Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 33
Kabanata 33:
Have you ever asked yourself, what's your purpose in life? Why are you breathing? Why are you here in the place that full of sins and problems?
Life doesn't always go the way you want it. I used to be warm, but I lost my fire while giving light to others. When the time passed by, I learned how to relight myself.
Mahirap pala kapag binabase mo ang kasiyahan mo sa ibang tao, mahirap kapag naka-depende sa isang tao ang saya mo dahil kapag nawala iyon, mawawala rin ang saya mo.
Inipon ko ang aking buhok sa kanan kong balikat at hinawakan iyon upang hindi liparin ng malakas na hangin. Bahagya pa akong napapikit nang tumama ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha.
Bumaba ang tingin ko at pinanuod ang hampas ng mga alon sa sinasakyan kong cruise ship. Hindi ganon kalakas ang mga alon pero dahil sa hangin ay mas nabibigyan buhay ang bawat galaw nito, para silang sumasayaw at hinehele ang barkong sinasakyan ko.
Kaagad kong kinuha ang aking cellphone nang tumunog ito. Text ni Genesis ang bumungad sa akin, sinasabing tatawag siya.
Bahagya akong napanguso saka pumunta sa messenger, wala pang isang minuto ay lumitaw na ang pangalan niya at kaagad ko naman iyon sinagot.
"Hi!" bati ko.
Itinapat ko ang camera sa akin habang naglalakad ako papunta sa isang sun lounge na kulay puti malapit sa pool, sa ilalim ng malaking payong.
"Good afternoon, Mommy how's your vacation?" masiglang wika ni Genesis.
Bahagya siyang nawala sa screen nang dumungaw roon si Revelation. "Mom! I miss you!"
I chuckled. "Isang araw pa lang ako nandito, miss na kaagad? Where's your sister?" Nakangiting tanong ko sa kanila.
Narinig kong tinawag ni Rev si Isaiah, ilang sandali pa ay dumungaw ang aking prinsesa sa screen. "Hi, Mama! Pasalubong ng pusit!" aniya.
Natawa ako at doon ko lang napansin na may ponytail ang dalawang lalaki sa kanilang buhok, iba't-ibang kulay iyon.
"What happened to your hair?" tanong ko sa kanila.
Bahagya akong sumandal sa sandalan para makipag-usap sa kanila ng maayos. Kaagad humaba ang nguso ni Rev at itinuro niya si Isa. "She wants to play parlor and pageant."
"Ginagawa kaming bakla ni Isa, Mommy," sumbong pa ni Genesis.
Lumabas ulit ang mukha ni Isa sa screen, malaki ang kaniyang ngisi. "My Kuyas are pretty handsome, yeh mom?" tanong niya habang tinataas-taas pa ang kilay.
Tumango ako kahit natatawa na sa kanila.
"Of course, they are handsome but please baby huwag mong ganyanin ang mga kuya, paano na lang kung makita sila nang crush nila sa kapit bahay?" sabi ko.
"Mommy, hindi namin 'yon crush!" sabay pang sigaw ng dalawa.
Humalakhak ako. "Sure sure sige, kumain na ba kayo? Nasaan si Lola mami?" mas umayos ako ng higa.
"Nasa itaas po, mama. Aalis kami mamaya, pupunta kami kila mamita mag mamajong daw sila," tukoy ni Isaiah sa ina ni Daryl, bahagya akong ngumuso doon, kahit kailan talaga si Mommy pati mga anak ko dinadamay pa sa gala niya.
"Sige ingat kayo," wika ko.
Narinig ko ang boses ni Mommy sa kabilang linya bago sila nagpaalam. Nang mamatay ang tawag ay nanatili akong nakahiga sa sun lounge. Hindi na mainit ang araw sa balat kaya inantok ako habang nakahiga.
Hindi ko namalayan na mag-iisang oras na akong nakatulog dahil nang magising ako ay wala ng araw at kulay kahel at asul na ang langit.
Marahan tinatapik ng isang babae ang aking balikat. "Nade, gising na," aniya.
"Oh, sorry nakatulog ako." Kaagad akong umupo at humikab.
"Ayos lang, hinahanap lang kita kanina. Kain na tayo ng dinner," ani Alice.
Nang tingnan ko ang aking cellphone ay mag-aalasais na, may ibang tao na rin akong nakitang naka-tambay malapit sa pool.
Ngumiti ako bago tumayo. "Kamusta ang pagpipinta?" wika ko habang naglalakad kami paalis sa deck.
"Ito okay naman, nakatapos ako ng isa sa loob ng dalawang oras, kinda love the concept. Sunset." Napatango ako sa sinabi niya.
Nilingon ko si Alice ang maamo niyang mukha ay maaliwalas, ang mahaba niyang buhok ay gumagalaw sa kaniyang paglakad. Nang lingunin niya ako ay naabutan niya akong nakatingin sa kaniya, bahagya niyang nagtaas ng kilay.
"Why are you looking at me like that?" Natatawang wika niya.
"Hindi lang ako makapaniwala hanggang ngayon na okay ka na, I'm so happy for you Alice," I said sincerely.
She hummed. "Ako rin naman, ang totoo ay sa panahon na nasa mental institution ako ay parang wala akong naaalala, para bang natulog ako ng ilan taon." Tumawa siya pero alam kong may lungkot doon.
Hindi na ako sumagot hanggang makarating kami sa isang restaurant sa loob ng cruise ship, pagkatapos namin kumain ay sandali pa kaming tumambay ni Alice sa hall bago pumasok sa kaniya-kaniya namin kwarto.
Naaalala ko pa noong una ko siyang nakita, isang taon na ang nakalipas. Noong araw na kausapin namin si Eugene ay aksidenteng nandoon din pala si Alice dahil sa kasintahan niyang isang pulis.
Dalawang taon na pala siya no'n na magaling, patuloy pa rin ang kaniyang paggamot pero at least ay nakakapag-isip na siya ng maayos. Hindi ko alam kung bakit hindi tinuloy nila Travis ang kaso kay Alice, lalo't siya ang pumatay sa ate niya noon, kung tutuusin ay mahigit sampong taon na ang nakaraan.
Ang sinabi lang ni Sascha sa akin noon ay hindi na siya galit kay Alice dahil kung tutuusin ay wala naman itong malaking kasalanan sa kaniya, ito pa nga ang nagsabi ng totoo sa kaniya.
Si Travis ang may karapatan magsampa ng kaso kay Alice, pero ang sabi niya ay sapat na raw ang mga taon na pinagbayaran ni Alice sa loob ng mental institution at hahayaan nila itong bigyan ng pangalawang pagkakataon na magbagong buhay at ayusin ang mga pagkakamaling nagawa.
Iyon ang natatandaan kong sinabi nila, hindi na rin ako naki-elam dahil labas na ako sa desisyon nilang mag-asawa at kita ko naman ngayon ang pinagbago ni Alice, heto pa nga't magkasama kami sa bakasyon.
Napabuntong-hininga ako at patalon na humiga sa aking kama.
I missed my children and I missed him so much.
Mariin akong pumikit habang inaalala ang mga nangyari sa lumipas na isang taon. Ganoon pala kapag sobrang dami ng iniisip mo, parang ang bilis lumipas ng panahon.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko sa gilid, hinalungkat ko iyon at kinuha ang isang papel na naka-ipit sa aking wallet.
Mapait akong napangiti ng makitang halos luma na ito, hindi ko na mabilang kung ilan beses ko itong binasa sa loob ng isang taon. Paulit-ulit hanggang mawala ang sakit.
Hi, Doll Face.
When you read this I'm sure that I'm out of the country. Wala akong lakas ng loob para nagpaalam sa'yo ng harapan kaya isusulat ko na lang.
I know that we done too much. My Nade, my doll face, my baby... I'm so sorry for all the pain I have caused you and for using your love against you. Honestly, I'm terrified of my future without you that's why I will do this, not only for you but for me. For myself.
Naisip kong hindi ko maibibigay sa'yo ang lahat kung sarili ko nga ay hindi ko kayang mahalin. I'm sorry for being self centered, sobrang natatakot lang ako. Nade, lumaki ako na magulo ang pamilya, na tinatawag na anak sa labas, bunga ng pagkakamali. Natakot ako sa salitang pagmamahal.
Akala ko noong bumalik ka ay kaya ko na, na handa na ako pero hindi pa pala. Deep inside of me, I'm still the vulnerable Daryl.
Masasabi bang makasarili ang gagawin kong pag-alis at iwan kayo ng mga bata? Ngayon isang linggo ng gising si Rev, naisip kong hindi ko kayang magpatuloy na ganito. Ang lapit-lapit natin pero ang layo ng loob natin sa isa't-isa.
I gave back all your money and add some, sorry pinakielaman ko ang account mo. Gamitin niyo iyan habang wala ako, aayusin ko muna ang sarili ko Nade. Hindi lang ang peklat sa katawan ko pati na rin ang peklat ng pagkatao ko.
Sana... sana kapag bumalik ako wala pa akong kapalit sa puso mo. Is it too much if I ask you to wait for me? Sobra ba kung hihilingin ko sainyo ng mga bata na hintayin ako? Pero kung dumating ang oras na tumibok na ang puso mo para sa iba habang wala ako, ay sana sa tamang tao.
It will hurt me so much, it will kill my heart but I'll accept it. Please baby, wait for me to heal myself.
Hang in there, baby. I'll miss you and I love you so fucking much. Ikaw lang, walang papalit at walang papantay.
- Daryl
Napa-hikbi ako matapos basahin ang sulat ni Daryl na iniwan niya, isang taon na simula noon. Mariin akong pumikit.
"I'm still waiting, baby. Please come back."
***
Author's note: One more chapter, Wakas and Special Chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store