ano ako? Panakip butas? Sawa na siya sa asawa niya kaya ako naman?!" sigaw ko.

Pumungay ang mata ni Daryl, umiling ako ng akmang hahawakan niya ang aking braso. Pakiramdam ko ay isa rin siya sa mga nanloko sa akin.

"Anong alam mo?" malamig na tanong ko. Pinunasan ko ang aking pisngi. "Do you know everything? Do know that I'm a mistress?" pumiyok ang aking boses.

Marahas siyang umiling. "Y-You're not a mistress Sascha."

"Then I'm what? Ano tawag sa babaeng binabahay ng lalaking may asawa na Daryl? Alam mo ba nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ang dumi ko e! Pumatol ako sa may asawa, paano kung may anak sila ha? Nakakasira na ako ng pamilya na hindi ko man lang nalalaman!"

Napasabunot ako sa buhok na kaagad pinigilan ni Daryl.

"Don't hurt yourself babe, please..." he said with full of concern.

Hinawakan niya ang dalawang pulsuhan ko upang hindi ko iyon magamit. Hindi ko naman gusto saktan ang sarili ko, pero gusto ko makaramdam ng kahit ano para mabaling ang sakit ng nararamdaman ko doon.

Huminga siya ng malalim bago nagkwento.

"I didn't know Sascha, kung alam ko ay sasabihin mo sa'yo. Hindi ko alam ang tungkol sa kasal niyo. Ang tanging alam lang namin ay tungkol kay Alice." sumikip ang puso ko ng banggitin niya ang pangalan na tinuring kong kaibigan.

"Nade found out first. She told me that Alice is acting weird, napapansin niya ang masamang tingin nito sa akin. At first, we concluded that she liked me, that she was jealous because we are close. Hindi ako kaagad naninwala kasi hindi ko naman napapansin, but Nade kept on talking to me. She's worried about Alice, para raw kasing may mali. So sinubukan namin pagselosin si Alice pero mukhang wala naman epekto, then seminar happened. Doon namin talaga na patunayan, she doesn't like me. She likes you, she loves you so much." Kinilabutan ako, hindi dahil sa pagkatao ni Alice, wala naman akong problema doon pero dahil tinuring ko siyang kaibigan ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon.

"Gustong sabihin sayo ni Nade, pero pinigilan ko kasi wala naman siyang masamang ginagawa. Pero noong nangyare sa office, hindi kami sigurado na siya because how can she do that to you? She's your friend. So I tried to talk to her pero hindi niya ako kinakausap, iyon yung time na nakita ko kayo ni Nade sa hagdanan. I am sorry Sascha. Noong din na hinalikan kita sa locker room nandoon din si Alice, Nade said she saw Alice, she took a picture of us."

Mariin akong pumikit, bumibigat na ang aking ulo sa mga nalalaman. Namamanhid na ang labi ko sa kakahikbi, ang aking mata ay magang-maga na.

Tahimik akong umiyak, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Alice dahil sinabi niya o magalit?

Nang lumipas ang oras ay inaya na ako ni Daryl umuwi, pagod na sumama ako sa kaniya. Bahagya pang nagulat ang guard nang makita kami dahil madilim na at kakalabas lang namin sa school.

Kahit ayoko man lingunin ay kusa akong napalingon sa parking lot kung saan siya madalas pumuwesto. Wala na doon ang kaniyang kotse, parang may sumaksak sa puso ko. Umuwi na siya? Hinahanap niya ba ako?

Inalalayan ako ni Daryl hanggang makalabas ng school. Pumara siya sa tricycle at tahimik kaming sumakay doon.

Tumikhim siya.

"Saan ang bahay niyo?" ilang na tanong niya.

Umiling ako. "A-Ayoko munang umuwi." Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa. Nakapatay na iyon, hindi ko alam kung nasan ang bag ko. Naiwan ko iyon kanina.

"Saan kita ihahatid?"

Umiling-iling ako, hindi ko alam. Ayoko munang umuwi. Ayoko siyang makita. Kahit anong paliwanag niya alam kong hindi ko naman iyon na mapapakinggan ngayon, hindi ko nga alam kung mapapakinggan ko pa.

"I can't take you to my apartment, bawal ang babae doon e." Kumamot siya sa kaniyang batok.

Bahagya akong nahiya dahil malaking abala na ako. "A-Ayos lang, ibaba mo na lang ako dyan."

"Are you kidding me? Hindi kita iiwan sa tabi-tabi lang. Kung ayaw mo umuwi sainyo, sige sasamahan kita," madiin aniya.

Hindi na ako nakipagtalo pa, wala na akong lakas para tumanggi pa sa gusto niya.

Kinalikot niya ang cellphone na parang may tinetext, pumikit naman ako upang ipahinga ang aking mata ngunit sa pagpikit ko ay mukha ni Travis ang nakikita ko.

He was the perfect example of ideal husband. Matalino, gwapo, maalalahanin, sweet, hindi siya nagkulang sa akin kahit hindi pa kami gano'n kalapit noon, hindi niya ako pinapabayaan kaya ngayon hindi ko alam. Yung perfect husband na iniisip ko, yung taas ng tingin ko kay Travis biglang gumuho.

Sinabi ko noon na hindi ako gagaya sa magulang ko na magulo. Na hindi ko hahayaan na may kabit ang asawa ko. In the end, ako pala ang kabit.

Lahat kasinungalingan. Lahat hindi totoo.

Napahikbi ako habang nakapikit, mabilis kong pinunasan ang aking luha para hindi mahalata ni Daryl ngunit pagdilat ko ay nakatitig na siya sa akin.

Pinasadahan niya ng dila ang kaniyang ngipin habang nakasara ang bibig animong paraan niya iyon para kumalma. Tinapik niya ang braso ko. "Hindi kita babawalan umiyak, umiyak ka hanggang gusto, sumigaw ka hanggang mapaos ka, nandito lang ako Sascha. Sasamahan kita."

Bumagsak ang mata ko sa aking tuhod. Nang sabihin iyon ni Daryl ay napaiyak ulit ako, hinayaan niya nga ako.

Hanggang makarating kami sa isang building. Inalalayan niya ako papasok doon, hindi ko alam kung nasaan kami o kung saan kami pupunta.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta, dito kana muna."

Bumukas ang elevator, iginaya niya ako sa isang pintuan. Pagkatapos ng tatlong katok ay bumukas iyon. Bahagya pa akong nagulat sa babaeng nagbukas.

Mukhang inaasahan naman niya kami dahil binuksan niya ng malaki ang pintuin.

"Pasok kayo," ani Angel na hihikab-hikab pa animong kakagising lang.

Inalalayan ako ni Daryl pumasok. Kinagat ko ang ibabang labi ko, bakit kami nandito?

Nang makaupo kami sa sofa ay pumunta naman si Angel sa kusina, inilibot ko ang aking mata sa bahay. Ang kusina ay tanaw sa sala, may naghahati lang doon na lamesa. May dalawang pintuan sa gilid at isa sa kabila na sa tingin ko'y banyo. Kaunti pa lang ang gamit ng bahay niya.

Nang bumalik si Angel ay may inilapag siyang tubig.

"Don't be choosy ha? Hindi pa me nakakapag-groceries. So just choose if you gusto niyo magdrink ng water or hindi," aniya saka umupo sa isahang sofa.

Tinanggal naman ni Daryl ang polo niya't sapatos habang tahimik lang akong nakamasid sa magkapatid.

"Oh Daryl, doon mo ilagay sa malayo ang shoes mo, it's so mabaho kaya," maarteng aniya at kunwari pang tinakpan ang ilong.

Inirapan siya ni Daryl bago tumayo papunta sa tinuro ni Angel na lagayan ng sapatos.

"What mabaho? Ate kahit amuyan mo yan mas mabango pa ang sapatos ko sa'yo," naiiling na wika ni Daryl.

"Anong sini-say mo dyan? FYI, for your information mabango ako. Dalawang beses akong naliligo sa isang araw not like you, pawisin ka ew..."

Napanguso ako kasi nagbatuhan sila ng maliit na unan sa sala. Nang matigil sila ay doon lang nila ako napansin.

"So why are you here? Not that ayaw ko kayo here pero why?"

Tumingin ako kay Daryl. "Ayaw niyang umuwi sa kanila, I can't let her sleep to my apartment. Puro lalaki sa building na 'yon hindi rin siya papayagan umakyat."

"Ohh, why? Nag-away kayo ni Trav?" takang tanong niya.

"I found out everything," paos na usal ko.

Napabuntong-hininga siya na parang alam na niya ang sinasabi ko. Uminom siya ng tubig. "Gosh, sabi ko na kay Trav you will found out this, sabi ko magtalk kami I'll help him pero lagi niya dine-decline ang call ko. Dinadahilan ko na nga ng furniture para rito so I can meet him but he always avoid me, damn that Ape."

Bumagsak ang aking mata sa lamesa sa harap namin, alam ni Angel. Of course, magkaibigan sila. Talagang malalaman niya 'to.

Iyon ba 'yong tinutikoy niya na magkakasakitan lang kami ni Travis? Na iwan ko na lang si Travis.

"Alam mong kasal siya," hindi iyon tanong.

Nang mag-angat ang mata ko sa kaniya ay nakakita ako doon ng awa. Ayoko iyon makita pero alam kong nakakaawa nga ako. Pinagtatawanan ba nila ako dahil wala akong alam?

Na bulag ako sa mga katotohanan.

"I-I'm sorry, I know I should have told you about that, pumunta ako sa school niyo nang nalaman ko. Kakausapin sana kita but Trav saw me. I know its wrong, but he's my bestfriend. Nang magmakaawa siyang huwag kong sabihin sayo, I-I promised to him, na hindi ako makikialam. He said he want to tell you, siya ang magsasabi. I am sorry, Darling. You are precious to me, you're a good girl and friend of my brother but Travis is like my big brother. I can't betray him," mahabang paliwanag niya.

Kalmado ang mukha niya pero buo ng pakikiramay ang boses.

Marahan akong tumango, mabilis kong pinunasan ang luha ko ng tumulo ulit iyon. Unti-unti kong iniisip ang sinabi niya.

Naiintindihan ko siya pero ang sakit lang. Kasi pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng mga tao. Lalo na ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.

"D-Do you know his w-wife?" pumiyok ang boses ko.

Kinagat niya ang ibabang labi.

"Y-Yes, I know her. Siguro mas mabuti kung si Travis ang tanungin mo about that, wala ako sa position to tell you the story that I am not belong."

Marahan hinimas ni Daryl ang braso ko animong pinapatahan ako.

"Dito siya matutulog ate, dito na rin ako matutulog. Dito na lang ako sa sala."

"Sure, doon na lang si Sascha sa guest room, and bunso you can sleep to my room malaki naman ang bed ko saka aalis naman ako ng madaling araw dahil may duty ako."

Inaya nila akong kumain ng dinner pero wala akong sa mood. Gusto ko lang ay mahiga at matulog baka sakaling paggising ko ay wala na ang sakit.

Hinatid nila ako sa kwarto ko, pinahiram ako ni Angel ng damit. Nauna siyang umalis sa kwarto dahil babalik na raw siya sa pagtulog. Nang maiwan kami ni Daryl ay marahan niyang ginulo ang buhok ko.

"Matulog ka na, dyan lang ako sa kabilang kwarto. If you need something just call me okay?" aniya.

Tumango ako saka tipid na ngumiti. "Salamat Daryl ha?"

Ngumiti siya. Nagulat pa ako ng halikan niya ako sa buhok bago siya nagmamadaling lumabas sa kwarto at isara iyon.

Para akong latang-lata na nahiga, masakit na ang ulo ko sa sobrang nangyayari. Hindi ko kinakaya.

Nakatulog ako ng umiiyak, hindi ko na malayan na nakapikit na ako. Nagising lang ako ng may maramdaman akong marahan na humihimas sa aking pisngi.

Kahit antok ay pinilit kong idilat ang aking mata.

Noong una ay akala ko'y nananaginip lang ako pero nang matitigan ko si Travis na nakaupo sa kama ko ay napabalikwas ako.

Kaagad akong napabaling sa pintuan, nandoon si Angel na naka nurse uniform na. Madilim pa sa labas!

"I have to go Trav, I'm sorry Sascha I called him. You both should talk. Aalis na ako, please magtalk kayo ng mahina lang my brother is sleeping."

Nang maisara niya ang pintuan ay para akong natulos sa pagkakaupo ko sa kama.

Hindi ko matingnan si Travis, pakiramdam ko ay bigla na lang ako iiyak kapag nakita ko ang mga mata niyang malungkot.

"B-Baby please look at me, please," he begged.

Pilit niyang hinahawakan ang aking baba ulang iharap ang aking mukha, iniiwas ko iyon sa kaniya pero sa huli ay nagtagpo na ang aming mata.

Magulo ang kaniyang buhok, may itim sa ilalim ng kaniyang mga mata na mugto. Ang suot niya ay iyong suot pa rin niya sa school noong huli namin kita.

Napalunok ako kasi parang may nagbabara na sa lalamunan ko.

"Lets go home," mahinang wika niya. Hahalikan sana niya ang noo ko pero iniwas ko iyon sa kaniya.

Nakita kong may gumuhit na sa akin sa mata niya pero binalewala ko iyon.

"Bakit ka nandito?" malamig na usal ko.

"I was worried, hinahanap kita kung saan-saan. Umuwi na tayo huh baby? Uwi na tayo," naiinis ako sa lambing na boses niya.

Hinawakan niya ang pulso ko pero tinabig ko ang kaniyang kamay.

"H-Hindi na ako uuwi doon Travis, u-uwi na lang ako sa b-bahay ng magulang ko o k-kaya tatapusin ko 'tong school y-year titira muna ako sa upahan." Iniwas ko ang tingin sa kaniya.

"Why? May bahay tayo Sascha. Sa atin 'yon. Pinagawa ko 'yon para sa'yo," madiin usal niya.

Nilingon ko siya, umigting ang kaniyang panga. Nangilid ang aking luha. "Ganyan din ba ang sinabi mo sa asawa mo?"

Nakita kong natigilan siya.

"Now tell me Travis, why? Why you made me a mistress? W-Why?" tuluyan na akong napaiyak.

Hindi siya nakapagsalita.

"A-Ano? Travis? Doon ka ba umuuwi noong mga unang buwan natin na akala kong kasal tayo? Doon ka umuuwi? Ano yon tig-six months kami? Kaya ka nandito kasi schedule ko naman. Putangina ka!" napahikbi ako.

Pilit niya akong niyakap pero tinulak ko siya't malakas na sinampal sa kanan niyang pisngi, namanhid ang palad ko sa lakas. Nanginginig ang isang kamay ko na sinampal ulit siya sa kabilang pisngi, mariin siyang pumikit ng lumagapak iyon.

Pinaghahampas ko siya.

"Manloloko ka Travis! Naniwala ako sayo! Bakit mo ginawa 'to sa akin?! Ang tahimik ng buhay ko na wala ka tapos guguluhin mo ng puro kasinungalingan! Ang sama mo! Ang sama-sama mo!"

Hinayaan niya akong paghahampasin at sampalin siya. Tinanggap niya iyon lahat, nang mapagod ako ay nang hihinang itinakip ko na lang sa mukha ko ang dalawang palad.

Para akong bata na inagawan ng candy. Sana ganon na nga lang sana candy na lang ang mawawala sa akin hindi ang lalaking mahal ko.

Ikinulong niya ako sa kaniyang bisig. Hinalikan niya ang aking buhok, hindi ko siya tinulak. Hinayaan ko kaming ganon.

Bibigyan ko siya ng pagkakataon magpaliwanag. Magpaliwanag sa lahat, pero hindi ko maipapangakong kaya ko siyang matawarin.

"Four years after I met you... I met her." panimula niya, nanikip ang aking puso. Naalala ko iyong sinabi niya na noong fifteen years old siya ay nakita na niya akong umiihi. Apat na taon pagkatapos no'n ay doon niya nakilala ang totoong asawa niya.

Shit! Fucking bullshit!

Napahagulgol ako. "I-Ituloy mo! Tangina ka ituloy mo!" bulong ko.

"W-We were college classmate, I was nineteen. Birthday 'yon ng kaklase namin nasa palawan kami noon, bakasyon namin magkakaibigan. We got drunk and something happened between us," humigpit ang yakap niya sa akin. Tahimik akong umiiyak, bahagya ko siyang tinulak upang makita ang mukha niya.

Mapungay ang mata niya, ang mata niyang puno ng pagmamahal kapag tumitingin sa akin kaya naloko ako.

Umiling siya na parang ayaw na niyang magkwento pero sa huli ay tinuloy rin niya.

"I got h-her pregnant. I was devastated because I don't love her at all... Pero anak ko 'yon, h-hindi ko 'yon aabandunahin. N-Nagpakasal kami, civil wedding isang linggo pagkatapos namin malaman nagbunga 'yon. H-Hindi alam nila Daddy, sa pamilya niya ay tanging kapatid lang niya ang nakaalam dahil patay na ang magulang nila..."

Nangilid ang luha niya, hinawakan niya ang aking kamay para bang dokn na lang siya kumukha ng lakas. Wala na silang magulang? Bakit ang alam ko ay may magulang pa si Alice?

Nakatulala lang ako habang pinoproseso ang kaniyang sinabi.

Nagkaanak sila?

"M-May anak kayo?" mariin akong pumikit.

Anong na lang mangyayari sa bata dahil sa nagawa ko.

Malungkot niya akong tinitigan. "We hide that we are married..."

"L-Like us?"

Marahas siyang umiling. "No baby. Itinago namin dahil hindi namin mahal ang isa't isa nagpakasal kami para sa bata, masyado kaming pabigla-bigla. Ang naisip namin ayaw namin lumabas 'yong bata na walang ama, na hindi ko apelido ang magagamit, na walang kumpletong pamilya. I forgot about my plans, I forgot you, I focused myself to my child..." tumulo ang luha niya bahagyang napaawang ang bibig niya. "Akala ko ayos lang, akala ko kaya ko, akala ko makakaya kong magmahal ng iba pero hindi ko kaya, hindi ko siya natutunan mahalin. Nang maglimang buwan na ang tiyan niya..." mariin siyang napapikit.

Gumalaw ang kaniyang balikat tanda na umiiyak na rin siya.

"We lost our baby."

Napasinghap ako. Mahigpit niyang hiwakan ang kamay ko saka maingat iyon hinalikan.

"Na-depressed ako no'n, kahit h-hindi ko ginusto iyon bata noong una kasi masisira buhay ko, masisira lahat ng plano ko ay minahal ko na ang bata, dugo ko iyon at laman, sa akin nagmula kaya sobra akong nasaktan. Natuto akong magbisyo, ang sira na namin pagsasama ni Aryan ay lalong nagulo ng mawala ang nag-iisang dahilan kung bakit nagsasama kami."

Pinunasan niya ang luha niya, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya pero bakit ganon? Bakit parang napupunta sa akin lahat?

"That was five years ago, bigla na lang nawala si Aryan e. I want a divorce. I want to give you my name, I want you to be my legal wife but I can't find her. Then my parents arranged our marriage, akala ko magagawan ko ng paraan na hanapin siya, na makipaghiwalay bago tayo ikasal pero na bigo ako. Nasa manila ako ng mga unang buwan na kasal tayo, I tried to look for her, pero hindi. Wala siya. Kahit mga kaibigan namin noon walang balita sa kaniya."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, kahit alam ko na ang totoo ang sakit pa rin.

"I'm sorry, I failed you."

Ibinukas ko ang bibig ko para huminga, dahil barado na ang ilong ko kakaiyak.

"D-Dapat sinabi mo sa akin, maiintindihan ko naman. Travis, pero kasi sa ibang tao ko pa nalaman kaya sobrang sakit, nagmukha akong tanga. Proud na proud pa ako na asawa kita ngayon pala wala naman ang pinanghahawakan."

Umiling-iling siya. "No, para sa akin ikaw ang asawa ko, ikaw."

Malungkot ang ngumiti. "Sa mata ng batas, sa mata ng Diyos at tao ay si Aryan ang legal mong asawa. Hindi ako."

Paulit-ulit akong sinasaksak sa puso sa sinabi ko, ang bigat sa dibdib. Ang sakit.

"U-Umalis ka na lang muna Travis... Please..."

"Nagpaliwanag na ako, Sascha please come home, mababaliw ako kapag wala ka sa tabi ko please, kung gusto mo mag-isip, iiwan kita sa bahay basta sa bahay ka lang ako lalayo please huwag ganito."

Lumuhod si Travis sa lapag, kaagad kong hinawakan ang braso niya para tumayo.

"T-Travis tumayo ka, kapag nasa bahay mo ako bawat sulok no'n maaaalala kita---"

"You want to forget me?" pumiyok siya.

Tipid akong ngumiti "I want to forget the forbidden things we made... Please hayaan mo muna ako Travis... Kailngan ko mag-isip..."

Bumukas ang pinto, malamig ang mukhang pumasok si Daryl.

"Move, Sir. Get out," madiin usal niya.

Tumayo si Travis habang igting ang panga at nakakuyom ang palad. "Huwag kang makielam dito."

Nagulat ako at halos mapatalon ako ng biglang sinapak ni Daryl si Travis. Na kahit mas malaki si Travis ay nagawa niyang patumbahin.

"Daryl!"

"You fucking dimwit! Ayaw kang makita ni Sascha! Hindi mo nagegets? Akala ko ba matalino ka?! I will let you hurt her, but I won't let you hurt her twice. Kung hindi mo siya kayang alagaan, ako ang gagawa!"

Halos mapabangon ako ng sinapak ni Travis si Daryl. Kaagad dumugo ang ilong nito.

Humarang na ako bago pa mas lumama.

"P-Please Travis... Umalis ka na... Umalis ka na!" sigaw ko.

Nakita ko ang pagtigil niya, matalim niyang tiningna si Daryl. "Pinapalampas ko ang pahawak-hawak mo sa asawa ko, pero hinding-hindi mo siya makukuha sa akin! Akin siya! I won't let her fall for you, I'm taking what's mine!"

"Travis ano ba?!"

Huminga siya ng malalim bago malamig ang matang umalis na. Narinig ko pa ang malakas na kalabog ng pintuan.

Pinunasan ni Daryl ang kaniyang ilong. "I'll make you mine." madiin nyang usal bago ako iwan sa kwarto.

HINDI ko alam kung paano ulit ako nakatulog o nakatulog nga ba ako o sadyang dilat lang ako at tulala.

Mugto ang aking mga mata habang nakatitig sa kisame, parang panaginip lang ang lahat.

Sana nga, dahil ang sakit ay nandito pa rin.

Dahan-dahan akong bumangon ng marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Chinarge ko kanina dahil nag-aalala ako baka nagtetext na sila Kevin.

Kumunot ang aking noo sa number ng mommy ko.

"Hello m-mom?" bungad ko. Halos wala na akong boses.

"Hello? Kamag-anak niyo po ba ang may-ari ng number na ito?" napakunot ang noo ko sa boses ng lalaki.

"O-Opo, sino po ito? Kay mama po iyan number?" kabadong tanong ko.

"Nasa ospital po sila, pumunta po kayo rito," snabi niya kung saan ospital.

Nanginginig ang kamay ko habang naglakakad papasok sa ospital sa Pampanga, hindi ko alam bakit nandito sila mommy? Pupuntahan ba nila ako? Bakit sila pumunta ng Pampanga?

Ang sabi ng pulis na nakausap ko sa telepeno kanina ay nasangkot sa aksidente ang magulang ko. Iyon lang.

Kasama ko si Daryl, lumapit kami sa mga police.

"N-Nasan na po ang magulang ko Sir? Nasa ER po ba? Ano po bang nangyari?" halos histerikal na usal ko.

Kung hindi ako hinahawakan ni Daryl ay baka natumba na ako.

Hindi sumagot ang pulis sinamahan niya kami sa isang kwarto.

Halos mapaluhod ako ng makita ko ang dalawang katawan na nakatakip ng puting tela.

Nanlabo ang aking mata. "H-Hindi po... Hindi po yan ang magulang ko Sir..." marahas ang umiiling habang humihikbi. Humarap ako kay Daryl na namumutla na rin. "D-Daryl iuwi mo na ako, hindi yan magulang ko Daryl. Niloloko lang nila tayo tara na."

"Sascha..."

"H-Hindi e! Bakit niyo ba ako ginaganito?! Bakit lahat kayo nagsisinungaling hindi nga yan ang magulang ko!"

Binuksan ng pulis ang mga tela. Nang tumambad ang duguan katawan ng magulang ko ay nawalan na ako ng malay.

NANG magising ako ay tulala na ako, hawak ko ang cellphone ni Mama, si Daryl ay maraming kausap sa cellphone niya.

Mahigpit na hiwakan ko ang phone. Manuot ang galit at sakit sa puso ko ng makita ang dahilan kung bakit nagpunta ang magulang ko rito.

Tinext sila ni Travis kagabi na nawawala ako.

Kung hindi niya sinabi iyon sa magulang ko ay hindi sila bibiyahe ng madaling araw, hindi sila maaksidente, hindi sila mawawala.

Si Travis ang may kasalanan!

HINDI KO ALAM kung ilang linggo na ang dumaan. Hindi na ako pumapasok, pilit akong kinakausap ni Travis pero ayoko na siyang makita. Tinataboy rin siya ni Daryl. Binibisita ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila kinakausap. Ayoko na.

Tulala ako habang nasa kwarto. Kinakagat ko ang aking mga kuko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit? Baka saktan din nila ako? Baka may binabalak silang masama sa akin.

Hindi ako nag-isa. Puro tango at iling lang ang kaya kong ibigay.

May doctor na kasama si Daryl at Angel. Hindi ko alam kung bakit? Bakit?

"Doc, halos dalawang buwan na po siyang ganyan, nag-aalala na po kami," usal ni Angel.

Akala ba nila ay hindi ko sila naririnig? Naririnig ko sila pero wala lang ang akong ginagawa. Ayoko na, gusto ko na lang din magpahinga.

"She's suffering from severe depression."

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store