ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 25

SaviorKitty

Music for this chapter:
Surrender by Natalie Taylor

Kabanata 25:

NANG bumalik ang aking malay ay tunog ng air-conditioner kaagad ang aking narinig, sinubukan kong idilat ang aking mata at bahagya pang napa-kunot ang aking noo dahil sa liwanag na tumama sa aking mukha.

Ilang beses akong kumurap, mabigat ang talukap ng aking mata.

Umawang ang aking labi upang maka-hinga ng maluwag, pakiramdam ko'y tuyong-tuyo ang aking lalamunan at labi.

My gaze swivelled over my white bed, the white walls, metal table and plain sofa.

Nasan ba ako? Anong nangyari?

Pakiramdam ko'y umiikot ang aking paningin, medyo malabo pa.  Ibinaling ko ang aking ulo sa kanan, may ilang aparato doon at lamesa. Unti-unting lumilinaw sa akin ang buong kwarto.

Nasa ospital ako?

"Nade! Thanks God you're awake!" Napatingin ako sa nagsalita, si Sascha iyon na kakapasok pa lang sa kwarto kung nasaan ako, kaagad niyang binaba ang dalang plastic sa lamesa saka ako dinaluhan. "Nade, may masakit ba?" tanong niya na buong pag-aalala.

Tumikhim muna ako dahil nahihirapan ako bumuo ng salita. "N-Nauuhaw ako."

"T-Teka kukuha ako ng tubig."

I closed my eyes tightly as I listened to what she is doing. After seconds, I feel her beside my bed, she tapped my hand softly. "Tulog ka ba ulit, Nade? Ito na ang tubig mo," aniya.

Dumilat ako, inalalayan naman niya akong uminom. Napatitig ako sa kisame, ang sakit ng ulo ko. Punyeta.

Gusto ko sanang pumikit ulit at matulog pero parang kidlat na bumalik sa akin ang ala-ala kung bakit ako nasa ospital.

"Y-Yung mga bata? Nasan ang mga bata? Okay lang ba sila? Nakalabas si Rev hindi ba?" I asked her nervously and forced myself to sit on the bed, she quickly grabbed my shoulder to stop me.

Nangilid ang aking luha doon. Bakit ba niya ako pinipigilan? Gusto ko lang makita ang mga bata.

"Nade, ayos lang ang mga bata nasa bahay sila ng lola nila kasama ang asawa ko. Nade thank you so much for saving Gen and Rev, hindi mo alam kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa'yo para sa mga batang iyon. They want to see too, kaya magpagaling ka kaagad. Huwag ka na muna tumayo o gumalaw hindi pa magaling ang paa mo," nag-aalalang wika niya.

Bahagya akong naka-hinga ng maluwag dahil sa sinabi niya pero kaagad din natigilan.

Because of what she said, I looked at my feet. I gasped when I remember something, there was a metal stick on my legs before I lost my conscious.

Pilit kong ginalaw ang aking kaliwang binti, wala akong maramdaman. Nagtatakang tumingin ako kay Sascha. "M-Makaka-lakad pa naman ako hindi ba?" kinakabahan tanong ko sa kaniya, iyon kaagad ang una kong naisip.

She nodded. "Oo naman Nade, madaming anesthesia ang ginamit sa'yo kaya siguro hanggang ngayon ay hindi mo pa mararamdaman ang sakit. Maswerte ka't hindi sa buto mo tumagos ang bakal, sa laman lang," mahinahong wika niya, hinimas niya ang aking braso.

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad.

I inhaled to relax my mind. Thanks God I'm still alive.

"Ilang oras akong tulog?" mahinang tanong ko habang tinititigan ang paa kong may cast. Kita kong may ilang pasa, paso at sugat ako sa iba't-ibang parte ng katawan pero hindi ko naman maramdaman.

She sighed. "Magdalawang araw na. Sobrang napagod kasi ang katawan mo kaya wala kang malay ng madaming oras."

Hindi ako nakapag-salita.

"D-Dadating ang magulang mo mamaya after lunch. Umuwi lang sila para magpalit ng damit, si Kevin at Lisa naman ay nasa kabilang kwarto," aniya.

Kaagad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "K-Kabilang kwarto? Bakit? Sinong nasa kabilang kwarto Sascha?" disperadong wika ko.

Kinagat niya ang ibabang labi.

"Magpahinga ka na muna, Nade. Tatawagin ko ang nurse mo para sabihin gising ka na. Nag-iwas tingin siya sa akin at akmang tatalikod ay hinawakan ko ang kaniyang braso.

"Cha, s-sino nasa kabilang kwarto?" kinakabahan tanong ko.

Nagbaba siya ng tingin, ang kaniyang mata ay unti-unting namula tanda na maiiyak na siya at mas lalo akong kinabahan doon. "S-Si D-Daryl..."

Napailing ako.

Malabong mangyari 'yon, wala siya bahay nang mangyari ang sunog. Maraming pumasok na senaryo sa isip ko. Naaksidente ba siya habang nagda-drive? Nakipagsuntukan at nabugbog siya? Baka naman ilaklak niya ang lahat ng alak.

Hindi ko maiwasan mapapikit at hawak sa batok ko sa sobrang dami ng iniisip ko, dagdag pa na naalala ko ang huling pag-uusap namin bago ang akisendente.

Sumikip ang dibdib ko dahil doon.

"I-I want to see him. Gising na ba siya? Ano bang nangyari sa kaniya Sascha? May baling buto ba siya?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling-iling siya, hindi pa rin ako matingnan. "M-Magpahinga ka na muna, hindi pa sapat ang pahinga mo." She glanced up to the ceiling.

Mabilis kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin, kahit nahihirapan ay babangon talaga ako.

"Nade!" gulat na wika niya.

"Please. I just want to make sure that he's okay, please Sascha dalhin mo sa kaniya, nakiki-usap ako hindi ako mapapakali rito," I said desperately.

Sandali pa niya akong tinitigan, tanging awa lang ang nakikita ko sa kaniyang mukha tapos ay tumango siya.

Umalis siya sandali at pagkabalik niya'y may dala na siyang wheel chair at may kasama siyang isang nurse. "Sandali lang tayo Nade, bukod sa kailangan mo pang magpahinga ay bawal ng madaming bisita si Daryl, bawal ka pang bumangon-bangon baka bumukas ang sugat mo sa hita."

Tumango ako sa sinabi niya kahit wala akong naiintindihan na. Inalalayan ako ng kasama niyang nurse na ma-upo at maka-lipat sa wheel chair.

Hindi masakit ang paa ko dahil nga wala naman ako maramdaman doon pero pakiramdam ko'y kapag nawala ang gamot ay lahat ng kirot ay mararamdaman ko doon.

Mahigpit ang hawak ko sa aking hospital gown nang buksan ni Sascha ang pintuan ng isang kwarto malapit sa kwarto ko.

Kaagad tumuon ang mata ko kila Kevin at Lisa na nasa sofa, gulat ang kanilang mukha nang makita ako ngumiti sila pero hindi ko iyon nasuklian.

My eyes searched for Daryl, I covered my mouth because of what I saw. My tears flowed for him, I do not know why I suddenly feel weak, I just wanted to run out this room. I can't take this.

"H-Hindi pwede..." I whispered while shaking my head.

Tinulak ni Sascha ang wheel chair ko hanggang makalapit sa gilid ng kama ni Daryl.

My heart pounded so loud, nanginginig na tinitigan ko siyang payapang nakahiga sa kaniyang kakaibang kama, hindi katulad ng sa akin at kitang-kita ko kung bakit.

"N-No! Hindi 'to pwede..." My lips trembled.

"Nade." Nilingon ko si Sascha na nasa gilid ko na, hindi ko alam kung alam nila ang namamagitan sa amin ni Daryl ngayon.

Lumapit na rin sa amin si Kevin at Lisa, hindi sila maka-tingin ng deretsyo.

I don't need their pity, Daryl don't need that.

"A-Anong nangyari sa k-kaniya?" My chest felt so heavy. I tried not to stammered but I failed. Tears rolling down on my cheek.

Gusto ko siyang hawakan pero natatakot akong masaktan ko siya, baka hindi pwede.

"H-Hindi mo ba naaalala kung paano ka nakalabas sa bahay?" Umiling-iling ako habang hindi makapaniwalang nakatitig sa walang malay na si Daryl. "Daryl came. Malaki na ang apoy. H-He entered to save you." Tuluyan siyang napahagulgol, narinig ko ang mahihinang hikbi rin ni Lisa habang ako ay tahimik na tumutulo ang luha habang nakatingin sa kaniya.

"He managed to save you, but half of his body damaged by the fire. He got burned," kwento niya habang umiiyak.

Itinulak ko ang wheel ko para mas makalapit sa kaniya. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"M-Maswerte ka't pataas ang apoy kaya hindi ka nasunog, s-sabi ng pulisya. N-Nang dumating si Daryl ay sobrang lakas na ng apoy at wala pang bumbero, pinasok niya ang bahay kahit natutupok na. M-Makakalabas na raw sana kayo p-pero sabi ng kapit bahay nakarinig sila ng pagsabog sa loob. S-Sabi ng pulis, pumutok na 'yong kuryente at ibang gamit sa loob. N-Nagawa pa ni Daryl na mailabas kayong d-dalawa ang kaso nasusunog na ang k-katawan niya h-habang yakap ka ni hindi man lang niya naramdaman, nang dumating kami ay sinasakay na k-kayo sa ambulansya."

Tuluyan akong napahagulgol sa sinabi niya, wala akong naaalalang dumating siya, wala akong naaalalang sumabog.

Mariin akong pumikit bago tingnan si Daryl.

Wala siyang buhok, sunog ang anit niya, pababa sa kalahati ng mukha, sa braso, dibdib at pababa pa. Wala siyang suot na madaming damit halos maliit na tela lang para tumakip sa pribadong parte niya kaya kitang-kita ko kung gaanong pinsala ng apoy sa katawan niya. Tinitingnan ko pa lang iyon ay para na akong mahihimatay sa sakit.

Hindi ako makapaniwala.

His face, arm and other parts of his body are disfigured. Mapupula at namamaga pa, halos sira ang buong balat katawan niya.

Hindi ko maiwasan napatakip sa aking bibig, natatakot akong baka marinig niya ang iyak ko.

Daryl, baby are you okay? Are you hurt? Can you hear me?

Gusto ko sanang sabihin iyon pero hikbi lang ang lumabas sa akin. May sinabi ang nurse at si Sascha pero hindi ko magawang bumitaw sa kaniya.

Nasa gitna ako ng pag-iyak ng maramdaman kong bahagyang gumalaw ang kaniyang hintuturo sa kamay ko.

Nanlalaking mata napatingin ako sa kaniyang mukha.

"D-Daryl?" tawag ko sa kaniya, halos mapatayo na ako ng humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"W-Why a-are you c-crying—ba-baby are y-you o-okay?"

**

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store