ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 18

SaviorKitty


Kabanata 18

Mabilis ang lakad ko palabas sa restaurant na iyon, hinihingal na sumandal ako sa kotse ni Travis sa parking lot. Hindi ako makapaniwala, ang Angel na 'yon ay kapatid ni Daryl.

What the fuck? Ang bait ni Daryl para maging kapatid 'yon.

Napailing ako, maybe I'm just being judgemental. Baka naman mabait din siya katulad ni Daryl, hindi naman siguro siya magiging bestfriend ni Travis kung katulad siya ng nasa isip ko.

Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ng tumunog ito ng dalawang beses.

Tatay T:
Where are you?

Sascha, I'm going to you. Where are you?

Mabilis akong nagtipa ng reply para sa kaniya.

Reply:
Nasa parking lot na ako, sa kotse mo. I saw Daryl there. He can't see me.

Wala pang limang segundo ay nagreply na siya.

Tatay T:
Stay there.

Huminga ako ng malalim bago itago ang aking telepeno. Ilang sandali pa akong natulala doon bago may humawak sa aking braso kaya gulat na napalingon ako kay Travis.

Seryoso ang kaniyang mukha, imbes na dumeretsyo kami sa harap ay iginiya niya ako papasok sa likod. Kunot-noong pumasok ako, nang makapasok siya ay kaagad akong ginapang ng kaba. Inilagay niya ang pinamili sa sahig ng kotse.

Bakit nandito pa kami? Dapat ay nagdrive na siya pauwi. Baka sinundan siya nila Angel.

"T-Travis bakit?" takang tanong ko't tinitigan siya.

Sumandal siya saka ako nilingon. His eyes are only focused on me. He let a loud breath. I can feel his control over his emotions, anger and worried at the same time.

"Why do we need to hide, baby?" bulong niya.

Nanikip ang dibdib ko sa tono ng boses niya, para bang litong-lito siya sa gusto kong mangyari kahit pa ilang beses ko ng ipinaliwanag ang dahilan ko. Hindi pa kami pwedeng makita sa ngayon, hindi ngayon. Gusto ko sanang unti-untiin. Ayoko lang na masira siya sa school, sa faculty.

I can feel his doubt about my decision, para bang iba ang naiisip niyang dahilan kung bakit ayokong makita kami.

Hindi ako nakasagot sa kaniya.

"Do you like that boy?" nag-iwas siya ng tingin. He folded his long sleeves
till his forearm.

Umiling ako kahit pa hindi siya nakatingin na sa akin. "No..."

Tumango siya pero hindi ko alam kung naniniwala ba siya o tumango lang siya dahil akala niya'y nagsisinungaling ako.

"Hindi talaga," ulit ko.

Nang magtama ang aming mata ay kumabog ang puso ko. Nakabusangot siya't pantay ang kilay halos magsalubong na.

"Are you comfortable with this kind of set up?" mahinahong tanong niya.

Nagulat ako doon dahil matigas ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero malumay ang boses niya.

Gusto kong sumagot pero naiisip ko rin siya, unfair naman ata 'to sa kaniya.

"Kung saan ka kumportable, sige. But I can't promise you kapag nakikita ko may ibang lalaking nakapaligid sa'yo nagdidilim ang paningin ko," umiling-iling siya na parang pati siya ay hindi siya makapaniwala sa sinasabi niya. "Baka makalimutan kong istudyante sila at guro ako." Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago bumaba ang tingin niya sa singsing ko na nasa kwintas na ulit.

"Sila Lisa lang naman lagi kong kasama," kaagad na sagot ko.

"And that Daryl," madiin usal niya.

Sinuklay niya ang kaniyang buhok habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil ultimong paglunok niya ay pinapanuod ko't pinag-aaralan ko bawat kurap niya't pagtama ng pilik mata niya sa ilalim ng mata.

Dahil nabanggit niya si Daryl ay naalala ko ang nangyari sa restaurant.

"K-Kapatid pala ni Angel si Daryl?"

"Ngayon ko lang din nalaman, Angel told me before that she has a stepbrother, brother from her mother. Iba ginagamit nilang apelido, hindi ko alam," paliwanag niya.

Tumango ako, "W-Wala bang nasabi si Angel sa akin tungkol kay Daryl? Is she mentioned my name or what? Sa tingin mo sasabihin niya 'yon kay Daryl?" sunod-sunod kong tanong.

Hinawakan niya ang aking kamay. "I don't know, kung malaman niya ano naman? As if It will change everything," mataman aniya.

"H-Huwag kang mainis kay Daryl, mabait 'yon saka alam mo ba nakita ko siyang nagta-trabaho sa restaurant malapit sa bahay ng magulang mo. He's very hard working," tumango-tango pa ako para maniwala siya.

Kahit madilim sa loob ay nakita ko ng pag-irap niya. "I'm more hard working, I own a house, a car, I have business, and oh I have you."

Dinala niya sa kaniyang labi ang kamay ko't dinampian iyon ng halik.

Ngumisi ako kay Travis. "Hindi ka naman nag hard work sa akin, arrange tayo remember?" panunuya ko sa kaniya.

Ngumuso siya sa sinabi ko't parang hindi na gustuhan ang aking biro kaya humalakhak ako bago siya yakapin. Kaagad naman niyang ipinalupot ang braso sa aking beywang. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat paupo sa kaniyang hita.

"Travis!" gulat na sigaw ko't napahawak na lang sa kaniyang balikat.

"There," komento niya ng mapirmi ang sa hita niya.

Nag-init ang aking mukha sa posisyon namin. Nakaupo ako sa harap niya't nakabukaka paharap sa kaniya. Nakapalda ako!

Pinandilat ko siya.

He smiled at my reaction, he caressed my lips using his thumb.

"I want to shout to the world how much I love you." he whispered while looking at my lips.

"Hindi ka dapat ininilihim, kung ako masusunod bawat makasalubong ko sa school sasabihin kong asawa kita," paos na wika niya.

Lumalim ang aking paghinga. Ngumisi ako para itago ang nararamdaman ko. Marupok ako pero hindi ko 'yon ipapahalata sa kaniya.

"May ka-sweet-tan ka pala sa katawan, samantalang dati halos iniiwasan mo ako kapag umuuwi ka sa bahay, hindi mo nga ako matingnan e," pabirong sumbat ko.

Humalakhak niya saka ako niyakap, ipinalibot niya ang dalawang braso sa aking beywang.

"Paano mo naman nasabing hindi kita tinititigan kung ikaw 'yon hindi ako nililingon? God knows how much I wanted to stay in our house. Kailangan ko pa tapusin kontrato ko doon para makalipat ako rito, malapit sa'yo. Iniiwasan kita kasi baka... baka kapag hindi ko napigilan hindi na ako bumalik sa trabaho ko't hindi na umalis sa bahay," pag-aamin niya.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Mas humigpit ang yakap niya dahilan para mas magdikit ang katawan namin.

Hinawakan niya ang aking baba upang lumapit sa kaniyang mukha. Ramdam ko ang mainit na hininga niya ng tumama sa aking mukha, nang maglapat ang aming labi ay narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga na para bang kay tagal niyng hinintay 'yon.

Napapikit ako.

I kissed him back, sumuporta kaagad ang isa niyang kamay sa aking batok upang hindi maghiwalay ang aming labi habang ang isa niyang kamay ay marahan hinihimas ang aking hita.

"Date ulit tayo sa weekends," bulong niya sa pagitan ng mga halik niya.

Ang kaniyang labi ay unti-unting umalis sa aking labi at pumunta sa aking panga. His tongue trails down to  my neck. Mas binigyan daan ko siya doon, tumingala ako para sa kaniya.

"Shit!"  malutong na mura niya saka hinalikan ulit ang aking leeg.

Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang aking uniform, wala akong pagpipigil na naramdaman. Hindi ko siya pipigilan. Bahagya akong dumilat upang tingnan siya, ang kaniyang mga mata ay may kakaibang emosyon.

Go on, Sir. Do whatever you want. I'm yours.

Napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya ng tuluyan lumantad sa kaniya ang aking harap.

Huminga siya ng malalim bago dampian ng halik ang ibabaw ng kaliwa kong dibdib. Kinilabutan ako ng pinadaan niya ang labi sa aking dibdib para bang lahat ng dinadaanan ng kaniyang labi ay sa kaniya na.

I felt short of breath as he lowered his head and kissed between my breasts and slowly ran his tongue up my neck.   Ang kamay niya sa aking hita ay napunta bigla sa ibabaw ng aking kanan dibdib, His hand gently caressed my right boob.

"T-Travis..."

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang mahinang daing na lumalabas sa aking labi.

Nang dumilat ulit ako ay nagtama ng aming mata, his eyes are burning in so much passion.

"I-I want you now," paos na boses niya saka mariin siyang pumikit na para bang mali iyon.

Umiling siya bago mabigat ang kamay na binutones ulit ang aking uniform. Hindi ako makagalaw, nabigla ako sa mga desisyon niya. What the hell?

Nang maayos niya ang damit ko'y tipid siyang ngumiti kahit mapungay ang matang nakatitig sa akin.

"Nag-aaral ka pa, baka mabuntis kita. Kapag nagtuloy-tuloy ako hindi ko na mapipigilan, I don't like condoms, I will never use that to you. I think I can't do withdrawal, baka tatlong ulos pa lang naputok ko na sa loob mo," paliwanag niya sa akin ng makita ang gulat kong mukha.

Para bang nagpapaliwanag lang siya ng isang lesson na hindi ko maintindihan.

Bigla ako nakaramdam ng hiya, kanina ay hindi ko iyon naisip ngayon unti-unti kong naintindihan ang sinasabi niya. Graduating student ako next sem, kung mabubuntis ako ay mahihirapan ako sa OJT ko. Iniisip niya lang ang maaaring mangyari, sa pag-aaral ko. Samantalang ako ay todo bigay.

Bumalik siya sa pagkakayap sa kaniya pumirmi na lang na ipitanong ang baba sa aking balikat. "Let's stay like this for a while, I need to calm," aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang isang bagay na tumutusok sa aking gita, kahit nakashort at may sanitary napkin ako'y ramdam na ramdam ko.

Hinimas ko ang buhok niya habang nasa gano'n kaming posisyon.

Nang humupa ang tensyon sa pagitan namin ay nag-ayos ako't lumipat na kami sa harap. Katulad ng papunta ay naging tahimik ang biyahe namin ang pinagkaiba lang ay hindi niya binitawan ang kamay ko.

KINABUKASAN ay maaga ako nagising pero nagulat ako ng wala na rin doon si Travis. Nang bumaba ako ay naabutan ko siyang nakaharap sa kalan. Naka black jogging pants siya't naka puting vneck shirt. Nasa bungad pa lang ako ng kusina ay naamoy ko na ng fried rice at longganisa.

Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko dahil bahagya siyang lumingon. Napanguso ako habang nakatingin sa kaniya na may suot na kulay pink na apron.

"Gising na ang misis ko," bungad niya sa akin sabay lahad ng kamay.

Bahagya kong nilinis ang anumang dumi sa mukha ko nakakahiya namn sa kaniya. Maaliwalas ang mukha niya, lalo ng tinanggap niya ang kamay niya.

Hinalikan niya ko sa noo. "Matatapos na 'to, kakain na tayo," bulong niya.

Tumingala ako sa kaniya. "Si Manang?"

"Sinundo ni Terron kaninang alas kwatro." Iginaya niya ako paupo sa aking madalas inuupuan katabi ng sa kaniya.

"Bakit daw? May problema ba sa bahay niyo?"

Umiling siya't pinatay ang kalan. "Wala naman, hindi ko alam kay Terron. Nagising ako kanina dahil sa busina niya, hihiramin muna raw niya si Manang," kibit balikat na aniya saka inilapag ang niluto sa lamesa. "Mukhang handang-handa naman si Manang naka-ayos na dalang maleta e." Tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Bakit kaya?" bulong ko.

Nagkibit balikat siya saka naghain ng pinggan. Ako na ang nagtimpla ng kape, nakakahiya naman sa kaniya.

Nang matapos kami ay siya ang unang naligo, hinugasan ko naman ang pinagkainan namin tutal ay alas otso pa ang pasok namin ngayon.

Habang naghuhugas ako ay nagpatugtog ako mula sa aking cellphone.

Halos mapatalon ako pagkatapos ko ay nakita ko si Travis na nakasandal sa pader malapit sa entrance ng kusina. He looked at me with a serious face, napangiwi ako dahil ang gwapo niya sa uniform niya.

Shit!

Basa pa ang buhok niya, nakasuot na siya ng longsleeve. Nanuot sa ilong ko ang kaniyang amoy, hindi iyon masakit sa pang-amoy.

Hinubad ko ang apron, "Ako naman maligo," paalam ko.

Lalagpasan ko sana siya ng hawakan niya ang braso ko. Napatuwid ako ng tayo saka nagtatanong na tumingin sa kaniya.

"B-Bakit?"

Hindi siya nagsalita, marahan niya akong hinarap sa kaniya. Nagulat pa ako ng ipalupot niya sa akin ang isng braso habang ang isa niyang kamay ay hinawakan ang kamay ko't itinaas iyon.

Nanlaki ang mata ko sa realisasyon sa pwesto namin. Para kaming sasayaw, 'yong mga napapanuod ko sa mga fairytale.

Kasabay ng tugtog ko sa cellphone ko na 10,000 hours ay  ang bahagyang pag galaw ni Travis sa amin.

Marahan niya akong sinasayaw sa kantang iyon.

Ngumiti siya, "I didn't have a chance to dance you on your debut," bulong niya.

Nanginig ang ibabang labi ko at pakiramdam ko'y anumang oras ay tutulo na ang luha ko dahil sa kilos niya. Dahil sa pinaparamdam niya sa akin.

Marahan niya akong inikot saka ibinalik ulit sa kaniyang dibdib. Hinalikan niya ang buhok ko habang marahan gumagalaw, halos siya lang ang kumikilos para sa amin.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

"I was there on your debut, nasa malayo nga lang," aniya.

Inilagay ko ang aking ulo sa balikat niya habang sumasayaw kami. "Gusto ko simula ngayon, sa mga susunod na taon, sa mga dadaan na birthday mo ako na ang kasama mo," ang luha sa mata ko ay tuluyan ng tumulo.

Hindi dahil sa lungkot, masaya ako. Masaya ako kasi akala ko walang lalaki magmamahal sa akin. Hindi perfect family ang pamilya ko.

My father had an affair, bata pa lang kami. Lagi ko silang naririnig ni Mama na nag-aaway dahil sa ibang babae. Ilang beses ko na rin nakita si Mama na umiiyak dahil doon, ilang beses ko na siyang nakitang matulog sa sala kakahintay kay Daddy noon mga bata kami. Ngayon lang sila medyo nagkakaayos. Isa rin ito sa dahilan kaya pumayag ako magpakasal, para makaalis ako sa bahay. Kapag kasi nakikita ko ang magulang ko na magkasama pero parang wala na lang, nasasaktan ako. Hindi ko kaya tumagal doon.

Tinanim ko sa isip ko noon na kapag ako nagkasal sa lalaking hindi magsasawa sa akin kahit gaano kasawa-sawa ang ugali ko.

Sa lalaking tanggap ako kahit na sarili ko mismo hindi ko matanggap.

Kaya ng pinasok ako sa marriage na 'to, naisip kong magagaya rin ako sa magulang ko't ibang relasyon. Na baka magsama na lang kami ng magiging asawa ko dahil may anak kami at hindi dahil mahal namin ang isa't-isa.

Natakot ako, pero ito't pinapatunayan niya ni Travis mali ang lahat ng iniisip ko no'n.

"I'll never leave you Sascha," bulong niya.

Mariin akong pumikit. Sana nga Travis, sana nga.

"I can’t help myself from falling in love with you every day!" sinapo niya ang aking mukha. "I want you in my life for today, tomorrow and forever Sascha."

HINDI maalis ang ngiti sa aking labi hanggang makarating kami sa school. Hanggang magklase ay kahit inisin ako nila Kevin ay parang wala lang sa akin.

Nang magklase kami at si Travis ang professor namin ay ngingisi-ngisi rin siya minsan ay sinusulyapan niya ako habang nagdidiscuss.

Nang maglunch ay pupuntahan ko na sana si Travis dahil sabi niya ay mag-o-order siya sa labas at sabay kami kakain pero bago pa ako makarating doon ay may humigit na ng braso ko.

Gulat akong napalingon kay Daryl.

"Daryl," gulat kong usal.

Kanina sa klase ay hindi niya ako kinausap, tahimik lang siya kaya nagulat ako ngayon.

Hinila niya ako papunta sa locker room ng mga lalaki. Walang tao dahil nga lunch break, karaniwan ay nasa canteen.

Gulat akong hinarap siya.

"A-Anong problema?"

Humakbang siya papalapit sa akin hinawakan ang braso ko. "Do you like me?" deretsahan tanong niya.

Napanganga ako dahil doon. Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako!

Sa gulat ko'y napasinghap ako. Buong lakas ko siyang tinulak.

"Daryl ano ba?!" sigaw ko.

Wala pa akong pakielam kung may makarinig sa amin.

Napakurap-kurap siya sa ginawa ko. "Bakit mo ako hinalikan Daryl, nahihibang ka na ba?" inis na wika ko.

Tinabig ko siya palayo sa akin.

Mariin siyang pumikit. "I-I'm sorry. Sascha."

Napailing ako, "Kaibigan ang turing ko sa'yo Daryl, pero kapag ginawa mo pa 'to ulit hindi ko na alam," akmang hahawakan niya ulit ako ay tinabig ko ulit ang kamay niya.

Huminga ako ng malalim.

Nakita ko ang takot sa kaniyang mata. Hindi sa akin kung hindi dahil sa tao sa likuran ko.

Kumabog ang puso ko ng maisip na may nakakita sa nangyari, daglian akong humarap. Hindi ako kumurap habang nakatingin kay Nade.

Deretsyo lang din ang tingin niya sa amin. Wala akong balak magpaliwanag. Tumalikod na ako sa kanila para makaalis sa lugar na 'yon.

Naikuyom ko ang kamao ko habang papunta sa office ni Travis. Ano bang problema nung si Daryl? Baka tama si Travis, dapat ko siyang iwasan. Hindi naman siya ganyan. He's acting weird lately.

Bumuntong-hininga ko bago pumasok sa office ni Travis. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita si Ma'am Bea na nakalapat ang labi kay Travis. Nanlaki ang mata niya't naitulak si Ma'am ng makita ako.

Karma ko ba 'to dahil kanina?

Hindi ako kumurap.

Tumayo si Travis.

"Sascha," tawag niya sakin. Bumigat ang paghinga ko.

Gulat naman si Ma'am Bea sa reaksyon ko. "I-I have to go," aniya saka umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang tuluyan makaalis. Siguro ay nahiya siya dahil may nakakitang istudyante sa kababuyan nila.

Lumapit si Travis sa akin. Tinitigan ko lang siya. Bakit ganon? Kapag masaya ako, kasunod no'n ay sakit na. Nakakatakot na rin maging masaya.

I saw how scared he is, you should be scared Travis.

Nanuyo ang lalamunan ko habang umuulit ang nadatnan ko.

"S-She kissed me, I-I didn't--"

"Okay."

Hinawakan niya ang braso ko, bumaba ang tingin ko doon. Wala akong maramdaman. "Baby please, maniwala ka nabigla rin ako. Pumunta siya tapos pinapaalis ko na siya tapos bigla niya ako hinalikan," pagsusumamo niya.

Naririnig ko ang paliwanag niya pero hindi ko matanggap.

Tumango lang ako habang blanko ang mukha.

"P-Pasok na ako, h-hindi ako gutom," tumalikod na ako. Nanghihina ako.

Bago ako lumabas ay niyakap niya ako mula sa likod ko. Ibinaon niya ang mukha sa aking leeg. "Baby... Please..."

"N-Naiintindihan ko T-Travis, aalis na ako. Please."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

Tumulo na ang luha ko, nasasaktan na ako Travis, hindi sa yakap kundi sa puso. Ayaw kitang awayin dahil baka mamaya ako na naman ang mali. Ako na naman. Gusto ko lang umalis.

"Please stay..."

Sasagot pa sana ako ng bumukas ang pinto. Napaawang ang bibig ko sa dumating.

"Let her go, Sir. You're hurting her." matigas na usal ni Daryl.

***

10,000 HOURS

https://www.youtube.com/watch?v=jNRp7X7FTxU

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store