ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 12

SaviorKitty


Kabanata 12

Ilang beses akong kumurap dahil sa sinabi ni Travis. Bigla akong nanigas, ramdam ko ang pagtuwid ng aking tayo. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko. Siya naman ay kinalas ang pagkakapalupot ng braso sa aking beywang saka tumabi ng tayo sa akin gilid.

I couldn't look at the people around us. He's completely conquered my senses. Ipinatong niya ang kaniyang siko sa barandilya at tumanaw sa malawak na mga puno sa ibaba.

His biceps are firm. Bahagyang gumalaw rin ang kaniyang adams apple.

Hindi ako makapagsalita! I can't compose even a simple sentence.

Basta nakatayo lang ako doon at nakatingin sa kaniya, naghihintay kung duduktungan ba niya. Narinig ko ang sinabi niya. Rinig na rinig ko at talaga naman kakaiba ang epekto ng tatlong salita na iyon sa akin.

I want to say that I feel something for him too! That I'm attracted to him.

Bahagya niyang kinamot ang batok saka niya ako sinulyapan. Nang magtagpo ang mata namin ay ibig ko na lang lumuhod sa pagkalata ng tuhod ko, humawak ako sa barandilya para hindi iyon mangyari.

"You don't have to answer that," gagad na usal niya.

Tipid siyang ngumiti pero alam kong pilit iyon. Ibinalik niya ang atensyon sa kaniyang harapan.

"I just want to tell you my feelings, that's all. Hindi mo naman kailangan sumagot," malamig na wika niya.

Parang may kung anong kuryente sa batok ko na naglakbay sa aking likod ng ilahad niya ang kamay sa akin.

Magkatabi lang kami ngunit may distansya. Parang mas gustong niyang mas lumapit pa ako, matangkad siya kaya bahagyang naka-angat ang aking tingin sa kaniya.

His eyes were dancing with a familiar emotion. My heart pounded and my hand began to sweat.

Wala sa sariling tinanggap ko ang kaniyang kanan kamay. Pinagsiklob niya ang aming mga kamay. Malaki ang kaniyang palad pero pakiramdam ko ay saktong-sakto ang aming mga palad.

He pulled me slightly to get close to him. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga dahil hindi na ako makahinga. Kinakabahan ako.

Umihip ulit ang malakas na hangin. Maingay sa paligid namin pero parang kabog lang ng puso ko ang naririnig ko. Ngumuso ako bago tumanaw sa tinitingnan niya sa aming harap.

He caressed my fingers. Nang matagpuan niya ang aking daliri na may singsing ay doon siya namalagi. Bahagya niyang hinihimas ang singsing ko doon.

Pwede pala 'yon, ang maging masaya ka kasabay ng sakit at takot. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng sabihin niyang mahal niya ako, masakit kasi hindi ko maramdaman. Parang kulang na kulang pa 'yong mga pagsasama namin. Hindi ko alam kung paano niya nasabing mahal niya ako gano'n pinagkasundo lang kami.

Natatakot akong baka, baka madali lang para sa kaniya bitawan ang salita na 'yon. Nakakatakot magtiwala kaagad.

Gusto ko man suklian ang sinabi niya kanina ay nanaig pa rin ang kagustuhan kong bigyan pa ng mas mahabang panahon ito.

Para kung dumating ang araw na bawiin niya ang sinabi niya at sabihin nabigla lang siya, ay hindi ako masasaktan ng husto.

Ayoko magpadalos-dalos sa aking nararamdaman. Paano kung dumating ang araw na naisip niyang hindi pala niya ako kayang pakisamahan dahil mas bata ako, na mas gusto niya ang mas matured.

"Did you know why your ring has a three diamonds?" pagbasag niya sa katahimikan.

Doon bumaba ang tingin ko sa aking singsing na sinuot ko ngayon dahil aalis kami. Hindi ko maiwasan pamatingin sa daliri niyang may singsing din. Napangiti ako.

"Bakit?" tanong ko.

Sumulyap siya sa akin. "Three diamonds because I met you three times before our marriage," kalmadong aniya.

Sinubukan kong alalahanin iyon. "Dalawa lang kaya." Tsk. Dapat dalawa lang, iyong family dinner tapos engagement party lang.

Ngumisi siya habang nasa singsing ko pa rin ang tingin.

"Tatlo. Bata ka pa noon una, seven years old ka pa lang no'n," napalingon na ako sa kaniya habang kunot ang noo.

"Talaga? Bakit hindi ko na naaalala?" manghang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya may sumilay na kakaibang ngiti sa labi niya na parang may inaalala. "Nakita kitang umiihi sa garden niyo no'n. Hindi ko alam bakit doon ka umiihi." Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. "Umiyak ka no'n kasi sabi mo, bad iyon makita ng lalaki. I was fourteen or thirteen that time. Imagine a kid crying out loud because I saw her private part, accidentally." Humalakhak siya.

Alam kong pulang-pula na ang aking mukha. Hindi ko na maalala ang sinasabi niya pero base sa mukha niya ay totoo iyon.

Nahiya ako sa sinabi niya. Ang bata ko pa noon! Saan ko ba nakuha ang mga gano'n?

Humarap siya sa akin. "You didn't stop crying not until I promised that I'll marry you when you grow up."

Ngumiti ako pero nalungkot din ako. Kaya ba siya pumayag na ikasal sa akin dahil doon? Dahil sa pangako na 'yon?

Ang babaw naman ata.

"S-So dahil sa promise mo k-kaya ka pumayag na---"

"No, I married you because I like you. More than that. Sinubukan kong pigilan. God knows how I stopped myself from wanting a kid."

Mabilis kong binawi ang kamay ko at sinapak siya sa braso.

"Anong kid ka dyan?!" pinandilat ko siya at humalakhak naman siya.

Nang tumigil siya sa pagtawa ay mataman niya akong tinitigan. "I'll work hard to get your trust, your love, your everything. Sascha. I will do everything to work this marriage. I will correct everything, I may not be a vocal person but I promise you, araw-araw kong ipaparamdam sa'yo na tama ang desisyon mo na ako ang kasama sa pagtanda mo," madamdamin aniya.

Magkatapat na kami, inipit ko ang ilang buhok na tumatabing sa mukha ko dahil sa hangin.

"Let's work hard. Dalawa tayo rito sa relasyon na 'to Travis." Sa huli ay nasabi ko rin. I want this too. Gusto ko rin maayos 'to.

Bumuga siya ng malalim na hininga na para bang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

Napalunok ako ng halikan niya ang aking ilong. Isang dampi lang 'yon. Napakurap-kurap ako kasabay ng pagpitik niya sa noo ko.

MABILIS lumipas ang oras. Nanatili kami ni Travis doon, parang may natanggal na tinik sa dibdib ko ng malaman ang saloobin niya. Nakakatakot pero nae-excite ako sa mga susunod pang mangyayari sa amin.

I want to give him a chance, I want to give myself a chance too. Siguro ayos lang naman 'to.

Nang nagsawa na kami sa itaas ay napagpasyahan namin na bumaba na. Nakailang picture pa kami ni Travis. Ang unang picture namin na malaki ang mata ko na parang tarsier ay ipinasa pa niya sa cellphone niya.

Kagaya ng sabi ni Travis ay pumunta kami sa isang falls. Medyo pa-hapon na kaya makulimlim na, hindi malaki ang falls, ang tubig ay hanggang sa tuhod ko lang at ang falls ay umaagos sa bato pababa.

Sobrang pagod ko dahil ilang rock formation ang inakyat namin bago makarating. Iyon nga lang ay wala na kaming ibang kasama. Hindi kagaya sa tuktok ng bundok na madami kami.

Halos lamunin kami ng katahimikan.

Ibinaba ni Travis ang dalang bag sa isang bato kaya ibinaba ko rin ang aking dala.

Mabilis niyang hinubad ang suot na sandong itim dahilan para mapanganga ako.

"H-Hoy Travis anong ginagawa mo?!" nanlaki pa ang mata ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Maglilinis lang ako ng katawan. Di ba may pampalit kang dala? Maglinis ka rin para hindi ka mangati pagbaba natin."

Tumalikod siya saka lumapit na sa falls. May hindi kalakihang bato sa ilalim ng falls, naupo siya doon at pumikit. Ni hindi niya tinanggal ang kaniyang sapatos.

Ilang beses ko ng nakitang hubad baro si Travis pero iba pala ang dating kapag ganyan. Nakapikit siya habang hinahayaan mabasa ang buo niyang katawan ng tubig galing sa falls.

Tingnan mo 'tong lalaki na 'to. Linis lang daw pero ligo na ang ginawa.

Sumunod ako sa kaniya. Malamig na tubig ang bumalot sa aking hita papunta sa kaniya. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko kaya dumilat siya.

Nang makita niya akong papalapit ay kaagad niyang inilahad ang kaniyang kamay.

Napanguso ako dahil para akong batang inaabangan niya sa dulo. Ang titig pa niya ay nakakakababa.

Nang tuluyan akong makalapit ay pinirmi niya ang kanan kamay sa aking beywang habang ang isa niyang kamay ay tinanggal ang tali ng aking buhok.

"Travis!" inis na usal ko dahil sumabog ang buhok ko.

Hindi niya ako pinansin, inilagay niya sa pulusan ko ang panali bago bahagyang suklayin ang buhok ko animong seryosong bagay iyon.

"A-Akala ko ba maglilinis ka lang, bakit naligo ka na?" tanong ko.

Bumukaka siya at mas inilapit ako sa kaniya. Tumama ang aking puson sa bato na inuupuan niya. Naramdaman kong nabasa ang aking leggings.

Hindi siya sumagot. Pinatalikod niya ako saka ako hinila upang makaupo sa pagitan ng nakabuka niyang hita.

Napapikit ako ng tumama na rin sa aking ulo ang mahinang tubig sapat lang upang mabasa ang aking buhok at katawan.

"Hindi ako m-maliligo," bulong ko.

Humalakhak siya bago iyakap ang dalawang braso sa aking beywang.

Napabuntong-hininga ako dahil sobrang lakas na ng kabog ng puso ko sa mga kilos ni Travis. Nakaupo ako sa gitna niya habang nakayakap siya mula sa likod.

Basa na kaming pareho. Mas humigpit ang yakap niya para bang natatakot siyang sa sobrang basa ko ay madulas ako't mabitawan niya.

Ipinatong niya ang baba sa aking balikat kaya bahagya ko siyang nilingon.

"I'll be a good husband," bulong niya.

Dinampian ng halik ang aking balikat. Naka-sports bra ako kaya tumama ang labi niya sa aking balat, kinilabutan ako doon.

"If you are sad, I will be your smile." hinalikan niya ulit ako doon.

"If you feel alone, I will be your shadow." Tumaas ang kaniyang halikan sa ibaba ang aking tainga, sa aking panga.

Napalunok ako. "If you are lost, I will be your home, Sascha Gayle De Vega."

Napahawak ako sa braso niya ng halikan niya ako sa tainga. Mainit ang hininga niya kaya nakiliti ako. May kakaiba akong nararamdaman na ngayon ko lang naramdaman.

"T-Travis... what a-are you doing?"

"You made me love you, now I am your responsibility," bulong niya.

Mariin akong napapikit dahil hindi ko na napigilan maiyak. Sobrang saya ko. Yung pakiramdam na sa wakas ay may nakakakita ng halaga mo, na sa wakas ay may isang tao na mamahalin ka higit pa sa kaya mong ibigay.

Bago ako sa ganitong pakiramdam kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon. Parang hinahamplos ang puso ko sa tuwa.

Bumubuhos ang tubig sa mukha ko kasabay ng luha. Nang mapansin ni Travis ang aking pag-iyak ay hinawakan niya ang baba ako saka pinaharap sa kaniya.

Sandali kaming nagkatitigan. Ang mga mata niyang para akong hinihigop.

Lumapit ang kaniyang mukha sa akin, ang akala ko ay hahalikan niya ako sa labi pero dumeretsyo ang labi niya sa aking mata na para bang gusto niyang alisin ng mga luha ko gamit ang kaniyang labi.

Dinampian niya ako ng halik sa pisngi. Mas napahigpit ang kapit ko sa braso niya ng magtama na ang aming ilong.

"Can I kiss you, baby?" He whispered agaisnt my lips.

Mapungay ang mata niya para bang nagsusumamo ito para sa aking mga sagot.

Dahan-dahan akong tumango. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya bago ako halikan sa labi.

He gave me soft kisses. Dampi-dampi lang iyon animong natatakot siyang baka mabasag ko. Napapikit ako ng hawakan niya ang panga ko upang mas humarap pa sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano humalik, nakakanuod na ako ng mga pelikula pero kapag ikaw na pala ang nasa sitwasyon ay hindi mo na alam kung nganganga ka o ano.

Tumayo si Travis habang hindi naghihiwalay ang aming labi. Ang akala ko ay tapos na ngunit halos mapasigaw ako ng buhatin niya ako paupo sa bato at siya ngayon ay nakatayo.

Ang halik ni Travis ay unti-unting lumalim. Ang mga munting halik ay nauwi sa malalalim. Kinagat niya ang aking ibabang labi dahilan upang mapaawang ito.

Sinubukan kong gayahin ang galaw ni Travis sa huli ay ngumiti siya dahil sa ginagawa ko saka ako mahigpit na niyakap.

Habol ko ang hininga habang mahigpit akong yakap ni Travis. Napakurap-kurap ako sa pwesto namin.

Halos nakabukaka na ako at siya ang nasa pagitan ko, ang braso kamay ko ay nasa dibdib na niya. Naiilang na isinarado ko ang aking hita kaya bahagya siyang tumawa.

Ang saya ha!

"H-Hindi ako marunong humalik, sorry kung--" pinitik niya ang noo ko.

"Shh. I'll teach you. Hindi matatapos ang buwan na 'to na hindi ka marunong humalik," malambing aniya.

Sumimangot ako, natatawang bumalik siya sa pagkakayakap sa akin.

Napangiti ako at napapikit ng mariin ng halikan niya ang buhok ko.

"Bilisin mong lumaki," bulong niya sa buhok ko.

Humalakhak ako dahil doon. Yan, nagpakasal ka ng bata. Magtiis ka.

**

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store