ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 34

SaviorKitty


Kabanata 34:

NANG sumapit ang pang-apat na araw ay nakarating kami sa Coron. Sabay kaming naghapunan ni Alice ngunit pagkatapos no'n ay naghiwalay na ulit kami, kadalasan ay nagpipinta siya sa kung saan o kaya tumatambay sa casino buong araw samantalang ako ay sa pool area tumatambay at nagpapalipas ng oras. Tapos na rin kaming magdinner ni Alice at dumeretsyo na siya sa kaniyang suite para magpahinga at tawagan ang kasintahan niyang Pulis.

The wind blew, I immediately gripped the edge of my boho dress. I looked up and the sky was black tranquility.

Nagbabadya ng umulan paki-wari ko'y ano mang oras ay iiyak na ang kalangitan.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog, dapat ay i-enjoy ko itong isang linggong bakasyon ko pero habang tumatagal ay parang namimiss ko lang ang Pampanga, ang mga bata at ang trabaho na pagtuturo.

Napatingala ako nang may maliit na ambon na pumatak sa aking noo.
I got the first splatter of rain, then the rainfall became more intense. Umatras na ako para pumasok sa loob pero kaagad din natigilan.

Kumunot ang aking noo nang maramdaman na parang may nakatitig sa akin, parang may nakamasid. Kaagad akong lumingon sa aking kaliwang parte, may biglang gumalaw doon.

"S-Sino 'yan?"

Hindi naman ako takot sa multo pero humigpit ang hawak ko sa aking damit.

"Who's there?!" mas lumakas ang boses ko, nakisabay pa ang ulan.

Imbes na umatras ay mas lumapit ako sa parteng iyon, sa kabilang dulo ng pool. Mabilis din akong natigilan nang makita ang isang bulto ng katawan. Masiyadong madilim pero sigurado akong may lalaki doon at tayo pa lang niya ay kilala ko na.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang tayong iyon dahil ilang beses ko siyang tinititigan kapag nakatayo.

Hindi ko alam kung dahil sa saya o lungkot ay mabilis na nangilid ang luha ko.

"D-Daryl?" I asked to confirm.

Umihip ang mas malakas na hangin, mas naging makapal na ang mga tubig na pumapatak sa aking katawan ngunit wala na doon ang aking atensyon.

Napapikit ako nang may tumamang tubig sa aking mata, pagkadilat ko ay wala na ang anino doon.

Malalaki ang mga hakbang ko na pumunta doon sa mismong pwesto kung saan ko nakita ang nakatayo at nagpalinga-linga pero wala ni isang tao ang nandoon. Mas napa-iyak na ako, dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Hindi naman ito ang unang beses na inakala kong nakita ko siya pero masakit pa rin kasi hanggang ngayon ay umaasa akong babalikan niya kami.

Kung babalik siya ay bakit ang tagal? Bakit wala pa rin? Ayaw na ba niya sa amin? Nagbago na ba ang isip niya sa akin? Is he happy now without us?

Mas lumakas ang buhos ng ulan, wala na akong pakielam kung mabasa ang buo kong damit.

"I hate you!" bulong ko habang tahimik na umiiyak, naikuyom ko ang aking palad. 'Bwiset kang Daryl ka!'

"Miss, puwede paki-ayos ang upo mo? Nakikita ko na ang panty mo," boses ng isang lalaki.

My eyes widened as my body froze, I lifted up my gaze slowly and to my suprised, I saw him.

My heart skipped a beat. His dark eyes met mine, his gaze was so intense.

Napatakip na ako sa aking bibig, kinilabutan ako habang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko't inayos ang dulo ng damit ko na tumaas na dahil sa aking pag-upo. Halos hindi ako kumurap kay Daryl, nakataas ang sulok ng kaniyang labi.

"W-What. Ho-How?" hindi ko matuloy ang sinasabi ko.

His dark hair was messy, the water falling over his forehead and ears.

Itinaas ko ang aking kamay upang abutin ang kaniyang mukha. I want to feel him, touch him. Is this true? Is it real? Am I not hallucinating? Hindi ba ako nananaginip?

Mas lalong kumabog ang aking dibdib nang maramdaman ang malambot niyang pisngi. Hindi ko maiwasan mamangha dahil wala ni isang pilat akong nakita doon, wala ni isang bakas ng sunog na pinagdaanan niya.

Ang mga dugo ko sa katawan ay unti-unting nabuhay, para bang kilala nila kung sino ang nasa harapan ko.

Napapikit pa ako nang tumaas ang kaniyang kamay, bahagyang tumama ang mga daliri niya sa aking pisngi bago niya inipit ang ilang buhok ko sa likod ng aking tainga.

His full lips formed a simple smile, his dimples appeared on his right cheek.

Nanginig ako dahil doon at kung hindi lang kami nakasalampak sa gilid ng pool ay siguradong natumba na ako. I want to see more, I want every expression he can make.

Pinunasan niya ang basa sa aking pisngi kahit pa naghahalo na ang luha at ulan doon.

"Will you be my wife?" his first sentence.

I gasped and my world just spinned.

Seryosong-seryoso ang kaniyang tono pero nakangiti ang kaniyang singkit na mata, hindi ko nagawang magsalita dahil halos malaglag ang panga ko sa gulat dahil sa kaniyang unang sinabi pagkatapos ng isang taon hindi namin pagkikita.

"Tarantado ka!" gulat na mura ko sa kaniya.

He chuckled because of my responsed. He cupped my face, "My Doll face have a bad mouth now huh?"

Pakiramdam ko ay bata akong umiiyak, nararamdaman kong nanginginig pa ang aking ibang lalabi.

Miss na miss ko siya at hindi ko na alam kung paano siya nandito.

"B-Bakit ang gwapo mo na ulit?" mahinang tanong ko, hindi ko alam kung dahil miss na miss ko siya ay pakiramdam ko'y ang gwapo niya.

Mas kumapal ang kaniyang kilay, ang singkit ngunit matalim niyang mata ay parang kaya kang hubaran kapag tiningnan ka.

Patuloy niyang pinupunasan ang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki, mas lumakas ang buhos ng ulan halos hindi na ako maka-dilat pero ayokong pumikit dahil natatakot akong baka bigla siyang mawala kapag pumikit ako.

Dapat ay magalit ako sa kaniya, I should be mad for leaving us! Pero ang taksil kong puso ay masaya dahil nandito na siya. Ayos lang kung umalis siya, ang mahalaga ay bumalik siya.

He gave a small smile. "Don't you like it?" tanong niya.

Mabilis akong umiling. "I-I don't care about your skin, I just want to touch you, feel you," paos na boses ko.

"I know baby, it just that... I want to be the best version of me for you, for myself."

Wala naman akong paki kung nagpa-ayos siya ng mukha o manatili iyon sa dati, but seeing his old look makes me weak.

He rested his forehead into mine, my heart felt so heavy, it was the most satisfying sensation I'd felt in the past year.

Daryl brushed his our nose, nahiya naman ako doon dahil ang tangos ng ilong niya samantalang walang tangos ang sa akin.

"God, I missed you so much," he whispered against my lips. "Sorry natagalan ako mahal ko."

My heart pounded so loud.

He leaned closer and gently pressed his lips against mine. It felt better than our first kissed. Pakiramdam ko'y unang beses ko lang nalasahan ang kaniyang labi dahil sa aking pananabik.

Mas dumiin ang hawak niya sa aking panga habang marahan ginagalaw ang kaniyang labi sa akin, ninanamnam ang kakaiba at bagong sensasyon dumadaloy sa pagkiskis ng aming mga labi.

Sinubukan ko siyang suklian, ginaya ko ang galaw ng aming mga labi. Hindi ko maiwasan mapakapit sa kaniyang braso, hinawakan niya ang kamay kong iyon.

Tumigil siya ngunit hindi lumayo, pinagapang niya ang mga labi sa aking pisngi papunta sa tainga. "Be my wife p-please, isang pagkakataon lang Nade, kapag pumalpak ako ngayon puwede mo na ako itulak palayo. Just once, I'll make it worth," he whispered while holding hand.

Lumunok ako dahil doon, marahan kong hinimas ang braso niya at wala na rin akong maramdaman gaspang doon.

Halos tumigil ang paghinga ko nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa dulo ng aking daliri, kaagad lumagapak ang tingin ko doon. Unti-unti niyang pinadausdos sa aking daliri ang isang singsing na may maliit na diamond sa gitna.

It was a morganite ring.

"This is my proposal ring, I bought before my b-birthday, before the accident," wika niya. Pakiramdam ko ay nakisama ang langit sa amin dahil unti-unting lumiit ang mga patak ng ulan.

Sinundan ko ang kamay ni Daryl nang may dinukot ulit siya sa kaniya bulsa, halos matigilan ako sa paghinga ng makita ang dalawa pang singsing doon.

Nagkatinginan kami bago niya pinadausdos iyon sa parehong daliri, pansin kong bahagya pang nanginig ang kamay niya habang sinusuot iyon sa akin, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko animong handa na siyang hilahin ako kung sakaling umatras ako.

The second ring was a crystal twist ring. Oh my God!

Siguro ay nakita niya ang pagtataka ko kaya nagsalita siya.

"A promise ring, ibibigay ko sana sa'yo 'to noong bago m-masunog ang bahay... noong nag-away tayo." Parang piniga ang puso ko doon, ganon ako karupok pagdating sa kaniya na tatanggapin ko anumang paliwanag niya.

Nakakatakot.

Gamit ang isang palad ay napatakip ako sa aking bibig dahil sa pangatlong pagkakataon ay may inilabas siyang singsing. It's a plain silver ring.

"D-Dax..." I called him with his nickname.

Dinala niya ang aking kamay at hinalikan iyon habang ang mga mata ay nasa akin nakatingin. "I bought this five years ago, noong pagka-uwi ko galing ibang bansa. Noong umalis ka papuntang Cagayan, I silently waited for you, I prayed for you everynight Nade. I prayed to God that please guide us, that let our path cross again and he asnwered my prayers."

Sunod-sunod na umagos ang luha ko sa mga sinabi niya.

"I don't like to play hide and seek anymore. I don't like hiding my feelings and seek for myself."

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store