Teach Me, Sir (Teach Series #1)
Kabanata 23
Kabanata 23
Nang matapos ang laro ay kaniya-kaniya na ang mga kaklase ko sa pagpunta sa kwarto nila. Halos hindi ko na nasundan ang laro dahil lutang na ako. Masakit ang dibdib ko. Gusto ko makausap si Travis pero hindi ko na siya nakita.
Malakas akong napabuntong-hininga ng tapikin ni Daryl ang braso ko. Seryoso niya akong tiningnan habang nakapamulsa.
"Why did you do that?" mababang tanong niya.
Naibaba ko ang aking ulo. Hindi ko alam. Natakot ako na kapag sumagot ako ng totoo ay hanapin nila kung sino, natakot ako sa paraan ng pagtanong ni Alice. Nabigla ako.
Umiling si Daryl na para bang maling-mali ang nagawa ko.
"Hindi mo naman kailangan itago, para saan? Sa sasabihin ng iba, that is selfish reason. Sa tingin mo naililigtas mo ang relasyon niyo dyan?" pakiramdam ko ay nanliit ako sa sinabi niya dahil alam kong tama siya.
Hindi ako nakapagsalita. Ginulo niya ang buhok ko. "Go on and sleep. Kausapin mo na lang siya bukas."
Tumango ako at tipid na ngumiti, umalis na si Daryl dumeretsyo siya kay Nade bago sila lumayo. Pumunta na ako kila Lisa at Alice na naghihintay sa akin para makapunta na kami sa kwarto na ibinigay sa amin.
Sabay silang kumapit sa braso ko. Hinimas ni Alice ang braso ko habang naglalakad kami, si Lisa naman ay isinandal ang ulo sa aking balikat.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Lisa ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.
Tumango ako saka umiling. "May nagawa akong mali." Parang sumisikip na naman ang dibdib ko habang naiisip ang reaksyon ni Travis.
"Minsan, ayos lang maging mali. Ayos lang maging iba. Ayos lang," seryosong wika ni Alice.
Sabay kaming lumingon sa kaniya.
Humalakhak si Lisa, sakto naman ay nasa harap na kami ng room namin. "Ang seryoso ha? May pinaghuhugatan ba kayo?"
Pumasok na kami sa loob. May kasama rin iba namin kaklase, may limang double deck sa kwarto. Ang pinaka dulo ang natira sa amin.
Kaagad dumeretsyo si Lisa sa ibaba, ngayon iniisip ko kung sino ang katabi niya, ako o si Alice. Tiningnan ko ang nasa itaas niya, nandoon ang bag ni Nade.
"Sino katabi ko?" tanong Lisa habang inaayos ang unan niya.
Nagkatinginan kami ni Alice.
"Sa taas ka na lang Lisa, tabi kami ni Sascha," mabilis na wika ni Alice habang nagsusuklay ng buhok.
Ngumiwi naman si Lisa, "Ayoko nga! Malikot akong matulog, mahuhulog ako," tanggi niya.
"A-Ah ako na lang sa itaas."
Bago pa maka-angal si Alice ay umakyat na ako. Siguro ay dahil hindi sila ayos ni Nade ay ayaw niya itong katabi? Magka-ayaw ba sila? Kasi kanina hindi naman sila nag-uusap. Si Kevin naman ay ayaw kay Nade dahil inaagaw raw si Daryl, si Lisa naman ay ayos lang normal lang ang pakikitungo kay Nade at gano'n din naman ako. I don't see any problem about Nade.
Binuksan ko ang cellphone ko upang itext si Travis.
Mister ko:
Nasan ka?
Hintay ako nang hintay sa text niya hanggang makatulog na lang ako. Kinaumagahan ay parang mas bumigat ang puso ko nang makitang wala siyang text. Karaniwan ay tinatadtad niya ako.
Mabigat ang katawan na naligo ako, sabay-sabay kaming pupunta sa hall para sa pagkain, tapos may program na ata pagkatapos.
Nang makarating kami ay nandoon na si Daryl at Kevin. Kaagad akong pinaghila ni Daryl ng upuan, habang si Kevin ay nagsimula ng dumaldal kay Lisa at Alice.
"Nagkausap na kayo?" tanong ni Daryl.
Umiling ako. "Hindi siya nagreply," malungkot kong usal.
"I saw him kanina. Medyo malapit lang 'yong room nila sa amin. Kasama niya si Sir Rico," bulong niya.
Tumango ako.
"Ayon! Ang aga-aga may bulungan ng nagaganap!" humalakhak pa si Kevin.
"Miss na miss ah?" ani Lisa.
Hinihintay kong magkomento si Alice pero nagtuloy lang siya sa pagkakape. Hindi ko na rin pinatulan ang asaran nila, wala akong gana.
Nang magsimula na ang seminar ay hindi ako mapirmi sa aming upuan. Palingon-lingon ako sa buong paligid. Nagbabakasaling pinapanuod ulit ako ni Travis kagaya kahapon na nakabantay lang siya mula sa malayo.
Nabuhayan ako ng loob ng makita siyang papasok. Kasama niya si Sir Rico at Ma'am Bea. May ipinakita si Ma'am Bea sa kaniya sa cellphone tumango siya doon at ngumiti.
Travis, lumingon ka naman.
Nabigo ako ng hindi niya ako hinanap. Wala akong nagawa kung hindi titigan siya, nagbabakasaling hahanapin niya kung saan ako uupo saka ngingitian.
The aquiline nose he sported complemented his prominent cheekbones. He puts his hands on his pockets.
May sinasabi si Sir Rico kaya tumawa siya. Akala ko ay malungkot siya, pero ang makita siyang tumatawa naman at parang hindi apektado sa nangyari kagabi ay hindi ko mapaliwanag.
Masaya ako kasi hindi na siya malungkot pero nasasaktan din ako sa iisipin na balewala na ako. Samantalang ako ay halos isipin siya buong gabi.
"Matutunaw yan," ani Daryl saka ako siniko.
"Hindi niya ako pinapansin," parang batang sumbong ko.
"Mamaya kakausapin ka na niyan, makinig ka na lang muna."
Malungkot na tumango ako, pinilit kong makinig sa seminar. Paminsan-minsan ay lumilingon ako kay Travis. Nakangiti pa rin siya habang nakikipag-usap kay Sir Rico at Ma'am Bea at sa isa pang teacher.
Napasinghap ako ng magtama ang aming mata, nginitian ko siya. Umaasa akong susuklian niya iyon pero halos umiyak na ako ng ang ngiti sa labi niya ay biglang nawala ng makita ako. Naging blanko ang mukha niya saka ulit bumalik sa pakikipag-usap sa ibang teacher.
Napababa na lang ang tingin ko sa aking kamay sa aking hita. Bumagsak ang aking balikat.
Galit nga siya.
Buong araw ay hindi na ako umimik. Alas kwatro ng matapos ang seminar. Pwede na ulit kaming mamasyal kung saan namin gusto hanggang bukas dahil ang uwi pa namin ay bukas ng hapon.
Gusto ko makausap si Travis. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan dahil lagi siyang kasama ng ibang teacher.
Ang huli kong nakita ay pumasok sila sa isang kwarto, nandoon ang ibang teacher.
Sinalubo sila Nade ng makitang mag dala silang mga tray. "P-Para ba 'yan sa mga teacher?" tanong ko.
Kumurap-kurap siya saka tumango, "Miryenda nila, 'yong sa atin nandoon na sa hall."
Kinagat ko ang aking ibabang labi. "U-Uhm pwede bang sumama ako sa loob? A-Ako na lang naghahatid ng isang tray."
Sandali pa niya akong tiningnan bago tumango, iniabot niya sa akin ang dala niya. "Sige."
"Salamat."
Kasama ang apat pang istudyante ay pumasok kami sa isang silid. May mga lamesa doon at nagkukwentuhan ang mga teachers. Kaagad hinanap ng mata ko si Travis. Nang makita niya ako ay nag-iwas tingin siya sa akin.
Bakit ayaw mo akong tingnan ha?!
Gusto kong sumigaw doon. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang mamigay ng sandwich at mineral water sa mga teacher. Sinadya ko talagang gawi kila Travis ako mamigay para malapitan ko siya.
"Thanks," ani Sir Rico saka ako nginitian ng abutan ko siya. Bumaling siya kay Travis na katabi niya, naitikom niya ang bibig.
Nanginginig ang kamay kong inabutan si Travis. Blanko ang mukhang tinitigan niya ang bigay ko.
Pekeng tumawa si Sir Rico, siya na lang ang kumuha no'n sa akin saka inilapag sa lamesa. "Hehe, salamat Sascha."
Nang hindi pa rin ako umaalis sa harap niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin. His eyes focused on me, he crossed his hands over his chest then he frowned at me.
"What?" taas kilay na tanong niya.
"K-Kumain ka na," mahinang wika ko.
"Holyshit," mahinang mura ni Sir Rico sa gilid ko.
Siguro ay natatakot siyang makita kami. Hindi ko sigurado kung may nakatingin nga sa aming ibang teacher.
Tumalikod na ako, para akong nanghihina nang lumabas doon. Bumalik ako kung nasaan sila Daryl, naabutan ko silang nagtatawanan.
Unang lumingon sa akin si Alice, ngumiti siya.
"Saan ka galing sis? Nang hu-hunting ka ng boys no?" akusa ni Kevin, tinaas-taasan pa niya ako ng kilay.
Ngumisi ako at umiling. Pilit kong tinatago ang sama ng loob ko. Alam ko naman mali ang ginawa ko at nasaktan ko siya. Hindi lang ako sanay na ganito ang trato niya sa akin, na halos hindi na niya ako pansinin.
"Nagkausap na kayo?" pasimpleng tanong ni Daryl.
Umiling ako. Narinig ko pa ang buntong-hininga niya at hindi na siya muling nagsalita pa.
Pagkatapos ng dinner ay hinanap ko ulit siya, hindi ko kaya na ganito buong araw hindi kami nag-uusap. Tinuro sa akin ni Daryl kung saan niya nakitang lumabas si Travis na kwarto. Hinatid pa niya ako doon bago umalis.
Nilakasan ko ang aking loob, nagpalinga-linga muna ako bago ako kumatok.
Pagkatapos ng tatlong katok ay may narinig akong papalapit sa pinto, kumabog ang aking puso. Dahan-dahan bumukas ang pintuan, halos manlaki ang mata ni Sir Rico ng makita ako.
Umawang ang labi niya saka inilibot ang tingin sa labas tinitingnan kung may ibang tao.
"S-Sascha, anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
Bahagya akong sumilip sa loob. "Nandyan po ba si T-Travis?" nag-aalangan tanong ko.
Dahan-dahan naman siyang tumango. Siguro ay nakuha niya ang gusto kong mangyari, binuksan niya ng mabuti ang pintuan. "Sandali lang ha? Magbabantay ako dito sa labas. Bilisan mo ah?" paninigurado niya.
Masayang tumango. Lumabas nga siya at sinara ang pinto.
Kumpara sa kwarto namin ay dalawang medyo maliit lang ang kwarto nila saka dalawang kama lang.
Naabutan ko si Travis na nakadapa sa kama niya habang may nakatakip na unan sa ulo. Natutulog?
Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya, marahan akong umupo doon. Wala siyang damit pang-itaas kaya naman kitang-kita ko ang likod niya. Inalis ko ang unan tumatakip sa mukha niya.
Kaagad kumunot ang noo niya dahil sa ilaw na tumama sa mukha niya.
"R-Rico patayin mo ilaw," angil niya.
Nang hindi ako nagsalita ay dahan-dahan siyang dumilat halos mapatalon pa siya sa pagkakahiga ng makita ako sa kwarto nila. Mabilis siyang umupo sa kama. Inilibot ang paningin sa buong kwarto.
"N-Nasa labas si Sir Rico."
Sinuklay niya ang buhok saka sumimangot, hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ang singsing niya na nasa kamay na niya ulit.
Hindi na ba siya galit? Bakit ba kasi may patanggal-tanggal pa.
"Why are you here?" masungit na aniya.
Napasimangot ako. "Bakit nagmumukmok ka rito sa kwarto? Dapat nasa labas ka."
Inismidan niya ako. "Bumalik ka na doon."
Humiga ulit siya't tumalikod.
Pinilit ko siyang paharapin. Hinahawi lang niya ang kamay kong humahawak sa balikat niya. Grabe naman si Travis! Ang arte naman.
"Travis naman, mag-usap tayo."
"Ayoko."
"Galit ka ba?"
Hindi siya sumagot, huminga ako ng malalim. Galit nga siya. Tumigil ako sa pagharap niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko.
"S-Sana maintindihan mo ako..." mahinang wika ko.
Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Hindi kita maintindihan Sascha, sige ipaintindi mo sa akin kung bakit... bakit mo ako nililihim? Am I not good? Not enough?" walang emosyon tanong niya.
Sa pagkakataon na iyon ay umupo na siya at hinarap ako. Nakatagilid ako sa kaniya.
"Now tell me, why? Why are you afraid? How do I stop you worrying about people's opinions? Lagi mong iisipin ang sasabihin nila sa'yo, p-paano naman sa akin?" He said gravelly.
He wrinkled his nose.
Hindi ako nakapagsalita, kung kanina ay ang tapang-tapang ko pangsumugod dito ay ngayon ay para akong naputulan ng dila.
"I'm mad," he mumbled.
Tumingin ako sa kaniyang mata. Blanko ang kaniyang mukha pero malungkot ang kaniyang mga mata.
"You know what's hurt the most? That hurting me didn't hurt you. Pakiramdam ko ay ako lang ang may gusto sa relasyon na 'to," nanuyo ang aking lalamunan sa kaniyang sinabi. Pagak siyang tumawa. "Yeah, right. Hindi mo pa ng sinisigurado kung anong nararamdaman mo sa akin. Ako lang 'tong habol nang habol."
Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao. Naiiyak na ako.
"Travis, hindi sa ganon kasi..."
Bago pa ako makapagpaliwanag ay bumukas na ang pintuan. "Sorry Sascha kailangan mo na umalis, nagsisimula na ang games niyo sa labas. U-Uhm, baka rin may makakita sayo rito."
"Umalis ka na," ani Travis saka nahiga ulit.
Bagsak ang balikat na lumabas ako doon. Tipid akong nginitian ni Sir Rico.
Pagliko ko papunta doon sa gaganapan ng games ay nakakita ko si Daryl na nakasandal. Hindi pala siya tuluyan umalis, hinintay pala niya ako. Dumeretsyo siya ng tayo ng makita ako, kaagad niya akong sinalubong.
"Okay na kayo?" kaagad niyang tanong.
Ang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng bumuhos. Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko si Travis. Masyado akong nag-o-over think sa sasabihin ng iba. Yung asawa ko hindi ko man lang naisip ang mararamdaman.
Narinig kong malulutong na mura ni Daryl bago ako daluhan. Niyakap niya ako at saka hinimas-himas ang aking likod.
"Shh. Okay lang 'yan. Stop crying." Hindi ko alam pero lalo ako napaiyak, dahil sa pag-aalo niya. Pakiramdam ko ay isa akong bata na inaalo ng magulang. Napatakip ang kamay ko sa mukha ko, hinimas-himas niya ang likod ko. "Oh God! Please babe stop crying, you're creeping me out. Tama na, ayos lang 'yan. Kakausapin ulit natin siya ha? Sasamahan kita mamaya o bukas. Tama na," mahinahong ani Daryl.
Tumango ako at pinunasan ang luha ko. Tama! Kakausapin ko ulit siya. Hindi lang ako nakapag-paliwanag kanina dahil kaunti lang ang oras.
Nang tumahan na ako ay inayos ko ang sarili ko. Sinuklay naman ni Daryl ang ilang buhok ko na nagulo.
"Ayos ka na?"
Tumango ako. "S-Sorry, lagi mo na lang ako nakikitang umiiyak."
Ngumiti siya. "It's okay."
Sabay kaming naglakad papunta sa mga kaklase ko. Ang mapanuksong ngiti ni Kevin ang sumalubong sa amin, nagbulungan sila ni Lisa saka naghagikgikan.
Seryoso lang akong tiningnan ni Alice. Si Nade naman ay nag-iwas tingin sa amin.
Umupo ako sa tabi ni Kevin sa damuhan, tumabi sa akin si Daryl sa kabila niyang gilid ay si Alice.
"Can I sit here?" tanong ni Daryl kay Alice na pasimpleng inirapan ito.
"Nakaupo ka na nga nagtatanong ka pa. Bakit hindi ka doon umupo sa tabi ni Nade?" rinig kong bulong ni Alice.
Si Nade ay katabi ni Lisa sa kabilang dulo.
Humalakhak si Daryl. "Why are you so mad?"
Nag-talo pa ang dalawa pero hindi na ako nakinig pa. Pinilit kong makinig sa games namin ngayon. Dahil kagabi raw ay puro truth ngayon naman ay dare. Huwag lang iyon malalaswang dare o ano man na mapapagalitan kami.
Pumayag naman ang lahat.
Nagsimula na ang laro, sa kalagitnaan ng laro ay nakita ko si Travis na pumwesto ulit doon sa pinuswestuhan niya kagabi.
Kinabahan ako. Sana maayos ibigay sa akin dare. Ayoko na magalit pa ulit siya.
Nang tumapat sa isang kaklase ko ang bote ay inutusan siyang tumambling ng dalawa. Nagtawanan kami dahil hirap na hirap siya.
Ang sunod na natawag ay si Nade, inutusan siya noong lalaki kong kaklase na kumanta ng mataas. Chandelier ang kinanta niya, natawa rin ako dahil halos ilabas na niya ang lalamunan niya.
Nanigas ako sa pagkakaupo ko ng ako naman ang natapat ng bote. Pumalakpak si Nade dahil siya ang mag-uutos sa akin.
Shit! Ngumisi siya sa akin.
"Kagabi sinabi mong hindi ka in relationship. Though, I'm not sure about that." Nagkibit balikat siya. "I want you to hug someone you love. Someone special to you." Tinaasan niya ako ng kilay.
Umalma ang isa kong kaklase. "Hala baka pagalitan tayo," umismid si Nade.
"Hahalikan ba niya? Hug lang naman. Hindi ko naman sinabing laplapin niya. Ang OA niyo," aniya.
Tumawa ang lahat. Ngumisi si Kevin animong excited.
Namula ang mukha ko ng tumingin ako kay Daryl ay nginitian niya ako para bang pinapalakas ang loob ko.
Tumayo ako naghiyawan ang mga kaklase ko, kaya halos lahat pati ibang section at year ay napalingon na sa amin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nagtama ang mata namin ni Travis, kumunot ang noo niya.
Huminga ako ng malalim saka nagsimulang maglakad. Sa gitna ako ng dumaan, lahat sila ay nakatitig sa galaw ko. Nang makalabas ako sa bilog namin ay napasinghap sila dahil papunta ako kila Travis.
Napahawak si Sir Rico sa poste sa gilid animong matutumba na siya. Si Ma'am Bea ay kumunot ang noo. Ang adviser ko naman ay naguguluhan din kung bakit ako lalapit sa kanila.
I saw Travis shocked face. Bahagyang napaawang ang kaniyang labi ng dahan-dahan ko siyang yakapin sa beywang.
Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang matigas na dibdib. Naamoy ko ang pamilyar niyang amoy.
Napahawak siya sa likod ko sa gulat, rinig ko ang pagsinghap nila.
"B-Baby..."
"I'm sorry Travis... I love you."
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store