Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 9
Kabanata 9:
If there's a most awkward moment in my life, I would say that this is mine. Daryl driving his car while I'm beside him. Gen and Rev are in the passenger, still debating about their shirt.
I combed my hair, looking outside the car.
"Contact lenses?" nagulat ako nang magsalita si Daryl pagkatapos ng mahabang katahimikan sa amin.
Halos hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakasakay sa kaniyang kotse, nang batiin niya ako kanina ay pormal ko naman siyang binati at nanahimik na ako, hanggang pagpaalam siya sa mommy niyang aalis na kami.
I can't believe! My mom's new friend is also his mom, what a coincidence!
Bahagya ko siyang sinulyapan, isang kamay lang ang kaniyang gamit sa manubela habang ang isa ay pinaglalaruan ang ibabang labi niya.
Hindi ko maiwasan mamangha dahil hindi ko inaasahan na magkikita at magkakausap pa kami na ganito kalapit sa isa't-isa.
"Yes, paminsan-minsan ko na lang sinusuot 'yong eye glasses ko, medyo sanay na sa contact lense," mahinahong wika ko.
Sandali siyang natahimik saka nilingon ako, nagtama ang aming mata pero kaagad din niya ibinalik sa kalsada ang sa kaniya kaya kumunot ang aking noo. What happened Daryl?
"You're not tense," mahinang puna niya.
Tuluyan na akong lumingon sa kaniya habang iniisip ang ibig niyang sabihin doon. I can see every movement of his long eyebrows, kung anong ikina-nipis ng sa akin ay siyang ikina-kapal ng sa kaniya. Ang daya!
"Why would I be?" Natatawang wika ko.
"You're not comfortable with me before, what's change?" hindi na niya naiwasan mag tanong pero naitikom niya ang bibig. "You don't have to answer that," bawi niya kaagad.
Isinandal ko ang aking ulo sa upuan saka siya tinitigan. He's well matured, mas lumapad ang kaniyang balikat kaysa noong huli kaming nagkita, nakita kong gumalaw ang kaniyang panga, may kaunting buhok siya doon.
"What are you doing, Nade?"
"Just looking."
"You can't look straight to me before." he pointed out.
I chuckled, right! "Before Daryl. I'm just glad to see again, grabe tinanggihan ko itong trabahong inalok mo apat na taon na ang nakaraan tapos ito ako, tutor na ng anak mo. How funny right?" I joked.
Noong huli kasi kaming nag-usap, sa kwarto niya pagkatapos niyang sabihin kalimutan na namin lahat ng nangyari ay inalok niya akong maging tutor ng kaniyang mga anak.
How can I accept that after he said that we should forget what we did. After he declined my feelings for him years ago. Make out? I don't know what we did. Basta ang alam ko lang hiyang-hiya ako noon kaya umalis na ako habang may natitira pang lakas at hiya sa katawan ko.
Mukhang hindi siya natuwa sa huling sinabi ko kaya nagkibit-balikat na lang ako. No fun, mukhang tumanda na talaga si Daryl at hindi na mabiro, kung sabagay kahit naman noong nag-aaral kami ay minsanan ko lang siya makita ngumiti.
Hanggang makarating kami sa bahay nila ay nagtatalo ang dalawang bata tungkol sa damit. Sa tingin ko ay kung nandito si Isaiah ay makakalaro nila, halos magkakasing-edad lang sila.
Malaki na ang pinagbago ng bahay nila kaysa sa huli kong punta rito. Wala sa sariling napatingin ako sa hagdanan papunta sa itaas, dapat ay hindi ko na 'yon naiiisip matagal na 'yon.
"Gen Rev, go to your room and change, I'll guide Ma'am Nade to our library," sabi ni Daryl sa mga anak at ginulo pa ang buhok ng dalawa.
"Daddy, I want spaghetti," ani Gen.
"Later, we'll cook."
"But dad we can't cook remember?" ani Rev.
Sumulyap sa akin si Daryl habang kausap ang mga bata. "Oh right, then we'll buy."
Nakangiting tumango si Gen at kumaway pa sa akin bago umakyat, samantalang si Rev naman ay kumunot ang noo sa ginawa ng ama bago sumunod sa kapatid.
Pakiramdam ko ba'y pinagsamang Daryl sila.
Nang maka-alis ang dalawa ay umakyat si Daryl, sinundan ko naman siya hanggang makarating kami sa dulong kwarto sa pasilyong iyon. Madilim ang bumungad amin, kinapa niya ang ilaw sa gilid bago tuluyan buksan ang pintuan ng kwarto.
"Come here." Iminuwestra niya ang kamay.
Malaki at may ilang book shelves doon, may mahabang lamesa rin sa gilid at isang piano set.
"Nice," komento ko nang hindi maiwasan mamangha. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya napalingon ako kay Daryl nang isara niya iyon.
Sumandal siya sa nakasarang pintuan, huminga ako ng malalim. Nagkunwari akong abala sa pagtingin sa iba't-ibang klase ng libro.
"I haven't seen you for almost four years, how are you after you left Pampanga? " tanong niya.
Hindi ko siya nilingon, binuklat ko ang isang libro na una kong nahawakan, ayoko lang talaga tumingin sa kaniya.
"Ito mabuti naman, nagtuturo pa rin. Sa probinsya kami tumira ni—" Napatigil ako dahil sa realisasyon, tumikhim ako para ibahin ang usapan. "—nila Mama, pero madalas ay umuuwi sila rito." I lied to him. "How about you? You continue handling your uncle's business?" kalmadong tanong ko habang ininilipat ang pahina ng libro.
Siguro ay busy rin siya kaya hindi niya maturuan ang anak.
"Uh-huh," sagot niya.
Sa totoo ay wala naman ako naiintindihan sa ninilapat kong pahina ng libro, kunwari lang ako nagbabasa.
"Why can't you look at me?" he asked like it hurt him.
Pagak akong tumawa. "May binabasa kasi ako—" Napatigil ako sa pagsasalita at nabitin ang ngiti sa aking labi nang makitang dalawang hakbang na lang ang pagitan namin."Why?" tanong ko nang makitang titig na titig siya sa akin animong inaalam ang iniiisip ko.
Sinuklay niya ang buhok, parang pinipigilan ang sarili.
"Naiirita lang ako na kinakausap kita pero hindi ka naka-tingin sa akin, that's rude," inis na wika niya.
Bahagya akong umatras para bigyan distansiya ang katawan namin dahil may pamilyar akong nararamdaman na halos ibaon ko na sa nakaraan. Ayoko ng maramdaman ulit iyon, huwag na sa kaniya.
"Oh, sorry? Anyway, may I know my schedule? Anong araw mo ba akong gustong magturo sa mga anak mo? I can teach them three times a week this vacation, siguro sapat na 'yon? Monday, Wednesday and Friday?" suwestiyon ko.
Bahagya siyang sumandal sa isang book shelves doon at pinag-krus ang mga braso sa dibdib.
"I want your full week sched."
Napamaang ako. "Masiyado atang sobra iyon, this is tutoring right? Advance study lang for next school year? One week is too much parang nag-aaral na rin sila kahit bakasyon," I pointed out.
"Five then. Monday to Friday."
"Mahina ba sila sa school? Why they need tutor?" hindi ko maiwasan magtanong. Ang iba kasi ay once a week nga lang.
Tumikhim siya, naglakad papunta sa isang lamesa doon.
"They are excellent in academic, I just want them to learn more. So five times a week," wika niya. Hindi na iyon patanong, para bang sinasabi niyang iyon na talaga ang desisyon niya.
"O-kay? M to F then. What is the approximate time I need to complete a day session? One or two hours?"
He looked at me, furrowed his eyebrows.
"Eight hours," he said.
Natawa ako. "Tutor pa ba 'yan o regular class na?" biro ko.
"Fine, five."
"Two."
"Four," he demanded.
"Two."
He tsked. "Fine! Three hours last na 'yan."
Napangiti ako doon, lukot naman ang mukha niya. Ano bang problema nito?
Sakto naman may kumatok sa pinto. "Daddy can we come?"
Bahagya akong lumayo, bakit ba nagpapaalam pa sila? Wala naman kaming ginagawa sa loob.
"Sure, open the door," ani Daryl.
Ilang segundo pa ay dahan-dahan bumukas ang pintuan, sumilip doon sa Gen at Rev animong natatakot sa makikita at parang nakahinga sila nang maluwag ng makita malayo kami sa isa't-isa ni Daryl.
"Come here," sinenyasan ni Daryl ang mga anak sa sofa doon. "Talk to Ma'am Nade about your last subjects. She will discuss the day you'll meet her in a week. I want you to behave, boys," hindi ko maiwasan mamangha kung paano niya kausapin ang mga anak.
Sumaludo si Gen, humalukipkip naman si Rev. Ginulo niya ang buhok ng mga anak bago bumaling sa akin.
"I'll go to office," paalam niya sa akin.
Napataas ang kilay ko doon. Hala e bakit ka sa akin nagpapaalam?
Imbes na magsalita ay tumango na lang ako. Akala ko'y tatalikod na siya pero lumapit siya sa akin at inilabas ang cellphone niya't inilahad sa akin.
"Save your mobile number," he commanded.
"Huh?"
"We need a communication, Ma'am Nade."
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store