Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 13
Kabanata 13
Humikab ako habang nakapalumbaba sa lamesa sa canteen, kasama ko ang aking mga kaibigan kabilang na doon si Daryl. Hindi ko alam kung ilang beses na ang humikab simula kanina.
Si Travis kasi pinuyat ako.
I can't remember what time did we go to sleep. We came home around eight in the evening. I remember his astounded face when he saw Terron's gift last night.
"What fucking fuck?" rinig kong sigaw niya habang naglilinis ako ng ngipin sa banyo namin.
Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang sinisipat ang box. Halos manlaki ang mata ko at takbuhin ang pagitan namin. Hindi ko alam kung paano niya nakita ang box na iyon gayon na tinago ko iyon sa ilalim ng closet. Hindi ko alam na mapapansin niya iyon. Mapasinghap pa ako ng agawin ang box na iyon sa kaniya.
He looked at me while his lips parting slightly.
"Sascha." He called me softly.
Kinagat ko ang ibabang labi saka sinabi sa kaniya ang totoo. "Pinadala 'to ni Terron kagabi. Hindi ko naman alam na ganyan laman nyan."
Bahagya siyang napakamot sa batok saka nakailang mura sa kapatid bago sa akin kinuha ang box. Hindi ko alam saan niya iyon dinala, ako pa mismo ang nahiya kahit wala naman ako kinalaman doon, baka lang isipin niya na ako ang bumili no'n. Hanggang mahiga kami sa ay nanatiling tahimik ako. Siya rin mismo ang bumasag ng katahimikan, sinabi niyang hindi naman namin kailangan ng gano'n. Halos ilubog ko ng mukha sa unan dahil sa hiya sa sinabi niya.
Bago matapos ang araw ay binati ko lang siya ng happy birthday. Nagkwentuhan kami hanggang madaling araw, 'yong tungkol noong highschool ako, pati 'yong pag-aaral niya at kung ano-ano pa.
"Puyat sis?" napukaw ang atensyon ko ng pumitik si Kevin sa aking harapan.
I blinked twice before I finally realized that I'm spacing out. Napakurap-kurap ako saka ko lang nakitang nakalingon na silang apat sa akin.
Napanguso ako, "What?" takang tanong ko saka isa-isa silang tiningnan.
Naningkit ang mata ni Lisa sa akin na para bang kaya niyang basahin ang nilalaman ng aking isip dahil sa ginawa niya. "Umamin ka ha? Bakit wala ka kahapon tapos puyat ka pa ngayon, ikaw ha Sascha," tukso ni Lisa sa akin.
Ang mata ni Alice ay tumingin sa akin tapos ay bumaling kay Daryl. "Absent din si Daryl kahapon, he looks so tired too," komento niya.
Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya, sabay-sabay kaming napatingin kay Daryl na nagtaas ng dalawang kilay na para bang nabigla siya sa sinabing iyon ni Alice.
"What? May ginawa ako kahapon," kaagad depensa ni Daryl saka sumulyap sa akin.
Kung ano man ang naiisip ng malikot na imahenasyon nila ay maling-mali iyon. Siguro ay sa kakanuod ni Alice ng kung ano-anong anime ay kung ano-ano na rin ang iimagine niya. Is she trying to say that I was with Daryl yesterday?
Umiling ako. "Huwag kayong issue dyan, masama ang pakiramdam ko kahapon."
Bahagya pa akong tumawa para hindi halata ang kaba ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil doon, hindi naman siguro masama magsinungaling kahit ganoon?
Nangtama ang mata namin ni Daryl ay tipid akong ngumiti. I wonder if he is still working. Ayoko kasi magtanong. Umiwas siya ng tingin bago ituloy ang pagkain.
Bago pumasok sa afternoon class namin ay nagrestroom break muna kaming girls habang hinila naman ni Kevin si Daryl sa men restroom.
"Mwuah!" malakas na tunog ng labi ni Lisa ng maglagay siya ng lipstick. Sakto ay lumabas ako sa cubicle kaya nagtama ang mata namin sa salamin.
"Lagyan kitang lipstick, Sascha!" maligayang pahayag niya pero mabilis akong umiling, bumukas naman ang isang cubicle at lumabas si Alice.
"Huwag na, ayoko."
Inirapan niya ako dahil sa sinabi ko. Kung hindi ko siya kilala ay sasabihin kong mataray siya pero ganyan talaga siya, humarap naman siya kay Alice at ito ang kinulat na lagyan ng lipstick.
Naghuhugas ako ng kamay ng marinig ko ang usapan ng dalawang babae na kakapasok lang sa restroom.
"Oo, kitang-kita ko. Nasa field kami noong dumating 'yong babae," bulungan nilang dalawa pero dahil sa lakas ng boses ay naririnig ko rin.
"Akala ko si Ma'am Bea 'yong girlfriend ni Sir Travis," pinatay ko ang gripo dahil narinig ko ang pangalan ng asawa ko.
Bahagya kong sinulyapan sila si Alice na ngayon ay nilalagayan ng kilay ni Lisa. Siguro ay bumili ito ng bagong gamit at pinag-e-eksprementuhan ang mukha ni Alice.
"Iyon din ang akala ko, pero totoo kanina. Hinalikan pa nga ng babae si Sir Travis sa pisngi. Ewan ko medyo malayo, parang malapit na ata sa lips 'yon. Siguro girlfriend niya 'yon, bakit naman niya bibisitahin si Sir kung wala 'di ba?" madamdaming kwento ng babae.
Humarap ako. I can't stop myself.
Naimagine ko kaagad ang sinabi ng babae, sa field pa talaga huh? Sino naman kaya iyon?
"Nasaan sila Sir Travis?" tanong ko.
Gulat silang napalingon sa akin dahil sa pagsingit ko. Kahit sila Alice ay napatitig din sa akin. "Hindi ko na alam, kanina pa 'yon," sagot ng babae pagkaraan ng ilang segundo.
Napatango-tango ako.
"Tara na," yaya ko sa kanila.
Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng gana. Kaayos lang namin tapos biglang may babaeng pupuntahan siya sa school pa mismo? Tsk. Sino naman kaya 'yon?
Kinagat ko ang dila ko habang naglalagay para pigilan ang nararamdaman kong inis.
Nang makarating kami sa room ay wala na akong imik pa. Nagkaruon kami ng groupings sa last subject namin at sakto naman lima kada grupo kaya kaming lima na rin ang magkakasama.
Naunang umuwi si Kevin dahil dumating na ang sundo niya, sumunod sa kanila si Lisa at Alice.
"Are you sure you okay here?" pang-tatlong na ata ni Daryl sa akin iyan dahil ayaw niya pa rin akong iwan.
Ngumuso ako habang tinatanaw ang loob ng school, marami pa naman istudyante. Maaga pa naman, sadyang maaga lang kaming pinalabas ngayon.
"Ayos lang, Daryl may sundo talaga ako. Sige na mauna ka na," wika ko.
Sandali pa niya akong tinitigan. "Hihintayin ko na lang dumating sundo mo saka ako aalis."
Kaagad akong umiling, napag-usapan namin ni Travis na katulad ng mga nakaraan araw ay sabay kaming uuwi.
"Hindi na ano ka ba, dadating din sundo ko. Kung gusto mo para mapanatag kang makakauwi ako itetext na lang kita mamaya," natatawang wika ko.
Mabait naman talaga si Daryl, alam kong hindi niya lang ko maiwan lalo't mag-isa lang ako rito sa gilid.
Unti-unti tumaas ang gilid ng labi niya. Sumingkit pa lalo ang singkit na niyang mata na parang pusa.
"Is that your way to get my number?" humalakhak siya.
Sinapak ko siya sa balikat. "Sira," kinuha ko ang phone ko saka mabilis hinarap sa kaniya. Inilagay niya doon ang number niya at siya mismo ang nagsave.
"Ingat ha, Sascha," pahabol niya nagsimula maglakad. Kumaway pa siya habang nakatalikod na.
Pinagmasdan ko siyang lumabas. Baka may trabaho iyon ngayon kaya rin ayoko magpahintay saka maya-maya ay lalabas din naman si Travis.
Dahil naglalabasan ang mga sasakyan mula sa parking lot ay gumilid ako. Doon ako tumambay sa isang bench sa gilid ng puno habang hinihintay si Travis.
Chineck ko ang phone ko at may dalawang tawag doon si Travia pero tanghali pa iyon.
Tumingala ako sa puno kung nasaan ako. Medyo dumidilim na ang kalangitan, ang maingay na field ay unti-unti na rin nawawalan ng tao.
Nang bumaba ang mata ko ay kaagad akong napatayo ng makita si Travis dala ang bag niya. Tatawagin ko sana siya pero nabitin ang aking kamay sa ere ng lumitaw ang isang maputing babae sa kaniyang likod.
Natatawa itong hinahabol si Travis na natawa rin dahil may sinabi ang babae.
Hindi nila ako nakita dahil malayo ako, kung hindi ko sila tatawagin ay hindi ko makukuha ang atensyon nila. Iyon ba 'yong babaeng tinutukoy ng ibang istudyante?
Parang may kumurot sa puso ko habang pinagmamasdan ang babae. Her hair was kohl-black and it plunged over her shoulders. She had honey sweet lips. They were like a lilac soft. Her waist was tapered and she had a burnished complexion. A pair of arched eyebrows looked down on sweeping eyelashes. Marunong akong mag-appreciate ng magandang babae pero ngayon, inggit ang nararamdaman ko.
Who's that girl?
Sumunod ang aking mata ng pumunta sila sa kotse ni Travis. Sabay silang sumakay doon. Para akong sinampal ng katotohanan habang pinapanuod kong umalis ang kotse ni Travis sakay ang isang babae.
Akala ko ba mahal niya ako? Ano 'yon? Hanggang isang araw lang 'yong pagmamahal?
Naikuyom ko ang aking kamay kasunod ng pagpatak ng ulan. Mahina lang noong una hanggang sa lumaki na nang lumaki ang patak. Nasa ilalim ako ng puno pero hindi sapat iyon upang iligtas ako sa ambon.
Napakurap-kurap ako dahil sa isang patak ng tubig sa aking pisngi, hindi iyon galing sa ulan kung hindi galing sa aking mata.
Mabilis akong napayuko.
Akala ko ba we will work hard for this? E ano 'yon umuwi siya kasama ang ibang babae, ni hindi man lang ako sinabihan.
Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa isipin kung saan sila pupunta.
Dumilat ako dahil biglang tumigil ang ulan. Nang maidilat ko ang mata ko ay nagtama ang mata namin ng lalaking nakatayo sa aking harapan habang may hawak itong payong.
Mapait akong napangiti. Bumalik siya.
Pinunasan niya ang basa sa aking pisngi gamit ang likod ng kaniyang palad.
"Let's go home?" he asked softly.
"D-Daryl..."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store