ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 21

SaviorKitty


Kabanata 21

"Anong bus number tayo?" tanong ko kay Kevin na nasa kabilang linya. Hawak ko ang aking backpack habang naglalakad papunta sa maraming nakaparadang bus.

"Bus number eight sis, bilisan mo dali may upuan ka rito," narinig ko pa ang tawanan sa kabilang linya.

Napailing na pinatay ko ang tawag at hinanap ang bus na tinutukoy niya. Ngayon ay may seminar kaming dadaluhan sa Iba Zambales.

Dalawang linggo na simula ng ipahiya ko ang sarili ko sa meeting sa school, mabuti na lang at hindi naman naging big deal iyon. Alas-kwatro pa lang ngayon, kailangan kasi ay makaalis kami ng maaga. Ayoko sanang sumama kaso ay sayang din naman, bukod sa matutunan namin sa seminar ay habol ko rin ang certificate na ibibigay.

Kasama ang ilang teacher panigurado lalo na iyong mga adviser. Kaya hindi kasama si Travis dahil wala naman siyang hawak na klase, baka nandoon lang sila sa school nyan.

Nang mataman ko ang bus ay kaagad kong nakita si Lisa at Kevin na kumakaway sa akin.

Sabay-sabay kaming dumating ni Nade at Alice. Napanguso ako ng makita ang jacket na may pusang tenga ni Alice. Nang makita ako ni Nade ay tipid siyang ngumiti na sinuklian ko kaagad.

"Alice, good morning." bati ko kay Alice.

"Good morning," paos na aniya.

Sabay-sabay kaming umakyat sa bus. Sila Kevin ay nasa gawing likod, todo kaway sa amin. Ako ang nauunang maglakad. Sa katapat na upuan nila Kevin ay si Daryl na naka-earphone at nakatingin sa binatana, akala ata niya nasa music video siya. Nang mahagip ako ng mata niya ay kaagad siyang ngumiti.

Saka iminuwestra ang katabi niyang upuan, tatluhan doon at siya ang nasa gitna. Pwede kaming tatlo nila Alice, lalakad na sana ako papalapit ng lagpasan ako ni Alice at Nade. Muntik pa akong masubsob sa isa kong kaklase dahil mukhang nagmamadali sila.

Napataas ang aking kilay ng parehas silang tumabi kay Daryl. Pinapagitnaan nila si Daryl.

"U-Uhm, sa likod na lang ako." Tipid akong ngumiti saka doon naupo sa likod nila Kevin.

Ayos lang naman sa akin. Bali ako na ang pinaka nasa dulo, sa katapat kong tatluhan ay bakante na. Sa likod ko naman ay ang pinaka dulong mahabang upuan na, puro bag na nakalagay.

Bahagya akong nilingon ni Daryl at sinenyasan kung okay lang ako doon, siguro ay gusto niyang tabi kami ang kaso ay katabi na niya sila Alice at Nade.

Ayos lang naman sa akin, kaya tumango ako saka tipid na ngumiti. Sa harapan ko ay dumungaw sa akin si Kevin.

"Ayos ka lang dyan sis?" lumapit pa siya at kunwaring tinakpan pa ang gilid ng labi para walang makakita ng bukas ng bibig niya. "Dapat kumandong ka na lang kay Fafa Daryl, bakit ba nakipag-unahan si Nade doon?" intrimitidang aniya.

"Hayaan mo na, puno na rin naman sa harap, mas ma-out place siya kapag dito siya sa likod, wala siyang makakausap e ako pwede ko kayong kalabitin," wika ko.

Inismidan ako ni Lisa na nakadungaw rin saka ako inabutan ng chichiria. "Dadating pa si Ma'am, baka siya makatabi mo dyan," aniya.

Tumango ako, umayos naman sila ng upo.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana, madilim pa sa labas. Ang ilang bus ay umaalis na. Napaayos ako ng upo ng binuhay na ang makina ng bus, aalis na kami!

Pumikit ako.

Ilang minuto akong nakapikit ay may naramdaman akong umupo sa aking tabi. Kaagad akong napadilat ng makilala ko ang amoy na iyon.

"T-Travis," gulat na wika ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin, na para bang natutuwa siya sa naging reaksyon ko. Anong ginagawa niya rito? Sabi niya sa school lang sila.

"B-Bakit ka nandito?" hininaan ko ang aking boses.

"I asked your adviser if can I take her class, ako ang magbabantay sa sainyo," mahinang aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Naka-jacket siyang kulay itim at may dala siyang backpack na itim.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng umandar na ang bus. Sasama nga siya!

"Di nga?" hindi makapaniwalang usal ko.

He chuckled. "Yup."

Inilagay niya sa kandungan niya ang bag niya ganon din naman ang sa akin. Maingay pa rin sa bus, bukod sa maliit na tv na umaandar ay tawanan ng mga kaklase ko unahan ang namumutawi sa buong bus.

May maganda rin pa lang dulot ang paghiwalay ko ng upuan.

"Are you hungry?" bulong niya.

Tumuwid ako ng upo sa sobrang kaba, baka naririnig kami nila Kevin. Shit!

Hindi ako nakapag-almusal sa totoo lang dahil nagmamadali ako. Tapos tumawag lang si Manang ng tricycle para ihatid ako sa school, hindi ko naman siya ginising kaya nagulat ako at nandito siya. Tulog na tulog pa siya ng iniwan ko sa bahay.

"Hindi ka raw nag-almusal," malumanay na aniya.

"H-Hindi pa ako gutom, mamaya na lang."

Ngumuso siya saka inilahad ang kamay sa akin. Gulat akong napalingon doon, huwag niyang sabihin magho-holding hands kami rito? Kapag nilingon kami nila Kevin, makikita iyon.

Nginuso niya ang kamay niya, umiling ako. Inirapan niya ako at siya mismo ang kumuha ng aking kamay. Mas lalong kumabog ang puso ko ng pagsaklubin niya ang aming daliri saka iyon nilagay sa pagitan namin.

Natatakpan ng aming bag ang aming mga kamay kaya medyo napanatag ako.

"Buti pumayag si Ma'am na ikaw rito? Nasan siya nasa school?" mahinang bulong ko.

"Nope, nasa kabilang bus ng ilang teachers. Sinabi ko lang na ako na rito pero mamaya sa venue siya pa rin ang mag guide sa inyo," paliwanag niya.

Napatango-tango ako doon.

Halos malunok ko lahat ng laway ko ng makitang sumulyap sa amin si Alice bago niya ayusin ang salamin. Tinawag lang siya ni Daryl kaya nawala ang atensyon niya sa amin.

Umayos ng upo si Travis, sinandal niya ang ulo sa sandalan saka tumitig sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon. Nakakailang kaya kapag may nakatitig sayo ng ganyan. Bahagya niyang pinisil ang kamay namin.

Inilabas niya ang kaniyang cellphone saka itinapat sa amin. Ang panget ko!

Ang unfair, ang gwapo niya walang kahirap-hirap. Kahit ata hindi siya ngumiti ay mahuhumaling ka pa rin samantalang ang mukha ko ay parang namamagang siopao.

Napasimangot ako sa unang picture, seryoso naman siya.

Tiningan niya iyon, saka itinapat ulit sa amin ang camera, this time ngumisi siya sa camera pinilit kong ngumiti pero mukha pa rin akong natatae sa picture.

Inagaw ko 'yon sa kaniya, ako na lang ang kukuha. Kapag talaga iba ang may hawak ng camera ay panget ako e, depende sa pwesto ng camera.

Inilagay ko sa gawing bintana ang camera, pinindot ko ang timer. Nagulat ako ng dalhin ni Travis ang kamay ko sa labi saka hinalikan.

Nakuhanan iyon. Ang sunod na kuha ay nilagay niya ang baba sa aking balikat. Lintek! Ang kabog ng puso ko.

Nang magsawa kami sa camera ay nasa akin pa rin ang phone niya. Ganito pala ang feelings, na may halong excitement at takot. Yung nagtatago kayo.

Ibinalik niya ang kamay sa ilalim, saka umayos ulit ng upo. Bahagya ko siyang sinulyapan, nakapikit na siya pero pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. Wala iyong password kaya mabilis kong nabuksan.

Una kong pinuntahan ang gallery niya. May tatlong album doon, una ay puro screenshots tingin ko ay mga importanteng lessons or what. Hindi ko alam. Umalis ako doon pumunta ako sa isang album, kinagat ko ang ibabang labi ko ng picture namin iyon sa Arayat, noong umakyat kami.

Marami akong stolen pictures, paakyat ako sa bato, meron din noong nasa pinaka tuktok na kami, nakatalikod ako sa picture. Kinukuhanan pala niya ako no'n?

Umalis ako doon saka pinuntahan ang huling album, nandoon ang mga bagong kuha namin. Napaawang ang bibig ko ng makita ang pictures ko na natutulog. Kailan 'to?

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nakapikit pa rin siya.

Huminga ako ng malalim para patigilan sa pagkabog ng malakas ang aking puso. Pakiramdam ko kasi ay nasa aking lalamunan na ang puso ko anumang oras ay maisusuka ko na ito.

Pumunta ako sa message niya.

Napataas ang kilay ko ng makita ang unang message doon, conversation namin iyon. Misis ko ang nakapangalan.

Shit, kinikilig ako. Hmm papalitan ko na rin name niya sa akin. Mister ko na ang ilalagay ko.

Napangisi ako sa naisip ko. Ang ilang message ay galing sa ibang teacher. Meron din kay Sir Rico.

Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Ma'am Bea doon. Binuksan ko iyon. Madaming message si Ma'am Bea at laging isang reply lang ni Travis.

Ma'am Bea:

Sir, gusto mo ba sumabay sa amin kumain?

Good morning, Sir may copy ka ba ng binigay ni Ma'am Grace noon nakaraan? I can give you a copy.

Sir, nasa school ka na ba?

Where are you, Sir?

Hi sir, remind ko lang may meeting tayo this coming friday.

Travis:
Okay, thanks.

Kailangan talaga updated siya sa asawa ko? Tsk, pasalamat siya teacher siya. Kung hindi, nako. Sunod kong nakita ang pangalan ni Angel.

Angel:

Trav, please help me na kasi. I'm looking for a furniture you know naman I need it to my bahay. Are you pwede ba this weekends?

Travis:
Sorry, Angel. I can't. I promise my wife a date at weekends.

Angel:
Trav naman, minsan lang ako mag-ask ng help from you. You know naman ikaw lang friend ko here. Sa susunod na lang kayo lumabas, you always with your wife naman e.

Travis:
I'll ask Terron to go with you.

Angel:
Hindi ka naman ganyan before,
We always hang out. You always visited me. Nakakatampo ka na, nagvisit lang ako sa States tapos pagbalik ko ganyan ka na.

Hindi na ba important ang friendship natin, Trav?

Travis:
Because I was single before, walang asawang naghihintay sa akin. Iba na ngayon. I understand you, and you are important to me, to my family. You are like my sister. Hope you understand that Angel, stop being stubborn.

Angel:
Trav, naman. I need you kasi.
Paano kung may bad guys habang
namimili ako? Hahayaan mo yon?

Travis:
Order online, I have to go. I will cook dinner for my wife. Close the door and window to your house before you sleep. Good night.

Nagreply pa si Angel pero hindi na nakareply si Travis. Noong nakaraan linggo pa ito. Hindi na ulit nagreply si Travis.

Nang lumingon ako kay Travis ay nakatingin na siya sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha animong tinatansya kung ano ang aking reaksyon sa nabasa.

Ibinalik ko ang phone niya sa kaniya.

"Sorry."

"No problem," paos na boses na aniya. Mas bumaba ang ulo niya para bumulong. "I'm sorry about Angel, medyo spoiled siya. Noong bata kasi siya iniwan sila ng mommy niya kaya ini-spoiled siya ng daddy niya para lang mapunan 'yon pagkawala ng mommy," paliwanag niya. Tumama ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. "Lagi siyang umiiyak noong mga bata kami kapag hindi nakukuha ang gusto kaya sinusunod ko na lang, nasanay ata siya." Bumuntong-hininga siya.

Marahan akong tumango, "A-Ayos lang naiintindihan ko."

"Hmm really," he whispered.

Napalunok ako't kinilabutan.

Hinawakan niya ang baba ko at marahan na hinarap sa kaniya, sobrang lapit na namin. Hindi ako makahinga, natatakot akong biglang may lumingon sa akin at makita kaming ganito ang pwesto.

Dinampian niya ng halik ang aking labi.

It was slow and soft, comforting in ways that words would never be. His hand rested below my ear, his thumb caressing my cheek as our breaths mingled.

Nang humiwalay siya ay ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.

Umayos ako ng upo at gano'n din siya. Sana walang nakakita ng ginawa namin.

Nang bumaling ako sa kaniya ay ngingisi-ngisi na siya sa akin.

"I love you," he mouthed.

**

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store