Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 14
Kabanata 14
Niyakap ko ang aking katawan habang nakatitig sa malakas na ulan sa labas. Pinapanuod ko kung paano tumama ang tubig sa semento galing sa alulod.
Napukaw lang ang atensyon ko nang may maglapag ng cup noodles sa aking harapan. Kaagad kumalat ang amoy ng usok nito sa aking ilong. Hmm. Seafood.
"Kumain ka na muna," ani Daryl saka umupo sa aking tabi.
Nasa loob kami ng Seven Eleven hindi kalayuan sa school. Pinanuod kong haluin niya ang noodles sa harapan ko bago iyon ihipan kaunti.
"Salamat," mahinang wika ko.
Pakiramdam ko ba'y nanlalata ako, nang makita niya ako sa school kanina ay sabi niyang ihahatid na niya ako. Ni hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na niya ako palabas ng school ngunit nang lumiko kami sa isang kanto ay biglang bumuhos pa ang malakas na ulan kaya sumilong muna kami.
Tumango siya saka nagsimulang kumain.
Hindi ko alam kung bakit pa siya bumalik. "W-Wala ka bang pupuntahan? Naabala pa kita." Pahina nang pahina ang aking boses habang sinasabi iyon. Sinimulan ko n rin kainin ang binili niya kahit pa hindi naman ako gutom.
"It's okay, hindi na lang ako tutuloy," kibit-balikat na wika niya.
Pinanuod ko siyang suklayin ang medyo basa pa niyang buhok gamit ang kaniyang daliri. Napanguso ako, alam kong dahil iyon sa akin. Nang payungan niya ako ay siya naman ang nabasa. Hindi gano'n kalakihan ang payong niya kaya naman nabasa rin ang balikat niya habang naglalakad kami.
"Who will fetch you? Your father? Brother? You should contact him," ani Daryl pagkalipas ng ilang sandali namin pagkain.
Napatigil ako doon at naalala kung sino ang dapat susunod sa akin pauwi. Napalunok ako nang maalala kung paano umalis ang kotse ni Travis. Ni hindi man lang siya lumingon sa paligid para hanapin kung nandoon na ba ako. Pakiramdam ko ba'y gawa-gawa lang niya iyong sinabi niya noong nasa itaas kami ng bundok.
Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sa aking bulsa, pilit akong kumakala. Siguro naman ay may dahilan si Travis, hindi ko lang talaga maisip kung ano at kung saan sila pupunta.
Mas bumagsak ang balikat ko ng makitang patay na ang aking cellphone.
Nang-angat ako ng tingin kay Daryl. I smiled at him but deep down I feel that there is sadness. Binuksan niya ang mineral water habang nakatitig sa akin.
"Lowbat ako," pinakita ko sa kaniya ang screen ng cellphone ko.
Kaagad niyang nilabas ang sakaniya. Bahagya pa akong nagulat dahil mamahalin iyon. Hmm. Siguro ipon niya dahil sa pagta-trabaho.
"Here, use my phone," wika niya habang nilalahad sa akin ang itim na cellphone niya.
Umiling ako. "Hindi ko kabisado ang number n-niya." Bakit nga ba hindi ko kabisado? Eh bakit ko naman kakabisaduhin. Ni hindi nga siya nagte-text.
Itinago niya iyon saka ako dinungaw para bang tinatanya niya kung anong gusto kong mangyari. Tumingin ako sa labas, gano'n pa rin ang lakas ng ulan.
"M-Magpapatila na lang ako tapos uuwi na ako," nagsimula ulit akong kumain.
Binuksan niya naman ang mineral water sa harap ko saka inabot sa akin, kaagad ko iyon tinanggap dahil parang may nagbabara sa aking lalamunan. Hindi ako mapakali. Ang daming tanong sa akin.
Saan sila pupunta? Sino 'yong babae? At anong ginawa nila sa office buong oras at hapon na sila lumabas? Tanghali pa sila nakita sa field, ibig sabihin simula no'n ay magkasama na sila.
Huminga ako ng malalim.
Tinapik naman ni Daryl ang likod ko. "Ayos ka lang ba? Pwede mong sabihin sa akin kung may problema ka," mahinahong aniya.
Nag-iwas siya ng tingin sandali bago ibalik ang tingin sa akin.
Tipid akong ngumiti. "May iniisip lang ako, kahit gusto ko sabihin sa'yo ay hindi pwede."
Tumango siya ng mabagal para bang iniisip pa niya ang sinabi ko. Lumipas ang oras ay nanatili kami doon, nalipat ang usapan namin sa school at sa group project na gagawin namin para sa prelim.
Hinatid ako ni Daryl sa labasan malapit lang sa bahay ni Travis. Hindi na ako nagpahatid pa sa mismong bahay, baka makita pa niya doon si Travis. Gusto pa niya akong makita pumasok pero tinawanan ko na lang siya saka kinawayan.
Nang medyo malayo na ako ay nilingon ko si Daryl. Nandoon pa rin siya't nakatayo habang nakapamulsang nakatingin sa akin animong malalim ang iniisip ng makitang nakalingon ako ay ngumiti siya saka kumaway. Tumango ako kaya tumalikod na rin siya.
Mabilis na akong nakarating sa bahay, naikuyom ko ang palad ko ng makitang wala pa sa garahe ang kotse ni Travis, ibig sabihin ay hanggang ngayon ay kasama pa rin niya iyong babae niya.
Napailing ako bago pumasok sa bahay. Mukhang narinig ni Manang ang pagbukas ng pinto dahil lumabas siya sa kusina habang nagpupunas ng kamay sa apron niya.
Tumingin siya sa relo sa pader saka ako pinagmano. "Ginabi ka ata iha," aniya.
Tumango ako, "Nagpatila pa ho kasi ako ng ulan."
Tumingin siya sa likod pa na parang may hinahanap, alam ko na iyon. Inaasahan niyang sabay kaming dadating ni Travis.
"Nagkita na ba kayo ng asawa mo iha?" takang tanong niya ng hindi bumukas ang pinto.
Napalunok ako, parang binambo ang dibdib ko. "H-Hindi po manang." Kumunot ang kaniyang noo.
"Bakit hindi? Naka-tatlong tawag na iyon dito. Tinatanong kung naka-uwi ka na. Ang akala ko'y magkasama kayo umuwi."
Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Manang, "Gano'n po ba? Paki-tawagan na lang po siya at sabihin nandito na ako. Aakyat na po ako Manang, hindi na po ako kakain busog po ako."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Mabilis akong umakyat sa kwarto, pagkasara no'n ay para akong nanhina. Nangilid ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan dahil sa inis.
Naiinis ako sa sarili ko kasi nag-aalala ako kay Travis.
Dumeretsyo ako sa banyo para maligo. Mariin akong nakapikit habang nasa ilalim ng shower. Napapiling na lang ako dahil habang nakapikit ako ay nakikita ko kung paano sila sumakay sa kotse at umalis.
Parang pinipiga ang puso ko.
Napadilat ako ng marinig ko ang malakas na kalabog ng pinto sa labas. Nandyan na siya. What time is it? Mag aalas nuebe na ng gabi. Gano'n niya katagal kasama ng babae na 'yon?
Nang matapos akong maligo ay nakatapis na lumabas ako sa banyo para pamunta sa walk in closet.
Hindi ko tinapunan ng tingin si Travis na nasa lamesa sa gilid ng kama namin. Sa gilid ng aking mata ay nakikita kong tinatanggal niya ang kaniyang relo saka necktie.
"Sascha," parang kulog ang boses niya sa diin ng pagkakatawag sa pangalan ko.
Napahinto ako sa paglakad ngunit hindi ko siya nilingon. "Oh?"
Nagtuloy ako sa pagpunta sa walk in closet. Kumuha ako ng isang pajamang kulay blue at sandong kulay itim at underwear.
Isasarado ko sana ang pinto sa walk in closet ng magulat ako pagharap ko ay nandoon na siya't nakasandal sa hamba ng pinto.
Nakakrus ang mga braso niya sa kaniyang dibdib. Suot pa rin niya ang kulay puting longsleeve na nakatupi na hanggang siko, nakabukas ang tatlong bitones sa kaniyang leeg.
Seryoso ang kaniyang mukha. Kita ko kung paano gumalaw ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin. Bahagya akong nailang dahil nakatapis lang ako.
Nang matitigan ko siya ay doon ko napansin basa siya.
"Lumabas ka Travis, magbibihis ako," malamig na wika ko.
"Where the fuck have you been?" madiin na tanong niya.
Naikuyom ko ang aking kamay, nainis ako sa paraan kung paano niya ako kausapin.
"Don't used that word to me, Travis." Nilapitan ko siya upang itulak palabas ng kwartong iyon pero nagkamali ako.
Nang itulak ko siya ay ni hindi man lang siya natinag sa pagkakatayo. He looked at me like a predator ready to attact his prey.
I gritted my teeth in so much frustration. Bakit ba ang lakas niya? "Lumabas ka na Travis, ano ba?!" hindi ko maiwasan mapataas ang boses ko.
Nakita kong mas nagalit siya sa pagsigaw ko. Halos mapahiyaw ako ng ipalibot niya ang kanan braso sa aking beywang saka ako itulak sa pintuan. Natakot ko sa galit na nakita ko sa mata niya, pakiramdam ko ay anumang oras ay sasaktan niya ako.
Napaigtad ako ng itaas niya ang kamay. Napapikit ako dahil akala ko ay sasakalin niya ako dahil sa pagsigaw ko pero ang malaki at medyo matigas niyang kamay ay maingat na lumapat sa panga ko.
"A-Are you okay? Nabasa ka ba ng ulan? Hmm?" napadilat ako ng mata sa gulat sa mahinahong bulong niya.
Nanlaki ang mata ko ng ilapat niya ang kaniyang noo sa akin. Dahil sa lapit namin ay naramdaman kong nabasa na rin ang tuwalyang nakatapis sa akin.
Nangilid ang luha ko sa inis, nagpaulan siya.
"N-Nagpaulan ka?" tanong ko kahit obvious naman. Bahagya kong iniwas ang mukha sa kaniya.
Itinagilid ko ang aking noo dahilan para ang kaniyang noo ay lumapat sa gilid ng aking ulo, sa itaas ng tainga.
"I'm mad," bulong niya.
Kung galit ka, galit din ako. Gusto ko isigaw iyon pero nanatiling tikom ang aking bibig.
"L-Lumayo ka sa akin, Travis. M-Maligo ka na." Bahagya ko siyang tinulak.
"I looked for you everywhere," tumama ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. Mariin akong napapikit ng mas humigpit ang kaniyang yakap sa akin.
"You scared the hell out of me, Sascha." He mumbled.
Parang may kumurot sa puso ko nang maisip kong hinanap niya ako pero kaagad din nawala ng maalala ko may kasama siyang babae kanina. Kung hindi siya umalis edi sana hindi gano'n nangyari.
Nanginginig ang tuhod ko.
"M-Magbibihis na ako."
"Tatlong oras... tatlong oras kitang hinahanap. I called you. Nakapatay ang phone mo, nag-alala ako sa'yo. Wala ka rin sa bahay. Ang lakas ng ulan, hindi mo ba alam 'yon?" parang pinipiga ang puso ko sa tono ng kaniyang boses.
"Sa ating dalawa ikaw ang basa Travis, ikaw ang nagpaulan hindi ako. Hindi mo ba alam 'yon?" ginawa ko siya.
Narinig kong malalalim na buntong-hininga niya na para bang kinakalma ng sarili habang inaamoy ako.
"T-Travis basa ka, nababasa mo ako." malamig na usal ko.
Dahan-dahan siyang humiwalay saka mapungay ang matang tumingin sa akin. Para bang may hinihintay siyng sabihin ko pa. Inaasahan ba niyang magpaliwanag din ako? Siguro ay gagawin ko iyon pero hindi ngayon. Masama pa ang timpla ko sa kaniya, baka may masabi lang akong hindi maganda.
"Sorry kung pinag-alala man kita, hindi na mauulit. Nagpatila lang ako ng ulan."
Buong lakas akong tumalikod sa kaniya at nagmamadaling pumasok sa banyo. Doon na lang ako magbibihis.
Hinihintay kong sabihin niya sa akin ang tungkil doon sa babae pero hindi niya naman ginawa, iyon ang gusto kong sabihin niya kung bakit sila umalis.
Kung bakit ako umuwi ng wala siya.
Nang matapos ako ay kahit basa ang buhok ay nahiga na ako, narinig kong pumasok siya sa banyo.
Pipilitin ko na lang matulog kaagad, hindi ko alam kung kakain pa siya mabuti ng tulog ako pagtapos niya.
Chinarge ko muna ang phone ko, lagi naman niya iyon tinatanggal kapag matutulog na siya.
Hihiga na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ni Travis na nasa ibabaw ng lamesa.
Lumingon pa ako sa banyong nakasara. Malakas ang tunog ng shower, dahan-dahan kong kinuha ang cellphone niya.
Ito ang unang pagkakataon na papakielaman ko ito. Para akong kakapusin ng hininga ng makita ang pangalan ng tumatawag.
Angel calling...
Nanginginig ang kamay na sinagot ko iyon kahit pa nanginginig ang kamay ko sa kaba. Itinapat ko sa aking tainga ang cellphone habang nakatingin sa pintuan ng banyo.
Narinig ko ang buntong-hininga sa kabilang linya.
"Hello, Trav? Thank you for today. I really enjoyed it, hindi ka pa rin nagbabago ang galing mo pa rin." Humalakhak ang babae. "Anyways, you forgot your wallet here in the hotel Trav. Ibibigay ko na lang bukas.---Hello? Trav?"
Nangilid ang luha ko sa narinig. Hotel? Enjoy?
"Hello, are you there Trav?" maikuyom ko ang palad ko sa lambing ng boses ng babae.
Mabilis kong pinatay ang tawag ng marinig kong tumigil ang shower sa banyo. Mabilis kong ibinalik ang phone niya kung saan ko iyon kinuha.
Nahiga ako at nagtalukbong ng kumot. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa nalaman. Kinagat ko ng ibabang labi para pigilan ng paghikbi.
Narinig kong bumukas naman ang pintuan sa banyo.
Saan nila ginawa? Sa hotel? Nabitin ba sila sa ginawa nila sa office kaya kumuha sila ng room sa hotel?
Dahil ano? Dahil bata pa ako at hindi niya ako magagalaw kaya kuma-kama siya ng iba para sa sex life niya. Mariin akong napapikit ng maisip ko ang opisina ni Travis.
Kung paano niya inangkin ang maputing babae doon. Sinabi ng babae na magaling siya, siguro ay malalakas ang halinghing nila. Naiisip ko ang pawisan katawan ni Travis habang gumagalaw sa ibabaw ng babae.
Tinakpan ko ang bibig ko ng aking palad para pigilan ang paghikbi. Ang sakit-sakit naman. Bakit ba ako umaasang totoo ang sinasabi niyang mahal niya ako. Ang daling sabihin no'n. Ilang mag-asawa ba ang nasira dahil sa lintek na mapapangaliwa.
Bakit ba hindi marunong makuntento ang mga lalaki? Bakit naghahanap pa rin sila ng iba kung totoo ngang mahal nila ang asawa nila.
Tahimik akong umiyak.
Naramdaman kong dahan-dahan humiga si Travis sa tabi ko.
Gusto ko siyang sigawan at saktan. Gusto ko siyang sumbatan.
Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga. Hindi ko alam pero umaasa akong yayakapin niya ako at magso-sorry siya pero lalo akong nadurog ng naramdaman kong tumayo siya at kinuha ang unan niya.
Narinig ko ang mabigat na yabag ng paa niya palabas ng kwarto at ang pagsara ng pinto.
Tinanggal ko ang talukbong ng kumot sa aking mukha at napatulala ako.
Nilingon ko ang likod ko, wala nga doon ang unan niya. Mas napaiyak ako sa isipin ayaw niya sa akin tumabi dahil sa ginawa nila kanina. Baka hindi na niya kayang tumabi sa akin.
Umiyak ako nang umiyak, hinintay ko siyang bumalik sa kwarto pero nakatulog na lang ako habang umiiyak ay hindi na siya bumalik.
**
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store