ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 16

SaviorKitty

Good evening! Enjoy Reading!

Kabanata 16

Sinamaan ko ng tingin ang lamesa ni Travis habang nakatitig ako roon. Akala ko'y magiging madali ang maghintay doon pero habang nililibot ko ang paningin sa buong kwarto ay kumukulo ang aking ulo.

Bawat sulok ay naiisip ko ang ginagawa nila.

Naikuyom ko ang aking palad. Gusto ko na magtanong kay Travis pero natatakot ako sa isasagot niya.

Is it possible? To feel urge to know something and feel fear at the same time. Fear to be hurt because you expected too much. You trust too much.

Napakamot ako sa aking ulo habang nakatayo, ayokong umupo sa sofa dahil baka nadumihan ko ang kulay gray nitong balot.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok doon. Hindi ako nagsalita, kahit pa sirain ang pinto na iyan ay hindi ako magsasalita. Baka mamaya ay hindi naman si Travis.

"Sascha, it's me."

Napabuga ako ng hangin dahil siya na iyon, mabilis akong lumapit at binuksan ang pintuan. Kaagad pumasok si Travis, halos wala pang sampong minuto simula umalis siya. Masyado atang pinaharurot nito ang kotse.

Iniabot niya sa akin ang isang brown na paperbag. Binuklat ko iyon, kinagat ko ang ibabang labi nang makita ang kulay blue na bulaklaking panty ko. Napakunot ang aking noo ng makitang isang balot na whisper na violet ang nandoon.

Nang lumingon ako sa kaniya ay napakamot siya sa batok.

"I-I didn't find your sanitary napkin at home, I was about to ask Manang but she's sleeping. S-So uhm... I went to store..." naputol-putol na kwento niya.

Napakurap-kurap ko habang kinagat naman niya ang ibabang labi. Naimagine ko siya na pumipili ng napkin sa isang store. Damn!

"Is it right baby?" nag-aalang tanong niya.

Kumabog ang puso ko sa tawag niya sa akin pero kaagad ko rin nilabahan ang karupukan ko. Dapat ay kahit gaano ko kagusto si Travis ay hindi ako masyadong magpahalata.

"O-Oo ayos naman 'to. Thank you, Travis." Tumikhim ako.

Tumango siya animong nakahinga ng maluwag sa aking sinabi. "Welcome. Wala akong banyo rito pero meron doon sa dulo bago bumaba ng hagdan, I'll go with you."

Umiling ako, baka may makakita pa sa amin. "Huwag na. A-Ah ako na lang."

Bumukas ang kaniyang bibig animong may sasabihin pa pero tumalikod na ako para makapagpalit na.

Mabilis ang kilos ko na naglinis at nagpalit. Hindi ko maiwasan mangiti habang binubuksan ang biniling isang balot ni Travis. Siguro ay halos pagtinginan siya no'n bumibili siya. Kay gwapog lalaki ay utusan ng asawa.

Nang makalabas ako ay bumalik ako sa office ni Travis para pasalamatan siya saka para itabi muna doon ang hinubad kong gamit. Huwag lang sanang makita ng iba.

Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo na swivel chair niya habang nakasandal ang ulo sa sandalan nito. Tulala siya animong malalim ang inisip. Nang mapansin niyang pumasok ako ay nilingon niya ako.

Seryoso ko siyang tiningnan.

"Iiwan ko muna rito ito, kukunin ko mamayang uwian. Saan ko ba pwedeng ilagay?" wika ko.

Tumango siya animong pinapalapit ako sa kaniya. Napabuntong-hininga ako bago maglakad papalapit kung nasaan siya. Para bang pagod na pagod ang kaniyang mga mata habang pinapanuod akong lumapit sa kaniya.

Nang makalapit ako sa kaniyang gilid ay inikot niya ang swivel chair para mapaharap siya sa akin. Kinuha niya ang paper bag ko't inilagay iyon sa ilalim ng kaniyang lamesa.

Magpapaalam na sana ako sa kaniya pero bago pa ako makapagsalita ay pinalibot na niya ang malaking braso sa aking beywang saka sumubsob sa aking tiyan.

Bahagyang napaawang aking labi, dahil kung ititikom ko ito ay mahihirapan akong huminga. I can feel his hard breath on my stomach. He gripped my waist.

Nakatayo lang ako doon at hinahayaan siyang yakapin ako.

Parang hinahati ang puso ko. Nakukunsensya ba siya sa mga ginawa niya kaya naglalambing siya ngayon?

Bumaba ang aking tingin sa kaniya ng maramdaman bahagya niyang hinahalikan ang aking tiyan na para bang may laman iyon. Kung may laman man iyon ay puro pagkain lang at bituka. Ang kaniyang halik ay bumaba sa aking puson.

Kinilabutan ako doon kahit pa may damit ako ay pakiramdam ko ay lumalapat ang kaniyang malambot na labi sa aking balat. If he's not hugging me, I might laying on the floor right now because of the anticipation.

"T-Travis anong ginagawa mo?" utal na tanong ko para itago ang totoong nararamdaman.

Umangat ang tingin sa akin. "Masakit ba?" tanong niya.

Kumunot ang tanong ko sa tanong niya. Pakiramdam ko ay double meaning iyon o sadyang kung ano-ano lang ang naiisip ko.

"Bitawan mo ako Travis, aalis na ako. May pasok pa ako," pilit kong inaalis ang kamay niyang nakayakap sa akin pero lalo lamang iyon humigpit.

Napailing ako. Gumalaw ang aking panga dahil sa inis na nararamdaman ko.

Nagulat ako ng hilahin niya ako at ipaupo sa kaniyang hita. Nakatagilid ako sa kaniyang mga hita. Napatuwid ako ng upo dahil sa ginawa niya, itutulak ko dapat siya para makatayo pero ipinalupot niya ulit ang braso sa akin animong tatakbo ako kapag pinakawalan niya ako.

"T-Travis ano ba? N-Nasasaktan ako. B-Bitawan mo na a-ako," wika ko habang inaalis ang braso niya sa aking tiyan.

"I'm sorry, I can't... I can't let you go," bulong niya habang umiiling-iling pa.

Mariin akong napapikit. "Aalis na ako," paos kong wika. Gusto ko lang umalis dahil baka animang oras ay tumulo na ang luha ko sa harap niya.

"Don't make me miss you, please. Let's make up. Ano bang problema? Bakit iniiwasan mo ako?" nahihirapan bulong niya.

Gusto ko man siyang lingunin ay hindi ko ginawa dahil baka lalo ako maging marupok kapag nakita ko ang kaniyang mga mata.

Nanuyo ang lalamunan ko sa kaniyang tanong.

Hindi ako nagsalita. Wala ba siyang alam o sadyang nagpapanggap lang siya?

Pilit niyang hinaharap ang mukha ko sa kaniya pero iniiwas ko iyon. Ayoko! Ayoko siyang makausap! Lintek na Angel 'yan!

"Baby please look at me, I want to see your eyes, mag-usap tayo hindi kita papaalisin hanggat hindi ko alam kung bakit ka gumaganyan," malumay na wika niya.

Hindi ko napigilan ay pagak akong natawa at napailing akong nilingon siya.

"Hindi mo alam o nagpapanggap kang walang alam?"

Kumunot ang kaniyang noo.

"Who's Angel?" madiin kong tanong. Kahit ako ay hindi ko makilala ang boses ko, mamali lang talaga 'to ng sagot sasakalin ko 'tong babaerong 'to.

"What?"

"Narinig mo ang tanong ko Travis, huwag kang ano. Kapag bulungan sa classroom napapansin mo pa tapos kapag harapan hindi mo narinig," inis na wika ko.

Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa akin.

Naikuyom ko ang kamay ko. Bakit ang tagal niyang sumagot? Nag-iisip pa ba siya ng dahilan.

"I saw you with her. H-Hinihintay kita sa labas kasi sabi mo sabay t-tayo tapos... tapos maririnig ko sa ibang istudyante may humalik sa'yong babae tapos kasabay mo pa umuwi. Tumatawa ka pa! H-Hindi mo ba naisip naramdaman ko habang pinapanuod kitang sumama sa ibang babae? U-Umuulan no'n pero wala ka! Ni hindi mo man lang sinabi sa akin kung saan ka pupunta. Pagka-uwi ko wala ka pa rin sa bahay---"

"Sascha..."

"Hindi! Huwag mo ko ma Sascha-Sascha dyan Travis. Gusto mo usap 'di ba? Sige usap tayo! Pagkauwi ko sa bahay ay wala ka pa rin. Papalagpasin ko na sana kasi s-sabi mo hinanap mo ako t-tapos may tumawag sa'yo. Nakaka-gago kasi may pa naenjoy raw niya! That you left your wallet to her hotel room!" napahikbi ako.

"A-Ano? Hindi ka makapagsalita kasi totoo 'di ba? Who's that girl ha? Babae mo? Girlfriend mo? Babaero ka pala e!" sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko mapigilan, sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang nakatingin lang siya sa akin habang tinatapos ko ang lahat ng sama ng loob ko.

Hinampas ko siya sa balikat habang umiiyak sa kaniyang kandungan. "A-Alam mo bang nararamdaman ko ha!"

Hinuli niya ang aking kamay. Napahikbi ako ng maramdaman kung gaano ako kaapektado sa simpleng hawak lang niya.

Sinapo niya ang aking mukha habang mapungay ang kaniyang mata. "I'm sorry, sorry. Hindi ko alam na nandoon ka pa," mariin  siyang pumikit.

Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil kahit galit ako ay gusto kong marinig ang kaniyang paliwanag.

"A-Anong hindi mo alam may usapan tayo Travis?!"

"I called you, noong dumating si Angel tinawagan kita ipapakilala dapat kita," panimula niya habang nangungusap ang matang nakatingin sa akin. May kumurot sa aking puso ng marinig ang pangalan na 'yon. "Angel is my friend. She's my childhood friend, a family friend. Sascha, walang nangyari katulad ng iniisip mo. Inaanak siya ni Daddy kaya pinapakitunguhan ko siya, She's like part of our family. Galing siyang States kakauwi lang niya. She asked me to help her to get her a place. Hindi naman siya pwede kila mommy dahil malayo na iyon sa papasukan niyang hospital. She's a nurse."

Habang sinasabi niya iyon ay pinupunasan naman niya ang aking pisngi. A family friend? Bakit hindi ko siya nakita ng kasal namin?

"H-Hapon na siya umuwi ano 'yon buong hapon kayo nagkulong dito? Hinatid mo siya." I pointed out.

Umiling siya. "I told to her that I had a class. Naghintay siya rito, oo pero nasa klase ako no'n. Nang hapon ay hinatid ko siya, Oo. I can't let her Sascha wala siyang kamag-anak dito. Nagmamadali akong bumalik dito kasi hindi ako mapakali kung umuwi ka na." Inilapat niya ang noo sa noo ko pero tinulak ko ang balikat niya para magpatuloy sa paliwanag niya.

Bumuga siya ng hangin.

"You know that I will wait," diin usal ko.

"I know baby, sorry. Noong papunta na ako sa faculty nakasalubong ko 'yong kaklase mo I asked her kung nakauwi ka na. Sabi niya oo raw so I thought you really went home."

Pumikit siya para bang narealized niya ang pagkakamali niya. Sinong kaklase 'yon?

Umigting ang panga ko. "Ano 'yong nag enjoy raw niya, magaling ka raw?!" pinandilatan ko siya.

Nanghihina siyang yumakap sa akin. "We played chess, wala pang limang minuto iyon bago ako pumasok pinilit niya ako maglaro she saw board chess on my table." Tinuro pa niya ang isang chess board sa gilid.

Naningkit ang aking mata sa kaniya, wala na ang luha ko pero kailangan ko pa ng paliwanag.

"I promise, wala akong ginawang masama. Oo nagkamali ako nang sinabi ng kaklase mong umuwi ka na ay napanatag ako akala ko'y umuwi ka na talaga. Bumalik ako I called Manang wala ka pa sa bahay hinanap kita sa buong school kahit umuulan baka kako nakulong ka sa isang classroom tapos walang nakakarinig sa'yo. Yung wallet ko, oo naiwan ko sa kaniya. Damn, ipinakita ko sa kaniya ang picture mo sa wallet ko nakalimutan ko bawiin." Sinuklay pa niya ang buhok para bang naaalala niya kung gaano siya ka-frustrate ng oras na iyon.

Kinuha niya ang wallet na tinutukoy niya at binuksan iyon. Kumabog ang puso ko ng makita ang dalawang picture ko roon. Isa ay noong kasal namin at ang isa ay isang picture ko sa facebook last year pa iyon. Huwag niyang sabihin pina-print niya iyon?

"Wala kayong relasyon no'ng Angel na 'yon?"

Ngumuso siya, sa pagkakaton na iyon ay para na siyang natatawa kaya lalo akong nainis.

"Wala, hahanap pa ba ako ng iba may magandang asawa na ako, mabait, saka bata." masuyo siyang ngumiti saka hinalikan ako sa noo. Nainis ako sa dulo, okay na 'yung una bakit may bata pa. "Pinag-alala mo talaga ako Sascha. Akala ko mawawala ka na sa akin. Alam kong galit ka no'n gabi kaya umalis ako, sa guest room ako natulog baka kasi hindi ka makatulog kapag katabi ako kaya lumabas na lang ako. Though I went back when I heard you snoring."

Hinimas niya ang aking ulo. "Nagseselos ka ba?" masuyong tanong niya. Obvious ba? Sakalin ko 'to e.

"Hindi. Bakit ako magseselos?"

"Right, bakit ka magseselos? My heart is yours. Alam kong hindi pa gano'n kalaki ang tiwala mo sa akin, I will work hard for that." Ikiniskis niya ang ilong sa aking ilong. "I will never fall out of love with you, Sascha."

Parang may humaplos sa puso ko sa lahat ng narinig. Narealize ko kung gaano ko siya kadaling husgahan. Nagkamali rin ako. Inaamin ko iyon.

"Sorry rin, I over think. Akala ko..."

"Shh. It's okay. But I need to punish you," bulong niya.

Sinimangutan ko. "Okay na tapos may punish?!" inis na tanong ko.

Bahagya siyang lumayo sa akin at mas lalo akong hinarap sa kaniya. Hinaba niya ang kaniyang nguso. "Kiss me, ease the pain baby. Come on. I'll forgive you."

Sinapak ko siya sa balikat. "Alam mo hindi ko alam na ganyan ka."

Humalakhak siya saka masuyo akong niyakap. Inilagay niya ang baba sa aking balikat saka ako tinitigan.

"Sorry kung nasaktan kita ng hindi ko alam, hindi ko sinasadya," masuyong aniya. Bahagya niyang hinimas ang braso ko. "Madami pang dadating satin. We will face more and big problems. Sana sa susunod tanungin mo muna ako. Pag-usapan natin kasi iyon naman talaga ang mahalaga 'di ba? Huwag ka na ulit iiwas. Asawa mo ako tapos tinataguan mo ako. Akala mo naman hindi ko alam," parang batang sumbat niya sa dulo.

Dahan-dahan akong ngumiti sa kaniya. Hindi ako mangangako pero pilit kong gagawin ang sinabi niya.

Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi, napalunok ako dahil doon.

Hinawakan niya ang aking batok upang mailapit ang labi sa kaniya. Nang maglapat ang aming labi ay napapikit ako at napakapit sa kaniyang balikat.

Humigpit ang hawak niya sa aking balakang habang hinahalikan ako. Hindi gaya noong nasa falls kami ngayon ay mabagal niya akong hinahalikan. Bawat sulok ng aking labi ay kaniyang hinahalikan.

Kusa kong ibinukas ang bibig ko para sa kaniya. He thrust his tongue inside me like his tongue is looking for something inside my mouth.

Ang isa niyang kamay ay nasa aking beywang at pumipisil-pisil doon. Ang kamay naman niya sa aking batok ay unti-unting bumababa sa aking likod at hinihimas iyon pataas at pababa.

He kissed, licked, sucked and nipped my lips. Like it's his favorite fruit. Like it's the cure in his pain.

Nang tumigil siya ay parehas kaming hingal. Sinapo niya ang panga ko saka ako pinatakan ng munting halik sa ilong.

Namula ang aking mukha ng makita ang kamay kong mahigpit ang kapit sa longsleeve niya.

Mas lalo akong nahiya ng makita ang pwesto namin. Halos nakaupo na ako paharap sa kaniya.

Aalis na sana ko sa kandungan niya ng biglang bumukas ang pintuan. Sabay kaming napalingon doon, nanlaki ang kaniyang mata sa amin. Halos manigas ako sa hita ni Travis.

"Holy shit!"

***

#TheWho?

****

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store