Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 26
Sorry natagalan, ito ata pinaka mahabang chapter ko rito sa story na ito. Sabihin niyo sa akin kung tama ang hula niyo. Enjoy Reading!
Kabanata 26
Napatingala ako habang mas idiniin ko ang aking palad sa tiles ng banyo, mahigpit ang hawak ni Travis sa aking balakang habang madiin na umuulos sa aking likuran.
He thrust faster while rubbing my clít. I bit my lower lip to stifle a shriek.
"Don't hold back baby, moan come on," he whispered.
"Travis!" I heard myself cried out.
Mas binilisan niya ang ginagawa. After three more hard pumped, the waves traveled from my head to toes. After me, Travis spasmed inside me.
Pakiramdam ko ay mapapaluhod na lang ako sa sahig ng banyo sa sobrang panlalata, ngunit kaagad niya akong niyakap. Binuksan niya ang shower at nilinisan ako. Hingal pa rin ako habang pinapanuod siyang paliguan kaming dalawa.
Well, ako lang naman talaga ang maliligo dahil may pasok kami ngayon ang kaso ay bigla siyang pumasok sa loob ng banyo.
"Tired?" malambing na tanong niya.
"Paano hindi mapapagod? E nakadalawa ka," humalakhak siya.
Pinalibot niya sa aking katawan ang tuwalya saka ako marahan binuhat palabas, inilapag niya ako sa kama. Nagbihis muna siya ng boxer bago humarap sa akin.
Tahimik lang ako habang binibihisan niya ako ng uniform, siya naman din ang may kasalanan kung bakit nanlalata ako. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang mahiga kaysa pumasok.
Pinatuyo niya ang aking buhok bago siya tuluyan magbihis. Siya rin ang nagluto bago kami sabay pumasok. Hindi katulad noon napatago pa ako bumababa sa sasakyan niya ay ngayon ay landakan na.
May ilang tumitingin pa rin sa amin, ang iba ay naiingit, ang iba naman ay may panghuhusga.
"Sabay tayong maglunch, susunduin kita sa room niyo," aniya.
Ngumiti ako bago tumango, ginulo niya pa ang buhok ko bago umalis. Pagpasok ko sa classroom ay kaagad nagbulungan ang mga kaklase ko, alam kong dahil iyon sa nangyari kahapon.
"Baka alam niyang babagsak siya," rinig kong usal ng isang kaklase ko na hindi ko masyado kasundo.
"Kaya siguro kinuha 'yon sagot saka kumakapit sa teacher para sa grades," ani ng kaibigan nito.
Napabuntong-hininga na lang ako't dumeretsyo sa upuan ko sa likod. Nandoon na si Daryl, lagi naman siyang maaga. Wala pa ang iba.
Tipid akong ngumiti sa kaniya, tinitigan niya lang ako hanggang makaupo sa tabi niya. "Hoy! Tulala ka." Pumitik ako sa harapan niya.
Napakurap-kurap siya't parang doon pa lang natauhan. "Hah?"
"Ayos ka lang?"
Bumuntong-hininga siya saka marahan tumango, "Kamusta kayo ng asawa mo?" biglang tanong niya.
"Ayos naman." Ngumiti pa ako sa kaniya para malaman niyang ayos kami ni Travis. Siguro ay sadyang nag-aalala lang si Daryl dahil sa nangyari kahapon.
Pinasadahan niya ng dila ang kaniya labi bago ngumiti. "That's good," paos na aniya.
"About yesterday, I know it's not you." Tumigil siya sandali saka pinasadahan ng daliri ang buhok. "Do you have any idea about that? Any suspect for that?" kunot-noong tanong niya.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, umiling ako. "Hindi ko na alam Daryl, sino naman ang gagawa no'n sa akin? Ano makukuha niya kung sakali? Hindi ba?" pinag-aralan ko ang reaksyon.
Wala ako mabasa doon.
Hindi sa pinagdududahan ko rin si Daryl, kagaya ng sinabi sa akin ni Travis baka isa sa malalapit sa akin ang may gawa no'n. Sabi rin niya kakausapin niya ang security sa school, para icheck ang cctv. Sa ngayon, hindi ko alam kung sino ang totoo at hindi sa paligid ko.
Nang dumating sila Lisa, Alice at Kevin ay naging tahimik sila, alam kong iniiwasan lang nila ang magtanong tungkol doon.
Nang dumating ang tanghali ay nagpaalam ako sa kanila na sabay kaming kakain ni Travis. Pupuntahan ko na lang siya.
Wala si Daryl at Alice kaya kila Kevin lang ako nagsabi.
"Sigurado ayos ka lang sis ha?" ani Kevin habang inaayos ang bag niya.
"Oo nga, Sascha kung gusto mo ay ihatid ka namin sa faculty," ani Lisa.
Ngumiti ako't umiling. "Hindi na, malapit lang naman pasabi na lang kila Daryl ha? Nasaan na nga pala sila? Bigla na lang nawala."
Nagkibit-balikan ang dalawa. "Si Alice magbanyo raw, si Daryl hindi ko alam."
"Ah sige, alis na ako para makabalik ako kaagad."
Habang naglalakad ako sa hallway ay may ibang tumitingin sa akin, hindi ko alam kung dahil sa issue namin ni Travis o dahil kahapon.
Paliko na sana ako papunta sa faculty ng may humawak sa balikat ko, kaagad akong napalingon sa humawak sa akin. Bahagya pa akong nagulat ng makita si Nade.
Inaayos niya ang suot na salamin.
"N-Nade? B-Bakit?"
"Pwede ba kitang makausap?" mahinahong aniya.
Pinalibot ko muna ang tingin ko sa paligid. Maaga pa naman, "Sige, ano ba 'yon?"
"Doon tayo sa gilid." Turo niya sa likod ng hagdanan.
Kahit naguguluhan ay sumunod ako sa kaniya. Nang nasa ilalim na kami ng hagdanan ay inalis niya ang kaniyang salamin. Hindi naman ako kinakabahan, naku-curious ako sa kung anong maaaring sabihin niya.
"Nag-away ba kayo ni Sir Travis?" tanong niya, bahagya pang tumagilid ang kaniyang ulo habang hinihintay ang aking sagot.
"U-Uhm, hindi naman. Bakit?"
"M-May mga nagpapadala ba sa kaniya ng kung ano-ano? May napapansin ka ba weird na bagay?" tanong niya.
Nagpeke ako ng tawa, "Ano bang sinasabi mo Nade? May dapat ba akong malaman?" tanong ko. Ang totoo ay may naisip ako, 'yong mga pictures na nakita ni Travis. Hindi ko pa natanong kung sino ang nagbigay no'n sa kaniya. Ang makikipag kita sa akin ni Angel at ang mga nakapaligid, ang weird.
Malakas siyang bumuntong hininga saka umiling. Magsasalita pa sana siya ng may tumawag sa kaniya.
"Nade!" sabay kaming napalingon kay Daryl na hinihingal pa.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila. Mabilis na lumapit sa amin si Daryl, mabigat ang kaniyang paghinga na hinawakan si Nade sa braso.
"What the hell, Nade?!" inis na aniya. Kita ko ang paghigpit niya sa braso ni Nade.
"A-Anong nangyayare?" gulat na usal ko.
"Wala akong sinabi sa kaniya, Daryl. Bitawan mo ako."
"Let's go, Nade." Hinila niya si Nade palayo sa akin. Kahit medyo malayo na sila ay rinig ko pa rin ang pagtatalo nila. Anong nangyari do'n? May love quarrel ba sila?
Bakit gano'n ang reaksyon ni Daryl? May dapat ba akong malaman?
Bumuntong-hininga ako bago dumeretsyo sa office ni Travis, mamaya pagbalik ko ay saka ko na lang sila kakausapin.
"Kayo ang magdesisyon, Sir."
Napatigil ako sa pagpasok sa loob ng office ni Travis nang marinig ko ang isang boses ng babae sa loob.
Kumabog ang puso dahil kilala ko kung kaninong boses iyon, dahan-dahan akong sumilip. Kumabog ang aking dibdib ng makita si Alice doon.
Mas nagulat ako ng makita ang galit na mukha ni Travis habang nakatingin kay Alice. Umiigting ang kaniyang panga.
"What do you want?" malamig na tanong niya kay Alice.
Humigpit ang hawak ko sa hamba ng pintuan, nakatalikod si Alice sa aking gawi kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya.
"I already said what I want, Sir," kalmado ngunit madiin usal ni Alice.
Bago pa ako mahuli na nakikinig ay mabilis akong umalis doon at nagtago sa ilalim ng hagdanan. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Mas sumiksik pa ako sa gilid ng makita kong pababa na si Alice.
Anong gusto niya? Bakit magkausap sila ni Travis? Shit. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari.
Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili bago bumalik sa office ni Travis na kunwari ay wala akong nakita.
Ngumiti ako pagbukas ng pinto. Naabutan ko siyang hinihilot ang kaniyang batok habang nakasandal sa kaniyang lamesa.
Nang makita niya ako ay kaagad siyang ngumiti. Lumapit ako sa kaniya, nang magtapat kami ay hinimas niya ang aking pisngi.
"How's your study baby?" malumanay na aniya na para bang hindi siya galit kanina.
I wonder how can he control his feelings like that? Kasi kapag ako, kapag nainis ako kahit siguro isang oras na ang lumipas makikita pa rin sa aking mukha ang pagkainis.
"Ayos lang, ikaw kamusta? May b-balita na ba?" tukoy ko sa nangyari kahapon.
Bumuntong-hininga siya't hinimas ang aking leeg. "Wala pa," bumaba ang kaniyang kamay sa aking braso pababa sa aking kamay. Nang mahawakan niya ay dinala niya iyon sa kaniyang labi upang halikan.
Masuyo kong hinimas ang kaniyang panga.
"May problema ba, Travis?" buong pag-aalalang tanong ko.
Ngumiti siya, pakiramdam ko ay may tinatago siya sa akin. Gusto ko magtanong pero natatakot akong magsinungaling siya, mas masakit iyon. Hindi naman niya siguro itatago kung gusto niyang sabihin, hindi ba?
"Mahal na mahal kita, Sascha."
Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin niya iyon, ngumiti ako. "Ikaw ah, pinapakilig mo ba ako?"
"Gumagana ba?"
"Kaunti."
"Tara nga dito, payakap," bulong niya.
Nagulat ako ng hilahin niya ang aking pulso, tumama ako sa kaniyang dibdib. Bago pa ako makareklamo at makalayo ay mahigpit niya akong niyakap.
Hinimas ko ang kaniyang likod.
"T-Travis ayos ka lang?"
"Whatever happens I will never leave you."
Mariin akong napapikit, hinalikan niya ang aking buhok. Hindi na kami nagsalita pa, nanatili kaming ganon.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na ako. Hinihintay kong may sabihin pa siya pero wala na.
Hinatid ako ni Travis sa building namin. Syempre hindi maiiwasan may tumitingin sa amin.
Nang makasalubong namin si Ma'am Bea, ay tipid niya akong nginitian bago lampasan. Anong nangyari doon?
"Susunduin kita mamaya sa room niyo," sabi ni Travis ng nasa floor namin na kami.
Umiling ako. "Hindi na, sa parking lot na lang tayo magkita."
"O-Okay, kapag may problema text mo ko ha?" Kinagat niya ang ibabang labi.
Napatitig ako sa mapula niyang labi, saka napalunok. Umangat ang sulok ng kaniyang labi dahil sa ginawa ko.
"You want to kiss?" he whispered.
Naitikom ko ang aking bibig, tumawa siya saka mabilis akong hinalikan sa labi kahit pa madaming istudyanteng nakatingin.
Nanlaki ang mata ko sa gulat, bago pa ako makapagsalita ay pinitik na niya ang noo ko bago umalis.
Nang pumunta ako sa room ay tahimik na ang mga kaibigan ko. Sumulyap si Nade sa akin bago mag-iwasn tingin. Si Daryl naman ay hindi man lang ako nilingon.
Ngitian naman ko ni Alice, bago niya ayusin ang salamin saka naging abal sa cellphone. Tanging bunganga ni Kevin at Lisa ang maingay sa linya namin.
May kinukwento si Kevin tungkol sa isang thai drama na pinanuod niya.
Nang dumating ang hapon ay akala ko'y sasabay si Daryl sa amin apat pero nilagpasan niya kami saka dumeretsyo kay Nade.
Lumabas sila, nagpapadyak si Kevin. "Letcheng Nade 'yan inaagaw si Papa Daryl ko!" aniya.
Ngumisi si Lisa, "Aysus, ihahanap na lang kita tutal tayo na lang naman ni Alice walang lovelife kasi itong si Sascha e happily married na," wika niya.
Kumapit sa braso ko si Alice, naalala ko 'yong sa office kanina.
Naiisip ko rin kung nagseselos ba siya kay Daryl at Nade, hindi ba't may gusto siya kay Daryl?
"Sinong may sabing wala akong lovelife?" nakangiting tanong ni Alice.
Napasinghap si Kevin, kunwari pang napasapo sa puso. Buong atensyon namin tiningnan si Alice.
"Weh? May boyfriend ka Alice? Hala siya, tatahimik-tahimik ka matinik ka pala," pang-aasar ni Lisa.
Nakangising nagkibit-balikat lang si Alice. Tinapik niya ang balikat ko, "Mauna na ako ha? May gagawin pa kasi ako sa bahay."
"Sus may date ka lang e," tukso ni Lisa.
Umalis na si Alice, naningkit ang mata ko habang nakatingin kay Lisa na nag-aayos pa saka kay Kevin na nakikigamit ng liptint. Sa kanilang dalawa wala naman akong weird na nararamdaman pero sa tatlo ay meron.
Nang matapos sila mag-ayos ay umalis na kami. Nang nasa field na ako ay may nagtext sa akin.
'Magkita tayo sa fooftop ng building three. Hihintayin kita, may sasabihin akong importante. May kailangan kang malaman. Importante 'to.'
Hindi ko kilala kung kaninong number iyon. Mukhang napansin nila Lisa ang pagtigil ko.
"Ayos ka lang sis? Saan kayo magkikita ni Sir? Parking lot?" tanong ni Kevin.
Hinigpitan ko ang hawak sa aking bag.
"A-Ah may kakausapin lang ako, mauna na kayo ha?"
"Huh? Sino? Samahan ka na namin," ani Lisa.
Umiling ako. "Hindi na. Salamat. Ingat kayo ha?"
Humakbang na ako pabalik bago pa man sila makasama sa akin. Pumunta ako sa building na tinutukoy ng nagtext. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko.
"May tao ba dito?" sigaw ko ng makarating ako sa rooftop.
"Hello?! Nandito ka ba? Lumabas ka!" sigaw ko ulit pero wala naman tao.
Ano 'yon? Naloko lang ako? Baka naman may nantitrip lang sa akin. Hahakbang na sana ako pabalik, pero halos mapatalon ako ng makitang nakatayo si Travis sa pintuan.
Nakaigting ang panga niya nakatitig sa akin.
"T-Travis anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Why are you here?" malamig na usal niya.
Napalunok ako. Lumapit siya sa akin marahan niyang hinawakan ang aking braso. "Let's go home," seryosong sabi niya.
"P-Paano mo nalaman nandito ako?"
Bumuntong-hininga siya. "I saw you, so I followed you. Why are you here anyways?"
Kinagat ko ang ibabang labi. "May nagtext kasi sa akin. Siguro may nanloloko lang sa akin."
"Yeah, next time tell me if someone message you okay?" malumanay na tanong niya.
Marahan akong tumango. Tahimik kaming umalis doon. Pakiramdam ko at may tinatago si Travis sa akin pero ano yon?
Bilang mag-asawa hindi ba'y dapat sinasabi niya sa akin kung mah problema.
Hindi ko na kasi alam kung kanino pa ako pwedeng magtiwala, kahit si Travis ay may tinatago sa akin.
Kanino ako lalapit?
KINABUKASAN ay hindi na ako mapakali pa, kaya nang nagkaroon ng oras na mapag-isa ay sinulit ko iyon. Nasa labas ang lahat ng kaklase ko dahil nagkaruon ng fire drill.
Malakas ang kabog ng aking puso, isinarado ko ang pintuan saka mabilis na pumunta sa upuan ni Nade.
Pakiramdam ko ay manhid na ang aking kamay habang sinisipat ang kaniyang bag. Walang ibang kasuspetsa doon.
May nakita akong drawing book, iyon lang.
Nagmadali akong pumunta sa bag ni Daryl. Naghahanap ako ng answer sheet na nawala o kahit ano na pwedeng pahinalaan pero bigo ako.
Isasara ko na sana ang bag niya ng makita ko ang nakalukot na bond paper sa bulsa ng bag niya.
Mabilis ko iyon binuksan. Napasinghap ako dahil mukha ko ang naka-drawing doon. Nakatagilid ako, sa tingin ko ay habang nakikinig ako sa prof namin ay iginuhit niya ako.
Ibinulsa ko iyon. Sinunod kong tingnan ang bag ni Lisa, bukod sa mga make-up ay wala na akong makita na kahina-hinala. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano ng makita ko ang bag ni Kevin na puro picture ng koreano.
Kumabog ang puso ko ng kay Alice naman ang binuksan ko. Walang kakaiba sa bag ni Alice. Napasabunot ako sa aking ulo. Kung ganon wala sa mga kaibigan ko, sino?
Si Ma'am Bea, naging tahimik naman siya ng malaman niyang may asawa na si Travis. Tahimik lang ba siyang gumagalaw? Ganon ba niya kagusto si Travis?
Si Angel, she can't do this. Wala siya rito saka noong last usap namin ay binalaan niya ako.
Hindi ko alam kung sino ba ang totoo. Ang hirap pa lang gumalaw na alam mong isang kilos mo lang ay may titira sayo.
Nasa ganon akong posisyon ng bumukas ang pinto, ang inosenteng mukha ni Alice ang bumungad sa akin. Hindi siya nagulat sa aking presensya na para bang inaasahan niyang makita ako rito.
"A-Alice tapos na ba ang drill?" tanong ko at pilit itinago ang kaba.
Shit!
Bahagyang tumabingi ang kaniyang ulo saka isinarado ang pintuan. "Ikaw bakit ka nandito?" tanong niya.
Bumaba ang tingin niya sa bag na hawak ko, ang kaniyang bag. Kaagad ko iyon ibinaba at nagpeke akong tumawa.
"A-Ahaha, masakit kasi tiyan ko."
"Anong kinalaman ng tiyan mo sa bag ko?" seryosong aniya.
Tinitigan ko siya, nawala ang ngiti sa labi ko. Nang makita niya ang kaba sa mukha ko ay humagalpak siya ng tawa.
"I'm just kidding," aniya.
Kinagat ko ang ibabang labi saka kumalma. Lumapit siya sa akin, nakangiti siya habang nakatitig sa akin kaya nailang ako.
"B-Bakit Alice?"
"Hmm, ang ganda mo." Tumango-tango pang wika niya.
Natawa ako sa sinabi niya kahit naiilang na ako. Ano bang ginagawa niya, mas lumapit pa siya sa akin napaatras ako hanggang tumama ang aking likod sa pader.
"Ang ganda-ganda mo Sascha," malambing na aniya.
Tinanggal niya ang kaniyang salamin. Kinilabutan ako ng matamis siyang ngumiti sa akin. "A-Alice tara na lumabas na tayo."
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi, unti-unting nangilid ang kaniyang luha. "You don't trust me right? Pinaghihinalaan mo ako na ako ang trumaydor sayo. Gano'n ba Sascha?"
Parang may bumara sa aking lalamunan. "H-Hindi sa ganon..."
"Then what?!" Mas lumapit siya sa akin. "Tama lang na ikaw ang sisihin nila!" sigaw niya.
Napaawang ang aking labi sa sinabi niya para akong sinampal sa realisasyon.
"I-Ikaw ang gumawa no'n? Alice how could you?!" pumiyok ang aking boses. "B-Bakit mo nagawa iyon sa akin?!" tumaas na rin ang aking boses.
Hindi ko maintindihan, bakit? Paano?
"H-Hindi naman dapat ikaw talaga ang gusto kong suspect, ang tanginang keychain lang ang naging problema ko. Si Travis dapat, pero dahil nabulilyaso na ako naiba ang plano," kwento niya na para bang wala lang sa kaniya iyon.
Napasinghap ako habang maulit-ulit na sumisikip ang puso ko. Hindi ko maisip na magagawa ito ni Alice.
"S-Si Travis? Bakit mo gagawin 'yon sa asawa ko?" sigaw ko.
Kumuyom ang kaniyang kamao, mas nangilid ang luha niya. "I want him gone! I want him gone!" sigaw niya.
Napaawang ang labi ko ng tuluyan tumulo ang luha niya.
Naisip kong may gusto rin siya kay Travis, katulad kay Ma'am Bea. Nasaktan ba siya noong nalaman mag-asawa kami? Kaya ginusto na lang niyang paalisin si Travis? Kaya niya kinuha ang answers para isisi kay Travis? Ang kaso nahulog niya ang keychain, kaya binago niya ang plano. Kinuha niya ang sa akin? Pero bakit ako?
"M-May gusto ka kay Travis?" hindi makapaniwalang usal ko.
Malakas siyang tumawa habang umiiyak. "Ang tanga-tanga mo. Ikaw ang gusto ko Sascha! Ikaw! Noon pa, ikaw pero simula ng dumating 'yang Travis na yan ay hindi mo na ako napapansin! Lagi ka doon sa office niya! Ikaw lang ang meron ako, nang dumating ka rito ay sumaya ako pero kinuha ka niya sa akin!" sigaw niya.
Napatakip ako ng bibig sa nalaman ko. Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi ni Alice.
Bumukas ang pintuan, humahangos na pumasok ang iba kong kaibigan. Umiiyak na si Lisa, para bang nalaman na nila.
Nangilid ang aking luha. Mabilis na lumapit si Nade at hinarangan ako kay Alice.
"Tama na Alice," singhal niya rito.
Tumalim ang tingin ni Alice kay Daryl at Nade.
Dinuro niya ang dalawa.
"Kayo! Kayong dalawa ang pakielamero! Sinabi ko ng tigilan niyo ang pangingielam!" sigaw niya.
Pilit nilalayo ni Daryl si Alice pero pilit akong inaabot nito.
"A-Alice..."
Lahat kami ay napalingon sa pintuan ng igting ang panga na pumasok si Travis. Ang luha na kanina ko pinipigilan ay bumuhos na. Nasasaktan ako.
"T-Travis..."
Kaagad niya akong dinaluhan. Seryoso ang kaniyang mukha, hindi siya nagtanong kung ano bang problema kaya pinilit kong magsalita.
"S-Si Alice... S-Siya a-ang gumawa..." sumbong ko.
Tiningala ko siya, dumilim lang ang ekspresyon ng kaniyang mata. Hindi siya nagulat.
"Travis naririnig mo ba ako? Sabi ko si Alice ang nag frame up sa akin?!" bigong wika ko.
Napalingon ako kay Alice ng humalakhak siya. "Bakit hindi mo sabihin kay Sascha ang totoo ha?! Sir?!" nanunuyang aniya.
"A-Anong totoo?" naguguluhan tanong ko. Pilit siyang nilalayo ni Daryl at Kevin.
Hinawakan ni Travis ang braso ko pero hinigit ko iyon. Tumigil ang luha ko. "Let's go Sascha."
"Anong totoo Alice?"
"Stop it Alice!" ani Travis.
Ngumisi siya. "Na alam niya na ako ang may gumawa pero hindi niya sinabi sayo, na ako ang may bigay ng picture pero hindi niya sinabi sayo. Alam niyang ako pero inilihim niya."
Hindi ako makapaniwalang napalingon kay Travis na mapungay ang mata nakatitig sa akin. "A-Alam mo? B-Bakit hindi mo sinabi Travis? A-Alam mong pinag-uusapan na ako ng ibang istudyante dahil dito! Alam mong gustong-gusto ko lumabas ang totoo!" sigaw ko.
Pilit niya akong hinahawakan pero umiilag ako, sunod-sunod na tumulo ang aking luha, napahikbi ako.
"B-Baby please... Calm down..."
"Alice tama na!" sigaw ni Daryl.
Nahihirapan na ako huminga, inalalayan ako ni Nade. "Kayo ang tumigil! She deserve to know the truth! Bakit niyo ililihim sa kaniya?!"
"B-Bakit mo sakin ginagawa 'to Alice? Kaibigan kita..." lalong lumabo ang aking mata sa luha.
"Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?!" pinunasan niya ang luha niya.
"Shut the fuck up, Alice!" hinarangan ako ni Travis para hindi ko makausap si Alice pero tinulak ko siya.
Kung may dapat pa akong marinig ay gusto kong marinig ngayon para isang sakit na lang.
"You shut up, lying asshole!" sigaw ni Alice.
"Alice ano bang sinasabi mo? Anong totoo."
Pilit akong hinahawakan ni Travis, kita ko ang takot sa kaniyang mukha.
Nawala ang emosyon sa mukha ni Alice, desidido siyang sabihin kung ano man iyon.
"You are not a De Vega, Sascha. You are not married to him!"
Natulala ako sa sinabi ni Alice, ang malabo ko ng mata ay mas lumabo. Umulit sa tainga ko ang sinabi niya, napamura si Daryl, napahagulgol si Nade sa tabi ko.
Hindi ko alam kung ano reaksyon nila Lisa dahil nasa gilid sila. Nagtatanong na tumingin ako kay Travis.
Umaasa na sabihin niyang kasal talaga kami, na sinisiraan lang siya ni Alice. Pero nang makita kong nangilid ang luha niya ay mas napahikbi ako.
Hindi totoo? Kasinungalingan lang lahat? Lahat ba sila alam 'yon? Paanong nangyari? Paano? Apelido niya ang gamit ko, ano 'yon gaguhan?
"B-Baby... let me explain..." pumiyok ang kaniyang boses habang masuyong niyayapos ako.
Gusto niya akong yakapin pero tinabig ko siya.
"Totoo ba?" hindi niya sumagot, hindi niya inalis ang mata niyang nakatitig sa akin, ano mang oras ay iiyak na rin siya. "Travis baby, please tell me she's lying? I'm your wife right? I'm a De Vega right?" paos na tanong ko habang humihikbi.
Niyakap niya ako paulit-ulit na hinalikan sa ulo. Umiling-iling ako dahil hindi iyon ang gusto kong makuhang sagot.
Oo o hindi lang.
Pinilit ko siyang ilayo sa akin. Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya na para bang nasaktan siya sa ginawa ko.
Travis mas masakit ginawa mo.
"N-Nagkaruon ng problema ang papeles natin, h-hindi nalegal ang k-kasal..."
Halos mapaluhod na ako kung hindi lang ako inalalayan ni Nade, humagulgol ako. Itinago nila sa akin ng bagay na iyon. Pati ba pamilya namin alam?
"P-Pwede kayong magpakasal ulit." Napalingon ako kay Daryl ng magsalita siya. Malungkot ang mata niya na animong alam niya ang sakit na nararamdaman ko.
Pwede ba yon sinabi niya? Magpakasal ulit? Wala naman sigurong problema. Mahal na namin ni Travis ang isa't-isa. Pwede kami kahit simpleng kasal lang para maging legal. Walang mababago.
Para akong nabuhayan ng loob. Mapapatawad ko pa naman siguro si Travis sa pagtatago no'n. Kaya ko pa naman siguro tanggapin. Maayos pa namin 'to.
Ang kaunting pag-asang naramdaman ko ay nawala ng tumawa ulit si Alice. Mahigpit na hinawakan ni Travis ang kamay ko.
Paulit-ulit niyang binubulong kung gaano niya ako kamahal pero parang nabinggi na ako, tanging si Alice na lang ang naririnig ko.
"Magpakasal ulit?" nanunuyang aniya saka umiling. "How can they married again huh? When in the first place, you can't marry her. You can't marry Sascha. A married man, can't marry another woman unless you are divorce. What can you say Sir Travis De Vega? Husband of my sister, Aryan De Vega."
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store