ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 32

SaviorKitty


Kabanata 32:

Nang magising ako ay si Daryl ang unang bumungad sa akin. Nasa isang kwarto ako sa ospital, naka-upo siya sa gilid ng kama ko habang nakadukmo sa aking mga kamay.

Kaagad kong naalala ang sinabi ng nurse bago ako mawalan ng malay.  Kahit gustuhin kong umiyak sa sobrang pagkalito sa mga nangyayari ay wala na ata akong luha na natitira pa.

Pwede pala iyon, 'yong nasasaktan ka pero ayaw lumabas. Nasa dibdib mo lang ang sakit at kahit anong oras ay sasabog na.

Yung parang bawat paghinga mo ay may mabigat sa dibdib mo.

Hindi ako kumikibo habang papunta kami sa presinto kung nasaan si Eugene. Naiwan naman sa ospital ang Ina ni Daryl upang bantayan si Rev habang wala pang malay.

Kaming apat nila Sascha, Travis at Daryl ay naka-sakay sa iisang kotse, dapat ay maiiwan ang mag-asawa pero hindi pa kayang magdrive ni Daryl, ramdam kong nanginginig ang kamay niya sa galit at hindi ko alam kung para kanino ba iyon.

Mag-aalas nuebe na ng umaga, wala pa silang tulog samantalang ako ay nakatulog kahit papaano pero masakit pa rin ang ulo ko.

Nang makarating kami sa presinto para kausapin si Eugene ay kaagad akong hinawakan ni Daryl sa braso, inaalayan niya ako na parang buntis dahil nakaharang pa ang kamay niya sa harapan ko animong iniiwas akong masagi ng kung sino.

Tinaasan ko siya ng kilay, hindi naman ako buntis kung maka-alalay naman ay akala mong buntis ako.

"Daryl, hindi ko ako buntis umayos ka nga," inis na wika niya.

Napabuntong-hininga siya. "I know, wala pa naman nangyayari sa atin," mahinang wika niya.

Hindi ko na binigyan pa ng atensyon iyon hanggang makarating kami sa isang selda, maraming tao sa loob pero tumuon ang atensyon ko sa isang lalaki naka-upo sa gilid habang duguan at putok ang nguso.

May sinabi si Travis sa pulis, medyo ilang minuto silang nag-usap bago utusan noong pulis na isa ang medyo batang pulis na ilabas sa selda si Eugene at dalhin sa isang kwarto.

Pinatunog naman ni Daryl ang kaniyang leeg animong sasabak siya sa giyera. Nanginig ang aking kamay habang pinapanuod siyang ipasok sa kwarto, gustong-gusto ko siyang sugurin at saktan kung hindi lang din ako hawak ni Sascha sa braso ay baka kinalmot ko na siya.

"Ako ang magtatanong sa kaniya," inunahan ko na si Daryl.

Dahil alam kong kapag siya ang nagtanong ay baka talagang matuluyan na niya na si Eugene. Sinulyapan niya ako sandali napangiwi siya ng makitang seryoso ako bago marahan siyang tumango.

Nang makapasok kaming apat kasama ang dalawang pulis sa loob ay nag-angat ng tingin si Eugene sa akin, pakiramdam ko ay tumaas ng lahat ng balahibo ko sa katawan ng ngumisi siya, hindi ko lubos maisip na hinayaan kong sumama ang anak ko sa lalaking ito.

Naka-upo siya sa isang upuan doon habang naka-posas ang kanay sa kaniyang likudan.

"Wala pa nga akong isang araw binibisita niyo na ako," aniya na para bang biro lang ang lahat ng ito.

Lumapit ako sa kaniya, sapat lang para magtapat kaming dalawa. "T-Tell me everything you know," utos ko sa kaniya gamit ang malamig na boses.

Humalakhak siya doon, pinanuod kong tumulo ang dugo sa kaniyang sugat sa noo pababa sa kaniyang pisngi, hindi niya iyon pinansin.

Ngumisi siya sa akin. "Kapag nalaman ng anak natin 'to, mukhang hindi siya matutuwa na  nasa kulungan ang Daddy niya," wika niya animong natutuwa pa.

Mas dumiin ang pagkuyom ng kamao ko, nameywang naman si Daryl sa gilid ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay susugod siya.

"I-I think you're not my sperm donor..." Napailing ako sa sarili kong tanong. "What the hell happened Eugene? Anong nangyare sa kapatid ko, p-paanong napunta si Rev kay Daryl?! L-Lumabas sa resulta na ako ang ina niya..." naguguluhan wika ko sa kaniya.

Bahagya siyang natigilan. "Oh alam niyo na?" 'yon lang nasabi niya.

Halos mapahiyaw kami ni Sascha ng sumugod na talaga si Daryl at kahit mga pulis ay hindi siya naawat, hinawakan niya ang kwelyo ng pinsan, hinila sa sahig at mas diniin doon.

"Fuck you! That's what will you say after what you did?! You almost kill my son, nincompoop!" Daryl shouted while choking his cousin.

"Daryl!" tawag ko sa kaniya. Gusto ko siyang hilahin palayo doon pero hindi na rin ako makakilos.

Kaagad siyang inawat ng mga pulis, umuubo-ubo nilang ibinalik sa upuan si Eugene. May binulong si Travis kay Daryl, tumango si Daryl pero matalim pa rin ang tingin.

Dumura ng dugo si Eugene, ngumisi siya sa akin nawala na ang maamo niyang mukha noon, tinapatan ko matalim niyang tingin sa akin. "I like how strong you are, Nade." Nangingiting aniya bahagya pang pinatunog ang leeg. "Hindi katulad ng kapatid mong puro iyak, gusto ko ang pagiging matatag mo sayang nga lang at sa gagong iyan ka na punta," aniya sabay lingon kay Daryl.

Akala ko ay susugod si Daryl pero tumayo lang siya doon. Bumigat ang aking paghinga nang mabanggit niya si Dean, hindi ko makalimutan ang sinabi ni Mommy patungkol sa pambubogbog niya sa kapatid ko.

"Walang hiya ka!" sigaw ko sa kaniya.

"Masarap bang mapaglaruan ha? Gumaganti lang ako sainyo!" sigaw niya pabalik.

Mas maikuyom ko ang kamay ko, kaunti na lang Nade, he will open his dirty mouth, just a little more.

"Gumaganti? Sa akin? Inaano ba kita? Ni hindi kita kilala Eugene! Bigla kang sumulpot at nagpakilalang ama ng anak ko," mariin kong wika.

Nakita kong gumalaw ang kaniyang panga, sinubukan niyang tumayo pero nabigo siya. "Hindi ko naman kayo gustong madamay pero damay na kayo dahil sa putang inang lalaking iyan!" Nakita ko kung paano tumalsik ang laway niyang may dugo pa dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Simula nang dumating iyang Daryl na iyan ay nagka-leche-leche ang buhay ko! Babalikan na sana ako ni Dean, pero umiksena iyang lalaking iyan! Nang maging magkaibigan sila ay nakalimutan na niya ako! Nakalimutan na niya ang pangako niyang magbabalikan kami!" Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Nagawa kong lumingon kay Daryl na kunot din ang noo habang naka-kuyom ang mga palad. "What do you mean?" madiin tanong ni Daryl.

Tumawa si Eugene, sumugod ulit si Daryl at halos ibalibag sa pader ang kaniyang pinsan, inawat siya ng pulis pero hindi siya nagpapigil. Humagulgol si Sascha sa tabi ko, pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. I don't want to give him the satisfaction of my tears, I won't let him see me broken.

Si Travis ang nakapaghiwalay sa dalawa, tinulak niya sa dibdib si Daryl para lumayo.

Kaagad siyang hinawakan ni Sascha sa braso. "Daryl, calm down..." rinig kong wika niya.

Gusto ko na lang mapaluhod, kahit hindi deretsyuhin ni Eugene ay parang alam ko na.

"What do you mean?" si Travis ang nagtanong, kalmado ngunit madiin. Lumapit siya kay Eugene at sinakal ito sapat lang para umangat ang tingin sa kaniya. "Magsalita ka dahil naririndi na ako sa'yo, huwag mo kaming paikutin dahil baka leeg mo paikutin ko," madiin wika niya, may sinasabi ang pulis na isa kay Travis pero hindi nila siya pinipigilan. Hindi maka-alis si Eugene sa pagkakasal sa kaniya dahil nakaposas ang kaniyang mga kamay, nakita kong mas humigpit ang kamay ni Travis sa leeg nito. "Is Genvery, ex of Daryl and Dean, sister of Nade are the same? Is she?" kalmado niyang tanong pero kitang-kita ko humihigpit ang hawak niya.

"M-Mag s-sasalita na!  Fuck y-you!"

"Fuck you, too!"

"F-Fuck!

"Fuck you, one million!"

Halos umikot na ang mata ni Eugene doon, mariin akong napapikit. Ayoko ng ganito, I just want a normal life, bakit nangyayare 'to?

Nang dumilat ako ay nakabitaw na si Travis sa lalaki, pinupunasan na niya ang kamay niyang may dugo gamit ang isang panyo.

Sunod-sunod ang ubo ni Eugene habang nasa sahig.

Nang lingunin ko si Daryl ay nakayuko na lang siya at mabigat ang bawat paghinga.

Nang magtama ang mata namin ni Eugene ay akala ko'y magmamatigas pa siya pero napailing na lang siya saka sunod-sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mata.

"H-Hindi ko naman gustong sagasaan si Rev. Si Daryl ang gusto kong mawala pero biglang naglakad ang bata..." Umiiling-iling na wika niya.

Naramdaman kong inalalayaan ako ni Sascha para hindi matumba. "A-Ayos naman kami ni Dean. We're okay! Nag-aaway kami minsan pero mahal niya ako." Tumalim ang tingin niya at lumipat iyon kay Daryl. "Pero nang makilala niya iyan, isang gabi sinama ko siya sa party ay nabalewala na ako... Nagising na lang ako na mahal na niya ang lalaking iyan!" sigaw niya.

Pakiramdam ko ay gusto niyang sugurin si Daryl pero hawak na siya ng mga pulis.

Napahikbi ako. Iisang tao lang si Dean at Genvery? Paanong nangyari iyon?

Gusto kong isigaw iyon pero hikbi ang kumawala sa bibig ko. "Alam niyo kung anong masakit? Nilapitan niya lang ako dahil may cancer na siya, she just used me! She used me! Ang sabi niya ay babalikan niya ako pagkatapos ng plano namin pero hindi!" sigaw niya.

Umawang ang labi ko. "A-Anong plano?" tanong ko.

Ngumisi siya pero buo ng puot ang mukha na para bang nakikita niya sa akin ang aking kapatid.

"She badly want to have a baby... with that motherfucker, sabi niya bibigyan lang niya ng anak si Daryl at magbabalikan na kami at ako naman naniwala." Napailing siya animong pati siya ay disappointed sa ginawa niya.

"W-What happened? Paanong nadamay si Nade? Paanong ang sper---" hindi matuloy ni Daryl ang sinasabi niya, na meywang siya. "---Sperm ko ang ginamit ha? Pinagloloko mo ba kami? We had sex, nakita kong lumaki ang tiyan niya!" sigaw niya.

Sunod-sunod ang tulo ng luha ko.

Eugene chuckled. "Tingin mo may nangyari talaga sainyo? Bakit gising ka ba?" maangas na sabi ni Eugene. "We put something on your drinks, kaya ka nainitin..." Pinilit niyang tumayo, hinihingal pa siyang pinasadahan kami ng tingin. "Walang nangyari sainyo bobo! She just get your sperm! Siguro may mangyayari kung pwede siyang magbuntis pero bawal na rin dahil naggagamot na siya sa sakit niya..." masayang kwento niya na para bang isang pangbatang kwento iyon at kami ang kaniyang istudyanyte.

Narinig kong hinampas ni Daryl ang pader sa gilid, malulutong ang mura niya, sobrang sakit na ng ulo ko.

"A-At doon ako pumasok sa eksena? D-Dean asked for my help. S-Sa akin ininject ang---ang..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, napatakip ako sa aking bibig.

Sobrang sumisikip ang dibdib ko. Alam ba ni Dean na magkakilala kami ni Daryl? O nagkataon lang na ang lalaking minahal niya at gusto niyang bigyan ng anak ay ang lalaking mahal ko rin?

"Binggo!" sarkastikong wika ni Eugene, inikot niya ang kaniyang leeg. Tumunog pa ang buto niya roon.

"H-Hindi pwede, dalawa lang ang anak ko, sabi ni Dean kambal lang ang anak ko isang b-babae at lalaki," nahihirapan wika ko.

"At naniwala ka naman? Desperado na ang kapatid mo noon dahil sa gagong iyan!"

Mariin akong napapikit, unti-unting lumalatay sa aking isipan ang mga sinasabi niya. Kung ganon, Triplets ang anak ko at hindi kambal.

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Dean iyon lahat, paniguradong malaking mahalaga ang binayad niya sa sperm insemination.

Mas napahagulgol ako doon, bakit napalagpas ko iyon? Bakit ang dali ko maniwala noon? Dahil ba sa sobrang gusto kong matulungan ang kapatid ko ay nabulag na ako sa mga paliwanag niya?

Cesarean ako nanganak, nang magising ako ay si Isa na lang ang nandoon at wala na ang isa, ang dalawa pala.

Mas lumakas ang hikbi ko, nanuot ang galit sa dibdib ko. Gusto kong magalit sa aking kapatid pero pumayag naman ako doon, siguro ay pinilit niya ako pero pumayag pa rin ako.

Lumakas ang aking iyak lalo na nang ang malaking braso ni Daryl ang yumakap sa akin, idiniin niya ako sa kaniyang dibdib.

"Dapat ikaw na lang ang nawala dahil sampid ka lang naman sa pamilya namin! Anak ka lang sa labas! Hindi ko maintindihin bakit gusto ka ng lahat at pati babaeng mahal ko ay kinuha mo! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala si Genvery, nang mabigyan ka niya ng anak ay lumayo kami, sabi niya ay magbabagong buhay kami! Kakalimutan namin lahat pero anong ginawa niya? Iniwan niya ako, winakasan niya ang sarili niyang buhay para lang makawala sa akin, this is all your fault! While you have a sons, I'm miserable!" sigaw ni Eugene.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Wala akong alam doon kahit si Mommy, ang hiniling sa amin ni Dean ay tulungan ko lang pagkatapos non ay wala na. Nawala na siya.

Naging malabo na ang buong paligid sa akin, may sinasabi si Travis sa pulis habang si Sascha naman ay may tinawagan, sumisigaw pa si Eugene habang nilalabas siya ng mga pulis.

Nanatili akong nasa bisig ni Daryl habang umiiyak, paulit-ulit niyang hinahalikan ang aking sentido.

"I-I didn't know... I didn't know. A-Akala ko... fuck! Hindi ko nahalata, wala akong nahalata, noong nanganak siya ay kinuha ng magulang niya ang katawan niya, fuck! Hindi ko alam na buhay pa siya at nagtago lang at ang mga bata ay..." wika niya, hindi na niya iyon itinuloy, hindi ko alam kung ang malakas na tunog ng puso ay sa akin o sa kaniya.

Umiling ako habang tumutulo pa rin ang luha, mahapdi na ang aking mata at lalamunan. Mababaliw na ata ako.

Unti-unti kong napagtatagpi lahat. Si Genvery na dating kasintahan ni Eugene at Daryl ay si Dean din na aking kapatid. Nang muli kaming magkita ay nakaplano na talagang bibigyan niya ng anak si Daryl, at sa pamamagitan ko iyon.

Hindi ko alam, wala akong ideya na tatlo ang bata dahil sa mga buwan ng aking pagbubuntis ay si Dean ang umasikaso ng lahat. Sa ultrasound ay siya rin ang kinakausap ng Doctor at pinapalabas na ako, basta ang alam ko ay dalawa ang bata, sa akin ang isa at sa kaniya ang isa pa.

"I have a triplets..." bulong niya, pinirmi ang mukha sa aking pisngi. "This is the best birthday ever," mahinang wika niya, pakiramdam ko'y sarkastiko ang tono niya.

Hindi ako nagsalita, tahimik lang akong umiyak. Please, kung panaginip lang ang lahat ay gisingin na ako.

Nang humupa ang iyak ko ay dahan-dahan kong ikinalas ang kamay niya sa akin, bumagsak ang kaniyang balikat.

"Nade hindi ko alam," paliwanag niya.

Tumango ako at suminghap, alam ko.

Akmang hahawakan niya ang braso ko ay umatras ako sa kaniya, nakita ko kung paano bumagsa ang lungkot sa mata niya na namumula pa rin.

"Nade..." Hindi ko siya matingnan, ayoko muna ng kahit sino, gusto kong mapag-isa.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya, umiling siya. Pinunasan niya ang tumulong luha sa pisngi niya animong ayaw niyang ipikita iyon sa akin.

"Let's face this together huh?" paos na wika niya.

Umiling ako.

"P-Pwede bang lumayo ka na muna sa akin, let's forget w-what happened between us, hindi k-ko na ata kaya."

"Nade?"

Sabay kaming napalingon ni Daryl sa nagsalita sa pintuan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store