Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 15
Kabanata 15
I let a long sighed when I saw Travis looking around the field, para bang may hinahanap ito at alam kong ako iyon. Sa tatlong araw na lumipas ay iniiwasan ko siya, hindi ko alam kung nahahalata niya iyon.
Hindi na ako sumasabay sa kaniya sa umaga at hapon. Tuwing umaga ay gumigising ako ng maaga para pumasok at gano'n din sa hapon. Tuwing nagkakasabay naman kami kumain ay nananatili siyang tahimik, kaya mas lalong nadadagdagan ang sama na nararamdaman ko sa aking dibdib.
It's like he's avoiding that topic.
Minsan naiisip ko kung napapansin ba niya na lumalayo ako o sadyang wala naman siyang pakielam dahil kung meron ay gagawa siya ng paraan para nagkaayos kami.
I was just waiting for his explanation. That's all. Ayokong magtanong, gusto siya mismo ay alam niya iyon.
"Hey!"
Halos mapatalon ako ng may pumusok ng pisngi ko. Kaagad akong napalingon kay Daryl. "What are you doing here?" takang tanong niya.
Kunot-noong sinipat niya rin kung sino ang tinitingnan ko sa field. Mabilis kong hinawakan ang braso niya saka hinila paalis sa lugar na iyon kung saan ako nagtatago bago pa man niya makita kung sino ang tinitingnan ko.
Nagpahila naman siya hanggang makarating kami sa isang pasilyo. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya ng huminto kami kaya kaagad ko iyon binitawan.
"Bakit ka nandito?" pag-iiba ko sa usapan.
"Ikaw bakit ka nandito?" tumaas-taas pa ang kilay niya.
Vacant namin, lahat sila ay naka-tambay sa field sa ilalim ng puno pero nang makita ko si Travis na pababa sa faculty nila ay kaagad akong nagpaalam na magba-banyo, hindi ko alam na sinundan niya ako.
"Are you trying to hide to someone?" naningkit ang kaniyang mata.
Mabilis akong umiling. Kinagat naman niya ang itaas na labi niya na para bang hindi siya naniniwala doon sa sinabi ko.
"Wala naiinitan lang ako sa field," totoo naman din iyon.
Umismid siya. "Lies. Lies. Lies."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita, tinuon ko na lang ang atensyon ko sa kabilang gilid papunta sa library. Kinakabahan ako na kapag nilingon ko siya ay malaman niya ang totoo.
"Tara nga, kumain na lang tayo sa canteen. Pang bayad ko sa panlilibre mo ng siomai," gagad na sabi niya.
"Hindi mo naman kailangan bayaran 'yon kaagad, ayos lang," naalala pa pala niya iyon. Kahit ako ay nakalimutan na iyon.
Saka baka wala siyang pera, baka baon lang niya 'yong sinusweldo niya. Umiling-iling ako, sa pagkakataon na iyon ay ako naman ang hinila niya papunta sa canteen.
Pagpasok namin ay kaunti lang ang istudyante, mga ilan na nagmimiryenda. Dumeretsyo kami sa lagi namin inuupuan sa gilid. "Dito ka lang, ako na oorder." mabilis na sabi niya saka mabilis na pumunta sa counter.
Nako! Siguradong kapag nalaman 'to nila Kevin ay magwawala iyon. Hayok pa naman iyon sa libre kahit na may mga pera naman. Mas masarap daw kasi kapag libre.
Sinipat ko si Daryl habang nagbabayad, naningkit ang aking mata ng makita ang makapal niyang wallet. Sweldo kaya niya? Limang daan ang binayad niya tapos may sinabi siya sa babaeng kahera. Lumawak ang ngiti nito, nang humarap si Daryl ay nagkunwari akong binibilang ang buhok ko.
Baka isipin niya iniintriga ko siya.
Number pa lang ang dala niya, siguro ay ihahatid na lang iyong inorder niya.
"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong niya ng makita ang ginagawa ko sa buhok ko. Umupo siya sa aking harapan.
"A-Ah wala. Naka-order ka na?" kunwaring tanong ko.
Bobo Sascha! Kaya nga may number ibig sabihin naka-order na, anong klaseng tanong 'yon.
Tumango siya. "Yup, iinitin lang 'yong spaghetti saka pizza."
Tumango-tango ako, kating-kati akong sabihin na ako na ang magbabayad ng sa akin kaso baka mapahiya siya.
Nang dumating ang inorder niya ay natakam na rin ako. Favorite ang pizza kahit ano pang flavor 'yan. Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami tungkol sa plano niya pagkatapos grumaduate.
"Hindi na muna siguro ako mag take ng LET after graduation mga one year pa, gusto ko muna subukan magturo sa private, Ikaw ba?" aniya.
Tumango naman ako. Ayos naman din iyon. "Ako magtake kaagad, baka kasi makalimutan ko lahat ng pinag-aralan kapag na-stock ako." Humalakhak ako, natawa rin siya.
Nasa gano'n kaming pwesto nang may pumasok sa canteen. Kaagad nawala ang ngiti sa aking labi ng makita si Ma'am Bea na hinihila si Travis sa braso papasok sa canteen. Umiiling-iling pa si Travis habang si Sir Rico at isa pang babaeng teacher ay tumatawa lang na sumunod sa kanila.
Nang tumama ang mata sa akin ni Travis ay nagpahila na siya papasok sa canteen, papunta sa isang upuan.
Napaayos ako ng upo dahil nakaharap sa aming gawi si Travis at Sir Rico, nakatalikod sa amin ay ang dalawang teacher na babae.
Karaniwan ay sa office niya kumakain si Travis, kaya nakakapanibagong nandito ito.
"Ay hindi pala ako naka-order ng tubig, ano gusto mo Sascha? Juice, water or softdrink?" tanong ni Daryl kaya napalingon ako sa kaniya.
Mabilis akong tumayo, para lang makaalis sa titig ni Travis. "Ako na bibili."
Hindi ko na hinintay na maglabas ng pera si Daryl. Mabilis akong naglakad papalapit sa counter. Tahip-tahip ang dibdib ko sa kaba dahil sa pagtitig ni Travis. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin kanina.
Humalukipkip ako para pigilan ang kaba. Bakit ba ako kakabahan? Wala naman akong ginagawang masama. Siya itong may pa-Angel pa. Tsk.
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang inis.
Halos mapaigtad ako ng may humawak sa kaliwa kong beywang. Mainit na palad na humimas doon. "Wait me later, let's go home together," mahinang bulong ni Travis sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko saka mabilis na hinawi ang kamay niyang nasa beywang ko. Nababaliw na ba siya?! Nasa school kami. Kaunti ang tao pero maaaring may makakita pa rin ng ginawa niya!
Mabilis kong inilibot ang paningin sa buong canteen. Nakatalikod si Daryl sa gawi namin kaya sigurado akong hindi niya makikita. Ang lamesa naman nila ay abalang nagku-kwentuhan ang dalawang babae. Nanlaki ang mata ko sa realisasyon na kasama niya si Sir Rico sa likod namin.
Oh my God!
Natatakot akong lumingon pero ginawa ko pa rin. Pagsulyap ko ay nasa bulsa na ni Travis ang kaniyang mga palad habang seryosong nakatingin sa akin. Bahagya kong dinungaw si Sir Rico sa likod niya na pipito-pito lang at kunwaring tumitingin sa kisame animong may interesantang bagay doon.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa harap. May dalawa pang nakapila sa harap ko. Mariin akong napapikit. Shit! Narinig kaya siya ni Sir Rico? Malamang!
Naabutan niya rin kami noon dalawa sa office ni Travis.
"Dalawang ice tea," sabi ko sa tindera sa canteen ng ako na.
Nang kinuha niya ang order ko ay bumulong ulit si Travis sa akin. "Don't let him touch you. I'm watching you," aniya saka bahagyang lumayo ng dumating na ang tindera.
Nginitian ako ng nagtitinda pero hindi na ako naka-ngiti pabalik, para akong robot na bumalik sa upuan namin ni Daryl. Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone.
"Uuwi na lang ako sa linggo, Mom. I understand. Alright. See you. Bye! Mom I love you," aniya sa kausap.
Bahagya akong napangiti habang paupo ako dahil sa sinabi niya sa mommy niya, mukhang close naman sila. Gusto ko magtanong tungkol sa mommy niya pero nahihiya ako.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Sa gilid ng mata ko ay nakabalik na sila Travis sa lamesa nila. I didn't look at his table again. I am afraid that his cold eyes might caught mine.
Nagkukwento si Daryl pero tumatango-tango na lang ako saka ngumingiti kahit wala akong naiintindihan.
"Sascha may dumi ka," turo ni Daryl sa mukha ko. "Come here, let me help you."
Nanlaki ang mata ko ng akmang hahawakan niya ang aking pisngi. Kaagad ko iyon tinabig, halatang nagulat siya sa ginawa ko, kahit ako ay nagulat sa reaksyon.
"A-Ahm, sorry. Ako na." Pinunasan ko ang tinuturo niya sa akin.
"Sorry, nagulat ata kita?" patanong na aniya.
Umiling ako. "Hindi naman, nailang lang ako. Sorry ha Daryl." Tumango siya saka ako nginitian.
Sabay kaming lumabas ni Daryl ng canteen. Sumulyap ako kay Travis na nakasandal sa upuan niya. Bahagya siyang nakanguso at nakatitig sa kawalan kahit pa ang mga kasama niya ay nagdadaldalan.
Bago pa niya ako lingunin ay tumalikod na ako.
Mabilis lumipas ang oras. After lunch ay may dalawa pa kaming subject at parehas major iyon.
Nakasimangot ako habang naglalakad papuntang banyo, sobrang sakit ng puson ko. Kanina naman ay hindi kaya nakakainis. Nauna na sa room ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko talaga ay meron na ako, bahagya ko iyon nararamdaman pero gusto ko pa rin makita para makasigurado.
"Shit! Bakit ngayon pa?!" inis na wika ko ng makita kong meron na nga.
Hindi kasi nagkakasabay-sabay ang araw ko kaya karaniwan ay hindi ako handa. Inis na lumabas ako ng banyo, pakiramdam ko ba'y kaunting lakad ko lang ay bubulwak na.
Wala akong dalang sanitary napkin sa bag saka may dugo na rin ang underwear ko. Badtrip!
Kapag umuwi ako, babalik na lang ako kasi bawal ako umabsent. Lalo't baka may quiz kami mamaya.
Bahagya akong sumilip sa labas ng restroom, nagbabakasakaling makakita ng kakilala.
"What are you doing?"
Halos mapatalon ako at napalingon sa nagsalita. Nakasandal si Travis sa pintuan ng restroom ng mga lalaki mukhang kanina pa siya doon.
Napangiwi ako at napaayos ng tayo. Hindi pa rin ako tuluyan lumabas ng restroom. Ang kalahati ng katawan ko ay natatakpan ng pintuan.
"You are supposed to be in your class," tinaasan niya pa ako ng kilay.
"B-Balik na ako doon, u-umihi lang ako."
"And?"
"Anong and?"
"Why are you still there? Go back to your class," masungit na aniya.
Napasimangot ako. Huwag niya ako sasabayan lalo't meron ako baka talagang mabali ko ang leeg niya sa inis.
"Hindi pwede!"
"Why are you shouting, woman?" takang tanong niya.
Natakpan ko ang bibig ko dahil napasigaw pala ako. Tumuwid siya ng tayo saka lumapit sa pintuan na pinagtataguan ko.
"Come here, Sascha."
Umiling ako. "H-Hindi pwede," baka may dugo na ako sa palda.
Kumunot ang kaniyang noo sandali saka siya luminga-linga sa paligid. Halos mapasigaw ako ng kabigin niya ang pinto at pumasok.
"Travis!"
Umatras ako ng isara niya ang pintuan at ilock iyon. Kung malakas na ang kabog ng dibdib ko kanina ay dumoble pa iyon.
"A-Anong ginagawa mo?" singhal ko sa kaniya at akmang bubuksan ang pintuan ng hawakan niya ang aking braso.
He look so serious and worried at the same time. Para akong nakuryente sa kaniyang hawak kaya binawi ko ang aking kamay sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya.
"What's wrong baby?" malumanay na wika niya.
Kumibot ang ibabang labi ko dahil doon. Ang karupukan sa puso ko ay unti-unting umuusbong pero hindi ko na dapat isipin iyon ngayon, ang dapat kong isipin ay kung paano ako uuwi.
"K-Kailangan kong umuwi," mahinang wika ko.
Kita kong pag-aalala sa mukha niya, mas lumapit si Travis sa akin. Hinawakan niya ulit ang aking braso sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na binawi pa.
Bahagya niya iyon hinimas. Kahit may tela ang pagitan ng braso ko't palad niya ay ramdam ko ang init ng palad niya.
"Are you okay? Are you sick?" mabilis na tanong niya.
Umiling ako saka yumuko kaunti. Kumunot naman ang noo niya habang dinudungaw ako.
"Anong problema sabihin mo? May umaaway ba sayo?" seryosong tanong niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa tanong niya.
Damn, Travis. Ano ako bata?
"M-Meron ako."
Kumurap-kurap siya para bang hinihintay pa ang kasunod ng sinasabi ko, animong hindi niya naintindihan.
Inis na minuwestra ko ang kamay ko sa ibaba ko at pinanlikahan siya ng mata. "Meron ako!" ulit ko.
Bumaba ang tingin niya sa legs ko, ilang sandali siyang napatitig doon bago tumaas ulit ang tingin sa akin.
"You have your monthly menstruation?" tanong niya.
Nag-init ang mukha ko sa tanong niya. Alam kong normal lang sa babae ang gano'n pero dahil lalaki ang nagtanong at hindi lang iyon, si Travis ang nagtanong kaya parang gusto ko lang lumubog sa kinakatayuan ko.
Kinagat ko ang ibabang labi saka tumango.
"W-Wala akong dalang extra sa-sanitary napkin s-saka pamalit," halos mautal ako.
Tumango siya na parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko. "Uuwi ka na? I'll drive you home."
Umiling ako. "Hindi pa pwede, may major subject pa kami baka may quiz kami doon."
"Who's your professor? I'll talk to her."
"Hindi na! K-Kailangan ko lang makapagpalit."
Sumimangot ako. Anong gagawin ko?
Binitawan niya ang braso ko. "Ako na lang uuwi, ano kukunin ko?" presinta niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Wala ka bang klase?"
"Wala pa, mamaya pang four. Kakatapos lang ng isa, pabalik na dapat ako sa office I just saw you."
Hindi ako nakapagsalita, nagdadalawang isip pa ako.
"What?" tanong niya. Naiinip sa sagot ko.
Bumuntong-hininga ako. "I-I need s-sanitary napkin and underwear," siguro ay pulang-pula na ang mukha ko. May short naman ako, pwede pa iyon hindi naman pa natatagusan siguro.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil hindi ko matagalan ang kaniyang mga titig.
Sasagot sana siya ng may nagsalita sa labas at kumatok. Kinabahan ako.
"Tao! Bakit nakasara 'to!"
"Pa-open! May tao ba dyan?" sigaw ng isa pang babae.
Nagkatinginan kami ni Travis. Hihilahin ko na dapat siya para makapagtago pero tumikhim lang siya doon.
"Cleaning!" malakas na sigaw niya.
Nanlaki ang mata ko. Oh gosh! Tinakpan ako ang bibig niya.
"Ay may naglilinis pala," bulong ng babae sa labas.
"Doon na lang tayo sa kabila, puputok na pantog ko."
Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ang kanilang paglayo. Papagalitan ko sana si Travis pero ng ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin.
Para akong napasong tinanggal ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig. Doon ko lang napansin ang malambot niyang labi sa aking palad.
Ngunit bago ko pa iyon maibaba ay hinuli na niya ang aking pulsuhan.
Napasinghap ako ng dalhin niya ulit ang aking kamay sa bibig niya at halikan niya ang likod ng kamay ko.
Tatlong dami ang iniwan niya doon bago tuluyan ibaba pero hindi pa rin niya binitawan.
Nagkatitigan kami. "Doon ka na muna sa office ko, kaysa maghintay ka rito. Doon kita pupuntahan." Kinuha niya sa bulsa ang isang susi saka inilagay iyon sa aking palad.
Naisip kong mas okay rin iyon dahil baka mamaya ay marami ng tao rito, baka hindi na niya maabot sa akin.
Tumango ako.
Akala ko ay aalis na siya pero hindi pa pala. Yumuko siya sa papalapit sa akin at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi.
Isang matagal na dampi iyon. Tumuwid na siya at lumayo bago may sumilay na ngiti sa kaniyang labi.
"I'll see you at my office, baby."
**
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store