Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 30
Kabanata 30:
Three days after Daryl discharged to the hospital, tomorrow will be his thirty two birthday. We planned a simple dinner for him with our friends. Hanggang ngayon ay wala pa
rin akong naisip na ireregalo sa kaniya, maybe I'll asked Sascha.
Umakyat ako sa second floor ng apartment ni Ate Angel. Dalawa lang ang kwarto rito, isang dating kwarto ni ate Angel at guest room kaya naman magkakasama sa isang kwarto ang tatlong bata pero hiwalay ng kama.
Kunot ang aking noo habang naglalakad dahil pagkatapos ng dinner ay nawala na silang apat.
Habang papalapit ako sa kwarto ng mga bata ay lumakas ang mga boses, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para tingnan kung anong ginagawa nila.
My heart felt warm of the view, my Isaiah is hugging Daryl while he's reading something. Ang kambal naman ay nasa kama rin, si Genesis ay nakapalumbaba habang nakadapa at nakikinig sa ama habang si Rev ay nakasandal sa headboard katulad ng upo ni Daryl.
Parang may humaplos sa akin sa tagpong iyon. Sa halos ilang buwan namin magkasintahan ay hindi ko naramdaman iba sa kaniya ang anak ko, na kung anong turing niya sa mga anak niya ay ganon din kay Isaiah.
Noon, natatakot pa ako at isa iyon sa mga pumipigil sa akin ituloy ang nararamdaman ko kay Daryl. Maybe I watched movie too much, 'yung mga stepfather na pinagmamalupitan ang anak ng asawa nila dahil hindi sa kanila. Iyon ang kinakatakot ko noon na makipagrelasyon sa iba, natatakot akong masaktan ang anak ko para lang sumaya ako, ayoko 'yon.
Humilig ako sa pader sa gilid ng pinto upang pakinggang ang usapan nila.
"Tito Daddy, next question na!" excited na wika ni Isa.
Narinig kong tumawa si Daryl. "Okay, next... A ______ is anything that can change the state of motion of an object."
Kumunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila. Law of motion? The heck? Grade two pa lang ang mga iyan e napag-aralan namin iyan noong highschool na ata ako.
"Force!" sabay na sigaw ng tatlo.
"Very good. Eh ito, give an example of a force in physics."
"Ako! Ako!" narinig kong sigaw ni Isaiah. "Kicking a ball."
"Pushing a key on a keyboard!" sagot ni Gen.
"Gravity!" segunda ni Rev.
Tumaas ang sulok ng aking labi. Hmm, nice.
Hindi ko na sila pinatapos, pumasok ako sa kwarto at sabay-sabay silang napalingon sa akin. Ngumiti si Daryl sa akin, umupo naman ako sa kama. "Mukhang nag-aaral ang mag-aama ko ah," puna ko.
Kaagad yumakap sa beywang ko si Revelation samantalang umunan naman sa hita ko si Genesis. Hindi naman umalis si Isa kay Daryl kaya natawa ako, mukhang mas gusto niya talaga si Daryl kaysa sa akin e.
"Mommy, I want my books kaso nasunog na po sila," biglang wika ni Genesis habang nakatingala sa akin.
"Me too, I miss my things," sabi ni Rev.
Nagkatinginan kami ni Daryl, tumikhim ako. "Ibibili ko na lang kayo ah?"
Natuwa silang dalawa, hindi na ulit ako makatingin kay Daryl dahil alam ko na ang iniisip niya. Nasunog ang lahat ng gamit sa bahay at iilan lang ang mapapakinabangan doon, ilang buwan na rin nahinto sa pagta-trabaho si Daryl, ako ang umaasikaso ng mga transaction niya dahil may apruba naman niya at siya ang mga pumipirma kapag may kailangan.
Ayoko sana i-open ang tungkol doon sa kaniya ngayon, ayoko ko kasi siyang mag-isip.
Nang makatulog ang mga bata ay naligo na ako para makatulog na rin dahil maaga kaming gigising bukas. Nang makalabas ako ng banyo ay naabutan ko si Daryl na naka-upo sa gilid ng kama, tahip-tahip ang kaba sa aking dibdib ng makitang hawak niya ang aking bag.
Mabilis akong lumapit.
"D-Daryl..."
Blankong mukhang nag-angat siya ng tingin sa akin. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" tanong niya.
Kinagat ko ang aking ibabang labi saka umupo sa kama, katabi niya. I don't want to talk about this, I don't want to open this issue, not now.
"Wala ka ng pera?" malamig na tanong niya.
"M-Meron pa!"
Umiling siya at hindi naniniwala, nanuyo ang aking lalamunan ng ilabas niya ang maliit na notebook ko doon.
"Pinapaluwan mo lahat ng ginagastos ko sa ospital," mahinang wika niya. "Hindi nagbibigay si Mommy at Ate kasi akala nila na pera ko ang ginagastos mo, I check my account walang bawas. I gave my account to you bakit hindi mo binubuksan? Bakit sariling pera mo ang ginagastos mo, Nade?" frustrated na tanong niya.
Suminghap ako. "A-Ayos lang naman, m-mababawi ko naman iyon."
"Nade don't do this! Don't insult me!" sigaw niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi iyon ang intensyon ko kaya ginawa ko iyon. I just want to help him, bakit parang kasalanan ko pa?
"H-Hindi ganon Daryl! Matagal pa bago ka makapagtrabaho ulit kaya sinave ko ang pera kung sakaling..." hindi ko natapos ang aking sasabihin nang magsalita siya.
"And that's the problem, pinapangunahan mo ako!"
Umawang ang aking labi sa sinabi niya, hindi ako makapagsalita sa biglaan pagbabago ng mood niya.
"May pera ako! Hindi ako palamunin! Hindi ako pabigat! Ako ang lalaki dapat ako ang nagbibigay sa'yo hindi ikaw!" Napatayo siya at lumayo sa akin saka siya namewang.
Sobrang bigat ng dibdib ko, gustong mangilid ng aking luha pero parang ayaw tanggapin ng isip ko ang mga sinabi niya.
Mali ba 'yon? Boyfriend ko naman siya, hindi ko gustong mainsulto siya. Malayo iyon sa intensyon ko.
Mali ba ang ginawa ko? Ayoko lang naman siyang mahirapan. Napatayo na rin ako. "Huwag mo akong sisigawan Daryl, hindi mo ba naiintindihan ginawa ko iyon para sa'yo ginawa ko iyon para sainyo ng mga bata nag-aaral ang mga anak mo! Saan ka kukuha ng pera ha?!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Wala kang pakielam dahil anak ko iyon!" Umawang ang labi ko sa sinabi niya.
Tuluyan nangilid ang aking luha sa aking mga mata, sisigawan ko sana siya pabalik nang narinig ko ang hikbi ni Isaiah galing sa pintuan. Gulat akong nakatingin doon.
"M-Mama bakit kayo nag-aaway?" Humihikbing aniya, kasama niya ang kambal.
"Bumalik kayo sa kwarto niyo Rev nag-uusap kami ni Tita Nade," sabi ni Daryl sa matigas na boses, galit siya at nanginginig ang kamay niya.
Natakot ako para sa mga bata, matalim niyang tiningnan ang mga anak na mukhang nagulat sa pagtaas ng boses niya.
"Back to your room!" sigaw niya.
Halos mapatalon ang tatlo, kaagad ko siyang tinulak, hinarang ko ang katawan sa mga bata. "Huwag mo sisigawan ang mga bata! Napapano ka ba ha?!"
Narinig akong pag-alis nila, tumakbo sila papunta sa kanilang kwarto sigurado akong natatakot sila sa kanilang ama. Akala ko'y wala na silang tatlo sa likod ko pero naiwan pala si Isaiah, niyakap niya ako mula sa likod. "Isaiah, pumunta ka na sa kwarto mo," utos ko sa kaniya habang matalim ang tingin kay Daryl.
"M-Mama, ayoko."
Tumingila si Daryl habang nakapameywang, natawa siya.
"Eh kanino pa ba magmamana ng katigasan ng ulo iyan, edi sa ama niya," agarang sabi niya.
Laglag ang panga ko doon, parang may pumiga sa puso ko sa sinabi niya sa anak ko. "Huwag mong gaganyanin ang anak ko, Daryl."
"Why? Totoo naman. Ang mga anak ko, kaya kong pasunudin. Madaling pagsabihan, eh iyan?" duro niya sa likod ko.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinampal siya. Nanginginig ang kamay ko doon. Pwede niya akong pagtaasan ng boses pero huwag ang anak ko, baka makalimutan kong mahal ko siya.
Narinig kong mas lumakas ang iyak ni Isaiah sa aking likuran. Napayuko ako dahil parang sinasaksak ang puso ko sa mga binitawan niyang salita.
Napailing ako, I'm so disappointed Daryl.
Lumapit ako sa aking anak, nanginginig ang kaniyang ibabang labi nagtatago sa katawan ko parang natatakot magpakita kay Daryl.
"Go to your room, get your bag," sandali pa akong tinitigan ni Isaiah habang umiiyak bago sumunod.
Nang makalayo siya ay humarap ako kay Daryl, pinunasan ko ang aking luha. Seryoso naman ang kaniyang mata, walang pagsisisi akong nakita doon.
"You know what Daryl? I'm regretting falling in love with you." Nakita kong kumurap siya doon, natawa ako habang tumutulo ang aking luha na mabilis kong pinupunasan. "A-Ayos lang sa akin sigaw-sigawan mo ako, kasi naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Kahit sa ospital, ilang beses mo akong tinulak palayo, ilang beses mo sinabing ayaw mo sa akin ay nanatili ako. Ayokong manumbat pero mukhang sarado ang isip mo, I don't know what happened to my Daryl." Umiling ako.
"Lahat ng ginagawa ko para sa'yo, sinakripisyo ko ang trabaho ko para sa'yo, lahat iyon para sa inyo, ganon kita kamahal e. Tinatanggap ko lahat pero 'yung ganunin mo ang anak ko, hindi ko kaya. Ibang-iba ka na ih, akala mo hindi ako nahihirapan ha? Why you're so selfish Daryl? Puro sarili mo! Sarili mo ang iniisip mo! God knows how much I wanted to stay with you, pero pakiramdam ko hindi ako ang kailangan mo." Napahikbi ako, gulat naman siyang nakatingin sa akin parang natatauhan na. "No one will help you, except yourself. Ayusin mo muna ang sarili mo, Daryl. Maybe you love me but you're still not ready for commitment."
"Nade, w-what do you mean?" Humakbang siya para lumapit pero humakbang din ako palayo.
Kahit anong punas ko sa aking luha ay ayaw nitong tumigil, na para bang lahat ng inipon kong sama ng loob ay nandoon dumadaloy.
"Maghiwalay na tayo, ayoko na. Nakakapagod ka pa lang mahalin."
Mabilis ko siyang tinalikuran, nakasalubong ko ang tatlong bata, kinuha ko kay Isaiah ang bag niya para makaalis na kami.
Nanginig ang bibig ni Genesis, yumakap sa beywang ko habang si Rev naman ay kinagat ang ibabang labi parang pinipigilan umiyak kaya mas lalo akong napaiyak sa itsura nila.
"Mommy Nade, h-huwag mo kaming iwan, sasama na lang kami!" iyak ni Gen habang mahigpit ang yakap sa akin.
Lumuhod ako upang magpantay sa kanila.
Sinapo ko ang mukha niya. "Aalis na muna kami ha? Dito lang kayo sa Daddy niyo kailangan niya kayo," wika ko sa kanila.
Tumalim ang tingin ni Rev sa akin.."Y-You said you will never leave us! Nangako ka! Nangako ka 'di ba?!" sigaw niya.
Niyakap ko silang dalawa.
Nang makatayo ako ay kaagad kong hiwakan si Isaiah, hinila ko paalis sa bahay na iyon. Narinig kong tinatawag ako ng kambal pero masyado na rin akong nasasaktan na kahit gusto ko manatili ay kailangan kong umalis habang may natitira pa ako para sa sarili ko.
Nang sumakay kami sa elevator ay nakita kong humahabol ang kambal, napatakip ako sa bibig ng sumara iyon at hindi sila naka-abot.
"M-Mama h-huwag na tayo umalis, k-kawawa naman sila kuya Rev." Umiiyak na wika ni Isa, hinimas ko ang kaniyang likod.
Nang makababa kami sa building ay kaagad akong pumara ng taxi. Sinakay ko si Isaiah, bago ako makasakay ay nahawakan ni Daryl ang braso ko, hinihingal siya habang mapula ang mukha, hindi ko alam kung tumakbo siya o ano.
"N-Nade baby I'm s-sorry, h-huwag na kayo umalis ni I-Isa please, nabigla lang ako." Binawi ko ang braso ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang pintuan ng taxi para hindi ko iyon maisara, sinilip niya ang aking anak sa loob na sumiksik sa gilid nang makita siya, nakita kong nasaktan siya sa inasta ng anak ko pero nawalan na ako ng pakielam.
"Isaiah baby, come on baba ka na rito, hindi na kayo aalis ni Mama," malambing na aniya.
Napatingin ako sa bungad ng building, tumatakbo ang kambal na papunta sa amin. Mariin akong pumikit bago ko buong lakas na itinulak si Daryl dahilan para mabitawan niya ang hawak sa pintuan.
Mabilis ko iyon isinara. "Kuya, alis na tayo!" kinakabahan wika ko sa driver habang hinahampas ni Daryl ang pintuan.
Napatakip ako ng bibig at niyakap na lang ang anak ko habang lumalayo ang taxi namin.
Nang lingunin ko sila sa likod ay nakita kong sinusuntok ni Rev at Genesis si Daryl sa tiyan habang sumisigaw sila animong sinisisi nila ang ama sa nangyayari, nakatingin lang si Daryl sa papalayong sasakyan namin.
Mariin akong pumikit. Please, be okay for yourself. I'm tired of being selfless.
**
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store