ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 8

SaviorKitty

Kabanata 8:

"Next time, don't talk to strangers. Don't accept anything, okay?" pangaral ko kay Isaiah.

Nang makarating kami sa bahay ay kaagad niyang kinuwento kila Mommy ang nangyari sa mall, kung paano niya nakuhang bigay ni Tito pogi niya, ni Daryl.

I was shock to see him after years, that's all.

Hindi ko rin alam kung bakit ako umiwas, siguro ayoko na lang din maglapit ulit ang landas namin, not that I hate him but I think there's no reason for us to talk, like before.

"Mama, he's not a stranger. Nagpakilala na siya sa akin," sagot pa niya.

Napa-hilot ako sa aking noo, paano ko ba ipapaliwanag sa batang ito ang lahat? "Don't do it again, okay?" ipinakita ko sa kaniyang seryoso ako.

Bahagya pa siyang napanguso bago dahan-dahan tumango.

I fixed her bed before I guided her to sleep. "Good night, baby." I whispered then kissed her forehead, antok na matang tiningnan niya ako hanggang makalabas ng kaniyang kwarto.

Nakita ko pang niyakap niya ang kaniyang bagong laruan bago ko tuluyan maisara ang pintuan.

Napabuntong-hininga ako saka pumunta sa sala, naabutan ko doon si Mommy at Daddy na nanunuod ng tv. Sa ngayon ay pansamatala kaming sa bahay nila tumutuloy habang kababalik pa lang namin.

Hindi ko maipagkakailang kita na ang katandaan sa kanilang katawan, si Daddy ay mas lamang na ang puting buhok, tandang-tanda ko pa noong bata ako ay titig pa lang niya ay natatakot na ako, ganoon pa rin naman hanggang ngayon ang pinagkaiba nga lang ay mas maluwag na sila sa akin.

Si Mommy, kung anong ikina-istrikto niya sa akin noong bata ay iyon naman luwag niya sa gusto ni Isaiah, lahat ata ng pwedeng maibigay ay ibibigay sa apo.

Kaya naman bantay ko rin talaga ang anak ko kapag nandito dahil alam kong kaunting hingi lang niya ay ibibigay ng magulang ko.

"How's our ancestral house in Cagayan? Mabuti naman at hindi ka pine-pwerwisyo ni Tito mo?" bungad ni Daddy nang maka-upo ako sa isahang sofa.

"Hindi naman na Dad, 'yong huling punta nila doon ay noong nakaraan taon, wala rin naman sila mahahabol sa bahay doon dahil kay lola pa rin nakapangalan iyon," wika ko.

Tumango-tango si Mommy. Ang bahay kasi na tinutuluyan namin sa Cagayan ay kay Lola, ang kaso ay noong namatay siya'y inaangkin na ng mga nakaka-tandang kapatid ni Daddy dahil papatayuan daw nila ng bigasan kaya naman hindi pumayag si Daddy.

"Nga pala, Nade. Tutal ay bakasyon naman na ay bakit hindi ka na lang muna magtutor? Itong bago kong amiga ay nakwento sa akin na naghahanap sila ng magtuturo sa apo nila habang bakasyon," ganadong wika ni Mommy.

Tiningnan ko lang siya, pakiramdam ko ba'y wala naman na akong choice.

"Mom, gusto ko sana isulit itong bakasyon kasama si Isa at saka—"

"Grenade naman, ilan taon na kayo magkasamang dalawa ng anak mo hindi mo pa sulit? Kami naman ng Daddy mo ngayon bakasyon, ikaw naman tanggapin mo na ang alok ng kaibigan ko at saka isa pa naka-oo na ako sa kaniya sinabi ko pang magaling na guro ang anak ko, abay ipapahiya mo ba ako anak?" madamdamin wika niya.

Tumingin ako kay Daddy para sana humingi ng tulong pero nagkibit-balikat lang siya sa akin, hinayaan mag-usap kami ni Mommy.

"Oh okay mom, just this vacation ha?" paalala ko sa kaniya, hindi ko pa kasi alam kung magtatagal kami rito sa Pampanga.

"Great, I'll call my friend. Thank you anak," masayang wika ni Mommy saka tumayo dala-dala ang cellphone.

Napanguso ako kay Daddy lalo ng nakangiti siya sa akin. "Still, my princess can't say no. I see," pang-aasar niya.

Pabirong inismidan ko siya.

"Tingin mo Dad makakatanggi ako kay Mommy e mukhang naka-oo na siya sa kaibigan niya."

Humalakhak siya. "Hayaan mo na ang mommy mo, wala na iyan mapaglibangan."

Ngumiti ako. I wish I'll find a man like my dad, na kahit tumanda na sila ay iniintindi pa rin si Mommy. I know they're not a perfect parents, but atleast they gave me what I deserved.

               
                 "Good morning po," bati ko sa isang ginang na siyang kaibigan ni Mommy, ngayon ang araw na ipapakilala raw ako sa mga batang tuturuan ko. Mga, dahil kambal daw.

Ngumiti siya sa akin, nagulat pa ako nang tumayo siya't bumeso sa akin. "Thank you for accepting my request iha, my apo needs a tutor this vacation, para mag-advance study rin sana sila. Good thing your mom told me about you, mas matiwala ako sa'yo kaysa sa iba ko ipagkatiwala ang mga apo ko," wika niya habang natatawa, sobrang gaan niyang kausap.

I didn't feel intimidated, siguro dahil lagi siyang naka-ngiti kapag nagsasalita.

"Ayos lang po, gusto ko rin naman makatulong. Nasaan na po pala sila? How old are they?" tanong ko, imiwestra naman niya akong umupo sa isahang sofa.

"They are upstair, actually pinaayos ko lang gamit nila uuwi na kasi ang mga 'yon sa bahay nila," kwento niya tapos ay lumingon sa gilid. "Manang, pasuyo naman ng juice saka yema cake itong si—what's your name kasi iha? Sorry alam mo naman, may katandaan na."

"Grenade po, Nade na lang."

"Pakuha si Nade ng makakain habang hinihintay ang mga bata," wika niya sa kasambahay na mabilis naman sumunod.

Busog pa sana ako pero hindi na rin ako tumanggi, nakakahiya naman.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong sala kung nasaan kami, simple lang bahay pero maganda, umaangat ang mga halaman sa maliliit na paso na naka-kalat sa buong bahay.

"How old are you Nade? Ilan taon ko na rin kaibigan ang mommy mo pero ngayon lang kita nakita," kwento niya.

Dumating ang pagkain ko, nagpasalamat ako sa babae bago sumagot sa ginang. "Mag twenty nine na po ako this year, doon po kasi ako sa probinsya namin naglagi ng ilan taon."

Tumatango siya. "Medyo matanda lang sa'yo ng kaunti ang anak kong lalaki."

Napangiti ako sa sinabi niya, ano kaya ang pakiramdam na may anak na lalaki? Hindi sa gusto kong maging lalaki si Isaiah, my baby is the sweetest and beautiful girl, hindi ko siya ipagpapalit.

Napukaw ang atensyon namin nang may narinig kaming ingay sa hagdanan sunod noon ay ang bungad ng dalawang lalaki na nagtatalo ata dahil sa isang bagay.

Ganon na lang ang pag-awang ng aking labi nang makilala sila, I can't be wrong. I know them!

"Lola, this is mine right? Rev claiming my favorite shirt!" himutok ng isang batang lalaki, bahagyang kulot ang kaniyang buhok.

Umismid ang isang bata na naka-taas ang buhok. "Hah! That's mine Gen, I just let you used that before then now you're claiming my shirt?" sarkastikong wika nito.

Napangiwi ang ginang saka parang nahihiyang tumingin sa akin. "Pagpasensyahan mo na ang mga apo ko ha, Nade ganyan talaga sila maglambing sa isa't-isa."

Gusto ko man siyang ngitian ay hindi ko magawa, parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa talampakan at napunta na sa aking mukha.

"S-Sila po ang tuturuan ko?" hindi pa rin makapaniwalang wika ko, umaasang iiling siya ngunit nabigo ako nang tumango siya.

Tinawag niya ang mga bata na nagtatalo sa hagdanan, kumalabog ang puso ko nang magtama ang mata namin tatlo. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan, pakiramdan ko'y ang ama nila ang naka-tingin sa akin.

"Gen, Rev I told you that your tutor will come today right? This is Ma'am Nade, my friend's daughter. She will be your tutor, okay?" paliwanag niya sa dalawa na tuluyan ng lumapit sa amin.

Hell no! Hell no!

Namilog ang mata ni Gen sa akin bago ngumiti animong nakilala ako samantalang nanatiling kunot ang noo ni Rev.

"You, I know you Tita Ma'am," bulalas ni Gen.

Naguguluhan nagpalit-palit ng tingin sa amin ang Ginang. Magtatanong sana siya pero napako ang tingin niya sa aking likod, nang tumunog ang pintuan doon senyales na may pumasok.

Nagliwanag ang mata ng ginang habang tahip-tahip ang kaba sa aking didbib.

"Oh your dad is here na!" anunsyo niya.

"Daddy!" narinig ko ang yabag niya na mas papalapit nang papalit sa amin, mariin akong napa-pikit.

Damn it!

"Anak, your son's tutor is here. Sasabay na siya sainyo papunta sa bahay niyo para doon na siya dederetsyo sa susunod."

Naidilat ko ang aking mata nang maramdaman ang presensya niya sa akin harap, nakita kong humalik siya sa kaniyang ina.

Likod pa lang niya ay kilalang-kilala ko na.

I gasped when his bare arms came into sight. He was in a plain white shirt and sweater shorts, even in distance I can smell him. He smelled so nice.

Nang humarap siya sa akin ay nagtama ang aming mata.

He looked extremely intimidating. He froze at first but then, he smiled at me.

"Hi, ma'am," he greeted me using his serious and deep voice.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store