ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 25

SaviorKitty

Kabanata 25

Humigpit ang hawak ko sa aking bag nang makita ang babae na nakaupo sa isang lamesa sa gilid. Nang makita niya akong papalapit sa kaniya ay bahagya niya akong pinasadahan ng tingin.

"Sorry late ako, galing pa ako sa school," panimula ko.

Tumango siya. "It's okay, kakadating ko lang din, I'm not inip pa naman," ani Angel.

Itinaas niya ang kamay para lumapit ang waiter ng cafe kung nasaan kami ngayon. Tinext niya ako kanina dahil gusto niya raw ako makausap, hindi ko alam kung paano niya nakuha ang aking number. I want to talk to her too.

"Anong want mo i-drink? U-Um, What's your pangalan kasi? Tanya?" nakangiting aniya pero ramdam ko ang tabang sa tono niya.

"Sascha," pagtatama ko. "I'm okay with ice tea."

Nang umalis na ang waiter ay umayos siya ng upo. Hindi ko maiwasan humanga sa kinis ng kutis niya, maputi rin Daryl pero hindi ganito. Noong nasa mall kami at nakita ko siya ay hindi ko masyadong pansin ang kutis niya siguro dahil sa ilaw.

"So, you're my brother's classmate," wika niya.

Tumango ako, alam pala niya bakit hindi niya sinabi iyon kay Daryl noon. "Bakit hindi mo sinabi kay Daryl na kilala mo ako?" tanong ko.

Humigop siya sa ice coffee niya bago sumagot. "Hindi ko ugali mag talk about other people. Kung hindi niya in-ask sa akin. I won't tell him." Huminga siya ng malalim.

"O-Oh okay, bakit mo ako pinapunta rito?"

"Did you tell Trav about this?" balik na tanong niya umiling ako, hindi ko sinabi kay Travis. Busy iyon dahil mag e-exam kami sa susunod na linggo. Madaming ginagawa ang mga teacher.

"Good naman at hindi ka sumbungera," aniya. Kumunot ang noo ko sa uri ng pagsasalita niya. Halo-halo, may accent siya pero parang conyo na ewan.

"Bakit mo ako pinapunta rito?"

Sakto naman ay dumating na ang ice tea ko. Pinasadahan pa ni Angel ang lalaking waiter, ngumuso siya saka bumalik ang tingin sa akin. Is she checking that man? Wtf.

"Well, pinapunta kita here para sabihin sa'yong iwan mo na si Travis," deretsyahan aniya habang kalmadong nagkakape. Natawa ako sa sinabi niya.

"Ha?"

"Iwan mo siya."

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because you will hurt each other, hindi kayo good para sa isa't-isa," seryosong usal niya.

Napailing ako, mukhang isang pagkakamali ang pagpunta ko rito. Ganito ba siya kadesperado kay Travis?

"Do you like my husband?" tanong ko.

Tumaas ang kaniyang kilay saka humalakhak na para bang may nakakatawa akong nasabi. "Gosh, you're so innocent. Darling, what if I like your husband huh? Anong gagawin mo? Magkaibigan kami simula bata pa kami, mas kilala ko siya kaysa sa'yo," paghahamon niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa ice tea ko bago bumalik sa kaniya. "Depende kung anong gagawin mo. Kahit naman akitin mo ang asawa ko ay alam kong hindi siya madadala sa ganon."

Akala ko ay magagalit siya pero nagulat ako ng ngumiti siya ng malungkot. Bumuntong-hininga siya, nawala na ang matapang niyang mukha.

"I like you really, you're a good girl," mahinang wika niya saka umiling-iling. "Pero kay Travis, hindi ka pwede... You will hurt my friend and he will hurt you too."

Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Tumayo na siya saka kinuha ang kaniyang gamit.

"Thanks for the time, Sascha, I will see you soon."

Naguguluhan pa rin ako hanggang makaalis siya. Ano bang pinagsasabi ng babae na 'yon? Noong una parang galit siya tapos noong dulo naging tunong concern na siya.

Napailing na bumalik na ako sa school, mabuti't hindi mahigpit ang guard ngayon dahil malapit naman na ang exam.

Mabilis akong nakarating sa school, nasa field silang lahat kasama si Nade. Nitong nakaraan linggo simula ng makabalik kami galing Zambales ay sumasama na siya sa amin. Balewala naman na iyon sa amin tutal kaklase rin namin siya.

"Uy alam niyo ba 'yong balita? Buntis na raw si Ma'am Bea," chismis ni Kevin ng makalapit ako sa kanila.

Kaagad akong umupo sa lagi kong pwesto, sa tabi ni Daryl. Kumakain sila ng chips. Nakikuha ako. Tinaasan ako ng kilay ni Daryl.

"Saan ka galing?"

"Lumabas ako, may kinausap lang," mahinang bulong ko.

Naningkit ang kaniyang mata. "Lalake? Susumbong kita sa asawa mo."

Tinawanan ko lang siya, saka humarap kila Kevin at Lisa na nagchichismisan. Nahagip ng mata ko si Alice na nakangiti sa akin, ibinalik ko ang ngiti na 'yon sa kaniya.

"Oo nga, rinig na rinig ko sa kabilang section. Buntis nga raw," ani Kevin.

"Wala naman asawa si Ma'am di ba?" takang tanong ni Nade. Nagkatinginan kami ni Daryl. Oo nga.

"Baka may boyfriend?" usal ni Lisa habang ngumunguya.

"Baka naman nabuntis ng asawa ng iba," dagdag ni Alice. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya.

Malisyosong suminghap si Kevin. "Ay hala sis, hindi naman siguro ganyan si Ma'am, masungit lang iyon pero hindi naman siguro gano'n."

Tumango-tango kami. "E anong plano ni Ma'am? Aalis siya sa pagtuturo?" tanong ko.

Inabot sa akin ni Daryl ang isang C2 na kaagad ko naman ininom.

"Hindi pa naman, kaya pa magturo no'n. Siguro kapag mga seven months na saka titigil."

Nasa gano'n kaming kwentuhan ng pumalakpak si Nade, "May ibibigay ako sa inyo," aniya.

Pinanuod namin siya ng may kunin siya sa kaniyang bag. "Ano yan?" sabay-sabay na tanong namin.

Inilatag niya sa ibabaw ng lamesa ang anim na keychain. Magkakamukha iyon. "Personalized keychain 'yan, ako gumawa. I just want to give you a thank you gift kasi sinasama niyo ako sainyo."

Madramang kunwaring umiyak si Kevin. "Grabe ka sis, nakaka-touch naman!"

Kinuha namin isa-isa iyon saka nagpasalamat kay Nade. Isang lapis na keychain iyon. Pare-parehas namin sinabit iyon sa bag.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ng tawagan ako ni Travis.

"Hello?"

"Go to my office, now."

Napakunot ang aking noo ng kaagad niya iyon pinatay. Anong problema nong masungit na 'yon? "Asawa mo?" nakangising tanong ni Lisa.

Tumango ako. "Una na kayong umuwi ha, ingat kayo!" Kumaway pa ako sa kanila hanggang makalayo. Mabilis akong umakyat sa office niya.

Nitong nakaraan linggo pagkatapos ng eksena sa Zambales ay tuwing may nakakasalubong ang istudyante ay lagi nila akong tinatanong tungkol doon. Isa lang ang sagot ko, Oo kasal kami.

Parang may nabunot na tinik sa aking dibdib dahil doon, ang mga guro ay nagtatanong din pero kalaunan ay naintindihan din nila. Na nagkasal kami bago pa man siya magturo rito.

Nang buksan ko ang office niya ay naabutan ko siyang matalim ang tingin sa ibabaw ng lamesa. Nakatukod ang kaniyang siko sa arm rest ng swivel chair niya habang pinaglalaruan ng kaniyang daliri ang ibabang labi.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay hindi siya ngumiti kaya kinabahan ako. Dahan-dahan akong pumasok at lumapit sa kaniya.

"Explain this before I punch that asshole face," inilahad niya sa akin ang mga larawan na nakalatag sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Napaawang ang aking labi at napasinghap ng makita ang iba't-ibang larawan namin ni Daryl. Iyong hinalikan niya ako sa locker, yung nakatayo kami sa parking lot at nagtatawanan, yung ginugulo niya ng buhok ko, iyong papunta kami sa likdo ng school, yung parehas kaming nakadukmo at natutulog sa loob ng room. Lahat iyon ay may larawan.

Kumunot ang noo ko.

"S-Saan mo 'to nakuha?" tanong ko. Kung titingnan ang larawan ay parang ang sweet-sweet namin. Pero hindi ganon iyon.

"Hindi iyon importante, I want to know why you were kissing that fucking Daryl? Kailan 'to?" malamig na usal niya.

Napailing ako, hindi naman ako kinakabahan dahil wala naman kong ginagawang masaya.

"Y-Yon time na yan, papunta ako sa office mo. Yung time na n-nakita ko kayo ni Ma'am Bea sa office mo. Maniwala ka hindi ko iyan ginusto, nagsorry na siya. Wala na sa amin iyan," mabilis kong paliwanag.

Sandali niya akong tinitigan na para bang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.

"Come here." Inilahad niya ang kamay sa akin.

Kaagad na tinanggap ko iyon, kumabog ang aking puso ng paupuin niya ako sa kaniyang hita. Kaagad niyang ipinalibot sa aking beywang ang kaniyang braso, isinubsob niya ang mukha sa aking leeg.

Umayos ako ng upo sa kaniyang hita, hinimas ko ang buhok niya. "Akala ko ba ay galit ka?"

He groaned. "I'm not mad at you, I'm just afraid and jealous. Alam ko naman hindi mo magagawa 'yon, gusto ko lang marinig mismo sa'yo na hindi totoo."

Hinalikan niya ako sa aking noo. Hindi ko alam kung naririnig ba niya ang kabog ng puso ko.

Ngumiti siya saka hinimas ang aking hita, sinimangutan ko siya. "Yang kamay mo kung saan-saan humihimas," pinandilatan ko pa siya.

Humalakhak siya at bahagyang sinuklay ang aking buhok. "Uwi na tayo?" sweetness laced his voice.

Masayang tumango ako. Pinalo pa niya ang aking puwet bago kami sabay na lumabas.

LUMIPAS ang araw at bukas ay exam na. Hindi kami magkakasama ng mga kaibigan ko dahil may ginagawa rin sila, galing akong office ni Travis dahil kumain kami ng lunch. Pagkabalik ko sa room ay tahimik ang buong klase, nalukot ang aking mukha sa paraan ng pagtingin nila sa akin.

Nandoon ang adviser namin at mukhang hindi siya masaya sa mga nangyayari. Ano bang meron?

Lumapit ako kila Daryl na seryoso lang ang mukha. "Anong nangyayari?" tanong ko.

Binasa niya ang ibabang labi at hindi ako sinagot. Tumingin ako kila Kevin pero nag-iwas tingin lang sila sa akin.

"Kayong lima sa likod at ikaw, miss Nade sumama kayo sa akin, dalhin niyo ang mga gamit niyo," seryosong usal ni Ma'am.

Napataas ng kilay ko, tahimik na sumunod sila kay Ma'am. Hinawakan ni Daryl ang aking siko habang ginigiya ako pasunod sa iba. Naguguluhan ako sa nangyayari.

"Daryl what happened?"

"Alam ko hindi ikaw gumawa no'n, huwag kang mag-alala hahanapin natin," umigting ang kaniyang panga ng sabihin niya iyon. Mas lalo akong naguluhan.

Hindi na siya umimik pa hanggang makarating kami sa office. Kinabahan ako, bakit kami pinatawag? Nang makapasok kami ay nandoon ang dean ng education deprtment, ilang teacher kasama na rin si Ma'am Bea.

"Maupo kayo," utos ni Ma'am.

Hinilot niya ang sentido saka kami pinasadahan lahat. "Bukas na ang exam, nawawala ang answer sheet ng education department," panimula ni Ma'am.

Napakunot ang aking noo. Hindi ba't dapat sa buong klase niya iyon sinasabi? Bakit sa amin lang?

Naglakad sa harapan namin si Dean, may inihagis siya sa lamesa. Napaigtad ako dahil galit na siya. "Kanino 'to?" aniya sa keychain.

Nanlaki ang mata ko doon, sabay-sabay kaming nagkalingunan. Iyon ang ibinigay ni Nade sa amin.

Huminga ng malalim si Dean. "Ayoko ng umabot tayo sa ganito, kaya umamin na kung sino ang nagnakaw ng answer sheet. Education student pa naman kayo! How can you do that? Para sa grade? I can't believe this!" tumaas ang kaniyang boses.

Natatakot na ako. Huwag niyang sabihin isa sa amin ang mandadaya?

"M-Ma'am baka po nagkakamali kayo, hindi po namin iyon gagawin," lakas loob na usal ko.

"Yes Ma'am, we can't do that." segunda ni Daryl.

Napailing ang adviser namin saka nag-iwas tingin. "This is the evidence, nakita ito sa office kung saan nakatago ang mga sagot para sa darating na examination. Nagtanong-tanong na kami kanina sa bawat section at nalaman namin na gawa mo ito Miss Nade," taas kilay na tanong niya kay Nade.

Kinabahan ako, para ng maiiyak si Nade. Hindi niya magagawa iyon, malito si Nade. Anong dahilan para gawin niya iyon?

"O-Opo Dean. Gawa ko po 'yan. S-Sa amin pong lahat," mababang boses niya. Pakiramdam ko ay anumang oras ay iiyak na siya.

Tumango-tango si Dean. "So lahat kayo meron nito? Ibig sabihin, isa sainyo ang nawawalan ngayon."

Nanlaki ang mata ko. Hindi pwede, wala sa amin iyon.

"Let me see your keychain," matigas na utos ni Dean. Napalunok ako.

Nanginginig ang kamay ni Nade na hinalungkat ang bag. Nakahinga ako nang maluwag ng makita na ang keychain niya sa wallet. Sunod na inilabas ni Kevin ang sa kaniya, gano'n rin si Lisa na nakasabit lang sa bag ang keychain. Itinaas ni Daryl ang keychain sa kaniyang cellphone.

Nagkatinginan kami ni Alice, halata kong naiiyak na rin siya. Laging seryoso lang si Alice pero alam kong kinakabahan na rin siya.

Sabay namin hinalungkat ang bag namin. Napakunot ang noo ko dahil wala sa bag ko ang sa akin. Shit! Nasaan na yon?

"Tsk. Tsk. Tsk." Napaawang ang aking bibig ng ilabas ni Alice ang sa kaniya.

Napaiyak na siya, nagyakap sila ni Lisa na para bang alam na nila na papagalitan ako.

Marahas akong umiling.

"H-Hindi po ako, Dean. Wala po sa akin kahit po ilabas ko lahat ng gamit ko Dean, wala po," mabilis kong usal.

"Kung gano'n bakit nakita itong keychain mo sa lugar kung saan nawala ang sagot sa examination?!" malakas na sigaw niya.

Pinakalma siya ng ibang teacher, nanginginig ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay kahit anong paliwanag ko ay hindi nila papakinggan.

Napaawang ang labi ko dahil sa kaba. Yung wala ka naman kasalanan pero natatakot ka dahil alam mong hindi nila papaniwalan ang sasabihin mo.

"Why did you do that Mrs. De Vega?" tanong ng adviser ko.

Umiling-iling ako. "M-Ma'am hindi po talaga."

Napailing ang ibang teacher. Hindi ako makalingon sa mga kaibigan ko dahil natatakot kong makita ang reaksyon nila. Hinuhusgahan din ba nila ako?

Nang mapalingon ako kay Ma'am Bea ay iiling-iling siya sa akin.

"Umamin ka na Sascha," aniya.

Naningkit ang aking mata, wala akong aaminin dahil wala akong masamang ginagawa. Hindi ako ang kumuha no'n.

Naglakad balik ang matandang Dean. Hinampas niya ang lamesa, alam kong galit siya dahil ngayon lang iyon nangyari. Naiintindihan ko sila pero hindi sana ganito.

Dapat inaalam muna nila, hindi porket nawala ang keychain ko ay ako na.

"Why did you do that?!" sigaw ulit niya na halos mapaigtad kami sa gulat.

Bumukas ang pinto, napaawang ang aking labi ng seryosong pumasok si Travis. He's mad. I can see that on his serious face. His jaw clenched.

Nasa bulsa niya ang kaniyang mga kamay. Kinabahan ako dahil kita ko ang nakakatakot niyang emosyon.

"Don't shout at my wife, Dean," matigas na usal niya.

Nanginig ang labi ko, ang takot ko kanina ay mas lalong lumabas na. Ang tapang ko ay biglang nawala.

Seryosong naglakad si Travis papalapit sa akin. Umiling ako, "T-Travis hindi ko kinuha, wala akong ninanakaw na sagot."

Hinawakan niya ako sa kamay saka ako tinayo doon. Hinarap niya ang mga ibang tao doon, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa galit habang hawak ako.

"My wife can't do that. I can prove that," pinasadahan niya ng tingin ang mga kaibigan ko pati ang ibang teacher. "And if I find out who's behind this stupid stunt, I will make you suffer," matigas na usal niya.

Hinila na niya ako palabas doon. Hanggang makarating kami sa office niya ay nanatili siyang seryoso igting ng kaniyang panga na sinapo ang mukha ko.

"You okay?"

"O-Oo, kumalma ka muna Travis, n-natatakot ako sa'yo..." usal ko.

Huminga siya ng malalim inilagay niya ang noo sa akin. "I'm sorry baby. I'm mad. They're hurting you."

Mabilis kong pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi, ang takot na tinatago ko kanina ay inilabas ko sa harap niya.

Mahigpit niya akong niyakap. "Shh. It's okay hahanapin ko 'yong totoong kumuha, lilinisin natin ang pangalan mo."

Tumango ako.

"Someone is stabbing you from your back, baby," matigas na wika niya.

May nagta-traydor sa akin.

Mariin akong pumikit sa realisasyon. Keychain ko ang nakita doon, ibig sabihin ay may nag frame up sa akin?

Hindi ako makahinga sa isipin na isa sa mga kaibigan ko ang gumawa no'n. Sila lang ang nakakalapit sa aking bag, ang nakakalapit sa akin. Sino ba ang maaring gumawa no'n?

Daryl can't do that, can he? Malapit na kami ni Daryl, siya rin ang unang nakaalam ng tungkol sa amin ni Travis. Anong dahilan para traydorin niya ako? Anong makukuha niya?

Kevin? Why? Wala akong makitang dahilan. We are good friend same as Lisa and Alice. Matatagal na kaming magkakaibigan, simula pa ng lumipat ako rito. They can't do that to me.

Nade? Siya ba? Siya ang nagbigay ng keychain sa akin, sa amin. Para saan? Matalino siya, hindi ko alam kung bakit niya nanakawin ang sagot.

Si Ma'am Bea, is it posibble? Gusto niya si Travis iyon ang alam ko. Maaari niya ba iyon gawin?

Angel, how can she do that? Wala siya sa school, unless kung may uutusan siya.

Hindi ko na alam kung sino pa, natatakot akong malaman kung sino dahil natatakot akong masaktan kapag lumabas na ang totoo.

Who's the traitor?

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store