ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 22

SaviorKitty


Kabanata 22

The seminar finished at exactly six in the evening. Pagkarating kanina ay nagkaruon lang ng kaunting program kung tungkol saan ang mga itopic sa seminar bago nagsalita ang mga guest. Apat ang nagsalita ngayon araw, dalawa noong umaga at dalawan nang hapon.

Bukas ay may tatlo pa. Hinimas ko ang batok ko habang papalabas kami sa hall. Rinig ko sa likod namin ang reklamo ni Kevin na namamanhid na raw ang kaniyang puwet sa kakaupo buong araw.

"Ahh, ano kayang ulam ngayon? Hindi ako nakakain kanina ng madami dahil paksiw ang ulam," ani Lisa na katabi ngayon ni Alice at Kevin.

"Masarap kaya," segunda ni Kevin habang sumisipat-sipat sa mga lalaki sa ibang school.

"Ay, hindi ako kumakain no'n e."

Nakarating kami sa isang malaking kwarto, may isang mahabang pila na doon kukuha ng pagkain. May catering na, hindi katulad kanina na naka-styrofoam ang aming lunch.

Habang naglalakad ay kinuha ang phone ko para itext si Travis. Nakita kong may tatlo siyang text.

Mister ko:
At the lobby, I'm with Rico.

Baby, I can see you here. One more whisper to that fucking kid, I will drag you out.

I love you, keep listening to the guest okay? I'm watching you.

Reply:
Done na po. Nasaan kayo nyan?
Nasa hall kami, kakain ng dinner.

Nang-itago ko ang phone ko ay nahuli ko si Daryl nakikibasa ng text. Napanguso ako sa ginagawa niya, "Baka magulat na lang ako bigla may sumapak sa akin dito," natatawang aniya.

Napailing ako sa kaniya, hindi naman siguro 'yon gagawin ni Travis.

Sa isang lamesa ay sama-sama kaming limang, ang tawanan sa lamesa namin at natigil ng huminto si Nade sa gilid ng lamesa habang may hawak na tray.

"Pwede maki-join?" tanong niya.

Nagkatinginan si Kevin at Lisa, si Alice naman ay binitawan ang kutsara niya't humalukipkip. Tumingin ako kay Daryl dahil sila ata ang mas close, siya dapat ang sumagot.

Inosenteng tumingin sa akin si Daryl habang naghihiwa ng porkchop. Nginuso ko sa kaniya si Nade na nakatayo sa gilid, doon niya lang naisip kung bakit ako nakatingin sa kaniya.

"Ah, yes. Yes. Sure Nade, have a sit."

"Thanks, Daryl."

Umismid si Kevin saka nagpatuloy sa pagkain. Bahagya kong sinulyapan si Alice na parang sinasaksak na ang porkchop. Halos tumunog ang pinggan niya sa paghiwa.

Napailing ako bago nagsimula na rin kumain.

"Here," abot ni Daryl sa mga hiniwa niyang porkchop saka kinuha kinuha ang sa'kin na hindi pa nahihiwa.

"Salamat," wika ko.

"Ang hirap naman hiwain nito," biglang usal ni Nade. Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya.

Mukha ngang nahihirapan siya, aabutin na sana ni Daryl ang ulam niya para hiwain pero kinuha na iyon ni Alice. "Ako na hihiwa," madiin usal niya.

Naitikom ko ang bibig ko dahil sa kanilang dalawa. Ano 'to? Love triangle?

Tinaasan ako ng kilay ni Kevin akala niya siguro ay magseselos ako sa dalawa pero nginisian ko lang siya. Kung asawa ko 'yan baka itinarak ko na sa lalamunan ng babae ang tinidor.

Nang matapos kami kumain ay binigyan pa kami ng oras upang maglibot-libot sa buong lugar. Malawak ang resort sa Iba, Zambales. Apura ang pictures ni Kevin at Lisa. Meron din kaming kuha na kaming lima.

"Magbabanyo muna ako," paalam ko't sinulyapan ang aking cellphone na may dalawang message.

Lumingon sa akin si Daryl siya lang ang tanging nakarinig dahil busy ang iba sa pagpi-picture, nakatayo rin sa gilid si Nade. I wonder if she heard me.

"Samahan na kita," ambang sasama si Daryl sa akin ay umiling na ako bago marahan bumulong.

Sapat lang upang marinig niya. "I will look for my husband."

Naitikom niya ang bibig. "Alright, ako na bahala magdahilan sa kanila, balik ka kaagad may activity mamaya." Bahagya niyang tinapik ang aking balikat.

Habang naglalakad ay binasa ko ang text ni Travis.

Mister ko:
Kumain ka na? May tinabi akong salad dito. Where are you?

I miss you baby, nasaan kayo? Stay with your girls friend, 'kay?

Napanguso ako habang nagta-type.

Reply:
Nandito ako sa mga puno sa may dulo. Humiwalay lang ako sandali sa kanila.

Mister ko:
Stay there, I will come to you.

Umupo ako sa isang kahoy na upuan sa ilalim ng puno. Wala na masyadong ilaw rito pero nakikita naman ang daan. Mula sa kinakaupuan ko ay tanaw ko ang mga rooms ng mga girls,  doon kami matutulog mamaya. Na-orient na kami tungkol doon.

Nang may narinig akong papalapit ay kaagad akong lumingon doon. Nakita ko si Travis na naka-jacket na itim, nasa loob no'n ang kaniyang palad habang lumilinga-linga.

"Pst, Sir Pogi," tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin saka napangiti. Bahagya ko pang nilingon ang pinanggalingan niya kung may nakasunod pero wala naman.

Nang makalapit siya ay kaagad niyang inilibot ang braso sa aking beywang. "Namiss kita," bulong niya sabay halik sa aking noo.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking puso. Pwede bang dito na lang kami? Huwag na kaming bumalik doon?

Nang bahagya siyang humiwalay ay may dinukot siya sa bulsa niya. Napangiti ako ng makita ang isang cup na may takip at maliit na kutsara.

"Charan!" aniya.

Natawa na ako, "Salad?" naalala ko kasi 'yong text niya.

Tumango siya saka kami umupo sa bench doon. Umihip ang hangin, bahagya kong niyakap ang sarili ko.

Binuksan niya ang dala niya, "Kumain ka na nyan? Bakit dinalan mo pa ako? Kumain naman na ako ng kanin."

"Sa akin dapat 'to, sabi nila teachers lang ang may ganito kaya tinabi ko sa akin, baka gusto mo," wika niya.

Shit! Kung pwede lang maglumpasay rito ay ginawa ko na.

"Thank you."

"Lapit ka, subuan kita," tinapik niya ang mas malapit na pwesto sa kaniya.

Napanguso ako, "Anong isusubo mo?"

He chuckled. "Ikaw, kung anong gusto mo."

Nangingiting inirapan ko siya.

Inagaw ko ang kutsara sa kaniya saka nagsimulang kumain ng dala niyang buko salad. Inaalok ko siya pero ngingiti lang siya't iiling.

Nang matapos ako ay kinailangan ko ng bumalik. "M-May bonfire pala mamaya."

"Yes, I'll be there. Always check your phone." Tumango ako. "Anong room number niyo?"

Napataas ang aking kilay. "Room 202 bakit?"

Kinagat niya ang ibabang labi saka umiling. Naningkit ang aking mata dahil sa ginawa niya. Ano na naman kayang naiisip niya? Gusto ko sana siyang tanungin pero huwag na lang.

Ako muna ang unang umalis doon ag bumalik sa mga kaklase ko.

Nang mag alas nuwebe na ay nagkaruon ng games ang bawat section parang bonding na rin. Ang section namin ay nakapaikot sa isang bonfire. Ang napagkasunduan ay truth or dare, may ilang teacher na nagbabantay. Nandito ang adviser namin, nagulat ako dahil nakatayo rin si Travis sa gilid kasama si Sir Rico.

Nakaupo kami sa damo. Ang ibang section ay nag-o-open forum ata dahil may narinig pa kaming nag-iiyakan kanina at nagyayakapan.

Nagsimula na ang aming laro, karaniwan ay truth ang pinipili.

Nang napunta na kay Kevin at tumili siya't sinapo ang kaniyang mukha. "Oh my gosh, huwag niyong hirapan ah."

Tumawa ang ibang kaklase ko. Ang huling nagtruth ang siyang magtatanong tatanong o uutos kay Kevin.

"Nagkaboyfriend ka na?" tanong ng isang babae kong kaklase kay Kevin.

"Yan lang? Of course oo naman yes," maarteng aniya saka pinaikot ang bote.

Nakikingiti at tawa lang ako sa kanila. Nahagip ng mata ko na mag binulong si Nade kay Daryl saka tumango si Daryl. Nang lumingon ako kay Alice ay nakatitig ito sa akin. Nginitian ko siya, ngumuso siya saka nag-iwas tingin.

May dapat ba akong malaman?

Ang sunod ay tumapat kay Alice. Humalakhak si Kevin animong mangkukulam. "Alice, may crush ka ba sa room?" nakangising tanong ni Kevin.

Lahat kami ay nakaabang sa sagot niya. Mahinhin kasi si Alice saka tahimik kumpara sa amin ni Lisa kaya na-intriga ako.

Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha. "Oo."

Nagtilian ang mga kaklase kong babae. Nang bumaling ako kay Travis ay napairap ako dahil nandoon si Ma'am Bea parang may kinu-kwento siya kay Travis habang hindi naman inaalis ni Travis ang tingin sa akin.

Nang pinaikot ang bote ay nanlaki ang mata ko ng sa akin iyon tumapat. Napabaling ako kay Alice animong pinag-aaralan niya pa ako bago magtanong.

Sumulyap siya kay Daryl at Nade bago bumalik ang tingin sa akin.

"Are you in relationship?" deretsyuhang tanong ni Alice. Naghiyawan ang mga kaklase ko sabay tukso kay Daryl, hindi ko alam kung bakit.

Napakunot ang aking noo sa tanong niya. "Huh?"

Ngumiti si Alice, gamit ang mapungay na mata animong sinusubukan niya ako. "Are you?"

Kumabog ang puso ko pakiramdam ko ay lahat sila ay nakatingin sa akin. Umawang ang labi ko, nilingon ko si Travis na nakakrus ang braso sa dibdib.

Tipid siyang ngumiti sa akin.

Nangilid ang aking luha, napalunok ako.

"N-No. I'm not..."

Ngumisi si Alice, saka napailing hindi ko alam kung para saan iyon. Pumalakpak si Kevin. "Ayon, bagay na bagay. Singel din si Daryl." Tili niya.

Naghampasan pa sila ni Lisa, nang lumingon ako kay Daryl ay napailing siya. Nagsimula naman na ulit ipakot ang bote.

Naikuyom ko ng kamao ko. Nang magtama ang mata namin ni Travis ay tumingala siya saka namewang animong nahihirapan siyang huminga.

Nang magtama ulit ang aming mata ay wala na akong mabasang emosyon doon. Umawang ang labi ko ng makitang tumingin siya sa kamay niya, nandoon ang singsing niya!

Kahit medyo malayo siya sa akin ay kitang-kita kong hinubad niya kaniyang singsing saka mabilis na tumalikod.

Parang may tumarak na kutsilyo sa puso ko.

Anong ibig sabihin no'n?

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store