ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 20

SaviorKitty


Kabanata 20

"Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man, Nasaan ma'y ito ang pangarap ko..." napailing ako ng marinig na kumakanta si Kevin sa likod namin. Sinabayan pa ni Lisa na kunwari ay may gitara. Si Alice ay napapailing na lang sa dalawa. Nasa unahan namin silang dalawa at pauwi na kami.

Simula ng bumalik kami kanina ay inaasar na nila kami, wala naman iyon sa akin. Kabisado ko na sila Kevin, hindi ko lang alam kay Daryl kung sineseryoso niya ang mga tukso ng mga ito.

"Tama na 'yan Kevs," awat ni Alice.

"Ang KJ naman ni Alice e, bagay kaya si Daryl saka si Sascha, tingnan mo oh," humalakhak si Lisa at Kevin.

"I said stop it!" inis na wika ni Alice saka nagkabit ng earphone saka nagpati-unang maglakad nagkatinginan kaming apat.

"Hala galit?"

"Ang ingay mo raw kasi," natatawang usal ni Daryl.

"Huwag mo akong ngitian dyan Daryl, baka hindi ako makapag pigil nako!" maarteng hinawi pa ni Kevin ang imaginary hair niya't hinabol si Alice.

Bumaling naman si Lisa sa amin, "Sa bahay tayo magpapractice ha," aniya saka tumalikod na.

Napabuntong-hininga ako, nakalimutan kong ngayon nga pala kami magme-meeting para sa group project namin. Kanina pa pinapa-alala ni Lisa na sa bahay nila kami ngayon baka raw kasi bigla na lang kaming mawala ni Daryl at kung saan pumunta.

Kung alam lang nila.

Papunta na kami sa parking lot, tanaw namin ang tatlo. Nakabusangot pa rin si Alice habang inaasar ni Kevin at Lisa. Bahagya akong tinunggo ni Daryl.

"You should text your husband," mahinang aniya.

May mga nakakasabay kasi kaming maglakad. Tumango ako saka ko kinuha ang aking cellphone. Napanguso ako ng makitang palowbat na ako. Ibang klase rin ang cellphone na 'to, kahit hindi ginagamit laging nalo-lowbat.

Tatay T:
Mamaya pa ako uuwi, may practice kami. Mag tricycle na lang ako pauwi. Kumain ka na.

Mabilis kong itinago ang phone ko. Saktong pag-angat ng tingin ko sa daan ay nahagip ko ng tingin si Nade na nakatayo lang doon, siguro ay hinihintay niya ang sundo niya.

Nang mapansin niyang nakita ko siya ay bahagya niya akong nginitian, ngingiti sana ako pabalik pero tumalikod na siya.

Gusto ko sanang ituro kay Daryl pero baka mamaya may something sila, may gusto kaya siya kay Daryl? Madalas silang nag-uusap ng sila lang. Hanggang ngayon ay hindi namin alam kung bakit.

Mabilis kaming nakaalis sa school. Dumating ang sundo ni Lisa, lahat kami ay sumakay doon sa van nila.

Nang nasa bahay na nila kami ay nag meeting lang kami, pinaghati-hatian namin ang mga dapat namin gawin. Sa susunod na meeting ay doon naman kami kila Kevin. Nagdinner pa kami kila Lisa bago maghiwa-hiwalay.

Mag-aalas nuwebe na ng makaalis kami kila Lisa. Si Kevin ay nagpasundo sinama na niya si Alice. Hinatid naman ako ni Daryl sa sakayan ng tricycle.

Natawa pa ako dahil pinicturan pa niya ang driver, kung sakali raw hindi ako makauwi ng maayos.

Pagod na pagod ako ng dumating sa bahay. Pagod sa meeting pati na rin sa dami ng nangyari buong araw.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Madilim na sa buong sala, dahil ilaw na lang galing sa kusina ang bukas. Tulog na kaagad si Travis?

Nilock ko muna ang pinto ng dahan-dahan humarap. Halos mapatalon ako sa gulat dahil nakaupo si Travis sa sala, sa carpet habang may mga bote sa gilid niya't isa sa kamay na pinapaikot-ikot pa niya habang pungay ang matang nakatingin lang sa itaas ng lamesa.

He look messed up. He was mumbling words as he kept running one hand through his dark, messy hair.

Mabilis kong ibinaba ang aking bag sa isang sofa at lumuhod sa kaniyang gilid, doon lamang siya napalingon sa akin.

Bahagya pang naningkit ang mata niya sa akin. "Travis ano bang nangyayari sa'yo?"

Huminga siya ng malalim, naamoy ko kaagad ang pinaghalong amoy ng alak at toothpaste sa kaniyang bibig. Hindi na basa ang buhok niya pero sa tingin ko'y naligo muna siya bago uminom.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. Ngayon ko lang siya nakitang uminom. He smiled when he saw me. Binitawan niya ang bote saka sinapo ang aking mukha.

"Are you real? Are you really my wife?" bulong niya habang sinisipat ang mukha ko.

Hinawakan ko ang braso niya at bahagyang hinimas. "Ako 'to, bakit ka ba umiinom?" mahinahong wika ko.

Naging alerto ang mata ni Travis na kahit hindi ito makaderetsyo ng tingin. Parang ano mang oras ay makakatulog na 'to. Bakit ba kasi iinom-inom, hindi pala kaya?

"I-I didn't kissed her, promise." Pag-uulit niya sa sinabi kanina. "If you w-want I will tell this to the dean so--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. I kissed him on the forehead and ruffled his already messy hair.

"Naniniwala naman ako sa'yo, I trust you. Pero huling pagkakataon na 'yan Travis." Umiling-iling ako sa mga salitang nasabi ko, kaagad naman ay tumango siya.

Niyakap niya ako at sumubsob sa aking leeg. Napabungong-hininga ako sa ginawa niya, malakas ang kabog ng puso ko. "I thought, you will leave me," bulong niya.

Mas hinigpitan ang hapit sa aking beywang. Hinayaan ko siya sa gano'n posisyon hanggang kumalma siya, nang medyo nahimasmasan na ay dinala ko na siya sa kama.

Pipilitin ko siyang intindihin.

MABILIS lumipas ang araw hanggang umabot ng biyernes. Hindi na namin pinalaki ang issue about sa kiss na 'yon. Hindi ko alam, siguro ay gano'n lang talaga kataas ang tiwala ko sa kaniya na kahit pa nakita ko ay salita pa rin niya ang papaniwalaan ko.

Bukas ay pupunta kami sa bahay ng magulang ko. Bago 'yon ay idadaan muna namin ang mga regalo ni Terron noong birthday ni Travis. Si Manang naman ay hindi pa rin umuuwi kaya hati kami ni Travis sa gawain bahay pagkauwi namin.

Noong nakaraan araw ay tumawag ulit si Angel, nagpapasama siya bumili ng furniture kay Travis pero tinanggihan ni Travis.

Aminin ko man o hindi ay natuwa ako doon.

Nasa field kami ni Alice, wala ulit si Lisa at Kevin pero papunta na sila rito. Si Daryl naman ay hindi ko alam kung saan nagsuot.

Huminga ako ng malalim saka lumingon kay Alice. Seryoso siya habang nanunuod na naman. Hindi ko na sinubok na sumilip sa pinapanuod niya dahil paniguradong nag-e-espadahan na naman iyon.

Inabala ko ang sarili ko sa pagkalikot sa cellphone ko.

Nasa gano'n akong sitwasyon ng may humawak sa likod ko. Kaagad akong napa-angat ng tingin kay Travis na nakatingin sa akin.

Bahagyang napaawang ang aking labi.

"S-Sir!" gulat na usal ko.

Napalingon ako kay Alice na napa-angat ng tingin kay Travis. "Good afternoon--" napatigil siya at sinundan niya ng tingin ang braso ni Travis na nasa likod ko. "S-Sir."

Tumango si Travis sa kaniya, napalunok ako sa ginagawa niya. Shit ka Travis!

"Kumain na kayo?" tanong niya pero nasa akin na ang tingin.

Bahagya pa niyang hinimas ang likod ko para bang tinitingnan niya kung may pawis ako o wala.

Bahagya akong lumayo pero umusog din siya papalapit. Nakita kong nagbaba ng tingin si Alice sa cellphone niya at nagtuloy-tuloy sa panunuod pero alam kong nakikinig siya sa amin.

Pinandilatan ko si Travis. Ngumisi siya saka bahagyang yumukod para may ibulong sa sakin. Kinalibutan ako habang nakatitig lang kay Alice at sa reaksyon niya.

"I have a meeting later, hintayin mo ako, sabay tayo uuwi huh?" bulong niya.

Halos tumuwid ako ng upo dahil kitang-kita kong panlalaki ng mata ni Alice habang nasa cellphone ang mata. Shit! Naririnig niya 'yon syempre!

Bago umalis ay inalis ni Travis ang tali ng buhok. "Cover your neck, baby." huling wika niya bago umalis.

Hindi ako nakapagsalita at nanatili akong nakatuwid ng upo. Hindi rin nagsalita si Alice, gusto kong magpaliwanag pero bago ko pa mabukas ang bibig ko'y umingay na sa paligid.

Ang tili ni Kevin at tawa ni Lisa ang sumira sa katahimikan. Dumating na rin si Daryl na may kausap sa cellphone.

"You okay?" bulong ni Daryl.

Napakurap-kurap ako saka bumulong sa kaniya. Yung sapat lang para hindi marinig nila Kevin. "N-Nagpunta rito si Travis, mukhang nahalata ni Alice."

Hindi siya sumagot, parehas kaming umayos ng upo ng tapunan kami ng tingin ni Alice na para bang alam niyang siya ang pinag-uusapan namin.

"Are you sure you will wait here?" tanong ni Daryl sa akin.

Nasa bungad na kami ng school. Nakauwi na ang tatlo, tumango ako. "Hihintayin ko si Travis, may meeting lang sila."

Tumango siya bago kumamot ng batok. "If you want a help, just text me okay?" aniya saka itinaas pa ang cellphone.

Ngumiti ako saka tumango.

Nang tuluyan umalis si Daryl ay naisipan kong maglakad-lakad muna sa school para hindi ako mainip.

Pumasok ako sa restroom para umihi muna, habang nasa loob ako ng cubicle ay may pumasok. Lalabas na sana ako pero napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Ma'am Bea.

"Yup, I know. Alam ko naman hindi siya makakatanggi, unless he's a gay right? Who would decline my offer? A night with me? Lalaki pa rin si Travis. He will accept it," sabi niya sa kausap ata sa cellphone.

Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Inaakit niya si Travis? What the heck?

Mabilis akong lumabas pero wala na si Ma'am Bea. Mabilis ko siyang sinundan. I won't let her seduce my husband. Kung kailangan kong ipalaklak sa kaniya ang singsing namin ay gagawin ko.

Hindi ba siya nahihiya? Pinipilit niya sa lalaking ayaw sa kaniya?

Nang lumiko siya sa pasilyo ay mas binilisan ko ang lakad ko. Hinihingal na napatigil ako sa paglalakad ng makitang pumasok siya sa isang kwarto.

Shit! Baka nandoon si Travis.

Baka mamaya halikan na naman niya si Travis. Kahit nangako na si Travis ay hindi ako mapanatag lalo na dahil sa narinig ko.

Mabilis ang aking hakbang papunta sa kwarto na iyon, hinanda ko ang aking sarili sa maaaring madatnan ko sa pagbukas ko no'n.

Buong lakas na tinulak ko ang pinto.

Kumalabog ito ng tumama sa pader. Ang tapang ko ay biglang nawala, pakiramdam ko ay namutla ako ng makita ang isang mahabang mesa. Nasa unahan ang President ng school at mga dean. Ang nasa mahabang mesa ay ang officers ng faculty.

Napasinghap ako sa realisasyon! Shit!

May meeting sila! Binukas ko ang bibig ko para magsalita pero wala doon lumalabas, gusto ko na lang lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan.

Lahat ng guro doon ay gulat na napalingon sa akin.

"Who are you? What are you doing here?!" matigas na usal ng matandang lalaki na president ng school.

Kinabahan ako.

"A-Ah..."

Pakiramdam ko ay maiihi ulit ako sa kaba. Bago ko pa mas mapahiya ang sarili ko ay tumayo si Travis na kalmado ng mukha humarap sa president.

"She's my student, President. Sorry this is emergency. Please excuse us," malamig na usal ni Travis.

Kunot-noong tumitig sa kaniya ang matanda. Nakita ko kung paano umirap si Ma'am Bea sa ginawa ni Travis.

"Okay, De Vega."

Mabilis na lumapit sa akin si Travis saka ako hinawakan sa siko't inalalayan palabas sa lugar na 'yon.

Walang nagsalita sa amin hanggang makarating kami sa office niya. Nang masara niya iyon ay hinarap niya ako.

"What happened?" nag-aalalang aniya.

Napasinghap ako ng naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko. Akala ko'y magagalit siya sa akin.

Umiling ako."A-Akala ko kayong dalawa lang ni Ma'am Bea doon," pag-aamin ko. "I-Im sorry."

Dinungaw niya ang mukha ko saka napanguso siya animong nagpipigil ng ngiti.  "Ang sweet mo naman sinundo mo pa ako sa meeting," tukso niya.

Tinabig ko ang kamay niya kaya humalakhak siya at niyakap ako't hinalikan sa noo.

"Sabi ni Ma'am Bea, inaya ka niya o aayain ka na niya," mapait na bigkas ko.

"Aayain, saan?" inosenteng tanong niya.

Bahagya siyang lumayo upang makita ang mukha ko, inirapan ko siya.

"Yayain sa ano, yung ano."

Hinimas niya aking beywang. "Hindi ko na siya kinakausap, hindi ko siya nilalapitan. I won't accept any offer from her. Don't worry I know where I will stand. I'm a married man, and If I want that, I have you."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nanatili kami sa ganon ng ilang minuto, hinawakan niya ang aking baba.

His lips brush mine. Not innocently, like a tease but hot, fiery, passionate and demanding. Napahawak ako sa braso ni Travis dahil sa ginawa niya.

"Meron ka pa ba?" he whispered against my lips.

Wala sa sariling kinagat ko ang ibabang labi ko. "W-Wala na..."

I want to pull away before I lose myself but I can’t seem to…In this minty moment, my senses have been seduced and I can no longer think straight.

"Good. Very good," he whispers slowly, prolonging each letter as if to savor them.

I smile, my heart fluttering at his voice as I clasp my hands on either side of his face.

I kissed him, he groaned because of that. Hinawakan niya ang aking beywang saka ako walang hirap na binuhat habang hindi naghihiwalay ang aming labi.

Narinig ko ang mga nahulog na gamit ng hawiin niya ang mga nasa ibabaw ng lamesa niya. Inilapag niya ako doon.

My arms reached up and tangled around his thick, strong neck.

"Hmm." I moaned.

His lips was warm and tasted of mint; he had obviously been chewing gum earlier. His hands were wrapped around my waist and mine locked around his neck pulling him down slightly.

Hinihingal na naghiwalay ang aming labi.

"Baby, I want a baby." He begged.

Humalakhak ako dahil sa sinabi niya. Oh no, I want too.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store