ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Kabanata 11

SaviorKitty


Kabanata 11

Yakap ko ang aking sarili pagkatapos kong ilock ang gate ng bahay. Narinig kong bumusina si Travis sa aking likod kung saan nakaparada ang trailblazer niya. Bahagya ko siyang inirapan bago pumasok sa kotse niya.

If he wants me to move fast edi sana ginising niya ako maaga, nang gisingin niya ako ay nakaligo na siya saka niya minadali.

"Bag?" tanong niya ng paandarin ang kotse.

"Check." Humikab ako.

"Water? Our food?" tanong niya ulit tinanaw ko naman ang ilaw sa mga poste pagkaliko namin sa highway.

"Nasa backpack na itim," halukipkip ko at niyakap ang suot kong jacket na itim. Nakasuot ako ng gray na leggings at sa ilalim ng jacket ko ay itim na sports bra. Baka kasi uminit mamaya edi tatanggalin ko na lang ang jacket ko.

Humikab ulit ako, nakita kong tumango-tango naman si Travis.

Ala-singko pa lang ng umaga at umalis na kami para raw hindi mainit kapag nagsimula na kaming umakyat ng bundok.

Speaking of bundok, sa Mount Arayat kami patungo. Hindi naman malayo iyon sa amin, maybe one hour or less.

Bahagya kong sinulyapan si Travis. He's on his usual poker face. Deretsyo ang tingin niya sa kalsada animong hindi kumukurap, wala naman masyado pang bumibiyahe kaya mabilis ang andar namin.

Hindi ko pa siya nababati ngayon araw, hindi ko alam paano siya babatiin ng happy birthday. Should I tap his shoulder and say happy birthday? or just say happy birthday without looking at him? Damn! Ang awkward lang. Siguro mamaya na lang. Wala akong biniling regalo sa kaniya, hindi ko alam kung anong gusto niya.

Naisip ko, wala pa talaga akong masyadong alam sa asawa ko.

Gusto ko matawa, asawa? Wow, big word. Hindi ko nga alam kung hanggang saan kami aabot knowing that we are here in this marriage without feelings, without love.

Napabuntong-hininga ako, kitang-kita ko ang pagbuga niya ng hangin bahagyang gumalaw ang kaniyang balikat dahil doon.

Kapag tumatama ang ilaw galing sa mga poste na dinaraanan namin at mga sasakyan na nakakasalubong namin ay mas nakikita ko ang seryoso niyang mukha.

I like him.

Hindi ko lang maamin, siguro dahil sanay ako na ang lalaki ang unang kikilos. Natatakot akong baka hindi niya masuklian kung ano itong nararamdaman ko.

"Stop it, I can't drive if you continue watching me like that," basag niya sa katahimikan saka bahagyang sumulyap sa akin.

I bit my lower lip, I realized that I'm watching him too much. Tumikhim ako at umayos ng upo.

"Travis, ilan naging babae mo?" wala sa sariling tanong ko.

Kita ko ang pagtaas ng kilay niya, inilagay niya ang kaliwang siko sa salamin sa kaniyang gilid.

"Babae?" he asked flatly.

"Y-Yup, babae. Girl friend? Bago tayo ipagkasundo, bago ka pinilit sa akin. I'm sure you had a---"

"Wala akong naging kasintahan. I was busy studying when I was on college," simpleng sagot niya.

Nakuha na niya ang buong atensyon ko pero hindi ko pa rin pinahalata. Kunwari ay nanlalata at inaantok pa rin ako na nagtanong. "How about highschool year?" taas kilay ko.

Sumulyap siya sa akin, bahagyang bumagal ang pagpapatakbo niya.

"Bakit noong high school ka ba may lalaki ka na?" tanong niya, ako naman ang nagtaas ng kilay dahil sa tanong niyang iyon.

Napaismid ako, gusto kong isigaw sa mukha niya na hindi pa ako nagka-boyfriend pero hindi ko iyon gagawin.

Nagkibit-balikat ako sa tanong niya at nagkunwaring inaantok. Humikab ako, "Matutulog muna ako ha?" hindi ko na siya hinintay sumagot, pumikit ako pero hindi naman ako dinalaw ng antok.

NANG makarating kami sa bukada ng Mount Arayat ay nagbayad si Travis ng entrance namin para maka-akyat. Narinig kong nag-offer ang isa doon ng guide pero tinanggihan ni Travis. Kapag talaga kami naligaw dalawa ay sasapakin ko siya.

Nakakainis dahil nanuod pa naman ako noong nakaraan ng movie na wrong turn, iyong naliligaw sila sa gubat at may mga cannibal na makikita sila. Gosh, wala naman sigurong ganito dito 'di ba? Bakit ba kasi ngayon ko lang naalala. Masyado akong okupado kagabi sa sobrang excited ko.

Papasikat pa lang ang araw, may ilan kaming nakasabay na umakyat. May ilang grupo na nauuna sa amin na sa tingin ko ay magbabarkada.

"Travis, paano kapag may mga cannibal dito?" takot na tanong ko saka mas binilisan ang pagsunod sa kaniya dahil ang laki ng hakbang niya.

Hindi siya sumagot.

"Travis, paano kung may ditawa dito tapos kunin ka? Paano ako uuwi?"

Narinig ko ang hagikgikan ng tatlong babae sa likod namin siguro ay narinig nila ang sinabi ko.

Huminto si Travis sa paglalakad at nakangiwing bumaling sa akin. Nauna na ang tatlong babae na nagbubulungan pa. Hah! Chismosa!

"Huwag kang salita nang salita, mabilis kang mapapagod." kunot ng nuong aniya saka tinanaw ang mga naglalakad na medyo naiwan na kami.

Ngumuso ako saka tumango. Akala ko ay maglalakad ba siya pero sinapo niya ang backpack na dala ko para bang tinitimbang niya ang bigat noon. Sa akin ang kulay blue na ang laman ay mga damit namin pamalit, habang dala naman niya ang itim na bag na may laman tubig at pagkain.

"Mabigat ba?"

Huminga ako ng malalim dahil kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang hirap huminga.

"Mabigat?" dinungaw niya ang mukha ko kaya mabilis akong ngumiti at umiling.

"Hindi naman, tara na baka maiwan tayo," yaya ko saka nagpati-unang maglakad.

Hindi naman kasi talaga mabigat.

Noong una ay may daan pa akong nakikita, dahil sa mga dinadaanan ng ibang naghi-hiking. Hindi pa masyadong mahirap paakyat pero habang tumatagal ay pahirap na nang pahirap at matarik na.

Kung minsan ay kailangan kong kumapit sa mga kahoy at bato upang hindi ako madulas. Kung minsan din ay nauuna sa akin si Travis para alalayan ako paakyat, kung minsan naman ay nasa likuran ko siya para alalayan din ako.

"Ang init!" sigaw ko ng makaakyat ako sa isang bato.

Winagwag ko ang jacket na suot ko. Pinanuod ko si Travis na walang hirap na pumanhik.

Kinuha ko ang panali ng buhok na nasa aking pulsuhan saka ako nag ponytail. Nang lumingon ako kay Travis ay naabutan ko siyang nakanguso habang nakatingin sa isang puno.

"Inom muna tayo," aniko.

Tumango siya saka ibinaba ang bag, uminom ako nang natapos ako ay nagulat ako ng agawin niya ang tumbler ko at doon din uminom.

"Hey, akin 'yan," angal ko.

Hindi niya ako pinansin, uminom siya't ibinalik ang bote sa loob. Bahagya niya akong pinasadahan ng tingin, kaya pinasadahan ko rin ang suot niyang sweatshort at isang sandong itim. Napanguso ako ng makitang bahagyang namumula na ang braso niya.

"Ano suot mo sa ilalim nyan?" turo niya sa jacket ko habang sinusukbit ang bag.

Kumunot ang noo. "Sport bra."

Sumeryoso siya saka humalukipkip. "Let me see it."

"Ha?"

"Titingnan ko, kung ayos naman hubarin mo jacket mo pero kung kulang na lang ay ilantad mo kaluluwa mo sa lamok dito magtiis ka sa init," masungit na aniya.

Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha, hiya at inis ang parehas kong naramdaman. Hiya dahil gusto niya iyon makita at inis dahil sa yabang niya.

Inis kong inalis ang bag na dala ko n kaagad naman niyang hinawakan saka ko hinubad ang jacket na suot ko.

"Oh."

Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na ayos naman ang suot ko. Umiling siya na para bang nakaka-disappoint ang suot ko kaya nainis na talaga ako.

May dalawang lalaki na nilagpasan kami.

"Suotin mo ulit ang jacket mo Sascha," diin wika niya.

Umiling ako saka mabilis na inagaw ang bag at pinasok doon ang jacket bago nagpatiuna sa kaniya.

Hah! Huwag niyang dalhin pagiging teacher niya rito! Abat akala ata susunod ako basta-basta sa kaniya. Ayos naman ang damit ko.

Hindi ko siya nilingon, pero alam kong nakasunod lang siya sa aking likod.

Bahagya akong huminto ng makitang mataas na rock formation ang dapat kong akyatin. Ang naunang mga lalaki na nilagpasan kami kanina ay mukhang napansin na mahihirapan ako kaya binalikan ako ng isa.

"Tulong?" tanong niya.

Inilahad niya ang kamay sa akin para makaakyat ako saka siya ngumiti, ngumiti ako bilang ganti sa kabutihan niya pero bago ko pa maabot ang kamay niya ay napasinghap na ako dahil sa matigas na braso na pumulupot sa beywang ko at iniangat ako.

"Push your body up, wife."

Bahagya akong nagulat kay Travis pero ginawa ko ang gusto niya kaya nakaakyat ako. Wala naman kahirap-hirap na tinukod niya ang palad at tinulak ang sarili pataas.

Napapahiyang nagbaba ng kamay ang lalaking gustong tumulong.

"Salamat," sabi ko.

Sasagot pa sana ito sa akin pero malakas na pinagpag ni Travis ang kamay. "Tara! Tara!" aniya saka hinila na ako paalis doon.

Nahihiyang nilagpasan na kami ng lalaki at sumama sa kasama niya. Nang mawala sila sa paningin namin ay tinaasan ko ng kilay si Travis.

"Napahiya ata 'yong lalaki."

Inirapan niya ako, "So what?" ramdam ko ang inis sa kaniyang boses. "Bakit kailangan mo pa magpatulong sa iba? Pwede mo naman akong hintayin."

"Hindi naman ako humingi ng tulong, siya mismo naglahad ng kamay niya."

"At tatanggapin mo naman? Tsk." Napailing pa siya.

Hindi na kami nag-usap ulit. "Dadaan tayo sa Takwi Falls mamaya pagbababa na tayo," turo niya sa isang daan.

Tumango ako at hinayaan siya. Sana lang ay hindi pa kami pagod no'n. Mukhang tama nga siya na maalam siya rito dahil kahit naiiwan kami ng iba ay alam niya kung saan kami dadaan.

Manghang-mangha ako ng marating namin ang tuktok. Naabutan namin ang ibang kasabay namin na apura picturan na. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sobrang pagod. Pakiramdam ko ay may isang bagay akong nagawa at sobrang sarap sa pakiramdam na natapos ko iyon. Manghang inilibot ko ang paningin sa buong lugar mula sa itaas.

Ang ganda!

Hindi ko akalain na gano'n kataas ang inakyat ko.

"Wow."

Naramdaman kong tumabi sa akin si Travis at tinanaw rin ang aking tinitingnan. "Ang ganda," bulong ko ulit.

"Beautiful, indeed." nang lumingon ako sa kaniya ay sa akin siya nakatingin kaya nagsalubong ang aking kilay.

Umihip ang malakas na hangin. Napangiti ako dahil bahagyang hinangin ang buhok niya.

Doon na rin kami kumain pero siniguradong hindi mag-iiwan ng basura. Mabuti at naka box ang pagkain namin na niluto ni Travis.

Nang matapos kaming kumain ay inayos ni Travis ang bag namin sa gilid habang abala ako sa pagpipicture sa magandang lugar.

Hinarap ko ang camera sa akin saka ako ngumiti. Pumuwesto pa ako sa ibang parte. Hindi ko alam kung nakailan take pa ako bago may brasong yumakap sa akin galing sa likuran.

Napasinghap ako at naibaba ko ang cellphone ko dahil kay Travis. Ipinatong niya ang baba sa aking balikat, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ang kaliwa niyang kamay ay inalalayan ang kamay kong nanginginig na upang itaas ito.

"Let's take our first selfie," bulong niya.

Kumalabog ang puso ko, may picture kami noong kasal namin pero never pa kami nagkaruon ng ganitong picture.

Hindi ko maikilos ang daliri ko. Naglagay siya ng timer na limang segundo saka niya pinindot.

Nanginig ang sulok ng labi ko at sinubukan kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay kapag binitawan niya ako ay bigla na lang ako mapapaluhod sa panghihina.

Ngumiti rin siya ng tatlong segundo na lang.

"I love you," he whispered.

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag clicked ng camera.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store