Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 10
Kabanata 10:
"I want you to use these verbs to fill in the blanks. For example, in number one. You ______ the kite. What will you do to the kite? Choose the verbs here," sabi ko habang tinuturo ang mga naka-listang verbs sa box sa papel sa harapan nila. "You play the kite."
Tumango-tango silang dalawa saka nagsimulang magsagot.
Umayos ako ng upo habang chinecheck ang ginawa nila kanina. Patapos na kami sa session namin ngayon araw, unang araw pa lang namin pero sobrang advance nila.
Ang totoo ay si Gen ang nag request ng topic na ito. Hindi ko maalala na ganito na ang pinag-aaralan namin noong grade two ako, parang colors pa lang ata noon hirap na hirap na ako.
Dahil iyon ang gusto nilang mapag-aralan ay sinunod ko na lang, baka maboring lang ang mga 'to kung alphabet at colors ang ituturo ko, sa halos tatlong oras namin magkausap ay napansin kong mas interesado sa english si Gen habang math naman si Rev.
"Daddy, 'di ba may work ka?" tanong ni Gen habang nagsasagot.
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa isang lalaki pa sa kwarto. Daryl is busy with his laptop, ang totoo ay nang dumating ako rito ay nandito na rin siya sa library. Akala ko ay aalis siya katulad kahapon at iiwan kami pero lumipas ang oras ay nanatili lang siya sa isang lamesa sa gilid habang may ginagawa sa laptop niya.
Nakakailang talaga pero hindi ko naman iyon sasabihin sa kaniya, malamang bahay niya 'to pupunta at tatambay siya kung saan niya gusto.
Nag-angat ng tingin sa amin si Daryl.
"Yes, daddy is working," sagot niya.
"You're working at home? Hindi ba lagi ka po sa office daddy?" puna ni Rev.
Nagulat pa ako na imbes sa daddy niya ay sa akin siya nakatingin, ilang na nginitian ko siya napanguso ang medyo mapula niyang labi bago bumalik sa sinusulat.
Tumikhim si Daryl. "Traffic kasi, saka ayaw niyo ba mababantayan kayo ni Daddy?"
"Iba ata binabantayan mo, dy," ani Rev.
"Alin Rev?" takang tanong ni Gen sa kakambal.
"Stupid," wika ni Rev, inismidan ang kakambal.
Napatulala ako sa kanilang dalawa, may naalala ako sa salitang iyon pero kaagad ko rin pinilig ang ulo ko. "Hey, don't say bad words Rev." I said to him.
Bumukas ang bibig niya para siguro sumagot pero nang lumingon siya sa Daddy niya ay itinikom na lang niya ang bibig.
Hindi na ulit dumaldal ang dalawa hanggang matapos nila ang ginagawa. Mabilis umalis ang dalawa papunta sa kwarto nila, siguro ay kanina pa gusto maglaro.
Nang maiwan kami ni Daryl ay tumayo siya't tinulungan akong magligpit.
"Sorry, madaldal talaga sila," wika niya.
"Ayos lang 'yon, nakakatuwa nga silang panuorin lalo na kapag nagtuturuan sila sa mga bagay na hindi alam ng isa. They are responsive, hindi sila mahirap turuan," komento ko.
"Mana lang 'yan."
"Sa ina?" Nakangiting tanong ko habang ipinapasok ang mga papel sa dala kong bag.
Nabitin ang pag-abot niya sa akin ng papel, mukhang natigilan sa tanong ko. I bit my lower lip, gosh Nade. Slow down your mouth.
"Sorry," hingi ko ng tawad.
Tuluyan niyang ini-abot sa akin ang mga papel. "It's okay. Honestly, hindi ko alam kung may nakuha silang ugali ng kanilang ina," wika niya sa umupo sa isahanag sofa doon, katapat ng kinakaupuan ko.
Nakuha niya ang buong atensyon ko doon, hindi ko rin inaasahan na mag-o-open siya tungkol sa bagay na 'yon.
"Where's their mom? Y-Your wife?" buong lakas na tanong ko.
"She died when she gave birth to them, hindi kami kasal ni Genvery," paglilinaw niya.
Hindi ko maiwasan mapatitig sa kaniyang mata, I tried to see any emotion in his eyes but I failed. There's no sadness, no pain. Parang normal na pagku-kwento lang iyon.
"I'm sorry to hear that."
"It's okay, matagal na rin tanggap ko na. My concern is my sons, hindi man lang nila nakilala ang ina nila. I know what it feels to be in broken family, hindi masarap sa pakiramdam. Sa tuwing may family day noon ay ako lang ang pumupunta kasi si Daddy busy naman sa work niya." Huminga siya ng malalim, hinilot ang kaniyang batok.
Naalala kong ikinuwento niya sa amin noon na may asawa talaga ang mama niya, bali kabit ang kaniyang ama, bunga siya ng ipinagbabawal na relasyon.
Parang may kumurot sa puso ko habang nakatingin sa kaniya.
"Ayokong maranasan nila iyon," mahinang dagdag niya pa.
Naisip ko bigla si Isaiah, I don't want her to feel that.
"Tapos na ang oras ko, pwede na akong umuwi hindi ba?" tanong ko sa kaniya, iniba ko na ang usapan.
Tumayo siya't lumapit sa lamesa may kinuha siya doon. "Ihahatid na kita."
Kaagad akong umiling. "Hindi na, hindi ba may trabaho ka, saka magtaxi na lang ako saka may pupuntahan pa kasi ako."
Imbes na sumagot ay kinuha ni Daryl ang dala kong bag. "Ihahatid kita, no way I'll let you. Not now, Nade," aniya.
I frowned.
Sinundan ko siyang lumabas sa library. "Gen Rev, we'll go to Lola," sigaw niya. Wala pang isang segundo ay lumabas na ang dalawa sa kwarto nila.
"Daddy bakit?" bungad ni Gen.
"Ihahatid ko si Tita Nade niyo, idadaan ko kayo kila Mama tapos susunduin ko na lang kayo mamayang hapon," paliwanag ni Daryl nang pababa na kami sa hagdanan.
Nagliwanag ang mata Gen saka kumapit sa kamay ko, parang may humaplos sa puso sa ginawa niya. "Tita Ma'am, balik ka bukas ah?"
"Oo naman," sagot ko.
Naabutan ko si Rev na nakatingin sa kamay namin ni Gen na nagkasaklob, nang makita niyang nahuli ko siya ay nilagpasan niya kami at sumabay ay Daryl na nauuna sa amin palabas sa bahay nila.
Mabilis namin naihatid ang dalawa sa bahay ng mama ni Daryl. Nang kami na lang dalawa ay huminga ako ng malalim, bigla akong kinabahan.
"Saan ka ba pupunta?" tanong niya.
"Sa boutique shop dyan sa Sta. Ana, bibili ako ng dress," wika ko. Inabala ko ang aking sarili sa aking cellphone para itext si Mommy na pauwi na ako, at kung may gustong pasalubong si Isaiah.
"Dress for?"
Lumingon ako kay Daryl dahil sa kaniyang tanong naabutan ko siyang naka-sulyap sa screen ng cellphone ko habang nagta-type ako kaya kaagad ko iyon itinago.
Binabasa ba niya ang text ko?
Tumikhim ako. "Dress for a simple wedding, maybe a halter dress." Naisip ko kasing bumili na ng damit sa kasal ni Imigo sa susunod na buwan habang hindi pa busy.
"Wedding of?"
"My ex," mabilis na sagot ko.
Naramdaman kong bumagal ang pagpapatakbo niya sa sasakyan.
"Bakit ka pupunta pa doon? Hindi ka pa nakaka-moveon?" iritang tanong niya. "Black dress ba? Tapos sisigaw ka na itigil ang kasal. Don't go that low," pangangaral niya.
Natawa ako. "Sira! We're good and isa pa, move on na ako kay Imigo, mabilis lang akong mag move on," wika ko sabay sent ng text kay Mama.
"Imigo huh? Panget ng pangalan, tunog manloloko." Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya. "You moved on so fast? Kaya pala," makahulugang aniya.
"Kaya pala, ano?"
Umiling siya at hindi na muling nagsalita hanggang makarating kami sa Sta. Ana.
Habang pumipili ako ng damit ay naupo siya sa sa sofa doon, hindi ko maiwasan mailang dahil pakiramdam ko'y pinapanuod niya ako.
"Ay ito ateng, bagay na bagay 'to sa'yo! Matataob pati ang bride," wika ng bakla na may ari ng boutique at ipinakita sa akin ang isang Paillette tube dress.
Napangiwi ako dahil sobrang kintab noon, pakiramdam ko'y parang party na ata ang punta ko.
"Masiyado atang bongga 'yan, ito na lang try ko." Turo ko sa isang halter dress na kulay krema.
"Ay sure madam, dito try mo isukat." Inalalayan niya ako papunta sa isang fitting room, mabilis ko naman nasuot iyon.
Nang makalabas ako ay nagtama ang mata namin ni Daryl, nakita ko kung paano niya ako pasadahan bago balewalang bumaba ang mata sa hawak na cellphone.
Hindi ko alam pero nainis ako doon, para bang hindi man lang siya nagandahan sa akin. Eh ano naman kung hindi? Ayos lang, hindi naman na ako naga-gwapuhan sa kaniya.
Palihim ko siyang inismidan saka pumunta sa full body mirror, iniwan muna ako ng bakla para asikasuhin ang bagong dating na kostumer.
Hindi gano'n kagarbo ang dress pero sa tingin ko'y tama lang para okasyon, bahagyang litaw pa ang kaunting balat ko sa balikat.
Hindi ko maiwasan mapatingin sa repleksyon ni Daryl sa salamin. Busy siya masiyado sa kaniyang cellphone.
Kagat-kagat niya ang ibabang labi habang tutok sa screen noon. Baka may katext? Tsk. Babaero.
Umikot ako para tingnan ang aking likod, bahagya kong ipinakita kay Daryl ang aking likod pero hindi naman siya nag-angat ng tingin sa akin.
His lips protruded while looking at his phone.
Inis na pumasok ako sa fitting room para makapagpalit na. Tsk, sana masira cellphone mo!
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store