Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 7
Note: For clarification lang sa edad nila, 8 si Daryl noong bata sila at 6 naman si Nade, so noong college sila ay 19 at 17 sila. Noong umuwi si Daryl galing ibang bansa, 26 na siya at 24 na si Nade, and now this timeline(present). 28 at mag 29 na si Nade, means mag 31 na si Daryl. Iyon lang, two years ang agwat po nila. Enjoy Reading!
Kabanata 7:
"Mama look, ang laki ng ferris wheel!" sigaw ni Isaiah nang makita iyon sa likod ng mall kung nasaan kami.
"Sky ranch ang tawag dyan, kilala rin sa Pampanga Eye. Madalas ako noon rito kapag wala kaming pasok dahil dito lang naman ako pinapayagan ni Lola Mami mo," kwento ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok sa mall.
Pangalawang araw na namin simula ng maka-uwi kami sa Pampanga, kahapon ay nagpahinga lang kami at ngayon ay balak kong makipagkita sa mga kaibigan ko.
Medyo kinakabahan pa ako dahil ngayon lang nila makikita si Isaiah sa personal.
"Mama, punta po tayo doon mamaya pag-uwi natin ah? Gusto kong sumakay," sabi niya na may kasama pang paghila sa akin braso.
Napangiwi ako, "Takot ako sa heights, baby."
"Sabi mo Mama, madalas ka rito e hindi ka pa nakasakay doon?" usisa niya.
Pinisil ko ang maliit niyang kamay, ang dami talagang tanong. "Oo madalas pero tumatambay lang ako sa ibaba, hindi naman ako sumasakay doon sa malaking ferris wheel."
Tumango siya pero alam ko naman na gusto niya talagang sumakay doon.
Napangiti ako nang makita si Lisa sa isang cafe na pinag-usapan namin, abala siya sa kaniyang telepeno pero nang makitang kami ay kaagad niya iyon binitawan.
"Nade!" Bumaba ang kaniyang tingin sa aking anak. "Oh my gosh, little Nade!" bungad niya sa anak ko madramang napasapo pa siya sa kaniyang bibig, hindi ko maiwasan matawa parang nahawa na siya kay Kevin, o dahil lang iyon sa pagbubuntis niya.
"Hello po." Kumaway pa ang aking anak.
Lumapit ako kay Lisa at niyakap siya, sapat lang para malaman niyang masaya akong makita siya. She's not my bestfriend, I don't even have a best of friend but I treated them special, silang mga naging kaibigan ko noong college.
Umupo si Lisa, hindi pa rin makapaniwala habang nakatingin sa aking anak, bahagyang nanlalaki ang kaniyang mata para bang may nakikita siya sa anak ko.
"Ang laki na niya," bulong niya.
May dumating na pagkain, siguro ay inorder na niya noong wala pa kami, nang maka-alis ang waiter ay nagsimulang kumain na ang aking anak. "Yup, mag-eight years old na siya."
"Pasensya ka na, Nade hindi makakapunta si Kevin kasi may pinuntahan siyang seminar, siguro sa susunod na lang."
Kinagat niya ang ibabang labi animong may gustong itanong pero pinipigilan niya. Habang kumakain kami ay ikinuwento niya ang nangyare sa kaniya sa lumipas na taon na wala ako.
"Mama, I want to go there? May I?" Kalabit ni Isaiah sa akin sabay turo sa isang toy shop sa katapat ng cafe kung nasaan kami.
Kumunot ang noo ko. "Sige, pero dyan ka lang sa makikita ni Mama ah? Huwag kang aalis doon, maliwanag?" wika ko.
Masayang tumango siya saka nagtatakbo palabas, papunta sa tinutukoy niyang shop.
Napabuntong-hininga ako nang tuluyan siyang makapasok, paniguradong may magugustuhan siya mamaya, mahihiya lang iyon magsabi.
"Ang totoo ay nagtatampo ako, hindi mo man lang sinabi sa amin ang tungkol sa anak mo kahit noong magkasama tayo sa school, wala kang binabanggit na may anak ka na," mahinang wika ni Lisa nang maiwan kami.
Pakiramdam ko tuloy ay kanina pa niya gustong sabihin iyon pero pinipigilan niya dahil nandito pa ang aking anak.
"Pasensya na, Lisa. Mahirap kasi noong panahon na 'yon saka gusto ko sanang malayo si Isaiah sa anumang gulo masiyado pa siyang bata noon, ayoko sanang madamay siya sa mga katanungan sa paligid," wika ko.
Tinitigan niya ako sandali saka hinimas ang kaniyang tiyan.
"Kung sabagay, baka kung ako rin nasa kalagayan mo ay ganon din ang gagawin ko." Sinulyapan ko ang shop kung nasaan si Isaiah nakita kong tinitingnan niya ang mga barbie doon. "Ahm—I know Nade, this is too much but may I know who's the father?" mabagal na wika ni Lisa animong ingat na ingat sa sasabihin, tuluyan na akong humarap sa kaniya.
Napalunok ako sa kaniyang tanong, gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang lahat pero para saan pa?
"S-Si Daryl ba?" utal na tanong niya bahagyang dumukwang sa aming lamesa.
Nabulunan ako sa sariling laway sa tanong niya. Inabutan niya ako ng tubig, natawa ako sa kaniyang tanong. Ano ba naman 'tong si Lisa? Iyon talaga?
"Lisa naman, where did you get that?" Natatawang wika ko.
Napabuntong-hininga siya. "Dahil si Daryl lang naman ang kilala kong nagustuhan mo."
Sinuklay ko ang aking buhok, kung noon ay kapag binabanggit ang kaniyang pangalan ay naiilang at kinakabahan ako ay ngayon ay wala na akong maramdaman. Hindi ko alam kung bakit.
"I had an ex too, hindi lang naman si Daryl ang nagustuhan ko. Maybe what I felt for Daryl is just infatuation."
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako, ang kaniyang mata ay nagdududa. "Ilang taon 'yon, infatuation lang? So—'yong ex mo 'yung tatay niya?"
Mabilis akong umiling.
"Naging boyfriend ko si Imigo, tatlong taon na si Isaiah. I gave him a chance, pero buwan lang din umabot kami." I explained to her.
Napakamot siya sa kaniyang batok animong problema. "So... sino nga? Hindi ang ex mo at hindi rin si Daryl? Eight years old na siya, ibig sabihin halos dalawang taon ng wala sila Daryl no'n dito sa Pinas, so imposible ngang siya." Napanguso ako sa kaniyang tono, para bang nanghihinayang siya na hindi iyon ang inaasahan niya. "Hindi ka ba pumunta sa ibang bansa?" sa huli'y tanong niya.
Nanlaki ang aking mata doon saka tumawa nang malakas.
"Adik ka Lisa, ano 'yon katulad sa mga telenobela na mag one night stand tapos hindi alam ng isa't-isa tapos tumakbo ako kinabukasan?" Natatawang wika ko.
"Eh ano nga? Hindi ba?"
Nag-isip ako sandali. "Nagpunta ako."
Nahampas niya ang lamesa, nahiya ako sa mga katabi namin na napalingon. "Yon! Oh 'di ba? Pumunta ka!" nabuhayan wika niya.
"Kumalma ka buntis," saway ko sa kaniya. "Pumunta lang ako sa ibang bansa para makipagkita sa isang kakilala, saka hindi ako sa states pumunta, Thailand lang ako. Hindi talaga si Daryl, I never slept with him," sabi ko na may kasama pang pag-iling.
Bumagsak ang kaniyang balikat.
"Hay nako, ikaw bahala kung ayaw mong sabihin basta kapag gusto mo ng kausap, chat ka lang minsan bisita kayo sa bahay ng anak mo," wika niya ng magpasiya kaming umuwi na. "Sige na una na ako, Nade. Medyo hapon na rin kasi, ingat kayo ng anak mo."
Dahil sa kaniyang sinabi ay bigla kong naalala si Isaiah, kaagad akong lumingon sa shop. Napatayo ako nang hindi ko na makita si Isa sa loob.
"Ahm, Lisa ingat ka pauwi mo, thank you sa oras mo."
Hinintay ko siyang makalayo bago ko puntahan ang shop.
"Isa?" I called my daughter.
Lumapit ang isang babae. "Ma'am, do you need anything?"
Unti-unting kinain ako ng kaba, hindi naman aalis ang anak ko basta-basta lalo't sinabi kong dito lang siya.
"Ah miss, may nakita ba kayong bata na ganito kalaki." Imimuwestra ko ang aking kamay. "Tapos hanggang balikat ang buhok, naka-suot siya ng jumper at white shirt."
"Ay ma'am siya po ba?" Turo niya sa isang gilid medyo malayo kung nasaan ako.
Nanlaki ang aking mata malalaking hakbang na pumasok doon, may hawak siyang isang barbie.
"Isa!"
Gulat siyang napalingon sa akin, napabuntong-hininga ako. Mababaliw siguro ako kung mawala talaga siya.
"Sabi ko doon ka lang sa nakikita ni Mama 'di ba? May napili ka ba?" Hinimas ko ang kaniyang buhok.
Winagayway niya ang manika. "Mama look, I have a barbie. Bigay ni tito pogi."
Kumunot ang aking noo. "Tito pogi?"
"Opo, siya raw po ang may ari ng shop na 'to. Ang galing no mama? Paglaki ko gusto ko rin ng ganito. Nandoon siya oh mama, may nagcall sa kaniya, wait muna natin siya mama para makapag thank you ako," wika niya.
Nilingon ko ang tinuro ni Isaiah, ganon na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang isang matangkad na lalaki nakatagilid sa amin gawi habang kunot ang noo may kausap sa telepono.
"Isaiah, lets go." Hinila ko ang aking anak bago pa kami makita ni Daryl.
"Mama teka lang, magthank you pa ako kay Tito pogi," nag-aalinlangan wika niya.
"Next time na lang okay? Come on baby," nagmamadaling wika ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan kaming makalabas sa mall. Nagtataka naman si Isaiah, tanong siya nang tanong kung bakit kami nagmamadali. Ang tangi ko lang naisagot ay paulan na't kailangan na namin umuwi, pasalamat na lang ako at hindi na siya nangulit pa.
Habang nagda-drive ay hindi ko maiwasan mapaisip.
Bakit wala akong naramdaman noong makita ko si Daryl? My heart didn't beat loud. I don't feel sparks like before. What does it mean?
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store