ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 19

SaviorKitty


Kabanata 19

Napasinghap ako dahil kay Daryl. Kalmado lang ang kaniyang mukha habang nakatingin kay Travis na nakayakap sa akin. Hinawakan ko ang braso ni Travis na nakayakap sa akin upang kalasin iyon.

"Please believe in me, don't come with him," he said, shaking his head on back of my neck.

"T-Travis bitawan mo na ako, m-mamaya na tayo mag-usap. M-May klase kami," pakiramdam ko ay wala siyang balak na pakawalan ako. "T-Travis, nasasaktan ako sa hawak mo." I lied.

Dahan-dahan lumuwag ang hawak niya sa akin, kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kumalas sa kaniya. I can see fear and anger in his eyes. His jaw clenched.

"Let's talk, sandali lang..." he mumbled.

Napailing ako, naniniwala ako sayo Travis at naiinis ako sa sarili ko dahil kahit ano atang gawin mo ay sayo pa rin ako maniniwala. Gusto ko lang talaga umalis, lumayo muna sa kaniya. Pakiramdam ko kasi mawawala ko ang sarili ko kapag nagpatuloy ako sa tabi niya.

"M-Mamaya na."

Mabilis akong lumabas doon, narinig ko pang tinawag niya ako pero tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi, I can't believe that I love him so much. I trust him so much.

Dederetsyo sana ako sa field pero mainit at maraming tao, kailangan ko mapag-isa. Habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid ay naramdaman kong may tumabi sa aking gilid.

"Let's go somewhere," I turned my gaze to Daryl.

Nasa kaniyang bulsa ang dalawa niyang palad. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga nagpapractice sa field. Para bang wala lang nangyari, alam kong madami siyang tanong. He saw us, I can't hide the truth to him now.

Tumalikod si Daryl, sumunod ako sa kaniya.

Tahimik kaming naglakad hanggang makarating sa likod ng school. Akala ko ay hihinto kami sa garden sa likod ng school pero nagtuloy-tuloy siya sa dulo, madami ng matataas na damo doon kaya napatigil ako sa paglalakad at pagsunod sa kaniya.

"Anong gagawin natin dyan?" tanong ko sa kaniya, bahagyang kumunot ang aking noo.

Nilingon niya ako. "Gusto mo ng tahimik 'di ba? I'll guide you," kalmadong wika niya.

Lumingon ako sa pinanggalingan namin, kapag bumalik ako doon saan ako tatambay? Ayoko pang pumunta sa room. Paniguradong hahanapin naman ako ni Travis.

Napabuntong-hininga ako bago sumunod kay Daryl.

Dumaan nga kami sa matataas na damuhan. Napatigil kami sa paglalakad ng maabot namin ang hindi kataasan bakod, lalabas na kami ng school. Ngayon lang ako nagawi rito, ngayon ko nga lang nalaman na may ganito rito. "Aakyat tayo dyan?" takang tanong ko sa kaniya.

"Yup," ang bakod na sa tingin ko'y hanggang dibdib niya.

Umiling ako, gusto ko mapag-isa pero grabe naman 'to! Baka bigla niya ako iwan sa kabilang bakod hindi na ako makabalik. Baka mamatay pa ako at mabalian ng buto dyan.

"B-Bumalik na lang tayo," tanggi ko.

Lumuhod siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Hinabad niya ang uniform niya kaya natira ay ang sando niyang puti, gulat akong lumingon sa kaniya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Tumungtong ka sa balikat ko para makaakyat ka, dali."

Nag-aalinlangan akong sumunod sa kaniya. Hindi ko maiwasan sa batak niyang katawan, kita ko ang matigas niyang braso siguro ay dahil sa pagta-trabaho niya.

"Nakapalda ako," usal ko. Nag-aalinlangan.

"I know," bumaba ang kaniyang tingin sa palda ko. "Mas madali nga umakyat nyan e. I won't look promise," tinaas pa niya ang kamay na parang nanunumpa.

Ginawa ko ang gusto ni Daryl. Nakaakyat ako sa itaas, nakaupo ako sa sementong bakod. Nilingon ko siya sa ibaba. "Paano ako bababa?" kinakabahan tanong ko. Naiimagine ko na ang bali kong buto.

Hindi siya sumagot, mabilis siyang umakyat sa bakod ng walang kahirap-hirap habang nakapatong sa balikat ang uniform niya. Tumalon siya sa kabila saka ako tiningala.

"Come here, I will catch you."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, baka hindi niya ako kaya. "A-Ayoko," my lips protruded.

"Dali na, Sascha. Sasaluhin kita, come on babe," pagpupursigi niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya't pikit matang tumalon ako, natatawang sinalo niya ako sa beywang saka dahan-dahan binaba.

Sinapak ko siya sa braso. "Kapag ako namatay sa mga pinaggagawa mo Daryl, mumultuhin kita."

Ngumisi lang siya sa akin bago isuot ulit ang uniform niya na hindi inaalis ang tingin sa akin, inirapan ko si Daryl dahil naiinis ako ngisi niya. Tama nga siya, mukha siyang malibog kapag nakangisi.

Kung hindi ko siya kilala ay gano'n nga ang iisipin ko.

Hinawakan niya ang aking braso saka ako hinila kung saan, kumabog ang puso ko nang makita kung saan kami pupunta. Halos manlaki ang aking mata, hindi ko alam na may ganito rito.

Binitawan niya ako ng makalapit kami sa lawa. Rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon, pakiramdam ko ay bigla kaming napunta sa ibang panahon. Malayong-malayo sa school na maingay.

Ang bigat sa dibdib ko ay unti-unting nawala. Huminga ako ng malalim.

"Paano mo 'to nalaman?" tanong ko sa kaniya.

Umupo kaming pareho sa damuhan habang pinapanuod ang mga dahon na lumulutang sa lawa.

"First week of classes. Natatae kasi ako no'n kaya naghanap ako ibang daan palabas," seryosong aniya.

Natawa ako sa kaniya, "Siraulo."

"Kidding, sa garden lang dapat ako tatambay no'n. Na-curious lang ako kung ano ang nasa likudan ng bakod."

Tumango ako, huminga ako ng palalim saka ibinalik ang tingin sa lawa. Kalmado ang tubig.

Lumipas ang ilang sandali ay hindi siya nagsalita para bang hinahayaan niya lang ako makapag-isip, nakatulong naman iyon.

Bumalik ang isip ko sa nakita ko kanina, sumisikip ang dibdib ko. Bakit ba kasi nandoon si Ma'am Bea? Pwede naman niya itong itulak, bakit noong nakita niya ako doon pa lang niya tinulak?

"I'm sorry about the k-kiss," mahinang usal ni Daryl sa aking gilid.

Saan kiss? Sa ginawa niya o sa nakita ko? Hindi ako nagsalita.

Kumuha siya ng bato saka ibinato iyon sa lawa, narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim.

"Hindi ka ba magtatanong sa nakita mo sa office?"

Tumingala siya sa mga puno, itinukod ang dalawang siko sa damuhan. Bahagya na siyang nakahiga.

"You are married to him, right?" napakurap-kurap ako sa tanong niya.

Hindi ko inaasahan na iyan ang sasabihin niya. Ang inaasahan ko ay katulad ni Sir Rico ang magiging reaksyon niya.

"H-How did you know?"

Umangat ang sulok ng kaniyang labi habang nakatingala pa rin. "I'm a very observant person, napansin ko noong simula pa lang ng klase, iba 'yong tingin niya sa ati. Akala ko noon bakla si Sir, kasi gano'n siya makatingin sa akin..." Humalakhak siya. "Hindi pala. Nakita kitang pumunta sa office niya ilang beses, sa banyo nakita ko rin kayo noong sumabay siyang kumain sa atin. Akala ko hinaharass ka ni Sir." Tumingin siya sa akin saka sa kamay ko pero wala doon ang singsing ko na alam kong hinahanap niya. "Noong umuulan doon ko lang talaga napatunayan, hindi naman ako umalis, nagtago lang ako kasi curious ako sino susundo sa'yo. Kitang-kita ko ang reaksyon mo ng makita mo si Sir, k-kasama ang A-Ate ko."

Huminga siya ng malalim.

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na sa hita.

"Then, I realized... You are a De Vega too. Imposibleng magkapatid kayo, hindi gano'n ang magkapatid. Sorry about the kiss, I actually saw Ma'am Bea. Narinig kong pinipilit niya ang asawa mo na kumain sa labas. Umalis na ako, tapos nakita kita. Hmm, maybe my reason was a bullshit, hinalikan kita para matigil ka't hindi sila makita. Iniisip ko kasing may relasyon sila, sorry. Hindi ko inaasahan nandoon si Nade sa locker room." pahina nang pahina ang boses niya.

May kumurot sa puso ko dahil sa iniisip ni Daryl. Paano kaya kung totoo may relasyon sila, tapos nadatnan ko ay higit pa doon? Baka makaladkad ko si Mam palabas ng office.

Huminga ako ng malalim.

"Do you like me?" balik tanong ko sa kaniya.

Bahagyang umawang ang kaniyang labi animong hindi inaasahan ang sinabi ko. "No... I mean yes... You're different from other girls. You're beautiful inside and outside. I-I know, you're married now. So you don't have to worry about my feelings. I can handle it," mabilis niyang usal.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok. "Someday you'll find a woman for you, Daryl."

Tipid siyang ngumiti saka kami natahimik.

Sabi ko noon, madali lang naman matutunan mahalin ang tao. Pero mahirap pala, mas maganda pa rin 'yong kusa mong naramdaman na isang araw ay mahal mo na ang isang tao.

Si Travis, I know... He's matured, proffesional and goal centered. Samantalang ako ay hindi ko pa maayos ang desisyon ko sa buhay.

"I love my husband so much, Daryl. Hindi ko rin alam e kung kailan nagsimula. Siguro noon pa man, kahit minsanan lang siya umuwi sa amin noon, na laging sulyapan lang kami, maybe I fall for him that time," kwento ko sa kaniya.

"I know, I can see that," aniya.

Tipid akong ngumiti saka ibinalik na ang tingin sa lawa. I will tell him later my feelings, how much I love him.

"Bakit ka pa nagtatrabaho?" tanong ko kay Daryl pagkalipas ng ilang minuto. Matagal ko na itong gustong itanong sa kaniya.

Halatang nagulat siya. "Ha?"

"Nakita kita, you're working everynight. Kung kapatid mo ang kaibigan ni Travis ibig sabihin mayaman kayo."

Ngumiti siya sa akin. "Sila lang ang mayaman, ako hindi." Tumitig ako kay Daryl. Kung noon na wala pa akong asawa at kung hindi ko pa gusto si Travis ay baka magkagusto ako kay Daryl. Naaalala ko pa noon, mas gusto ko 'yong tipo ni Daryl. Ayoko ng matured at masungit katulad ni Travis pero mapaglaro ang tadhana. Doon ako nahulog sa ayaw ko.

"Ang totoong asawa ng mommy ko ay ang daddy ni Ate Angel, magkaibigan 'yong daddy ko saka daddy niya. To summarize the story, my mom cheated to her husband, She cheated with her husband's bestfriend. Limang taon noon si Ate Angel. Nagbuntis si Mommy sa akin, nagkalabuan sila ng asawa niya. Kinuha ni daddy si Mommy, hanggang manganak, ilang taon din ganon pero nang magkaisip na ako ay doon ko napansin na lagi na silang nag-aaway. Na kaya lang nandoon si Mommy dahil sa akin. In the end, my mom went back to his husband and Ate Angel. She left me to my father in Davao. Doon ako lumaki, magkakilala kami ni Ate Angel, noon ayaw niya sa akin pero unti-unti natanggap naman na niya ako, hindi ako sa bahay nila nakatira, may apartment akong tinutuluyan," mahabang kwento niya.

Tumingala siya, napaawang ang aking labi ng makita ang mapula niyang mata animong anumang oras ay iiyak na siya.

"That's why I'm working, ayokong makatanggap ng pera galing kay Mommy, dahil alam kong pera iyon ng asawa niya. Nakakahiya na, bunga na nga ako ng pagkakamali tapos manggugulo pa ako."

Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin.

"Don't cheat to your husband. Bata ka pa, madami ka pang makikilala kapag dumating ang punto na matutukso ka sa iba lagi mong iisipin kung gaanon mo kamahal ang asawa mo, kung saan kayo nagsimula at kung anong pwedeng mangyari." Hinawakan ko ang braso niya.

Naaawa ako kay Daryl, ramdam ko ang lungkot sa mga kinukwento niya. Akala ko ay wala siyang pinagdadaanan.

"I-I will never do that..."

Ginulo niya ang aking buhok. "Good." Tumayo siya saka inilahad ang kamay sa akin. "Tara na, mukhang okay na. Bumalik na tayo." Tumango ako at tinanggap ang kamay niya upang makatayo.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store