ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 17

SaviorKitty


Kabanata 17

"Holy shit!"

I gasped as I looked at Sir Rico's horrified face. His eyes are wide open. His jaw dropped. Pakiramdam ko ba'y hindi niya alam ang gagawin habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Travis.

Nagdadalawang isip siya kung aalis ba siya o papasok. Kung sisigaw o pipikit.

Mabilis akong umalis sa hita ni Travis na bahagya pang sumimangot sa aking ginawa. Kalmado lamang ang kaniyang mukha habang ako kulang na lang ay lumuhod na sa harap ni Sir Rico para lang huwag ipagsabi ang nakita.

"S-Sir..."

Sa huli ay dahan-dahan niyang sinara ang pintuan bago tuluyan maisara ay sumilip pa siya sa labas animong sinisigurado niyang walang tao.

I could feel my nerves tingling like being tickled with a small feather. I could hear my own heartbeat. Bumukas ang bibig ko para sana tawagin si Sir pero napatuwid ako ng tayo ng kalabitin ni Travis ang beywang ko.

Bumaba ang tingin ko sa kaniya na prenteng nakaupo, nginuso niya ang buhok kong hindi ko namalayan na gulo-gulo na. Bahagya ko iyon inayos saka bahagyang lumayo sa kaniya.

Nang humarap sa amin si Sir Rico ay para siyang aatakihin. May nurse kaya sa clinic? Baka biglang bumulagta si Sir. Jusko!

"I-I know I should have listen to my gut instict. I have a feelings about this! B-But I didn't expect to..." hindi niya natuloy ang litanya habang naglalakad-balik sa harapan ng lamesa ni Travis.

Naikuyom ko ang kamay sa aking palda. Kapag talaga biglang lumabas si Sir Rico haharangan ko siya. Maybe I can push him to stop? Oh gosh.

Napakamot pa sa batok si Sir Rico saka tumingin sa akin na nagtatanong ang mata saka bumaba ang tingin kay Travis na bahagya pang ginagalaw-galaw ang swivel chair niya animong natutuwa sa reaksyon ng kapwa guro.

Gusto ko siyang batukan.

"Travis, alam kong gwapo ka pero bro, hindi ganito. Huwag ganito. Istudyante mo 'yan," bahagya siyang sumulyap sa akin para bang iniingatan niya ang salitang gagamitin niya bago magpatuloy.  "Alam mo ba ang ginagawa mo? I-I can keep my mouth shut. P-Pare I respect your decision pero mali 'to. Teacher ka, istudyante 'yan. She's what? Seventeen?  Fifteen?  Madedemanda ka rito Travis!" madiin usal ni Sir Rico para bang nakatuklas siya ng isang sakit na hindi niya alam kung paano malulunasan.

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Humalakhak naman si Travis. "She's eighteen." pagtatama niya pa!

Napaawang ang labi ni Sir Rico para bang nakakita siya ng multo sa katawan ni Travis.

"Eighteen. Eighteen. Pwede na, pwede na..." bulong ni Sir Rico sa sarili bago ngumiwi kay Travis. "But that's not my point, bro. My point is, this is against the law. Alam mo 'yan, kahit gaano ka ka-attracted sa istudyante mo ay hindi dapat. You know what will you lose if they found out this. Your work, your license. What will happen if her parents found out this? Baka kasukahan ka ng magulang nyan. Think about this bro." Pinandilatan pa niya si Travis.

Namewang si Sir Rico sa harap namin na para bang isa siyang magulang na naabutan ang anak na may kasamang babae. Nanlamig ang aking kamay.

I feel uneasy and agitated.

"H-Hindi po nila malalaman," gagad kong wika.

Napunta sa akin ang tingin ni Sir Rico. Napailing lang para bang hindi siya naniniwala. "H-Hindi po namin sasabihin. H-Huwag niyo pong sabihin Sir. Please."

Humakbang ako para sana lapitan si Sir Rico pero hinawakan ni Travis ang aking pulsuhan.

"Don't say please, my queen don't beg," malamig na wika ni Travis sa akin.

Nagkatitigan kami, gumawa naman si Sir Rico ng madamdaming pagsinghap. "Holy shit! I can't believe this!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung pwede namin siyang pagkatiwalan ni Travis. Kung ganitong kalmado naman si Travis sa harapan niya ay baka wala naman akong dapat pang ipag-alala. Natatakot ako sa sinabi ni Sir Rico na pwedeng mawalan ng trabaho si Travis kapag kumalat ito. Kapag ba nalaman nilang kasal kami? Anong mangyayari? Kahit naman ata anong ipaliwanag namin ay magiging madumi pa rin ng tingin ng iba.

"Can you please calm down, you scaring her," wika ni Travis.

Totoo 'yon, halos manlamig ang kamay ko sa mga eksena sa isip ko na pwedeng mangyari.

Tumayo si Travis, kinapos ako ng hininga ng ang kamay niya ay awtomatikong hinimas ang buhok ko animong mawawala no'n ang lahat ng mga naiisip ko.

"Travis!" tawag ni Sir Rico.

Napabuntong-hininga siyang tumingin sa lalaking guro. Itinikom ko ang aking bibig.

"What? Why are you here?" kalmadong tanong niya.

Napailing si Sir Rico sa binigay na reaksyon ni Travis. Dapat ata ay mas maganda kung pakiusapan na namin siya na huwag ipagsabi sa ibang guro ang nakita.

"I-Itatago niyo talaga 'yan?" hindi makapaniwalang wika ni Sir Rico.

Sumulyap naman sa akin si Travis. Gumalaw ang kaniyang adams apple ng magtama ang aming mata, parang gusto niyang magsalita pero tinatansya pa niya ang aking sasabihin.

Tumango ako bilang sagot. "O-Opo."

Bumuga ng hangin si Sir Rico. "Hindi ba't mas maganda kung itigil niyo na muna 'yan. I mean wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero mapapahamak kayo." Kinamot pa niya ang ulo niya.

Nagdilim ang mukha ni Travis sa sinabi ni Sir. Ang kaniyang kamao ay kaagad niyang naikuyom para bang isang kalabit na lang ay handa na siyang manuntok. Inilagay niya iyon sa loob ng kaniyang bulsa.

"No, that's not an option. Kung gusto niyang ilihim 'to. Fine. I'll try. But I can't promise. I can pretend but I can't stop this, I won't let her leave me, Rico kung iyon ang gusto mo. Honestly, I don't need any opinion about this," madiin aniya.

"T-Travis ano ba?!" gulat na wika ko dahil masyado na ata ang sinabi niya kay Sir.

Wala naman nagbago sa reaksyon ni Sir. "I'm just suggesting! Wala akong ibang meaning doon. Malaking problema 'to. You're having an affair with your student."

Hinawakan ko ang braso ni Travis dahil baka kung anong gawin niya. Bumaba naman doon ang mata ni Sir Rico bago napamewang sa amin. Para bang hinahanda niya pa ang sarili sa ano pang pwede pang makita.

"Iha, alam ko naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. You are his student--"

"She's not just my student," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Travis. Hinila ko ang braso niya para tumigil. "If you want me to avoid her for my licence, go on. I will surely open my arms to surrender and give up my license for her. Mawala na lahat Rico, huwag lang ang Misis ko."

Napaawang ang aking labi sa sinabi niya, akala ko ay sobra ng lakas ng kabog ng dibdib ko kanina pero may mas ilalakas pa pala.

Ang gulat na mukha ni Sir Rico ay mas nagulat pa. Namutla siya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin na para bang hindi siya makapaniwalang asawa ako ni Travis.

"Y-You're kidding me." He gasped.

Hinarap ako ni Travis. Lumapit ang mukha niya na parang bubulong. "Pumasok ka na, ako ng bahala rito. Sabay tayong uuwi mamaya. Hihintayin kita sa kotse," aniya.

Wala sa sariling napatango ako bago lumabas sa lugar na 'yon. Tulala ako habang naglalakad papunta sa room namin. Kinakabahan ako kasi nakita kami ni Sir Rico. Naiintindihan ko ang point niya, siguro ay iniisip niya lang din sa Travis.

Ubos ang enerhiya ko hanggang magklase kami, sinabon ako ng mga kaibigan ko kung saan ako nanggaling at kung bakit tumaggal pa ako.

"Hindi e, iba talaga sis! Hindi ganyan kapula ang labi mo sis. Anong gamit mong liptint huh?" nanunuyang usal ni Kevin sabay taas-taas pa ng kilay.

Nagliligpit na kami ng gamit, pauwi. Kanina pa nila ako inaasar ni Lisa na baka raw sa ibang course ang kasintahan ko.

Si Alice naman ay tahimik lang at nakikinig. Napalingon ako kay Daryl ng marinig ang malakas niyang buntong-hininga. Palabas na kami ng classroom.

Tumango siya bago sumabay sa akin maglakad habang nasa harapan namin sila Kevin.

"Where have you been?" tanong niya habang nasa bulsa ang parehong kamay.

"May kinausap lang ako, saka masakit puson ko kanina," well, half-truth naman iyon. Bahagya siyang sumulyap sa sinabi ko.

"Ayos ka na nyan?"

Tipid akong ngumiti at tumango. Huminto kami sa harap ng restroom dahil magre-retouch muna raw sila Lisa. Naiilang ako sa uri ng titig ni Daryl parang may gusto siyang itanong pero hindi niya maituloy.

Bubukas na sana ang kaniyang bibig ng may babaeng huminto sa amin gilid. Sabay kaming napalingon kay Nade. Suot niya ang salamin niya't bahagya pang iniayos.

"Oh Nade," bungad ni Daryl.

"M-May sasabihin ako sa'yo," kay Daryl lang siya nakatingin.

Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko dahil doon. Nagkatinginan kami ni Daryl sandali pa niya akong tinitigan bago sumama kay Nade. Katulad noong mga nakaraan ay lumayo sila sa akin.

Naningkit ang aking mata sa kanila. Something is off. Ano kayang pinag-uusapan nila?

"Hala uy! Inuunahan na ako ni Nade," madramang wika ni Kevin pagkalabas ng restroom. Bahagya pa siyang napasandal sa pader at napahawak sa puso.

Lumabas na rin si Lisa at Alice. Humalukipkip si Lisa habang nakatingin sa dalawa sa malayo. "Ano kayang pinag-uusapan nila?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako, nahagip ng aking tingin ang naniningkit na mata ni Alice sa akin para bang pinag-aaralan niya ang reaksyon ko.

Nang makabalik si Daryl ay seryoso ang kaniyang mukha. Para bang may malalim siyang iniisip, nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya. Pakiramdam ko ba'y lahat ng tao ay pinapanuod ang akibg galaw o baka naman nag-iisip na naman ako ng sobra.

Sa parking lot ay naghiwalay-hiwalay na kami. Hinihintay ko silang makaalis lahat, akala ko'y mahihirapan akong paalisin si Daryl pero dere-deretsyo lang ang kaniyang lakad palabas na parang wala sa sarili.

Tumunog ang kotse ni Travis ng tumapat sa akin. Mabilis akong pumasok doon. Nagulat pa ako ng mabilis niya akong halikan sa noo saka pinausad ang kotse. Para saan naman 'yon?

Tumikhim ako habang nasa biyahe na kami.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng mapansin sa kabilang daan kami papunta.

"Mall, may bibilhin lang ako. You can buy whatever you want too," aniya.

Bahagya niya akong sinulyapan saka inilagay ang palad sa aking hita. He rested his hand to my thigh. Ramdam ko ang init doon kaya para akong kakapusin ng hininga.

"Dala ko na 'yong paperbag mo." Tumango ako sa sinabi niya.

"A-Anong sinabi ni Sir?"

Bahagya niyang hinimas ang hita ko kaya mas itinikom ko iyon. "Nothing, He can't believed that I have a beautiful wife," umangat ang sulok ng kaniyang labi.

"B-Baka sabihin niya sa D-Dean."

Napabuntong-hininga siya. "Why are you so scared? Ano naman kung malaman nila, we're married. Bago pa ako magturo dyan asawa na kita." He pointed out.

"B-Basta, huwag muna. Huwag ngayon." Umiling-iling pa ako para mas maramdaman niyang ayoko. Hindi pa ngayon.

Tahimik na ang buong biyahe namin hanggang makarating kami sa mall. Hindi kami sabay maglakad, palagi akong nagpapahuli pero lagi rin niyang binabagalan ang lakad niya. Natatakot akong baka may makakita sa amin at hindi malabo iyon.

Habang naglalakad kami ay nag-iisip na ako ng idadahilan sa makakakita sa amin.

Pumasok si Travis sa isang bookstore, may binili siya doon gamit niya para sa school. Pagkatapos no'n ay nadaan kami sa isang pangbabaeng boutique.

Ayoko sanang pumasok pero nahila na niya ako. Kaagad tumama ang mga mata ng mga babaeng nandoon sa kaniya. Para bang may magnet siya't awtomatikong mapapalingon ang babae kahit pa may kasamang ibang lalaki.

Humalukipkip ako ng may lumapit na isang saleslady.

"Good afternoon Sir," bati ng babae sabay hawi ng buhok. Sir lang? Ano ako rito? Mannequin?

Blanko ang mukha ni Travis na hinawakan ang kamay ko, "I want to see your dress, blouse and pants for her size."

Tumango ang babae na para bang walang ibang tao, nakatitig lang ito kay Travis at nakangiti. Bumaba ang tingin sa akin ng babae taas-noo ko siyang tiningnan.

"Ay ibibili niyo po ng damit ang kapatid niyo Sir." maligayang wika ng babae.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Eh kung ipalaklak ko kaya sa babae na 'to mga tinitinda nilang damit? Mukha ba kaming magkapatid? Tsk.

Nang lumingon ako kay Travis ay nakatitig siya sa akin habang may naglalarong ngiti sa labi. Natutuwa pa talaga siya.

Inagaw ko ang aking kamay sa kaniya. Ayoko na rito!

Tumalikod na ako palabas doon. Hindi ko na sila nilingon pa. Nakakabadtrip! Kapag lumaki ako babalik ako sa shop na 'yon.

"Sascha!" He chuckled.

Naramdaman kong sinundan niya ako pero mas lalo nadagdagan ang inis ko dahil naririnig kong tumatawa siya sa aking likod.

Nang makalayo kami sa pesteng shop na 'yon ay hinawakan niya ang aking braso saka hinarap sa kaniya. Pilit kong iniiwas ang aking tingin. Dahil baka kapag nakita ko ang mata niya ay mawala ang inis ko.

Ganon ko siya kagusto.

"Cha," tawag niya ulit.

Ngumuso ako at tuluyan tumigil sa paglakad, hinarap niya ako. Hindi ako tumingin sa kaniyang mukha, nanatili ang aking tingin sa kaniyang dibdib.

"Umuwi na tayo, tapos ka naba sa bibilhin mo?" walang buhay na tanong ko sa kaniya.

"Bibilhan kita ng damit, bakit ka umalis?" malumanay na tanong niya.

Sasagot na sana ng may biglang tumawag sa kaniya mula sa aking likod.

"Trav!"

Nanlaki ang mata ko dahil kilala ko ang boses na iyon. Lumagpas ang tingin ni Travis sa aking likod. Sa ingay ng mall ay narinig ko pa ang tunog ng kaniyang stiletto.

"Trav! Oh my! my! my! Ikaw nga. I thought ibang man. I didn't expect you here. You should tawag me na here ka pala---ohh." Napangiwi ako sa pagsasalita niya. Mukhang ngayon niya lang din ako nakita.

Blankong mukha akong humarap.

Gusto ko na lang lumubog sa kinakatayuan ko ng makita ang maganda niyang damit. Kulay pula ito't hapit na hapit ang kaniyang katawan.

Nawala ang ngiti niya labi niya ng makita ako lalo ng ilagay ko sa beywang ni Travis ang aking kamay. Niyakap ko ang kaliwa kong braso mula sa kaniyang likod. Narinig kong humalakhak si Travis saka ako inakbayan naman.

Bakit siya tuwang-tuwa? Dahil nandito 'yang Angel na 'yan?

"Angel," tawag niya.

Napakurap-kurap ito saka bumalik ang ngiti sa labi na bumaling kay Travis. "You're here pala."

"Yup, I'm with my wife." Bahagya niyang pinisil ang balikat ko. "Baby this is Angel, she's my bestfriend."

Hindi ako ngumiti, tumango lang ako. Bakit ako ngingiti e ayoko sa kaniya. Ang ngiti ko ay para sa mga taong gusto ko lang.

"Hi," sabi niya sa akin saka bumaling ulit kay Travis. "Do you want to eat? Wala kasi akong kasama kumain. Sobrang bored sa hotel," kuminang ang mata niya.

Bumaba ang tingin sa akin ni Travis. "Sorry, Angel. My wife is tired and--"

"No, okay lang." Kaagad na sagot ko.

Ayokong isipin na pinag-iiwas ko sila. Inis ako at wala akong tiwala sa babae na iyan pero dahil sabi naman ni Travis na magkaibigan sila ay pagbibigyan ko.

Mas nauna silang magkakilala bago sa akin.

Pumalakpak siya. "Yey! May na see akong resto, near lang here mukhang delicious naman. Let's go?"

Tumalikod na siya sa amin at naglakad na halatang proud na proud siya para naman akong nanliit.

"You sure? We can leave if you want. Sa bahay na lang tayo kumain." Binitawan ko ang hawak ko sa kaniya saka sumunod kay Angel.

Kakain lang naman. Walang problema.

Nang dumating kami doon ay kaagad tinawag ni Angel ang waiter. Umorder siya't gano'n din si Travis. Tahimik lang ako, pakiramdam ko ba ay ako ang third wheel sa dalawang maganda't gwapo sa lamesang ito.

Napalingon ako kay Travis ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking hita. Naka-uniform pa rin ako kaya ramdam ko ang medyo magaspang niyang palad doon.

"Travis, may know ka bang store na bilihan ng furniture? I think I need to add more," sa isip ko'y ginagawa kong magsalita si Angel. Ang arte.

"I'll ask my mom," simpleng sagot ni  Travis, pinirmi niya ang kamay sa aking tuhod.

Tumunog naman ang telepeno ni Angel. Naningkit ang mata ko sa bawat galaw niya.

"Hello? Brother where na you? Oh my gosh, come here na. Ipapakilala kita sa bestfriend ko." Tumawa pa si Angel sa kausap habang nakatingin kay Travis.

Sumulyap ako kay Travis na nakatingin lang sa akin. "Travis, ano ba?" bulong ko dahil halos harapin na niya ako.

"What?"

"Umayos ka ng upo."

"I'm good like this."

Napailing ako sa kaniya, gusto ko ang atensyon binibigay niya at nahihiya rin ako. Nasa public place kami anumang oras ay maaari kaming makita.

"Trav, pupunta rito ang step brother ko. I want you to meet him."

Nilingon na siya ni Travis saka tumango. "Sure, Angel."

Tumayo ako dahil para akong kakapusin ng hininga. "Restroom lang," mabilis kong usal.

"Let's go," tatayo sana si Travis at sasamahan ako ng umiling ako.

"Hindi na, sandali lang ako."

Sumulyap ako kay Angel na ngayon ay ngingiti-ngiti sa amin. Kaibigan ka ng asawa ko pero hindi ibig sabihin no'n ay magtitiwala ako. Maraming relasyon ang nasira dahil sa salitang kaibigan.

Mabilis akong pumunta sa banyo at umihi. Bahagya ko rin inayos ang buhok ko, para naman kasi akong alalay nila.

Paglabas ko ay napatigil ako ng makitang tatlo na sila sa lamesa. Si Travis ang nakaharap sa aking gawi.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang kapatid na tinutukoy ni Angel.

Kumabog ang puso ko.

"D-Daryl..." bulong ko bago umatras.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store