Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 6
Kabanata 6:
"You should visit us, we missed our apo. Ni bumisita kahit isang beses sa isang buwan ay hindi niyo na magawa. Aba! Grenade Lionel, balak mo bang patayin ang sarili mo kaka-trabaho? Hindi na kami bata ng ama mo sana naman kahit minsan ay dumalaw ka," mahabang litanya ni Mommy sa kabilang linya.
Hinilot ko ang aking sentido, bahagya kong nilingon ang pintuan ni Isaiah nang bumukas at pupungay ang matang lumabas siya roon.
Ngumiti ako sa kaniya saka sinenyasan siyang lumapit.
"Mom, Isa is awake," pag-iiba ko ng usapan namin.
Narinig kong tinawag pa ni Mommy si Daddy sa kabilang linya animong hinihintay talaga nilang makausap ang apo.
Nang makalapit si Isa ay hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning, mama," paos na boses na bati niya sa akin bago umupo sa kaniyang upuan.
"Lola mami wants to talk to you, Isa." Iniabot ko sa kaniya ang cellphone.
Nakita kong nagliwanag ang mata niya bago kausapin ang magulang ko, tumayo naman ako para ipagtimpla siya ng gatas. I can hear my mom's rant about us being far to them and me, being busy to my job.
"We'll visit there Lola Mami, on my vacation po. Next week ay wala na kaming pasok sasabihin ko po kay Mama na pumunta kami dyan kahit one week po," narinig kong pang-uuto ng aking anak sa aking mama.
Bahagya ko siyang sinulyapan pero nagpeace-sign lang siya akin. Hindi naman ako tumutol dahil talagang hinihintay ko lang talaga matapos ang araw ng mga klase bago kami umuwi sa Pampanga.
Sa lumipas na tatlong taon ay namalagi kami sa Cagayan De Oro, sa probinsya namin, habang si Nay Loli ang tanging naiwan sa bahay namin sa Pampanga at madalas ay kinukuha na rin ng aking ina upang tulungan siya sa bahay.
Magwa-walong taon na si Isaiah at mag-grade two na sa pasukan.
Tandang-tanda ko pa kung bakit kami bumalik dito, may sakit ang aking lola noon at pinaki-usapan ako ni Daddy na umuwi rito para may kasama man lang ang matanda. I wanted to take care of my grandma too, so after Sascha's wedding, me and my daughter left Pampanga.
Naalagaan ko naman ang aking lola ng halos isang taon at kalahati bago siya pumanaw, hindi na kami naka-uwi sa Pampanga dahil kalagitnaan ng taon noon, nag-aaral na si Isaiah at nagtuturo na rin ako sa isang pribadong paaralan.
"Mama, kailan po lalabas ang baby nila ninang Lisa?" tanong niya habang kumakain ng pancake.
Bahagya akong nag-isip sa kaniyang tanong. "Mga limang buwan," sagot ko.
"Kapag tumawag po sila, kakausapin ko po ha? May sasabihin ako sa baby niya," bilin niya saka nagpatuloy sa pagkain.
Nang umalis kami sa Pampanga ay hindi pa rin alam ng kaibigan ko ang tungkol kay Isaiah, nalaman lamang ni Lisa noon nagvideo call kami at biglang napadaan sa likod ang aking anak, tanging silang dalawa lang ni Kevin ang nakaka-alam noon, pinaki-usapan kong huwag na lang iyon sabihin sa iba at hindi naman nila kinuwestyon ang desisyon ko.
Habang kumain si Isaiah ay hindi ko maiwasan malungkot habang naka-tingin sa kaniya.
"Pagkatapos mong kumain anak kuhanin mo 'yong tinuturo ko sa'yo para sa monday ay alam mo na, hindi mo pa ata nasasagutan 'yong activity four na ginawa ko," wika ko.
Tumango naman siya, "Yes, mama. Tapos pwede na ako maglaro sa labas?"
Ginulo ko ang kaniyang buhok. "Oo naman, basta tapusin mo lang 'yon."
Araw ng linggo kaya araw rin para turuan ko siya. Hindi naman sa pini-pressure ko siya sa pag-aaral dahil naranasaan ko iyon noon, gusto ko lang na kahit papaano ay may alam siya bago nila pag-aralan sa ganon ay hindi na siya mahirapan pa.
NANG SUMAPIT ang hapon ay umiiyak na umuwi si Isaiah, binitawan ko ang hawak kong sandok at kaagad ko siyang sinalubong sa bungad ng kusina namin.
Humihikbi na yumakap siya sa aking beywang, kinabahan ako dahil madalang lang umiyak ang aking anak.
Kung umiyak man siya ay paniguradong malalim ang dahilan no'n.
"What happened, Isa?" buong pag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin saka ako lumuhod sa kaniyang harapan. Ang kaniyang mata ay bahagyang namamaga sa pag-iyak, wari ko'y kanina pa siya umiiyak.
Hinimas ko siya sa likod. "Inaway ka ng kalaro mo?" malumanay na tanong ko.
Tumango siya habang humihikbi, pinipigilan ang luha. Tinulungan ko siyang punasan ang kaniyang mga pisngi. Parang may kumukurot sa puso ko habang nakatingin sa kaniyang labi na nanginginig pa. Naaalala ko noon bata pa ako, sa tuwing may umaaway rin sa akin ay wala akong kakampi, laging ako lang.
"S-Sabi nila hindi ako love ng Papa ko kasi iniwan ako. S-Sabi nila wala akong Papa kasi panget ako, kasi masama akong bata, m-mama mabait naman ako 'di ba? Hindi ba sabi mo good girl naman ako bakit wala akong Papa? Bakit ako wala?" umiiyak na wika niya.
Napa-awang ang aking labi sa sinabi ni Isaiah, niyakap ko siya ng mahigpit at paulit-ulit na hinalikan ang kaniyang buhok.
"Hush, baby hindi porket wala rito ang Papa mo ay hindi ka na mabait. H-Hindi niya tayo iniwan, okay? Masiyado kasing kumplikado anak, hindi ba sinabi ni Mama kapag mas matanda ka na iku-kwento ko lahat?" pag-aalo ko sa kaniya.
Humiwalay siya sa akin, nanginginig ang kaniyang labi. Hindi ko maiwasan maawa sa kaniya, kahit pa paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya ito ay alam kong naghahanap pa rin siya ng ama.
"I'm old na po, M-Mama."
Tipid akong ngumiti saka pinisil ang kaniyang dalawang matambok na pisngi.
"Not old enough, hindi mo pa nga kayang tumawid ng kalsada e," biro ko saka siya kinarga kaagad din akong napangiwi dahil hindi ko na siya kaya. "Ang bigat mo na, nak."
Sumimangot siya pero sa huli ay ngumiti na.
Aasarin ko pa sana siya para makalimutan niya ang pang-aasar ng mga kalaro niya ng tumunog ang aking cellphone.
Kumunot ang aking noo nang makitang numero iyon ni Imigo, hindi naman kami nawalan ng contact.
"Hello, Imigo?" bungad ko.
"Hi, Nade. Hindi ka pa ba uuwi sa Pampanga? I missed Isaiah so much, uwi na kayo." He demanded.
Mukhang narinig ni Isaiah ang kaniyang boses kaya kaagad itong lumapit upang kausapin ang kausap ko.
"Hi, Papa Imigo! I got three star last friday!" masayang balita niya. Ni-loudspeaker ko ang tawag bago ko i-abot sa kaniya.
Pinatay ko ang kalan saka pinanuod ang aking anak na kausapin ang lalaki sa kabilang linya.
"Really? Wow. Manang-mana ka talaga sa Mama mo, laging nasa top iyang mama mo noon," wika ni Imigo.
Napangisi ako sa sinabi ni Imigo.
"Papa Imigo, alam mo may umaway sa akin dito sabi nila wala akong Papa."
Sandali natahimik si Imigo sa kabilang linya. "Sinong nagsabi no'n? E ako Papa mo ako ah hindi ba?" alam kong pinapagaan niya lang ang loob ni Isaiah.
Napasimangot ang aking anak. "But you're not my Papa. I want my real Papa," aniya.
"Ouch my Isa, baby ginaganyan mo na ako ha? Samantalang noong four years old ka hindi ka umaalis sa tabi ko e."
"Hehe, joke lang Papa. Labyou! Bigay ko na po kay mama 'yong phone magclean na ako ng body, mwuah!" masigla ng wika ni Isa saka inabot sa akin ang cellphone at patakbong umalis sa kusina papunta sa kaniyang kwarto.
Napabuntong-hininga ako nang tuluyan mawala sa paningin ang aking anak.
"Naghahanap na si Isa, what's your plan now?" tanong ni Imigo, nahihimigan ko ang pag-iingat niya sa bibitawan salita.
Sumandal ako sa lamesa.
"Wala, ano naman magagawa ko." I chuckled. "Oh, bakit ka pala napatawag? Kung mangungutang ka ay wala akong pera."
Natawa kami pareho.
"Grabe 'to mangbully. Teka, speaking of bully naalala mo pa noong binubully kita noong bata pa tayo?" Natawa siya hindi ko maiwasan maalala iyon.
"Oo, tapos ang taba-taba mo pa!" biro ko.
Si Imigo ang 'yong matabang bata madalas mang-asar sa akin noon, hindi ko nga alam paano siya nagkagusto noon sa akin kung ganyong halos isuka namin ang isa't-isa noong bata kami.
"Anyway, napatawag ako para sabihin ikakasal na ako sa susunod na buwan gusto ko sanang nandoon kayo ni Isa."
Napataas ang aking kilay doon, naaalala ko pang hinahabol pa ako ni Imigo noon pero pagkaraan ng ilang buwan ay natauhan na siyang wala na talaga kami. Na ang nasimulan namin noon ay hanggang doon lang, aaminin kong sinubukan ko siyang mahalin pero siguro 'yong pagtingin ko talaga sa kaniya noon ay hindi ganon kalalim, siguro masiyado lang ako nabulag noon sa posibilidad na maging masaya ang anak ko.
Nagpapasok ako ng isang lalaki sa buhay ko sa pagbabakasakaling mapupunan no'n ang pagkukulang sa pagkatao ko.
"I'm happy for you, Imigo." I said sincerely.
"Ikaw kailan mo balak mag-asawa, hindi na tayo bata. You're almost twenty nine, Nade."
Sinuklay ko ang aking buhok. "Wala na akong plano sa ganyan, Imigo. Masaya naman kami ni Isaiah na kaming dalawa lang, may trabaho naman ako kaya ko naman punan ang pangangailangan namin."
Humalakhak siya. "I smell bitter. How about the man years ago—ops! Sorry, I shouldn't have asked that."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi.
"We're just friend, Imigo. Anyway, baka umuwi kami ng Pampanga dahil tumawag na rin naman si Mommy. I'll call you na lang."
"Thank you, Nade. Ingat kayo."
Napatitig ako sa aking cellphone nang mamatay ang kaniyang tawag. I'm really happy for him and for my friends, halos lahat sila ay may pamilya na.
Siguro ganon nga talaga ang tadhana, hindi pantay-pantay. May kumpleto, may hindi at ako ang isa sa binigyan ng hindi kumpletong pamilya.
Ma-swerte ang mga kaibigan ko, kasi sa panahon ngayon mahirap na humanap ng lalaking mahal ka at mananatili sa tabi mo. It's really hard to find a man who truly loves you more than you love him.
**
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store