ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 32

SaviorKitty


Kabanata 32

Ipinarada ni Travis ang kaniyang kotse sa harap ng bahay ni Daryl. Pagkatapos namin mag-usap sa park ay nanatili muna kami doon ng kalahating oras bago namin mapagpasyahan umuwi.

Bahagya pang napakunot ang aking noo nang makitang nandoon na ang kotse ni Daryl pero hindi maayos ang pagkaparada, parang iniwan lang sa gitna.

"Nice parking," panunuyang ani Travis. Sinamaan ko siya ng tingin bago dumeretsyo. Bakit kaya hindi naiparada ni Daryl ng maayos ang kotse niya?

Tahimik ang buong bahay pagbukas ko, wala ang kasambahay siguro ay pinasama sa mga bata.

Kaagad nilibot ni Travis ang tingin sa bahay ni Daryl. Hindi 'to kasing laki ng bahay namin noon at wala pang masyadong gamit dahil kakabili lang ni Daryl dito.

"Where's the kids?" tanong ni Travis.

Gulat akong napatingin sa kaniya. "K-Kilala mo sila?" takang tanong ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Oh baby, I'm your number one stalker for almost six years. Lahat ng tungkol sa'yo alam ko," magaspang na aniya.

Napailing ako bago ilapag ang aking bag sa sofa. Nang bumaling ako kay Travis ay matalim ang tingin niya sa isang bagay bago ako tapunan ng tingin.

"Is that yours?" duro niya sa isang bra na kulay itim sa sahig.

Nanlaki ang mata ko, kaagad kong nalaman hindi sa akin iyon, hindi gano'n style ang mga bra ko saka kung sa akin 'yan bakit ko naman ikakalat sa sahig sa sala. Doon ko rin napansin ang isang blouse sa malayo.

Umiling ako, "No..."

Nagkatinginan kami ni Travis, nanlaki ang mata ko sa realisasyon. Mabilis akong umakyat para makasigurado sa hinala ko, ramdam kong sinundan ako ni Travis.

Pagtapat sa kwarto ni Daryl ay kaagad ko iyon binuksan, halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nakapatong si Daryl sa isang babae.

"Daryl what the fuck?!" sigaw ko.

Gulat siyang napalingon sa akin, bahagyang napabukas pa ang bibig niya. Kaagad kong isinara ang pintuan, hindi ko alam kung ako ba dapat ang mahiya o siya. Naramdaman kong humalukipkip si Travis sa gilid.

Nang lingunin ko siya ay ngumiti lang siya. Siraulo.

Shit naman ni Daryl, nag-uwi siya ng babae? Ano porket wala ang mga bata? Akala ko ba attracted siya kay Nade, anong nangyare?

Mabigat ang aking paghinga, maya-maya'y lumabas si Daryl na nakabusangot sa amin, nakasuot na siya ng puting sando at boxer. Bahagya pa siyang nagulat ng makita si Travis na nakahalukipkip sa aking tabi. Naglipat-lipat ang tingin niya sa amin.

"Whats the meaning of this?" tanong niya.

Umikot ang aking mata. "I should asking you the same. Whats the meaning of this Daryl? Bakit ka nag-uwi ng babae, oh my gosh!" hindi makapaniwalang aniko.

Pakiramdam ko ay isa akong magulang na nahuli ang anak na nakikipaglampungan sa anak ng kapitbahay. Alam ko naman bahay niya ito, iuuwi niya kung sinong gusto niya pero hindi e! Hindi ganito!

Napakamot siya sa batok.

"A-Ahm... Ano kasi..." he trailed off.

Napatabingi ang aking ulo ng bumukas ang pintuan, lumabas ang isang babaeng balingkinitan. Suot na niya ang malaking t-shirt ni Daryl. Handa ko na sanang pag sabihan ang babae na may mga anak na si Daryl at may ibang gustong babae pero napaawang aking aking labi ng mag-angat ng tingin ang babae.

"N-Nade!" gulat na usal ko.

Nagulat ako ng umiyak siya saka hiwakan ang aking braso. Napasinghap ako sa ginawa  niya.

"Sorry Sascha! Sorry hindi ko napigilan! Sorry gustong-gusto ko ang asawa mo noon pa man! Patawarin mo ako nadala ako, wala siyang kasalan. Walang kasalanan si Daryl, nakita niya lang ako sa labas ng bahay niyo. Sorry Sascha ako ang unang humalik kay Daryl, a-ayokong makasira ng pamilya sorry patawarin mo ako... Please huwag mo hiwalayan si Daryl! Ang mga bata! Mahal na mahal ko lang si Daryl, a-akala ko wala pa siyang asawa hinihintay ko siya bumalik," hagulgol niya.

What the fuck?

Sumipol si Travis sa gilid, mukhang tuwang-tuwa pa siya! Nanlaki ang mata ko kay Daryl na hindi ko alam kung gulat sa ginawang pag-iyak ni Nade sa harapan ko o ang pag-amin nito sa mismong harapan namin.

Hindi sinabi ni Daryl na hindi kami mag-asawa? Ang akala talaga ni Nade ay anak namin sila Gen at Rev.

Humihikbi siya sa harapan ko't sorry nang sorry hinawakan ko ang balikat niya.

"Nade, ayos lang."

Gulat siyang napatigil sa pag-iyak. "W-What?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Daryl is not my husband," wika ko nang dahan-dahan pakiramdam ko kasi ay tulala siya't hindi niya iyon maiintindihan.

"P-Pero may anak kayo."

"Anak ni Daryl ang mga bata, dito lang ako nakatira dahil hindi pa ako kinukuha ng asawa ko," turo ko kay Travis sa nakakrus ang braso at maganang-maganang nanunuod sa drama.

Napasinghap si Nade, hinawakan ni Daryl ang braso niya saka tumingin sa akin.

"Ako na magpapaliwanag sa kaniya." Tumingin siya sa lalaking nasa gilid ko bago sa akin ulit. "Madami ka rin ipapaliwanag sa akin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok na sila sa loob ng kwarto.

Napakurap-kurap ako dahil doon. Wow! Gusto nila ang isa't-isa.

Napukaw lang ako sa pag-iisip ng tusukin ni Travis ng aking pisngi.

"Where's your room?"

Hindi ko siya sinagot, naglakad ako papunta sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw pagpasok, parang pagod na ako dahil sa dami ng nangyari buong araw. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Travis.

Asawa niya talaga ako? May paalis-alis pa ako lintek! Pero hindi ko naman pinagsisihan iyon, madami akong natutunan sa buhay ko.

May aalis, may dadating at may mananatili.

Umupo siya sa aking kama habang pinapasadahan ng tingin ang aking kwarto.

"This is big compare to your room in California," bulong niya habang sinisipat ang kwarto ko.

Nagulat na naman ako sa sinabi niya kahit pa ilang beses na niyang sinabing binabantay niya ako sa ibang bansa.

"N-Nakapasok ka sa kwarto ko doon?"

Ngumisi siya saka hinimas ang kama ko, "Yea, Angel helped me."

Inirapan ko siya habang inaalis ng kwintas at hikaw ko. "So Ate Angel is helping you all this time. Akala ko pa naman hindi na kayo nag-uusap kasi wala naman siyang nababanggit sa akin doon."

Nagtama ang mata namin sa salamin, taimtim siyang nakatingin sa akin. "My bestfriend never betrayed me, maybe she's spoiled but she's a good friend."

Ngumiti ako sa sinabi niya saka tumango bago pumasok sa banyo upang makapagpalit ng damit.

Totoo iyon. Medyo maarte at spoiled nga si Ate Angel, siguro ay dahil na rin nga noong bata siya. Pero masasabi kong kahit gano'n ay mabuti siyang tao, hindi niya ako pinabayaan sa ibang bansa.

Nasa Pilipinas siya pero madalas niya kaming binibisita, kahit pa nagka-asawa na siya ng Doctor sa pinagta-trabahuhan niya ay lagi pa rin siyang nakaalalay sa akin. Sila rin gumastos sa mga gamot ko noon.

Para ko na talaga silang kapatid ni Daryl. Ako ang bunso.

Nagkamali talaga ako sa panghuhusga sa kaniya noon. Sa kanila ni Ma'am Bea. Speaking of Ma'am Bea, nasaan na kaya 'yon?

Lumabas ako ng banyo, naabutan ko siyang yakap-yakap ang unan ko habang nakaupo sa gilid ng kama.

"Nasaan na pala si Ma'am Bea?" tanong ko nang magtama ang aming mata.

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo na parang inaalala kung sino ang tinutukoy ko.

"Oh, She's married to Rico now," kibit balikat na aniya.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. "Diba buntis siya bago ako umalis?"

"Yeah, the father is Rico." Tumaas ang sulok ng labi niya saka naglahad ng kamay sa akin.

Kinagat niya ang ibabang labi habang pinapanuod akong lumapit sa kaniya.

Tinanggap ko iyon, napasinghap pa ako ng paupuin niya ako sa kaniyang hita natagilid.

"Travis!"

Hindi siya nagsalita, kaagad niyang ipinalibot ang kamay sa aking beywang at ipinatong ang baba sa aking balikat.

Malakas ang kabog ng aking puso, pakiramdam ko ay ang liit-liit ko sa kaniyang kandungan.

"Tomorrow we'll check our marriage certificate, I know you wont believe me that fast."

Tumango ako sa sinabi niya, gusto ko rin naman makasiguro. Mahirap na!

Iyon ang pagkakamali namin noon, hindi namin chineck! Dahil lang sinabi ni Alice. Saka siguro dahil nasa isip din ni Travis talaga ay nawawala lang si Aryan. I feel bad for her, I mean. I know what's the feeling of losing your child, masakit kahit hindi pa iyon lumalabas.

Tapos sarili mo pang kapatid ang gumawa sayo non? I still can't believe. Alice did that. She killed her sister.

Bumaba ang kamay ko sa braso ni Travis, kitang-kita ko ang ilang ugat sa kaniyang kamay na kahit naka-relax lang ang kaniyang kamay ay lumalabas pa rin.

Hinimas ko ang braso niya. Suminghap siya sa leeg ko. "I-I thought you are mad until now," aniya.

Umiling ako dahilan para tumama ang kaniyang ilong sa akin pisngi. "I'm not mad, I'm just disappointed and hurt that time. Sayo, sa palagid at sa sarili ko. Pero lumipas man ang panahon Travis, uuwi at uuwi pa rin ako sa'yo."

Naramdaman ko ang marahan pag dampi ng labi niya sa aking pisngi.

"And I will always wait for you, wait for you to come back to me."

Nang bahagya siyang lumayo ay nagtama ang aming mga mata. May masuyo siyang ngiti na kaagad na iginawad sa akin.

"Being close to you like this after years makes my heart warm, iba pa rin kapag malapit ka at nahahawakan kaysa sa binabantayan kita sa malayo."

Parang may kumurot sa puso ko, bakit ba naging makasarili ako noon? Bakit sarili ko lang ang naisip ko? Travis was hurt too. Hindi lang ako.

Naisip kong sa relasyon, hindi sapat na kilala niyo lang ang isa't-isa. Dapat kilala mo siya at tanggap mo kung ano siya, kung ano ang mga nangyari sa nakaraan niya kasama na ang masama at mabuti doon.

Hinilig niya ang ulo sa aking pisngi, tumama sa aking leeg ang mainit niya hininga.

"S-Sorry we lost our baby..."

Mariin akong pumikit, hinimas niya ang tiyan ko. Gusto kong maiyak, naaalala kong gustong-gustong magkaanak ni Travis noon. Tapos noon nagkaruon kami sumabay sa problema namin.

"I-I'm sorry rin, h-hindi ko naalagaan ang bata... I'm not a good mother."

Marahas siyang umiling.

"You are the most amazing woman I've ever met Sascha, noon hanggang ngayon. Siguro may dahilan ang Diyos bakit nangyari iyon, I lost my child, twice. And here I am, still fighting and standing... waiting for you to come back," paos na aniya.

Nangiti ako sa sinabi niya. Noon nasa ibang bansa kami, nire-ready ko na ang sarili ko kung wala na akong mababalikan.

"Our relationship may not be perfect, we lied and we made a mistake. We lost on the wrong path. But baby, you are the compass that guides me in life.  I am a better person because of you. You help me be the best person that I can be," he said slow and sweet.

Napapikit na lang ako ng halikan niya ang aking labi. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking likod pumasok iyon sa aking blouse.

Napasinghap ako ng kalasin niya ang hook ng aking bra.

"Sleeping with a bra on may result in many health problems," pangangaral niya.

Napanguso ako. "Yes sir."

Ngumisi siya saka niyakap ako ulit.

MABILIS lumipas ang araw, madalas kaming magkita na ni Travis. Katulad ng sinabi niya ay kinabukasan noon ay tingnan namin kung nakarehistro ang kasal namin, and yes.

Travis Klaus De Vega and Sascha Gayle De Vega are found.

Sa school ay nagkikita naman kami ni Travis pero hindi ko siya talaga pinapansin, nakakahiya kasi. Kadalasan ay sinusundo niya ako sa bahay at tama nga siya kilala siya ni Gen at Rev hindi ko alam kung paano.

Tito T pa nga ang tawag sa kaniya, siguro ay kagagawan na naman ni Ate Angel.

Nasabi ko na rin kay Daryl na ayos na kami ni Travis, unti-unti ay inaayos namin. Paunti-unti.

Ibinaba ko ang bulaklak na hawak ko. Kaagad ko naman naramdaman ang bisig na yumakap sa akin mula sa likuran.

Nilingon si Travis mula sa aking likuran, tuwing nag-uusap kami lagi namin pinag-uusapan ang nakaraan. Paulit-ulit humihingi ng tawad sa isa't-isa.

Hindi ko alam, siguro dahil alam namin pareho na parehas kaming nagkamali. Siya sa pagsisinungaling at ako ay sa pabigla-bigla ng desisyon.

Bumisita kami sa libingan ni Aryan. Though, I don't know her or her face. Base naman sa kwento ni Ate Angel, mabait daw ito. Kabatch nila noon.

Sa totoo ay wala akong nararamdaman galit sa kaniya, bakit ako magagalit? Wala pa ako sa buhay nila ng maging parte siya ng buhay ni Travis. Bata pa sila noon, padalos-dalos at siguro ay takot.

I feel sorry to her, sa kanila ni Alice.

Hinigpitan ni Travis ang yakap sa akin. "Aryan, this is the woman I love." Bumaba lang ang tingin ko sa lapida niya. "I told you before, I will back here with her. Sorry pala kung hindi kita nadalaw sa mga lumipas na panahon. I know you're happy there with our baby. Nawalan din kami ng anak, Aryan. Please guide our baby there, pwede mo silang paglaruin dalawa," natawa siya sa sinabi niya pero naramdaman ko ang sakit doon.

Marahan kong hinimas ang braso niya.

"Thank you for being a good friend and mother," huling sabi niya kay Aryan animong sasagot ito, bago ako halikan sa gilid ng noo. "Let's go?"

Tumango ako bago kami umalis doon.

Aryan if you can hear me, please take care of my baby there in heaven.

KINABUKASAN ay maaga kaming pumasok, ganoon pa rin sabay akong kumakain sa mga ibang teachers. Katext ko naman si Travis na nasa office niya.

Nang maghapon na ay naabutan kobg maingay ang faculty.

Sinalubong ako ni Lia.

"Ma'am Sascha, sama ka sa amin!" nakangising aniya mukhang excited kung saan man.

Ibinaba ko ang chalk box ko sa lamesa saka naglagay ng alcohol sa kamay.

Hindi ako sumagot, pinag-iisipan ko kasi kung may usapan ba kami ni Travis.

"Sige na Sascha, birthday kasi ni Sir Ruel," dagdag ni Ian.

Napalingon kaagad ako kay Sir Ruel saka ilang teacher sa kabilang faculty na nandoon pala, napakamot ng batok si Sir Ruel.

"Nako, baka may gagawin si Sascha e," nahiya ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin para ngang ready na ready na silang umalis.

"Sa food park lang tayo, kakain saka videoke. Sige na Ma'am Sascha," ani naman ni Renz. Tumango naman si Ma'am Trisha.

Ngumiti ako. "Sige."

"Yon!" ani Sir Ruel.

Itetext ko na lang si Travis, kagaya ng gusto nila ay sumama nga ako. May dala silang kotse ang iba ay angkas naman ng iba. Halos dose kami.

Kay Sir Ruel ako sumakay, kasama namin si Trisha at Lia.

Sa biyahe ay kwento nang kwento si Lia tungkol sa mga istudyante niyang nagsuntukan kanina.

"Syempre natakot ako! Ako ang bantay tapos nagtuturo ako bigla na lang ako makakarinig ng kalabog nagbangasan na pala sa likod," iiling-iling na usal ni Lia.

"Ang mga babae naman ang problema sa mga alaga ko, jusko. Nagkakaklase kami nagbabasa ng wattpad, alam niyo 'yon? Yung sa phone, at ito pa ang dahilan ng isa kasi sabi ko itago ang cellphone bawal magbasa aba't maglabas ba naman ng libro na wattpad din, hays! Kabataan ngayon hindi ko alam kung ano nangyayari," mahabang litanya ni Trisha.

Natawa kami ni Ruel. Bahagya siyang sumulyap sa akin. "Yung sa akin naman kanina iihi raw, hindi na bumalik. Ayon nakita ko sa canteen, kumakain na ng kwek-kwek." aniya.

Ngumisi ako sa kanila, buhay teacher talaga. Nakakatanda talaga.

"Ikaw Sacsha? Ano ganap sa mga anak mo?" tukoy ni Lia sa istudyante ko.

"Ayos naman, mabuti at wala masyadong pasaway, may umiyak lang kanina kasi nakipag-break daw boyfriend niya," natawa ko. "Take note, She's twelve."

Nagpatuloy ang kwentuhan namin sa biyahe.

Tumunog ang aking cellphone, halos mapamura ako dahil si Travis iyon. Kinuha niya ang number ko noong nakaraan.

Travis ♡:
Where are you baby? 30 minutes na ako sa parking lot.

Shit! Bakit ba nakalimutan ko?

Me:
Sorry Travis, sinama ako nila Ma'am Lia, birthday kasi ni Sir Ruel.

Travis ♡:
Where? Who's Ruel? The one with a big lips?

Me:
Sa food park, hala grabe ka makalait.

Travis ♡:
I'm just describing him baby, hindi ko nilalait.

Hindi na ako nagreply pa sa kaniya. Hay nako! Mga dahilan talaga niya.

Sakto naman dumating na kami kung saan kami kakain, pinili nilang pwesto ay 'yong nasa gilid na pwedeng mag grilled.

Umorder sila ng barbeque at iba pang pagkain. Lumipas ang minuto, malakas na ang tawanan sa lamesa namin. Hindi naman kami nag-iinuman, talagang malakas lang ang asaran.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng napatayo si Lia. "Hala, Sir!" aniya.

Nanigas ako sa pagkakaupo tumingin kay Lia, nakatingin siya sa likod ko.

"Sir, nandito rin po pala kayo, sama po kayo sa amin," ani ng isang teacher.

"Yea, I just passed by." Kinilabutan ako sa boses ni Travis.

Nag-angat ako ng tingin ng huminto siya sa gilid ng mahaba namin lamesa.

"What's the occasion?"

"Birthday ko po, Sir," napakamot pa sa batok si Ruel.

Tumango siya sa mga bati ng iba, kinuhanan siya ng upuan ni Lia at inilagay iyon sa tabi niya. Bali kaharap ko si Lia. "Sir dito po kayo. Kain po kayo."

"Thanks."

Lahat kami ay pinanuod si Travis na lumapit doon, bahagya akong napasinghap ng buhatin niya ng walang kahirap-hirap ang upuan gamit ang isang kamay saka inilagay sa aking tabi dahil ako na ang nasa dulo.

Bumagsak ang mata ko sa aking pinggan, pakiramdam ko pinagtitinginan nila kami.

Mabuti at tumawa si Trisha at sinabing kumuha pa ng sawsawan dahil ubos na.

"Eat more," ani Travis na hindi man lang nag-effort na hinaan ang boses.

Pakiramdam ko ay pinapanuod kami nila, tumango lang ako sa kaniya.

Nagsimula na ulit akong kumain, siya rin ay nilagyan ng pinggan. Halos gusto ko na lang lumubog sa kinakaupuan ko ng ipaghimay pa niya ako ng barbeque, hindi siya nahiya na ilagay iyon sa pinggan ko.

Bahagya ko tinama ang binti ko sa kaniya.

Tumikhim si Lia, nanunuksong tumingin naman si Ian sa akin. Si Ruel ay may nagtatanong na tingin, ngumiti lang ako sa kanila.

"Ang hirap naman hiwain nito," ani Lia sa barbeque niya.

Humagalpak ng tawa si Renz, "Ma'am Lia ako na hihiwa."

Mabuti at kumain na rin si Travis, kumakanta na si Ian sa videoke.

Tapos na kaming kumain ng dinner, nilalantakan namin ang halo-halo at leche plan.

Nasa ganon kaming posisyon ng napasinghap ako at nabitawan ko ang tinidor ng biglang kumalas ang hook ng bra ko sa aking likod!

Shit!

Napahawak ako sa itaas ng dibdib ko para hindi gumalaw, inaalala ko ang sinuot ko, iyong kilay cream na isang lock lang.

Hays!

"Anong problema Sascha?" malakas na boses ni Trisha mukhang napansin ang gulat ko.

Napakurap-kurap ako.

Lahat sila ay nakatingin na sa akin.

"What happened?" tanong ni Travis sa gilid ko.

Lalo ako nailang, hindi ako makatayo dahil baka gumalaw.

Tiningan ko siya na naiiling, kaagad ko rin iniwas ang tingin ko dahil titig na titig siya.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko nakahawak sa dibdib ko. Kinagat niya ang ibabang labi at bahagyang lumapit upang bumulong.

"Natanggal?" aniya.

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa tanong niya. Idagdag pa ng mga matang nakatingin sa akin.

Kinapa niya ang likod ko ng walang pag-aalinlangan. Nakita kong nanlaki ang mata nila doon sa ginawa niya.

"Turn around,"  he said sweetly.

Hindi na niya ako hinintay, inikot niya ang upuan ko patalikod sa kaniya.

Napatakip pa ng bibig ang ilang teacher.

Napasinghap ako ng ipasok ni Travis ang kamay sa blouse ko at walang kahirap-hirap na kinabit iyon. Bahagya pa akong napaigtad ng maramdaman ang mainit niyang palad doon.

Nanigas ako sa kinakaupuan ko. Inayos niya ulit ang upuan ko. Nakaawang ang labi ko sa gulat sa mga ginawa niya.

Tumayo siya saka inalalayan ako tumayo. Tumango siya sa mga gulat pa rin teacher. Pakiramdam ko ay mahihimatay pa ang iba.

"Happy birthday again Ruel. Thanks for the dinner. I have to go, I'll take my wife with me," seryosong aniya saka ako hinila paalis doon.

***

One more chapter, wakas, and special chap. We will say good bye to our Sir.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store