Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 31
Kabanata 31:
"Aba e kay gago pala n'yan, tanga ba iyang kasintahan mo Nade? Jusmiyo halos hindi ka na nga umuuwi para maalagaan siya sa ospital imbes magpasalamat e umasta ng ganon, kupal 'yan hiwalayan mo iyan!" nanggagalaiting wika ni Mommy nang matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari kung bakit gabing-gabi na ay pumunta pa kami sa bahay nila.
Wala naman kasi akong ibang mapuntahan at ayoko ng magulo ang ibang kaibigan ko.
Tumingin ako sa itaas ng bahay, kung saan ko natatanaw ang kwarto kung nasaan si Isaiah, mabuti at nakatulog na siya habang umiiyak.
Napabuntong-hininga ako, wala si Daddy para pakalmahin si Mommy dahil nasa Cagayan daw ito't ipinaglalaban sa mga kapatid ang lupa ni Lola.
Inismidan ako ni Mommy nang hindi ako umimik sa litanya niya.
"Aba e, kaya lang naman ako pumayag sa lalaking iyan kahit may anak na siya ay dahil anak siya ng kaibigan ko. Akala ko ay matinong lalaki iyan, parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Dean parehas gago ang nakuha!" aniya.
Dahil sa sinabi niya ay napalingon ako sa kaniya, nakuha na niya ang buong atensyon ko.
"K-Kilala niyo po ang ex ni Dean?" tanong ko.
Napangiwi siya, sandaling natahimik. "Oo, hindi man ganon kami katagal nagkasama ng ate mo ay may mga na-kwento pa rin siya sa akin. Alam mo bang 'yong kasintahan niya noong highschool ay sinasaktan siya, ano kasing pangalan ng gagong 'yon?" kausap niya sa sarili animong may inaaala. "Ah oo Eugene tarantado ang pangalan no'n. Kapag nakita ko ang hinayupak na 'yon puputulin ko ang pinagkaka-ingat-ingatan niyang small size hotdog! Pasalamat siya't hindi ko alam ang mukha at apelido niya kung hindi sinugod ko iyan at ako ang mananakit sa kaniya tingnan ko kung matuwa siya," walang pigil na wika ni Mommy sabay inom sa hawak niyang baso.
Napahilot ako sa aking sentido, pati kay Mommy sumasakit ang ulo ko.
"Mom, will you stop drinking? Lasing ka na, isusumbong kita kay Daddy," panakot ko pero natawa lang siya.
"Minsan lang naman 'to." Sandali kaming natahimik, tinitigan niya ako, napanguso ako doon. "Mahal mo ba talaga ang lalaking iyon?"
Nagulat ako sa seryosong tono niya, napabuntong-hininga ako.
"O-Opo," nautal na wika ko.
"Ang rupok mo, punyeta! Hindi ako ganyan noong kabataan ko, Daddy mo ang lumuluhod sa akin. Jusko anak, kanino ka ba nagmana!" histerikal na wika niya, lasing na talaga siya dahil walang humpay na ang mura niya.
"Hindi ko alam Mom. Galit ako sa ginawa niya pero galit din ako sa sarili ko kasi kahit anong kasalanan niya pakiramdam ko ay papakinggan ko pa rin siya," mahinang wika ko.
My mom tsk-ed. "Wala siyang respeto anak, hindi sa sinisiraan ko iyang si Daryl, ang totoo ay gusto ko siya kasi nakita ko kung paano ka niya tingnan at naiintindihan ko rin kung anong pinagdadaanan niya ngayon, pero syempre anak kita doon ako kung anong makakabuti sa'yo at ang tingin ko ay lumayo ka muna dyan sa lalaking iyan para makapag-isip-isip iyan! Nako, ganyan ang mga lalaki porket alam nilang mahal mo sila aabusuhin ka nako! Hindi kita pinalaking matalino para magpakatanga sa lalaki Grenade. Malaki ka na at may anak kaya hinahayaan na kita sa desisyon mo, pero isipin mo rin sarili mo huwag puro iba, sasampalin kita diyan e para magising ka," sunod-sunod na wika ni Mommy.
Napangiwi ako saka napatango na lang sa sinabi niya, lahat ng iyon ay tumatanim naman sa isip ko.
Sinermunan pa ako ni Mommy sandali, bago siya umakyat para matulog na.
Napasandal ako sa sofa at napatitig sa kisame, sinasaktan ni Eugene si Dean noon? Bakit parang base sa kwento naman ni Eugene ay mahal na mahal niya ang kapatid ko.
Alam ko naman walang perpektong relasyon pero sana matuto silang rumespeto sa babaeng pinili nila, katulad ng respeto ng babae sa kaniya.
Nasa gano'n akong posisyon nang tumunog ang aking cellphone, pasalamat na lang ako at nasa bag ito ni Isaiah.
My forehead creased when I saw Sascha's number. I answered her call quickly. My heart pounded so loud when I heard her sobs.
"S-Sascha are you okay?" I asked her nervously, ang daming senaryong pumasok sa isip ko at alin man doon ay ayokong mangyari.
Naka-ilang hikbi pa siya bago sumagot. "W-Where are you, N-Nade? Makakapunta ka ba sa ospital?" aniya.
Narinig ko sa background niya ang pagpapakalma sa kaniya ni Sir Travis. Halos mapatayo na ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
"N-Nasa bahay ako nila Mommy, may nangyari ba kay Daryl?" hindi ko maiwasan mag-alala.
Hindi maganda ang pag-uusap namin at saka hindi pa maayos ang lagay niya, baka kung ano na ang ginawa no'n.
"P-Please pumunta ka rito..." sinabi niya kung saan ospital. "R-Rev got an accident Nade! Nabangga siya ng kotse sa harap ng building nila. H-Hindi ko na alam ang gagawin ko rito, muntik ng m-mapatay ni D-Daryl sa presinto 'yong pinsan niyang nakabangga sa bata kung hindi lang siya inawat ni T-Travis baka napatay niya si E-Eugene. H-Hindi ko na alam, iyak nang iyak si Genesis kasama ko siya ngayon papunta na sila Tita. Please Nade, Daryl can't calm down. He's punching every wall here, hindi ko siya mapakalma. Please, pumunta ka kailangan ka niya," buong magmamaka-awa niya.
Hindi ko namalayan umiiyak na rin ako. Hindi na ako sumagot pa sa kaniya, mabilis kong sinabihan si Manang na aalis ako at tumawag ng taxi sa labas ng village habang nagbibihis ako.
Pakiramdam ko ay lutang na lutang ako habang naka-sakay sa taxi papunta sa ospital.
Oh my God, please save Revelation.
Mariin akong napapikit habang nananalangin, hindi ko ata makakayang makita siyang nababalot sa dugo.
Kinilabutan ako sa sariling naisip.
Nang makarating ako sa ER ng ospital ay naabutan kong yakap-yakap ni Sascha si Genesis, kaagad ko silang nilapitan.
Nagulat si Gen nang makita ako pero sa huli'y niyakap niya ako't umiyak sa aking balikat. "Mommy Nade, si R-Rev ayoko siyang mamatay, ayoko siyang mawala... Sabihin mo sa Doctor pagalingin nila ang kapatid ko Mommy Nade, madami kaming pera." Umiiyak na wika niya, hinimas ko ang kaniyang likod.
Niyakap ako ni Sascha. "Nade si Rev, parang anak ko na siya, hindi ko kakayanin kapag nawala siya," bulong niya sa akin habang hinihimas naman ni Travis ang likod niya.
Pinunasan ko ang luha ko nang maghiwalay kami. Hindi ako dapat umiyak, mabubuhay si Revelation malakas siyang bata.
Tumayo ako at nilingon ang lalaking naka-dukmo sa gilid habang nakasandal sa pintuan ng ER. Ang kaniyang mga siko ay nakapatong sa kaniyang tuhod.
Dahan-dahan akong lumapit kay Daryl, nang makatapat ako sa kaniya ay lumuhod ako harapan niya.
Hindi ako nagsalita at basta niyakap na lang siya habang parang batang naka-baluktot siya doon at puro dugo ang damit at kamay.
Nanginig ang ibabang labi ko nang ang mahihinang hikbi ni Daryl sa balikat ko ay nauwi sa malalakas na iyak. Walang pagtatago, basta umiyak siya sa balikat ko. He didn't need to say a word anymore because I knew very well how hurt he is right now.
"N-Nade, 'yung anak ko," paulit-ulit na wika niya sa akin.
Tahimik akong umiyak habang yakap-yakap siya, hinimas ko ang basa niyang likod.
Ang dugo sa kaniyang kamay ay hindi ko na alam kung saan nagmula, kung galing ba kay Rev o sariling dugo na niya dahil sa pagsusuntok niya sa pader para ilabas ang galit.
Hinalikan ko ang kaniyang noo.
"E-Everything we'll be alright. Gagaling si Rev, malakas siya hindi ba?"
Ramdam na ramdam kong basang-basa na ang aking damit dahil sa kaniya. "He's mad at me, galit siya sa akin bago siya masagasaan. Fuck! I saw his little body crashed to a fucking car. Kitang-kita ko kung paano siya pumailalim sa kotse N-Nade," kwento niya sa akin habang nasa ganon pa rin.
Mariin akong pumikit dahil ayokong maisip iyon, ngayon pa lang ay nanginginig na ako paano pa kapag nakita ko iyon mismo sa harap ko.
Napadilat ako ng biglang bumukas ang pintuan, kaagad kaming napatayo. Tinulungan ko siyang punasan ang basang-basa niyang mukha, naramdaman kong lumapit din si Sascha at Travis habang karga si Gen.
"D-Doc how's my son? Okay na ba siya?" kinakabahan wika ni Daryl.
Tumikhim ang Doctor, halatang nagmamadali. Sinubukan kong sumilip sa loob at madami sila doon mas lalo akong kinabahan dahil ganoon ba ka-grabe ang tinamo ni Rev?
"The patient is stable now..." Nakahinga ako ng maluwag doon pero kaagad din nawala nang magsalita ulit ang Doctor. "...but we need to transfer a blood to the patient, masiyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya at kailangan iyon mapalitan."
"Get all my blood." Inilahad pa ni Daryl ang kaniyang braso, napa-iling ang Doctor sa ginawa ni Daryl.
"You also losing a blood, Sir. Mas mabuti pa ay kumalma muna kayo para ma-test kayo kung parehas kayo ng anak niyo."
Tumango si Daryl, pinipilit kumalma pero kita kong nanginginig ang kamay niya.
Pumasok ulit ang Doctor sa loob, hinawakan ko ang kamay ni Daryl. "See? Ayos na si Rev, kailangan na lang niya masalinan ng dugo."
Tumango siya at bahagyang pinisil ang kamay ko.
MABILIS lumipas ang oras, dumating ang ate ni Daryl at inuwi si Genesis, ang ina ni Daryl naman ay umiiyak sa gilid habang inaalo na ni Sascha, may kausap naman sa telepono si Travis.
Hindi ko alam kung anong oras na.
Napalingon ako kay Daryl, hindi siya nakuhanan ng dugo dahil sobra siyang kabado at ayaw kumalma ng katawan niya dagdag pa madami na rin dugo ang nawala sa kaniya.
Nabendahan na rin ang kaniyang kamay.
Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko sa pagod, kita kong bahagyang ginagalaw niya ang kaniyang paa tanda na kinakabahan siya.
Hindi na niya binitawan ang kamay ko simula kanina, paminsan-minsan ay hinahalikan niya iyon para bang doon kumukuha ng lakas.
Ilang beses ko siyang nakitang pumikit, pakiramdam ko'y nagdadasal siya.
Dahil hindi siya nakapag-donate ay kaming tatlo nila Sascha at Travis ang nagpa-test kung pwede.
Nang lumabas ang nurse ay sabay-sabay kaming napatayo, sinalubong niya kami ng isang ngiti kaya nakahinga ako ng maluwag.
May nag match ba sa amin? Pwede na kaming mag donate?
"Sino po si Ma'am Grenade?" tanong ng nurse na may hawak na papel.
"Ako po, match po ba?" kinakabahang wika ka.
Ngumiti ang nurse. "Opo Ma'am, mabuti at kahit hindi nakuhanan si Daddy ay ikaw ang compatible Mommy."
"Uhm, mabuti naman po kasi hindi ko po kamag-anak ang bata, uhm akala ko magkakaruon ng problema at uhm..." hindi ko alam ang iduduktong ko.
Kumunot ang kaniyang noo, bahagyang ngumuso sa hawak na papel parang naguguluhan.
"But you're blood is 99% match to the patient..." medyo nag-aalinlangan basa niya sa dalang papel.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, gets ko ang sinabi niya pero parang ayaw pumasok sa isip ko. Narinig kong napamura si Travis sa likod at ang pagsinghap ni Sascha.
"W-What do you mean, N-Nurse?" I gasped, sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
"That you are the biological mother, Ma'am right?" patanong niyang anunsyo.
Nanlaki ang aking mata, nagkatinginan kami ni Daryl naka-awang din ang labi niya. Napahawak ako sa kaniyang braso kasabay ng pagdilim ng paligid.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store